Tahimik lang kami sa loob ng kotse n’ya buong byahe namin, dinala n’ya ko sa isang malapit na ospital upang magamot daw yung mga galos ko. Tumanggi pa ‘ko no’ng una ngunit sinamaan n’ya lang ako ng tingin kaya pumayag na lang din ako sa huli. Pagkatapos kong magamot ay dumiretso naman kami sa istasyon ng pulis kung saan dinala ‘yong nagtangka sa ‘kin kanina. Hiningan lang nila ako ng pahayag tungkol sa nangyari at maaari na daw akong umalis, mag-aapila pa sana ako na gusto kong makasuhan ang mamang ‘yon ngunit inunahan na ako ng estrangherong tumulong sakin.
“Make sure to rot that bastard in jail. I want to file an attempted rape and serious physical injury to him.”
“Noted sir. Makaka-asa po kayo sa ‘min. Oh! Dalhin n’yo ‘yan sa kulungan at wag n’yo hayaang makatakas ‘yan!”
Dinala na no’ng ibang pulis yung mama at tinanguan lang nitong estranghero ang hepe ng mga pulis bago kami umalis. Siguro may kapit dito ang lalaking ‘to, ang dali lang n’ya kausapin ang hepe eh. Paglabas ko ay hawak n’ya ko sa may siko, aalisin ko sana ito ngunit humigpit ang pagkakahawak n’ya.
“Sandali! Uhm, sandali lang po. San nyo po ako dadalhin?” apila ko.
“Ihahatid na kita. Delikadong mag taxi pagganitong oras na, ‘di ka pa ba nadadala? Sabihin mo na lang sa ‘kin ang address mo at ihahatid na kita doon.”
“U—huh?” nalilitong napatingin ako sa kanya.
“Ayokong inuulit ang sinasabi ko.”
Ang sungit! Pero pa’no n’ya ako ihahatid eh wala naman na akong matitirahan?
“Ah, kasi d-di ko alam? Ang ibig ko sabihin ay wala akong matitirhan,” sabay kamot ko sa noo, “uh… ang totoo kasi n’yan pinalayas ako samin kaya maghahanap pa ‘ko ng matutuluyan pansamantala. Sige, mauna na ‘ko.”
Tumalikod na ‘ko at nag-umpisang maglakad ng bigla n’yang hablutin ang kamay ko. Nagitla ako sa biglaang paghablot n’ya sa ‘kin kaya mabilis kong hinaklit ang kamay ko pabalik. Tumingin ako sa kanya ng may pagtataka at pangamba. Baka may hingin s’yang kapalit sa pagtulong nya sakin o ‘di kaya’y s’ya naman ang manamantala sa’kin.
“B-bakit?” tanong ko.
“Kung wala kang matutuluyan do’n ka na muna sa bahay ko, ipagpabukas mo na ang paghahanap dahil masyado nang malalim ang gabi at delikado kong maghahanap ka pa ngayon,” saad niya.
Mababakas sa boses n’ya ang awtodaridad at pinalidad nito. Ang tikas n’ya ay nagsasabing dapat mo talagang sundin ang bawat sinasabi n’ya at sa bawat pagbigkas n’ya ng mga letra ay s’yang pag-igting ng kanyang panga. Ang noo n’yang tila palaging naka kunot at mga matang palaging seryoso o ‘di kaya’y blanko ay nagbibigay sa kanya ng nakakatakot na awra at nakaka-akit na dating. Para s’yang isang modelo na lumabas sa isang magazine upang mas ipagmayabang ang kanyang kagandahan.
“Eh? Naku wag na po! Masyado ng nakakahiya at nakaka-abala sa iyo, at tsaka baka iba ang isipin ng asawa mo sa inyo at nag-uwi ka ng babae sa pamamahay n’yo,” tanggi ko sa alok n’ya.
Umigting bahagya ang kanyang panga at lalong kumunot ang kanyang noo at ang kilay nya’y malapit ng magtagpo. Umawang ang kanyang bibig na tila may gustong sasabihin ngunit agaran n’ya rin itong tinikom at tumikhim.
“Kung ayaw mo sa suhistyon ko ay wala na ‘kong magagawa roon. Mag-ingat ka at maraming loko-loko sa lugar na ‘to. Maybe next time no will going to save you.”
Ito na ata ang pinaka mahabang pangungusap na nabigkas n’ya sa buong oras na magkasama kami. Blanko ang kanyang matang nakatingin sa ‘kin at di ko masabi kung nagsasalita ba ito ng totoo o tinatakot n’ya lang ako. At base sa sinasabi n’ya ay ginagamitan n’ya ko ng reverse psychology! Pambihira! Napamaang na lang ako sa sinabi n’ya at maya-maya pa ay heto na ko’t naka-sunod sa kanya. Nilagay n’ya sa likod ang ibang gamit ko habang ang lumang shoulder bag ay bitbit ko.
Pinasakay niya ko sa harapan at s’ya nama’y umikot patungo sa kabila upang mag maneho ng sasakyan. Pagkasara ay pinaandar n’ya na ito at nagsimula na kaming umalis, katulad ng kanina ay tahimik lang kami sa loob ng sasakyan. Lumipas ang isang oras na byahe at tahimik pa rin kami, di ko alam kung nag papakiramdaman ba kami o ayaw n’ya lang talaga ng may kausap. Maya-maya pa ay may nakita akong matayog na tarangkahang kulay itim at may disenyo ito sa harapan na mukha ng isang leon na kulay ginto. May pinindot s’ya na parang isang numerong palapindutan at bumukas na ng kusa ang tarangkahan. Namamangha akong napatingin sa pagbukas nito at sa likod ng matayog na harang ay isang malawak na lupain. Di ko pa masyadong maaninag ang boong kapaligiran at gabi na kaya naisipan kong bukas ko na lang ito tingnan.
Tinahak ng sasakyan ang mahabang daan na may mga puno ng palmera sa bawat gilid bago namin narating ang kanyang bahay, o kung bahay nga ba itong matatawag sa sobrang laki nito. Huminto kami sa tapat ng kanyang mansion at sa harap nito ay may bilog na fountain. Bumaba sya ng sasakyan at umikot kaya bumaba na rin ako ngunit pagbukas ko ng pinto ay nasa harapan ko na s’ya. Muli ay umigting na naman ang kanyang panga at lalong nag dikit ang kanyang mga kilay sa pagkaka kunot ng noo. Marahil ay nagalit ko s’ya dahil naharangan ko ang daraanan n’ya, kaya sinara ko agad ang pinto at gumilid. Suminghap lang s’ya bago tumalikod sa kin.
“Leave your things there someone will fetch that,” saad n’ya at nag tuloy-tuloy na sa paglalakad.
Bago makarating sa main door n’ya ay may apat na baitang ka pang aakyatin. Grabe! Ang laki talaga ng bahay n’ya. Siguro nasa dalawang ektarya o higit pa ang sakop nitong mansion n’ya. Nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa mabuksan n’ya na ang pintuan at bumungad sa amin ang nakakabinging katahimikan at medyo may kadilimang paligid. May pinindot ulit s’yang parang remote at nagbukas ang lahat ng ilaw.
Wow! As in, wow! Ang high tech naman pala. Nakakamangha, halos lahat ata dito sa bahay n’ya de remote control. Ang ganda ng loob para kang nasa isang palasyo sa laki ng chandelier na nakasabit sa gitna at may engrandeng hagdan pa s’ya sa gitna.
Naglakad pa s’ya at nakasunod lang din naman ako at palinga-linga ang mata dahil sa sobrang pagka mangha. Grabe halos lahat ng kagamitan n’ya dito ang mamahal tingnan simula sa sofa, sa carpet, sa furnitures, sa paintings at pati buong interior design! Halatang pinagkagastusan talaga ng malaki.
Napalingon ako sa gawi n’ya nang tumikhim ito. Nakakahiya naman isipin pa nito ignorante ako. HA.HA.HA nakakatawa Xanya. Sarkastikong banat ko sa sarili.
“Did you already eat?” tanong n’ya.
Dahil sa tanong na ‘yon bigla kong naalala na hindi pa pala ako kumakain simula kaninang tanghali.
“Uhmm… busog pa po ako,” pagsisinungaling ko.
Bigla naman akong nanghinayang nang tumalikod ito at naglakad. Lah! Actually gutom ako pakipot lang talaga ako dahil nahihiya na ako sa kanya. Nubayan! Sayang grasya.
“Ninette!” bigla s’yang sumigaw ng pangalan at may lumabas na babaeng naka uniporme ng itim na parang sa mga katulong sa palabas.
“Yes sir?” sagot ng babae na nag ngangalang Ninette.
“Cook her some food and bring her to her room, I’ll go upstairs.”
“Yes sir,” yumukod pa ang babae pagkadaan nito sa kanya.
Grabe ganun ba s’ya ka makapangyarihan at niyuyukuran pa? Halos dalawamput dalawang siglo na kaya tayo ngayon. Ano pa nga ba, nagagawa nga naman ng pera.
“Ano pong gusto n’yong pagkain Miss?” magalang na tanong ni Ninette.
“Ah… ako na lang po ang magluluto kaya ko naman at nakakahiya sa ‘yo,” nakangiti kong sambit sa kanya.
Puno naman ng sinseridad na nginitian n’ya rin ako pabalik sabay umiling ito sakin.
“Hindi po maaari Miss mapapagalitan po ako ni sir.”
Nge, napaka naman ng lalaking ‘yon.
“Ganun ba? Tulungan na lang kita sa pagluluto, ‘di kasi ako sanay na may nagsisilbi sa ‘kin.”
Tumango lang sya at di na muling umimik hanggang sa matapos kami sa pagluluto.
Chicken curry ang niluto namin, ako ang taga hiwa ng mga rekados at s’ya na yung nagluto. Kumain na ko at sya’y naka tayo lang sa gilid ko, medyo nakaka-ilang ang may nag-aabang sakin habang kumakain kaya inaya ko sya ngunit tumanggi lang ito at ngumiti.
Unang subo ko pa lang ay lasap ko na ang sarap ng niluto n’ya. Natakam ako lalo kaya napa dami ang kain ko. Natapos na akong kumain at akmang ililigpit ko na ang mga pinagkainan ko ng kunin n’ya ito sa mga kamay ko.
“Ako na po dito Miss, mapapagalitan ako ni sir.”
“Naku! Ako na Ninette masyado naman ng nakakahiya sa ‘yo.”
“Okay lang po. Trabaho ko ang magsilbi kay sir at sa mga panauhin nya,” sambit nya na may kasama pang pag ngiti.
Hinayaan ko na lang s’ya at ‘di na umimik. Umupo na lamang ako sa upuan na malapit sa island counter ng kusina at pumangalumbaba. Napabuntong hininga na lang ako sa mga nangyari sa ‘kin ngayong araw. Ang bilis ng mga kaganapan, sa isang iglap wala na ako sa puder ni mama at kamuntik pa kong magahasa at ngayon… heto na ko sa bahay ng estrangherong sumagip sa ‘kin.
Hala! ‘Di ko pa pala natatanong ang pangalan n’ya. Matanong nga kay Ninette.
“Uhm, Ninette ano pala ang pangalan ng sir mo?” saglit s’yang tumigil at lumingon sa akin na may kunot sa noo. Huh? Ba’t s’ya naka kunot noo? Ganon na ba ako ka ignorante sa paningin nya?
“Hindi mo alam ang pangalan ni sir?” umiling lang ako bilang tugon dito.
“Kung ganon ay wala akong karapatan na mag sabi ng pangalan n’ya, kung mamarapatin mo ay s’ya na lamang ang iyong tanungin,” tumalikod na sya at nag patuloy sa ginagawa.
Napaka misteryoso naman ng lalaking ‘yon. Ba’t ayaw pa sabihin ng tauhan n’ya? Gano’n ba s’ya ka importante? Sabagay mayaman s’ya at baka pag nalaman yung pangalan n’ya ay may bantang darating. Haaayy…
Pagkatapos ni Ninette maghugas ay inaya nya ‘ko sa magiging kwarto ko raw. Nasa ikalawang palapag ito katabi ng dulong pintuan sa kanan. Sa buong pangalawang palapag ay may anim na pinto akong nakikita, tatlo sa kanan gayun din sa kaliwa, ngunit tanging sa pinaka huling pintuan sa kanan ang naiiba dahil sa kulay nitong itim. Maliban dito ang lahat ng pintuan ay kulay puti. Marahil yung itim na pinto ang silid ng estrangherong iyon.“Pasok ka na Miss,” aya n’ya sakin matapos buksan ang pintuan.Nginitian ko lang s’ya at tumuloy na sa loob, pagkapasok ko ay isinara n’ya na ang pintuan. Nilibot ko ang paningin sa buong silid at, wow! Ang laki naman ng kwartong ‘to, triple ang laki sa dati kong silid. Nilapag ko sa katabing lamesa ang bitbit kong shoulder bag at sinuyod ang buong silid.“Wow! Ang ganda naman dito may sariling C.R. at may bath tub pa sa loob,” buong pagkam
DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.---“Lumayas ka dito! Wala kang kwenta, palamunin ka lang dito! Ang tamad-tamad mo pa! Putang*na ka talaga!”Naturingang tamad? Walang kwenta? Palamunin? Ano pa?Tinulak-tulak n’ya ako hanggang sa madapa na ako’t mapasubsob sa sahig. Puno nang luha ang aking mukha at nahihiya akong mag-angat nito dahil makikita ako ng mga chismosa naming kapitbahay na nakiki-usyoso. Pero anong pakialam ko? Heto na ko’t pinapahiya ng sarili kong ina kaya wala na ‘kong paki kung ano man ang tingin nila sa’kin.“Lumayas ka dito! Wala ka ng ginawang matino, tanga-ta
Mag-isa akong naglalakad ngayon kahit sobrang gabi na, sinisikap kong makahanap ng bagong matutuluyan pansamantala. Napag pasyahan ko ng umalis na sa puder ng mama ko dahil ‘di ko na matiis ang pang-aalipusta nila. Pagkatapos kong maka-graduate ng high school ay kinuha n’ya na ako kina lolo’t lola na mga magulang n’ya rin, kahit na ayaw kong tumira sa kanya ay kinuha n’ya pa rin ako. 4th year high school ako ng mamatay ang lolo ko dahil sa sakit sa baga at iyon ‘yung panahon na gusto n’ya kong kunin.Noong nabubuhay pa ang lolo ko ay madalas ko silang marinig na mag talo kasi ayaw ng lolo na mapunta ako sa kanya ngunit ngayong wala na s’ya ay tuluyan na nga akong nakuha ng mama ko dahil wala ng pipigil sa kanya. Bago ang graduation noon ay pinasa ko na lahat ng entrance exam doon sa‘min, mapa-university, state-colleges and pati mga institutes dahil plano ko talaga ay doon na mag kolehiyo, but unfor

Tahimik lang kami sa loob ng kotse n’ya buong byahe namin, dinala n’ya ko sa isang malapit na ospital upang magamot daw yung mga galos ko. Tumanggi pa ‘ko no’ng una ngunit sinamaan n’ya lang ako ng tingin kaya pumayag na lang din ako sa huli. Pagkatapos kong magamot ay dumiretso naman kami sa istasyon ng pulis kung saan dinala ‘yong nagtangka sa ‘kin kanina. Hiningan lang nila ako ng pahayag tungkol sa nangyari at maaari na daw akong umalis, mag-aapila pa sana ako na gusto kong makasuhan ang mamang ‘yon ngunit inunahan na ako ng estrangherong tumulong sakin.“Make sure to rot that bastard in jail. I want to file an attempted rape and serious physical injury to him.”“Noted sir. Makaka-asa po kayo sa ‘min. Oh! Dalhin n’yo ‘yan sa kulungan at wag n’yo hayaang makatakas ‘yan!”Dinala na no’ng ibang pulis yung mama at tinanguan lang