Share

CHAPTER 1

Author: Fita Rita
last update Last Updated: 2021-09-03 20:02:42

Mag-isa akong naglalakad ngayon kahit sobrang gabi na, sinisikap kong makahanap ng bagong matutuluyan pansamantala. Napag pasyahan ko ng umalis na sa puder ng mama ko dahil ‘di ko na matiis ang pang-aalipusta nila. Pagkatapos kong maka-graduate ng high school ay kinuha n’ya na ako kina lolo’t lola na mga magulang n’ya rin, kahit na ayaw kong tumira sa kanya ay kinuha n’ya pa rin ako. 4th year high school ako ng mamatay ang lolo ko dahil sa sakit sa baga at iyon ‘yung panahon na gusto n’ya kong kunin.

Noong nabubuhay pa ang lolo ko ay madalas ko silang marinig na mag talo kasi ayaw ng lolo na mapunta ako sa kanya ngunit ngayong wala na s’ya ay tuluyan na nga akong nakuha ng mama ko dahil wala ng pipigil sa kanya. Bago ang graduation noon ay pinasa ko na lahat ng entrance exam doon sa‘min, mapa-university, state-colleges and pati mga institutes dahil plano ko talaga ay doon na mag kolehiyo, but unfortunately my wicked mother messed up with all my plans, and here I am suffering from what she had done to me.

Bitbit ko lahat ng mga damit ko pati libro ko, kahit sobrang bigat nito kailangan ko ‘yong mga libro eh. I’m taking up Bachelor of Arts in Political Science major in Law and isang taon na lang sana ay magtatapos na ‘ko ngunit mukhang mapupurnada pa ata dahil sa ginawa ng nanay ko ngayon. Naiiyak na naman ako pag naaalala ko ‘yong nangyari kanina. Ang bilis lang para sa kanya ang magbitiw ng mga gano’ng salita at ‘di pa rin ako makapaniwala na masasabi talaga ‘yon ng sarili kong ina.

“Kaya mo ‘to Xanya! Kaya mo ‘to!”

Determinado akong makapag-tapos ngayon kaya kakayanin ko ‘to. Di ko napigilan ang pag alpas na isang luha sa aking mata, pakiramdam ko tuloy wala na akong kakampi ngayon. ‘Di ko pwedeng tawagan ang lola ko dahil matanda na s’ya at ayokong pati s’ya ay mamroblema pa sa akin at lalo naman ang mga kamag-anak ko, ayaw nilang maniwala sa ‘kin kasi mas naniniwala sila sa kwento ng mama ko.

Nagpatuloy ako sa paglalakad nang may nakita akong mga poster sa pader. Totoo ba ‘tong mga ‘to? Hindi ba ‘to scam? Pinagkibit balikat ko na lamang ang isiping iyon dahil wala namang masama kung susubukan ko ‘tong tawagan.

Bigla akong nabuhayan ng loob sa nabasa ko. Thank you Lord! Thank you po talaga! After all ‘di pa pala ako malas, maswerte pa rin pala ako.

URGENT HIRING! APPLY NOW. DG INC. (Construction Firm) is in need of OFFICE SECRETARY

QUALIFICATIONS:

  • Graduate of any 4 years course or at least finished 2 years in College.
  • Must be 18 years old and above.
  • Willing to be trained and can work under pressure.
  • Experience in related field is an advantage.
  • Preferably Female.

PLEASE CONTACT: 09*********/ gelo16@g***l.com

“Yes! Kailangan ko lang ‘to tawagan at mag-aapply ako. Siguro naman makaka-pasok ako dito. Lord sana po matanggap po ako dito.”

Kinuha ko ang lumang cellphone ko sa bag at tinawagan ang numerong nakasulat doon. Umupo muna ako sa gilid ng kalsada upang makapag pahinga saglit. Maya-maya pa ay may sumagot na.

“Hello, this is DG Incorporation. How may I help you?”

“Uh. This is Xanya Perez, I just want to know if your company is still looking for an Office Secretary?”

“Oh, yes! We are still hiring, actually I can include you on the list right now so that you can go here tomorrow for an interview.”

“Great, thank you miss—“

“Angela! Call me Angela and I will send to you our company address, okay?”

“Okay po, thank you talaga,” nakangiti kong sambit.

“No worries, just keep your line open so that we can update you anytime if there are some changes.”

“Got it, thanks.”

“You’re welcome, alright bye for now.”

Pinatay ko na ang tawag at napangiti ng malawak. Sobrang saya ko kasi hiring pa sila, bukas na bukas rin ay pupunta ako do’n. Tumunog yung cellphone ko hudyat na may nagtext. Nang tingnan ko ito ay minsahe pala ni miss Angela.

‘Hello Xanya, I just want to remind you to bring your updated resume tomorrow and please wear corporate attire. Here is the address, #20 Jose Bonifacio St., Makati, Philippines. Hope to see you there!’

“Oh my ghad! Yes!”

Pinagtitinginan pa ako ng mga taong napapa daan dahil sa biglaan kong pagsigaw. ‘Di ba pwedeng maging masaya? Napaka mapanghusga talaga ng tao. Napabuntong hininga na lang ako at tumayo upang ipagpatuloy ang paglalakad. Ngayon ang poproblemahin ko ay ang matutuluyan pansamantala. Naglalakad lang ako sa gilid ng daan, ‘di alam kung saan patungo. Napapa-isip pa rin ako kung bakit ganun na lang kagalit sa akin si mama. Mas mahalaga sa kanya ang bago n’yang pamilya, wala na s’yang pakialam sa akin. Dati noong kaming dalawa pa lang ay ayos naman kami, masaya naman kami. Pero no’ng nagka-pamilya na s’ya ng bago nagbago na rin sya, ‘di na ako ‘yong una sa lahat ng plano n’ya. Hindi na ako ‘yong espisyal sa kanya, sa paningin nya pati ng bago n’yang pamilya ay isa lang akong sampid sa kanila. Isang palamunin at walang kwenta. Isang utusan, bobo at kung ano-ano pa.

“Haaays. Sa’n ako matutulog ngayon?”

Napapadyak ako ng paa dahil sa frustration ko ngayon. Naiiyak na naman ako sa inis, kung sa hotel or mumurahing apartelle ako matutulog ‘di sapat ang pera ko. Dalawang libo na lang ‘tong sa wallet ko, as if naman sobrang laki ng ibinibigay sa ‘kin na allowance ng nanay ko.

           

Napalingon naman ako sa mamang kumalabit sa akin, “Miss naghahanap ka ng matutuluyan?”

“Eh? Opo manong. May alam po ba kayong mura lang? Iyong sakto lang po sa 500,” sabay ngiti ko ng hilaw sa kanya.

“Aba Miss! Sumama ka sakin libre na lang,” sabi n’ya na may kasama pang pagkindat.

Ngumisi s’ya at kinabahan naman ako bigla do’n, matino naman tingnan si manong pero mukhang may binabalak pa ata! Tiningnan n’ya ‘ko mula ulo hanggang paa tapos bigla n’yang dinilaan ‘yong labi n’ya. Jusko! Manyak ‘to!

“Ah. Eh, okay nalang po manong, maghahanap na lang po ako ng iba,” sabay atras ko upang maka-alis sa harap n’ya ngunit napatili ako ng hablutin nya ang braso ko. Ang higpit ng pagkakahawak n’ya. Tang*na!

“Sinabe ko na ‘di ba? Sumama ka na lang sakin libre kita,” sambit n’ya sa nanlilisik na mga mata.

Jusko! Adik pa ata ito. Anong kamalasan ba itong natatamo ko?

“’Wag na nga po eh! Ano ba! Nasasaktan po ako, bitawan n’yo po ako,” pilit kong winawaksi yung pagkakahablot n’ya ngunit sobrang higpit nito.

Napatingin naman ako sa paligid para sana humingi ng tulong pero nasa madilim na parte na pala ako ng kalsada. Wala masyadong dumadaan at napaka dilim pa. Pati ilaw ng poste ay pinagkaitan din.

“Huwag ka ng pumalag Miss. Sasama ka lang naman sa ‘kin eh, ‘di naman kita sasaktan, basta ba ‘wag ka lang papalag. Isa pa, maganda ka. Okay na okay!” sabi nya sabay hagod ng tingin sa buo kong katawan.

“Manong please. Pakawalan n’yo na po ako, ‘di nga po ako sasama,” pagmamaka-awa ko sa kanya habang pilit pa rin na kinakalas ang kamay n’ya sa pagkakakapit sa ‘kin.

“Ano ba!”  napatili naman ako sa pagsigaw n’ya.

“‘Wag po! Lolo ko, tulong,” sambit ko sa nanginginig na boses at pilit pa rin na tinatanggal ang kamay n’ya.

“Tumahimik ka!”  hinatak n’ya ko sa mas madilim pang lugar at lalo lamang akong nag panic dahil wala na ‘ko halos maaninag sa sobrang dilim.

Sumigaw ako nang sumigaw sa pag-asang may makakarinig sa ‘kin, “Tulong! Tulungan nyo po ako! Tul—“

“Tang*na! Sabi nang tumahimik eh!” sinampal n’ya ako at hinatak ulit.

Bakit ba ang lakas n’ya? Bakit ba ‘di ko magamit ang lakas ko? Napanghihinaan na ‘ko ng loob. Umabot kami sa medyo matalahib na lugar pero simentado pa rin yung kalsada, marahil ay isa itong subdivision. Baka may dadaan dito! Nabuhayan naman ako ng pag-asa.

“Please po manong. Marami pa po akong pangarap sa buhay, wag n’yo naman pong sirain. Pakawalan n’yo na po ako, promise po ‘di ako magsusumbong,” pagsusumamo ko sa kanya at ang mukha ko’y kababakasan na rin ng luha.

“Ano ako tanga! Papakawalan naman kita eh, pero bago ‘yon titikman muna kita,” saad n’ya kasunod ng isang mala-demonyong tawa.

Hinawakan n’ya ang braso ko at hinimas-himas ito. Nagsitindigan naman ang mga balahibo ko at nanginig ang kalamnan dulot ng matinding takot.

“Please po, ‘wag! Tulong!” iiling-iling kong sigaw.

“Shhhh! Sandali lang ‘to, ‘pag pumalag ka babaon sa ‘yo ‘tong patalim ko,” bulong n’ya.

Nilabas n’ya naman ang balisong n’ya at itinutok sa tagiliran ko. Jusko! Dinilaan n’ya ang pisnge ko at hinigpitan ang kapit sa braso ko. Nandidiri ako sa ginagawa nya! May nakita naman akong maliwanag na paparating, kotse! Isang kotse!

Naputol ang plano kong pagsigaw upang maka-tawag pansin nang idiin niya ang patalim sa tagiliran ko.

“Sige! Subukan mo lang sumigaw, ibabaon ko talaga ‘tong patalim sayo,” bulong n’ya sa ‘kin sabay pisil sa pang-upo ko. Umalpas ang isang impit na hikbi sa bibig ko. Jusko tulungan nyo po ako.

Papalapit na ng papalapit ang kotse at mas dumidiin ang patalim. Hanggang sa lumagpas na sa ‘min ang kotse, napahagulhol ako sa kawalan ng pag-asa. Pa’no na? May daraan pa kaya? May tutulong pa ba sa ’kin? Umakyat yung kamay n’ya mula sa pang-upo ko papuntang leeg ko. Jusko po!

Sinubukan kong sipain s’ya sa gitna n’ya ngunit inapakan n’ya ang paa ko. Tang*na! Pilit na nilalayo ko ang mukha ko sa kanya para ‘di n’ya ko mahalikan, nandidiri ako sa bawat haplos n’ya. Tinulak n’ya ko at mabilis na dumagan sa akin! Eto na ba ang katapusan ko?

“’Wag po! Jusko! Tulong! Tulungan nyo po ako!” naghihisterya kong sigaw.

“Tangina mo! Manahimik ka!” sabay suntok n’ya sa ‘kin sa sikmura.

Namaluktot naman ako sa sakit. Pakiramdam ko’y mawawalan ako ng ulirat ano mang sandali dahil sa sobrang sakit. Nakakapang-hina. Pinunit nya ang T-shirt ko at nilamas ang dibdib ko. Kahit nanghihina na ako’y pilit ko paring inaalis ang kamay nya ngunit sobrang lakas n’ya talaga.

“Tulong… tulungan nyo ko,”  unti-unti na akong nawawalan ng malay.

Tumawa s’ya ng may panunuya at tila bilib pa sa sarili. “Sabi ko naman sayo miss sandali lang ‘to eh. Ang ing—“

Nagtaka ako ng bigla s’yang natahimik at dahan-dahang umalis sa ibabaw ko. Nang pilit kong idilat ang aking mga mata’y naaninag kong may lalaking nakatutok ng baril sa kanya.

“Tsk! Got your tongue tied? You should be ashamed of yourself, ang tanda mo na pero napaka baboy mo pa rin.”

‘Di ko masyadong maaninag ang mukha n’ya pero sigurado akong malaking tao ito base sa tindig n’ya at pangangatawan. Pinilit ko namang umupo mula sa pagkakahiga at tinakpan ang hinaharap ko, hirap pa akong tumayo dahil sa hilo at sakit ng sikmura ko.

“Dapa!”  napa-igtad naman ako sa pag sigaw n’ya. Ang lalim ng boses.

Dumapa naman yung nagtangka sa akin at inapakan no’ng estrangherong lalaki ang likod n’ya. Makalipas ang ilang minuto ay may dumating na isang patrol car, lulan nito ang dalawang pulis. Pagkalabas ng dalawang pulis ay agaran naman nilang pinusasan yung nagtangka sakin. Lumapit ang estrangherong lalaki sa ‘kin at ibinigay yung coat n’ya.

“Kunin mo na at takpan ‘yang hinaharap mo.”

Nahiya naman ako sa sinabi n’ya kaya kinuha ko na ito at pinantakip. Medyo masungit pala s’ya pero maginoo naman.

“S-salamat.”

“Next time mag-ingat ka, maraming siraulo ngayon,” kalmado n’yang sambit.

Lumapit ang isang pulis sa ‘min at kina-usap s’ya. Maya-maya ay humarap sa ‘kin yung pulis.

“Ma’am maaari po ba kayong sumama sa amin para hingin ang iyong statement?” tanong n’ya.

“O-opo,” pagsang-ayon ko sabay tango.

 Tatayo na sana ako ngunit kumirot naman yung sikmura ko. Napuruhan ata yung tiyan ko.

“Ako na muna bahala sa kanya, sa tingin ko’y napuruhan s’ya ng lalaking ‘yon.”

“Okay po sir. Mauna na po kami.”

Tinanguan nya lang ang pulis at umalis na sila. Naiwan naman kaming dalawa.

“Uhm, kaya ko naman pang tumayo. Dapat sumama na lang ako do’n.”

“Tsk! Stupid lady. With that condition do you think kaya mo? You can’t even stand a while ago and you have bruises tapos sasabihin mo kaya mo?” sikmat n’ya.

Natahimik naman ako sa sinabe n’ya dahil totoo. Masakit na talaga ang katawan ko, pinipilit ko lang na kaya ko. Napa-iyak naman ako dahil sa natamo kong kamalasan ngayong araw na ‘to. Una nagtalo kami ng nanay ko at pinalayas pa ako, tapos wala pa akong sapat na pera at matitirahan, at ngayon heto muntikan ng ma-rape.

Nagulat naman ako ng bigla n’ya akong binuhat, yung parang sa pangkasal, tapos dinala n’ya ako sa may kotse n’ya at ipinasok sa loob. Umikot naman s’ya para magmaneho. Pagkapasok nya ay pina-andar nya na ang kotse, pero bago yun…

“Wipe your tears. I hate seeing someone crying,” malamig n’yang saad.

Related chapters

  • Bargained Body   CHAPTER 2

    Tahimik lang kami sa loob ng kotse n’ya buong byahe namin, dinala n’ya ko sa isang malapit na ospital upang magamot daw yung mga galos ko. Tumanggi pa ‘ko no’ng una ngunit sinamaan n’ya lang ako ng tingin kaya pumayag na lang din ako sa huli. Pagkatapos kong magamot ay dumiretso naman kami sa istasyon ng pulis kung saan dinala ‘yong nagtangka sa ‘kin kanina. Hiningan lang nila ako ng pahayag tungkol sa nangyari at maaari na daw akong umalis, mag-aapila pa sana ako na gusto kong makasuhan ang mamang ‘yon ngunit inunahan na ako ng estrangherong tumulong sakin.“Make sure to rot that bastard in jail. I want to file an attempted rape and serious physical injury to him.”“Noted sir. Makaka-asa po kayo sa ‘min. Oh! Dalhin n’yo ‘yan sa kulungan at wag n’yo hayaang makatakas ‘yan!”Dinala na no’ng ibang pulis yung mama at tinanguan lang

    Last Updated : 2021-09-03
  • Bargained Body   CHAPTER 3

    Pagkatapos ni Ninette maghugas ay inaya nya ‘ko sa magiging kwarto ko raw. Nasa ikalawang palapag ito katabi ng dulong pintuan sa kanan. Sa buong pangalawang palapag ay may anim na pinto akong nakikita, tatlo sa kanan gayun din sa kaliwa, ngunit tanging sa pinaka huling pintuan sa kanan ang naiiba dahil sa kulay nitong itim. Maliban dito ang lahat ng pintuan ay kulay puti. Marahil yung itim na pinto ang silid ng estrangherong iyon.“Pasok ka na Miss,” aya n’ya sakin matapos buksan ang pintuan.Nginitian ko lang s’ya at tumuloy na sa loob, pagkapasok ko ay isinara n’ya na ang pintuan. Nilibot ko ang paningin sa buong silid at, wow! Ang laki naman ng kwartong ‘to, triple ang laki sa dati kong silid. Nilapag ko sa katabing lamesa ang bitbit kong shoulder bag at sinuyod ang buong silid.“Wow! Ang ganda naman dito may sariling C.R. at may bath tub pa sa loob,” buong pagkam

    Last Updated : 2021-09-03
  • Bargained Body   PROLOGUE

    DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.---“Lumayas ka dito! Wala kang kwenta, palamunin ka lang dito! Ang tamad-tamad mo pa! Putang*na ka talaga!”Naturingang tamad? Walang kwenta? Palamunin? Ano pa?Tinulak-tulak n’ya ako hanggang sa madapa na ako’t mapasubsob sa sahig. Puno nang luha ang aking mukha at nahihiya akong mag-angat nito dahil makikita ako ng mga chismosa naming kapitbahay na nakiki-usyoso. Pero anong pakialam ko? Heto na ko’t pinapahiya ng sarili kong ina kaya wala na ‘kong paki kung ano man ang tingin nila sa’kin.“Lumayas ka dito! Wala ka ng ginawang matino, tanga-ta

    Last Updated : 2021-09-03

Latest chapter

  • Bargained Body   CHAPTER 3

    Pagkatapos ni Ninette maghugas ay inaya nya ‘ko sa magiging kwarto ko raw. Nasa ikalawang palapag ito katabi ng dulong pintuan sa kanan. Sa buong pangalawang palapag ay may anim na pinto akong nakikita, tatlo sa kanan gayun din sa kaliwa, ngunit tanging sa pinaka huling pintuan sa kanan ang naiiba dahil sa kulay nitong itim. Maliban dito ang lahat ng pintuan ay kulay puti. Marahil yung itim na pinto ang silid ng estrangherong iyon.“Pasok ka na Miss,” aya n’ya sakin matapos buksan ang pintuan.Nginitian ko lang s’ya at tumuloy na sa loob, pagkapasok ko ay isinara n’ya na ang pintuan. Nilibot ko ang paningin sa buong silid at, wow! Ang laki naman ng kwartong ‘to, triple ang laki sa dati kong silid. Nilapag ko sa katabing lamesa ang bitbit kong shoulder bag at sinuyod ang buong silid.“Wow! Ang ganda naman dito may sariling C.R. at may bath tub pa sa loob,” buong pagkam

  • Bargained Body   CHAPTER 2

    Tahimik lang kami sa loob ng kotse n’ya buong byahe namin, dinala n’ya ko sa isang malapit na ospital upang magamot daw yung mga galos ko. Tumanggi pa ‘ko no’ng una ngunit sinamaan n’ya lang ako ng tingin kaya pumayag na lang din ako sa huli. Pagkatapos kong magamot ay dumiretso naman kami sa istasyon ng pulis kung saan dinala ‘yong nagtangka sa ‘kin kanina. Hiningan lang nila ako ng pahayag tungkol sa nangyari at maaari na daw akong umalis, mag-aapila pa sana ako na gusto kong makasuhan ang mamang ‘yon ngunit inunahan na ako ng estrangherong tumulong sakin.“Make sure to rot that bastard in jail. I want to file an attempted rape and serious physical injury to him.”“Noted sir. Makaka-asa po kayo sa ‘min. Oh! Dalhin n’yo ‘yan sa kulungan at wag n’yo hayaang makatakas ‘yan!”Dinala na no’ng ibang pulis yung mama at tinanguan lang

  • Bargained Body   CHAPTER 1

    Mag-isa akong naglalakad ngayon kahit sobrang gabi na, sinisikap kong makahanap ng bagong matutuluyan pansamantala. Napag pasyahan ko ng umalis na sa puder ng mama ko dahil ‘di ko na matiis ang pang-aalipusta nila. Pagkatapos kong maka-graduate ng high school ay kinuha n’ya na ako kina lolo’t lola na mga magulang n’ya rin, kahit na ayaw kong tumira sa kanya ay kinuha n’ya pa rin ako. 4th year high school ako ng mamatay ang lolo ko dahil sa sakit sa baga at iyon ‘yung panahon na gusto n’ya kong kunin.Noong nabubuhay pa ang lolo ko ay madalas ko silang marinig na mag talo kasi ayaw ng lolo na mapunta ako sa kanya ngunit ngayong wala na s’ya ay tuluyan na nga akong nakuha ng mama ko dahil wala ng pipigil sa kanya. Bago ang graduation noon ay pinasa ko na lahat ng entrance exam doon sa‘min, mapa-university, state-colleges and pati mga institutes dahil plano ko talaga ay doon na mag kolehiyo, but unfor

  • Bargained Body   PROLOGUE

    DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.---“Lumayas ka dito! Wala kang kwenta, palamunin ka lang dito! Ang tamad-tamad mo pa! Putang*na ka talaga!”Naturingang tamad? Walang kwenta? Palamunin? Ano pa?Tinulak-tulak n’ya ako hanggang sa madapa na ako’t mapasubsob sa sahig. Puno nang luha ang aking mukha at nahihiya akong mag-angat nito dahil makikita ako ng mga chismosa naming kapitbahay na nakiki-usyoso. Pero anong pakialam ko? Heto na ko’t pinapahiya ng sarili kong ina kaya wala na ‘kong paki kung ano man ang tingin nila sa’kin.“Lumayas ka dito! Wala ka ng ginawang matino, tanga-ta

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status