Share

Bargained Body
Bargained Body
Author: Fita Rita

PROLOGUE

Author: Fita Rita
last update Huling Na-update: 2021-09-03 20:01:04

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

---

“Lumayas ka dito! Wala kang kwenta, palamunin ka lang dito! Ang tamad-tamad mo pa! Putang*na ka talaga!” 

Naturingang tamad? Walang kwenta? Palamunin? Ano pa?

Tinulak-tulak n’ya ako hanggang sa madapa na ako’t mapasubsob sa sahig. Puno nang luha ang aking mukha at nahihiya akong mag-angat nito dahil makikita ako ng mga chismosa naming kapitbahay na nakiki-usyoso. Pero anong pakialam ko? Heto na ko’t pinapahiya ng sarili kong ina kaya wala na ‘kong paki kung ano man ang tingin nila sa’kin.

“Lumayas ka dito! Wala ka ng ginawang matino, tanga-tanga mo talaga! Ang bobo mo pa, mana ka talaga sa ama mong bobo!” sigaw n’ya sabay duro sa ‘kin.

“Oo na! Ako na tanga, ako na bobo, ako na lahat-lahat! Dati pa naman ako na talaga eh, sa ‘kin mo lahat binubunton ang galit mo,” puno ng hinanakit kong singhal sa kanya.

“Aba’t! Sumasagot ka na ha.” Isang malutong na sampal ang aking natanggap mula sa mabigat n’yang palad na nagpabaling sa ‘kin.

“Sige sampalin mo pa ako! D’yan ka naman magaling ma eh, ang manampal, ang manakit sakin. Bakit ma? Bakit? Ano ba nagawa kong mali? Simula ng tumira ako dito palagi na lang mainit ang dugo mo sa ‘kin!”

Magkakasunod na sampal ang aking natanggap kasabay ng paghatak nya sa ‘king buhok.

“Wala kang utang na loob! Wala kang galang! Matapos kitang pag-aralin at bihisan ‘yan pa ang igaganti mo sa ‘kin? Eh ‘di dapat pala no’ng sanggol ka palang sinakal na kita para namatay ka nang hayup ka!”

Natigilan ako sa sinabi n’yang ‘yon, parang nabingi ako na ewan. Totoo ba talaga yung mga naririnig ko?

“Wala akong pakialam kung mawala ka man, mamatay o lumayas ka na! May isa pa ‘kong anak! ‘Di kita panghihinayangang hayup kang hinayupak ka!”

‘Di ako makapaniwala sa mga salitang lumalabas sa bibig mismo ng aking ina, parang hindi n’ya ko anak o baka nga hindi. Pero ang sakit pa rin e, para akong pinapatay ng mga salita n’ya.

“Talaga ma?” nanghihinang sambit ko. “Eh ‘di dapat pinatay mo na lang talaga ako noon.”

“Lahat ng gawin ko mali sa paningin mo! Mas pinapaburan mo pa ang isa mong anak. Bakit? Porque ba anak mo ‘ko sa una mong lalaki at may pamilya ka na, iba na trato mo sa ‘kin? Ginawa nyo kong katulong dito na ni minsan hindi ko naranasan sa puder nila lolo at lola!” sumbat ko sa kanya.

“Yung asawa mo!” Duro ko sa asawa n’yang nanunood sa ‘min. “Iyang lintek mong asawa, minolestya n’ya ‘ko noon at sinabe ko ‘yon sayo pero ano ma? Anong ginawa mo? Di ka naniwala! Kasi mas pinaniwalaan mo pa ‘yang malibog mong asawa!”

Malutong na sampal ang aking natanggap kasabay ng malakas na pag untog n’ya sa ‘kin sa pader. Masakit na ang katawan ko pero mas masakit ang puso ko dahil sarili kong ina iba ang trato sa ‘kin. Nalalasahan ko na ang dugo sa ‘king mga labi ngunit patuloy pa rin s’ya sa pag sabunot at pagsampal sa ‘kin. Walang umaawat sa kanya, walang gustong tumulong sa ‘kin. Ang hilaw kong kapatid ay naka-tingin lang at naka ngiti pa na malademonyo at lalo na yung ama nya!

“Walang hiya ka! Magaling ka talaga umimbento ng kwentong hinayupak ka—“

“Di ako gumagawa ng kwento ma,” sikmat ko. “Iyon ang totoo pero ayaw mong maniwala! Kahit kalian naman di ba di ka naniwala sa ‘kin?”

“Malandi ka, lumayas ka dito!”

Tinulak n’ya ko ulit at tumama yung likod ko sa may dulo ng upuan. Hindi ko na ininda ang sakit ng likod ko dahil mas masakit ang dibdib ko dahil sa mga binitawan n’yang mga salita.

“Lalayas na po talaga ako dito! ‘Di ko na kaya ugali mo ma,” namamaos kong sambit.

“Tatlong taon ma. Tatlong taon na ‘kong nag-titiis sa pamilyang ‘to! Tama na!”

Tumayo ako at tatalikod na sana ngunit hinablot n’ya pa ang buhok ko. Hinawakan ko ang kamay n’ya at pilit na tinatanggal ito sa pagkakasabunot sa buhok ko. Buong lakas kong hinaltak ang kamay n’ya at sa wakas natanggal ko ito. Pakiramdam ko ay parang binutas yung ulo ko, ang sakit ng anit ko. Humagulhol na rin ako sa iyak, ‘di ko na kaya ito. Tama na.

Buong tapang kong pinunasan ang luha ko at nilingon s’ya. Nanlilisik ang mga mata n’ya nang salubungin ko ito ng tingin.

“Aalis na ko dito kung ‘yon ang gusto mo, kung ‘yon ang ikasasaya ng pamilya mo. Kung ‘yon ang ikatatahimik mo. ‘Di na kita guguluhin ma, matatapos na rin ang pagtitiis mo sa akin. Tama na, sobrang sakit na eh. Di ko na kaya.”

‘Di ko na s’ya hinintay pang sumagot at umakyat na ko sa taas upang kunin yung mga damit kong pinagtatapon n’ya. Pinunasan ko ang luha sa aking mukha pati na ang dugo sa may labi ko buhat ng mga sampal n’ya. Nanginginig pa ang mga kamay ko habang inaayos ang mga damit kong dadalhin.

Sa pag-alis ko ng bahay na ‘to, ‘di ako babalik na walang napapatunayan sa sarili ko. Tapos na kong intindihin kayo. Panahon naman para unahin ko ang sarili ko.

---

Kaugnay na kabanata

  • Bargained Body   CHAPTER 1

    Mag-isa akong naglalakad ngayon kahit sobrang gabi na, sinisikap kong makahanap ng bagong matutuluyan pansamantala. Napag pasyahan ko ng umalis na sa puder ng mama ko dahil ‘di ko na matiis ang pang-aalipusta nila. Pagkatapos kong maka-graduate ng high school ay kinuha n’ya na ako kina lolo’t lola na mga magulang n’ya rin, kahit na ayaw kong tumira sa kanya ay kinuha n’ya pa rin ako. 4th year high school ako ng mamatay ang lolo ko dahil sa sakit sa baga at iyon ‘yung panahon na gusto n’ya kong kunin.Noong nabubuhay pa ang lolo ko ay madalas ko silang marinig na mag talo kasi ayaw ng lolo na mapunta ako sa kanya ngunit ngayong wala na s’ya ay tuluyan na nga akong nakuha ng mama ko dahil wala ng pipigil sa kanya. Bago ang graduation noon ay pinasa ko na lahat ng entrance exam doon sa‘min, mapa-university, state-colleges and pati mga institutes dahil plano ko talaga ay doon na mag kolehiyo, but unfor

    Huling Na-update : 2021-09-03
  • Bargained Body   CHAPTER 2

    Tahimik lang kami sa loob ng kotse n’ya buong byahe namin, dinala n’ya ko sa isang malapit na ospital upang magamot daw yung mga galos ko. Tumanggi pa ‘ko no’ng una ngunit sinamaan n’ya lang ako ng tingin kaya pumayag na lang din ako sa huli. Pagkatapos kong magamot ay dumiretso naman kami sa istasyon ng pulis kung saan dinala ‘yong nagtangka sa ‘kin kanina. Hiningan lang nila ako ng pahayag tungkol sa nangyari at maaari na daw akong umalis, mag-aapila pa sana ako na gusto kong makasuhan ang mamang ‘yon ngunit inunahan na ako ng estrangherong tumulong sakin.“Make sure to rot that bastard in jail. I want to file an attempted rape and serious physical injury to him.”“Noted sir. Makaka-asa po kayo sa ‘min. Oh! Dalhin n’yo ‘yan sa kulungan at wag n’yo hayaang makatakas ‘yan!”Dinala na no’ng ibang pulis yung mama at tinanguan lang

    Huling Na-update : 2021-09-03
  • Bargained Body   CHAPTER 3

    Pagkatapos ni Ninette maghugas ay inaya nya ‘ko sa magiging kwarto ko raw. Nasa ikalawang palapag ito katabi ng dulong pintuan sa kanan. Sa buong pangalawang palapag ay may anim na pinto akong nakikita, tatlo sa kanan gayun din sa kaliwa, ngunit tanging sa pinaka huling pintuan sa kanan ang naiiba dahil sa kulay nitong itim. Maliban dito ang lahat ng pintuan ay kulay puti. Marahil yung itim na pinto ang silid ng estrangherong iyon.“Pasok ka na Miss,” aya n’ya sakin matapos buksan ang pintuan.Nginitian ko lang s’ya at tumuloy na sa loob, pagkapasok ko ay isinara n’ya na ang pintuan. Nilibot ko ang paningin sa buong silid at, wow! Ang laki naman ng kwartong ‘to, triple ang laki sa dati kong silid. Nilapag ko sa katabing lamesa ang bitbit kong shoulder bag at sinuyod ang buong silid.“Wow! Ang ganda naman dito may sariling C.R. at may bath tub pa sa loob,” buong pagkam

    Huling Na-update : 2021-09-03

Pinakabagong kabanata

  • Bargained Body   PROLOGUE

    DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.---“Lumayas ka dito! Wala kang kwenta, palamunin ka lang dito! Ang tamad-tamad mo pa! Putang*na ka talaga!”Naturingang tamad? Walang kwenta? Palamunin? Ano pa?Tinulak-tulak n’ya ako hanggang sa madapa na ako’t mapasubsob sa sahig. Puno nang luha ang aking mukha at nahihiya akong mag-angat nito dahil makikita ako ng mga chismosa naming kapitbahay na nakiki-usyoso. Pero anong pakialam ko? Heto na ko’t pinapahiya ng sarili kong ina kaya wala na ‘kong paki kung ano man ang tingin nila sa’kin.“Lumayas ka dito! Wala ka ng ginawang matino, tanga-ta

DMCA.com Protection Status