Chapter: Chapter 3Bandang alas sais ng gabi ay puno na ang grand hall ng hotel. Ngayon ang anniversary ng hotel company na pinagtatrabahuhan ni Brielle.She wore a modest and attractive black backless dress with four different colors. It appears simple and conservative in the front, yet it is revealing at the back.Umupo na siya sa reserbang upuan ng mga katrabaho niya.Tumigil lamang sila sa pag-uusap nang magsimulang magsalita ang boss nila na nasa stage. Nakikinig lang siya sa sinasabi nito, at may pinakilala itong major stockholder sa kanila. Matangkad na lalaki at matipunong katawan. Hindi niya pa nakita ang mukha nito. Tutok na tutok siya sa harapan dahil curious siya sa mukha ng lalaki. Nang humarap sa kanila ang major stockholder, nanlaki ang kanyang mga mata nang makita uli ito.Kinalabit siya ni Maxine. "Ma'am Brielle, siya iyong makalaglag-panty ang kagwapuhan sa presidential suite." Napahagikhik nitong tudyo sa kanya.Napairap si Brielle sa kawalan. Kilala na niya ang lalaking ubod ng sama
Last Updated: 2025-03-25
Chapter: Chapter 2"Hello, Ma?" bungad ni Brielle sa kabilang linya na may malaking ngiti sa mga labi."Hello, anak? Kumusta ka na?" malambing na bati nito sa kabilang linya.Tinapat niya muna ang phone sa tainga niya at inipit sa balikat bago niya ito sinagot."I'm okay, Ma. Kayo riyan?" tugon niya rito.Habang nag-uusap sila, nagbibihis din siya ng damit."Okay lang kami, dear. So, how's your work?""Better than good, Mama. Kaya lang may asungot kaming guest na nakakaubos ng pasensya. Ang sarap sakalin, Ma," sumbong niya rito.Close kasi sila, at bini-baby pa siya ng mga ito kahit ang tandang-tanda niya na. May dalawa siyang kapatid na lalaki... sina Kuya Kenneth at Kuya Jason. Siya ang bunso sa magkakapatid."Nasaan na ang sinasabi mong habaan ang pasensya? Ikaw din naman pala ang sumuway," natatawang sabi nito, kaya napasimangot siya."Ah, Mama… alam ninyo naman ang ikli ng pasensya ko sa mga taong hindi alam kung paano rumespeto sa kapwa," pangangatwiran niya sa kanyang ina.Patapos na siyang magbi
Last Updated: 2025-03-25
Chapter: Chapter 1Kinausap ni Brielle ang mga bagong staff ng hotel, sa loob ng kanyang opisina. May ipinagbilin siya sa kanila tungkol sa mga dapat gawin ngayong araw. Bawat isa ay may itinalagang trabaho. Ibinigay niya ang mga detalye kung ano ang mga kailangang gawin at kung ano ang hindi dapat gawin."Lahat ng mga kasamahan ninyo sa paglilinis ng mga kwarto ay kailangang siguraduhin na malinis ang lahat sa loob. Panatilihin ang kalinisan sa buong gusali upang magkaroon ng magandang impresyon ang ating mga bisita at customer dito sa hotel. Mahalaga ang kanilang feedback sa atin."Seryosong nakatitig siya sa mga staff ng hotel."Ilang ulit ko nang sinabi sa inyo na dapat maging magalang kayo sa lahat. Pahabain ninyo ang pasensya dahil may makakasalamuha tayong mga guest na may iba’t ibang ugali."Isa-isa niyang tiningnan ang mga staff."Opo, Ma'am. Nasisiguro po namin na malinis ang buong paligid," nakangiting sagot ng housekeeping manager. "At magiging magalang kami sa mga guest natin."Napangiti si
Last Updated: 2025-03-25
Chapter: Prologue"Miss, excuse me?" inis tawag ni Brielle sa receptionist na abala sa pag-aayos ng mga papeles. Kanina pa niya ito tinatawag, pero nagkukunwari lamang ito na hindi siya naririnig. "Miss, hoy! Ako, naiinis na sayo ha! Kanina pa kita tinatawag!"Napatingin ito sa kanya, kunwari ay nagulat, bago napangiwi sa pagngiti. "Sorry po, ma’am. Ano po pala ang kailangan ninyo?""Narito ba si Matthias Castillejo?""May appointment po ba kayo kay Sir?" balik na tanong ng receptionist sa kanya.Napataas ang kilay ni Brielle. Masyadong nagmamagaling ang tono nito."May kailangan akong sabihin sa kanya, importante. Kailangan ko siya makausap ngayon din mismo."Agad siyang sinipat ng receptionist na parang nag-aalangan kung totoo ba ang sinasabi niya."Ma'am, hindi kami nagpapaharap kay sir ng kung sino-ano lang. Kung wala naman pala kayong appointment, makakaalis na kayo. Wala rito si sir ngayon."Napakurap si Brielle sa kapal ng mukha nito. Kahit pa paano, naisip niyang magiging professional naman ito
Last Updated: 2025-03-25
Chapter: Chapter 4"Don't forget what I told you. You have to act like you're in love with me... that we're in love with each other," ani Elias habang nakatingin sa kalsada."Pang-walong beses mo na 'yang sinabi. Paano ko pa makakalimutan?" irap ni Cara, hindi na napigilang dumakma sa sinturon ng seatbelt habang dumudungaw sa bintana.Akala niya, pagkatapos ng kasal, tapos na ang lahat. Pero hindi pa pala. Nandito siya ngayon sa sasakyan, kasama si Elias, papunta sa mansyon ng Montemayor para ipahayag sa mga magulang nito at sa fiancé na hindi na matutuloy ang kasalang matagal nang nakaplano—dahil may asawa na si Elias.Walang sinabi si Cara, pero ang isip niya, abala na sa paghanap ng exit sa gulong ito na sinimulan nila.Matapos ang ilang minuto sa katahimikan ng biyahe, nakita ni Cara na bumagal ang takbo ng sasakyan at pumasok sa malaking itim na gate na may emblemang ginto sa gitna... ang Montemayor crest. Binaybay nila ang mahabang driveway na napalilibutan ng well-trimmed na mga puno at fountain
Last Updated: 2025-04-11
Chapter: Chapter 3A marriage contract?Napakunot ang noo ni Cara habang nakatitig kay Elias. Baka naman nagbibiro lang ito, pero wala siyang nakikitang bakas ng biro sa mukha ng lalaki. Tahimik lang ito, nakasandal sa upuan at nakatitig sa kanya na parang may sinasalamin na desisyon.Lumipas ang ilang minuto. Wala pa ring salita mula kay Elias."P-Pero… Sir, hindi naman natin… mahal ang isa’t isa. Hindi rin tayo magkarelasyon para magpakasal—""That’s why it’s called a contract marriage, Cara," putol ni Elias, malamig ang tono. "Hindi naman lahat ng ikakasal ay dapat nagmamahalan. Some marriages are for convenience."Napalunok siya. Mabilis na bumalik sa isip niya ang itsura ng ina niya—pagod, tahimik, at palaging nagtatago. Hindi nagpakasal ang nanay niya. Niloko lang ng ama niya. Ipinangako ni Cara sa sarili, hindi siya magiging katulad nito.Ayaw niyang maging panakip-butas. Gusto niya maikasal sa lalaking mahal niya at mahal din siya."It’s a win-win situation," dagdag pa ni Elias. "Papakasalan mo
Last Updated: 2025-04-11
Chapter: Chapter 2"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko kung bakit ngayon ka lang umuwi? Ano ba ang nangyari sayo kagabi?" usisa na tanong ng ina ni Cara habang nag-aalmusal silang dalawa."Ma, nalasing ako. Nagkainuman kami ng mga katrabaho ko, doon na rin ako nakitulog," sagot niya nang hindi tumitingin sa mata ng kanyang ina.Hindi siya sanay na nagsisinungaling, pero ayaw naman niya sabihin na naghiwalay na sila ng boyfriend niya at broken hearted siya kaya pumunta siya sa bar at bigla na lang nanghila roon ng lalaki, at callboy pa ang nahila niya."Pumunta nga pala rito ang Auntie Nikki mo."Doon siya nag-angat ng tingin, biglang sumeryoso."Sabi niya ay malubha na ang kalagayan ng lolo mo. Baka raw pwede ka dumalaw sa mansyon dahil gusto ng lolo mo makasama ang mga apo niya. Wala na akong karapatan magpunta roon dahil hindi na ako parte ng pamilya nila, kaya ikaw na lang," mahabang litanya ng kanyang ina, sinubukan niyang makipag-usap ng maayos dahil alam nitong aapila siya."Hindi ako pupunta roo
Last Updated: 2025-04-09
Chapter: Chapter 1Ang tunog ng tubig na lumalagaslas mula sa banyo ang gumising kay Cara, mula sa mala paraisong panaginip."Ang ingay, ano ba! Natutulog pa ako!" reklamo niya.Napapikit-pikit pa siya habang pilit binubuksan ang kanyang mga mata. Pero agad siyang napabalikwas nang makita ang paligid niya—deluxe hotel room, gulo-gulong kumot, at kumalat na mga damit sa sahig ng carpet. Umaga na, pero halata pa rin ang amoy ng nangyari kagabi."Shit. Talaga bang nakipag-one night stand ako?" wal sa wisyo niyang tanong.Pagtingin niya sa sarili, wala siyang saplot. May kirot pa siya na ramdam sa pagitan ng mga hita. Napakapit siya sa buhok niya. Dahan-dahang bumalik sa kanya ang mga alaala ng gabi.Her boyfriend, who had been in love with her for three years, had told her she was not gentle, considerate, and lacked charm. Nakipaghiwalay ito sa kanya sa mismong third anniversary nilang dalawa. He then went abroad to study for a doctorate with a girl from a wealthy family.Cara, who appeared tough on the ou
Last Updated: 2025-04-09