Share

Chapter 1

Author: YUTABATA
last update Last Updated: 2025-03-25 12:19:56

Kinausap ni Brielle ang mga bagong staff ng hotel, sa loob ng kanyang opisina. May ipinagbilin siya sa kanila tungkol sa mga dapat gawin ngayong araw. Bawat isa ay may itinalagang trabaho. Ibinigay niya ang mga detalye kung ano ang mga kailangang gawin at kung ano ang hindi dapat gawin.

"Lahat ng mga kasamahan ninyo sa paglilinis ng mga kwarto ay kailangang siguraduhin na malinis ang lahat sa loob. Panatilihin ang kalinisan sa buong gusali upang magkaroon ng magandang impresyon ang ating mga bisita at customer dito sa hotel. Mahalaga ang kanilang feedback sa atin."

Seryosong nakatitig siya sa mga staff ng hotel.

"Ilang ulit ko nang sinabi sa inyo na dapat maging magalang kayo sa lahat. Pahabain ninyo ang pasensya dahil may makakasalamuha tayong mga guest na may iba’t ibang ugali."

Isa-isa niyang tiningnan ang mga staff.

"Opo, Ma'am. Nasisiguro po namin na malinis ang buong paligid," nakangiting sagot ng housekeeping manager. "At magiging magalang kami sa mga guest natin."

Napangiti siya sa sinabi nito.

Alam niyang maayos magtrabaho ang kanyang mga tauhan. Bago pumasok ang mga bagong staff, dumadaan sila sa isang buwang training. Mahalaga sa kanila ang pagiging magalang, mahusay sa time management, marunong rumespeto sa kapwa, matulungin, at may mahabang pasensya. Hindi nila kontrolado ang oras o ang mga problemang maaaring dumating, kaya kapag may aberya, agad nila itong nilulutas upang hindi makaabala sa mga guest.

Alam niyang hindi maiiwasan na may mga guest na mahirap pakisamahan. Kahit na inis na inis ka na at gusto mong bulyawan sila, hindi pwede. “Be nice to the guests, ipakita sa kanila ang magandang intensyon upang bumalik at maging suki sila ng hotel,” paulit-ulit niyang pinapaalala.

"Na-recheck na ba ang mga banyo?" tanong niya.

Buong kumpiyansang tumango ang housekeeping manager.

"Kapag may problema, agad ninyo itong ipagbigay-alam sa in-charge. Naintindihan ninyo ba ako?"

"Opo, Ma'am. Pati loob ng banyo at lahat ng kagamitan ay nalinis na namin."

Tumango siya habang inaayos ang mga hawak niyang papeles. Kailangan na niyang ipasa ang mga ito sa HR Department. Tiningnan niya ang Hotel Maintenance Engineer.

"May problema ba sa mga kwarto o ibang bahagi ng gusali?"

"Wala po, Ma'am. Sinisiguro po namin na maayos ang mga equipment at double-check ang lahat ng kagamitan upang walang maging aberya."

Napangiti siya sa sagot ng staff.

"Sige, pwede na kayong bumalik sa inyong trabaho para maaga kayong makapagpahinga."

Nagpaalam na ang mga staff at bumalik sa kanilang mga gawain. Siya naman ay nagpatuloy sa pagbabasa at pagrerecheck ng mga papeles bago dalhin ang mga ito sa Human Resource Department.

"Ma'am Brielle!"

Napaangat ang kanyang tingin nang marinig ang hingal na boses ni Maxine, na sapo ang kanyang dibdib.

"Bakit hinihingal ka? May humahabol ba sa’yo?" tanong niya, kita ang pagtataka sa kanyang mukha.

Napakunot ang noo niya nang makita ang itsura nito—parang tumakbo ng ilang milya.

"Ma'am, may problema po! May galit pong guest sa Presidential Suite Room 8 at pinapunta po kayo roon," paliwanag nito habang pinakalma ang sarili.

Kumunot ang noo ni Brielle. Kanina lang ay tinanong niya kung may problema sa mga kwarto, at ang sagot ng mga staff ay wala. Ngayon, biglang may reklamo?

"Bakit? May nasira ba o may hindi nagustuhan sa silid?" nagtatakang tanong niya.

Imposible namang may nasira. Bago nila ipa-check-in ang mga guest, sinisiguro nilang walang problema ang bawat kwarto.

"Meron po, Ma'am. Ang nakapagtataka lang, na-double-check naman po lahat ng kagamitan doon bago pinasok si Mr. Castillejo, " sagot nito, halatang naguguluhan din.

"Kung wala namang sira, ano ang problema?"

"Hindi ko rin po alam, Ma'am," sagot ni Maxine habang kumikibit-balikat.

Napabuntong-hininga siya. "Sige, pupuntahan ko na para maresolba ang problema.

Iniwan niya ang mga papeles at mabilis na lumabas ng opisina. Sumakay siya ng elevator at pinindot ang 24th floor, kung saan matatagpuan ang Presidential Suite.

Habang hinihintay ang pagdating ng elevator, hindi niya mapigilan ang sarili sa pag-iisip kung ano ang reklamo ng guest. Pagkarating sa tamang palapag, agad siyang nagtungo sa Room 8. Nakita niyang bukas ang pinto kaya pumasok siya.

Sa loob, narinig na niya agad ang galit na boses ng isang lalaki. Pagliko niya sa sala, nakita niya ang nagagalit na guest, na tila nagbubuhos ng galit sa kanyang mga staff.

Napailing siya.

Panibagong hysterical guest na naman.

"Papuntahin ninyo ang manager dito sa suite ko! Gusto ko siya ang humarap sa akin!" mariing utos ng lalaki.

Napansin niyang namumugto ang ugat nito sa leeg... parang sasakmalin na lang ang mga staff.

Napabuntong-hininga siya at lumapit. "Good morning, sir," nakangiting bati niya. "Ano pong nangyayari rito? May problema po ba?"

Paglingon ng lalaki sa kanya, agad niyang napansin kung gaano ito kaguwapo. Tall, dark, at may presence na parang Greek god.

"And who the hell are you!?" matalim ang titig nito sa kanya.

"Sir, I am Brielle Martinez—"

"I’m not asking your name!" mariing putol nito sa kanyang sasabihin. "Hindi ko kailangan ng pangalan mo!"

Bahagyang napaawang ang kanyang bibig sa kabastusan nito. Hindi man lang siya pinatapos magsalita.

"Sir, kaunting respeto lang po. Pwede bang patapusin ninyo muna ako bago kayo magsalita?" mahinahon pero mariin niyang sagot. Napataas ang kilay ng lalaki, tila hindi makapaniwala na may sumagot sa kanya nang ganoon.

"I am Brielle, the manager of this hotel," matigas niyang sabi. "Pwede bang ipaliwanag ninyo sa akin kung bakit kayo sumisigaw sa staff ko? Pwede namang mahinahon ang pagsasalita. Kung gusto ninyong respetuhin kayo, dapat marunong din kayong rumespeto."

Nakita niyang tila nag-freeze ang lalaki. "Sir?" Winagayway niya ang kamay sa harapan nito.

Bigla itong ngumisi, na parang may iniisip na kalokohan. "Ms. Brielle, tama ba? Brielle Martinez..."

Tumango siya. Lumapit ito sa kanya.

"Sir, kung pwede po, sabihin na ninyo ang problema nang matapos na natin ito," mahinahon niyang sabi bago bumaling sa kanyang mga staff.

"Pwede na kayong bumalik sa inyong mga trabaho. Ako na ang bahala rito."

Tumango ang mga ito at lumabas ng silid. 

Ngayon, silang dalawa na lang ng lalaki ang naiwan.

"Sir, tinatanong ko po kayo pero hindi kayo sumasagot. Ano po ba ang reklamo ninyo?"

Imbes na sumagot, pinasadahan siya ng lalaki ng tingin mula ulo hanggang paa, nilalaro-laro pa ang labi nito.

Napataas ang kilay niya. "Sir, if you don’t mind me asking… are you a pervert?"

Tinaas nito ang dalawang kamay at ngumiti. "Miss, are you referring to me?"

"Sino pa bang kausap ko rito?" tinaasan niya ito ng kilay.

Ngumiti ito nang mas malaki. "You are my problem, Miss Brielle."

Napaawang ang kanyang bibig.

Anong trip ng lalaking ito?

"Kung wala kayong sasabihin na matino, aalis na ako." Tumalikod siya at padabog na sinara ang pinto.

Bwisit!

Ang gwapo nga, manyak at antipatiko naman!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • PREGNANT AFTER THE MIDNIGHT   Chapter 2

    "Hello, Ma?" bungad ni Brielle sa kabilang linya na may malaking ngiti sa mga labi."Hello, anak? Kumusta ka na?" malambing na bati nito sa kabilang linya.Tinapat niya muna ang phone sa tainga niya at inipit sa balikat bago niya ito sinagot."I'm okay, Ma. Kayo riyan?" tugon niya rito.Habang nag-uusap sila, nagbibihis din siya ng damit."Okay lang kami, dear. So, how's your work?""Better than good, Mama. Kaya lang may asungot kaming guest na nakakaubos ng pasensya. Ang sarap sakalin, Ma," sumbong niya rito.Close kasi sila, at bini-baby pa siya ng mga ito kahit ang tandang-tanda niya na. May dalawa siyang kapatid na lalaki... sina Kuya Kenneth at Kuya Jason. Siya ang bunso sa magkakapatid."Nasaan na ang sinasabi mong habaan ang pasensya? Ikaw din naman pala ang sumuway," natatawang sabi nito, kaya napasimangot siya."Ah, Mama… alam ninyo naman ang ikli ng pasensya ko sa mga taong hindi alam kung paano rumespeto sa kapwa," pangangatwiran niya sa kanyang ina.Patapos na siyang magbi

    Last Updated : 2025-03-25
  • PREGNANT AFTER THE MIDNIGHT   Chapter 3

    Bandang alas sais ng gabi ay puno na ang grand hall ng hotel. Ngayon ang anniversary ng hotel company na pinagtatrabahuhan ni Brielle.She wore a modest and attractive black backless dress with four different colors. It appears simple and conservative in the front, yet it is revealing at the back.Umupo na siya sa reserbang upuan ng mga katrabaho niya.Tumigil lamang sila sa pag-uusap nang magsimulang magsalita ang boss nila na nasa stage. Nakikinig lang siya sa sinasabi nito, at may pinakilala itong major stockholder sa kanila. Matangkad na lalaki at matipunong katawan. Hindi niya pa nakita ang mukha nito. Tutok na tutok siya sa harapan dahil curious siya sa mukha ng lalaki. Nang humarap sa kanila ang major stockholder, nanlaki ang kanyang mga mata nang makita uli ito.Kinalabit siya ni Maxine. "Ma'am Brielle, siya iyong makalaglag-panty ang kagwapuhan sa presidential suite." Napahagikhik nitong tudyo sa kanya.Napairap si Brielle sa kawalan. Kilala na niya ang lalaking ubod ng sama

    Last Updated : 2025-03-25
  • PREGNANT AFTER THE MIDNIGHT   Prologue

    "Miss, excuse me?" inis tawag ni Brielle sa receptionist na abala sa pag-aayos ng mga papeles. Kanina pa niya ito tinatawag, pero nagkukunwari lamang ito na hindi siya naririnig. "Miss, hoy! Ako, naiinis na sayo ha! Kanina pa kita tinatawag!"Napatingin ito sa kanya, kunwari ay nagulat, bago napangiwi sa pagngiti. "Sorry po, ma’am. Ano po pala ang kailangan ninyo?""Narito ba si Matthias Castillejo?""May appointment po ba kayo kay Sir?" balik na tanong ng receptionist sa kanya.Napataas ang kilay ni Brielle. Masyadong nagmamagaling ang tono nito."May kailangan akong sabihin sa kanya, importante. Kailangan ko siya makausap ngayon din mismo."Agad siyang sinipat ng receptionist na parang nag-aalangan kung totoo ba ang sinasabi niya."Ma'am, hindi kami nagpapaharap kay sir ng kung sino-ano lang. Kung wala naman pala kayong appointment, makakaalis na kayo. Wala rito si sir ngayon."Napakurap si Brielle sa kapal ng mukha nito. Kahit pa paano, naisip niyang magiging professional naman ito

    Last Updated : 2025-03-25

Latest chapter

  • PREGNANT AFTER THE MIDNIGHT   Chapter 1

    Kinausap ni Brielle ang mga bagong staff ng hotel, sa loob ng kanyang opisina. May ipinagbilin siya sa kanila tungkol sa mga dapat gawin ngayong araw. Bawat isa ay may itinalagang trabaho. Ibinigay niya ang mga detalye kung ano ang mga kailangang gawin at kung ano ang hindi dapat gawin."Lahat ng mga kasamahan ninyo sa paglilinis ng mga kwarto ay kailangang siguraduhin na malinis ang lahat sa loob. Panatilihin ang kalinisan sa buong gusali upang magkaroon ng magandang impresyon ang ating mga bisita at customer dito sa hotel. Mahalaga ang kanilang feedback sa atin."Seryosong nakatitig siya sa mga staff ng hotel."Ilang ulit ko nang sinabi sa inyo na dapat maging magalang kayo sa lahat. Pahabain ninyo ang pasensya dahil may makakasalamuha tayong mga guest na may iba’t ibang ugali."Isa-isa niyang tiningnan ang mga staff."Opo, Ma'am. Nasisiguro po namin na malinis ang buong paligid," nakangiting sagot ng housekeeping manager. "At magiging magalang kami sa mga guest natin."Napangiti si

  • PREGNANT AFTER THE MIDNIGHT   Prologue

    "Miss, excuse me?" inis tawag ni Brielle sa receptionist na abala sa pag-aayos ng mga papeles. Kanina pa niya ito tinatawag, pero nagkukunwari lamang ito na hindi siya naririnig. "Miss, hoy! Ako, naiinis na sayo ha! Kanina pa kita tinatawag!"Napatingin ito sa kanya, kunwari ay nagulat, bago napangiwi sa pagngiti. "Sorry po, ma’am. Ano po pala ang kailangan ninyo?""Narito ba si Matthias Castillejo?""May appointment po ba kayo kay Sir?" balik na tanong ng receptionist sa kanya.Napataas ang kilay ni Brielle. Masyadong nagmamagaling ang tono nito."May kailangan akong sabihin sa kanya, importante. Kailangan ko siya makausap ngayon din mismo."Agad siyang sinipat ng receptionist na parang nag-aalangan kung totoo ba ang sinasabi niya."Ma'am, hindi kami nagpapaharap kay sir ng kung sino-ano lang. Kung wala naman pala kayong appointment, makakaalis na kayo. Wala rito si sir ngayon."Napakurap si Brielle sa kapal ng mukha nito. Kahit pa paano, naisip niyang magiging professional naman ito

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status