Share

Chapter 3

Author: YUTABATA
last update Last Updated: 2025-04-11 10:35:14

A marriage contract?

Napakunot ang noo ni Cara habang nakatitig kay Elias. Baka naman nagbibiro lang ito, pero wala siyang nakikitang bakas ng biro sa mukha ng lalaki. Tahimik lang ito, nakasandal sa upuan at nakatitig sa kanya na parang may sinasalamin na desisyon.

Lumipas ang ilang minuto. Wala pa ring salita mula kay Elias.

"P-Pero… Sir, hindi naman natin… mahal ang isa’t isa. Hindi rin tayo magkarelasyon para magpakasal—"

"That’s why it’s called a contract marriage, Cara," putol ni Elias, malamig ang tono. "Hindi naman lahat ng ikakasal ay dapat nagmamahalan. Some marriages are for convenience."

Napalunok siya. Mabilis na bumalik sa isip niya ang itsura ng ina niya—pagod, tahimik, at palaging nagtatago. Hindi nagpakasal ang nanay niya. Niloko lang ng ama niya. Ipinangako ni Cara sa sarili, hindi siya magiging katulad nito.

Ayaw niyang maging panakip-butas. Gusto niya maikasal sa lalaking mahal niya at mahal din siya.

"It’s a win-win situation," dagdag pa ni Elias. "Papakasalan mo ako, mananatili ka sa trabaho mo, at bibigyan pa kita ng isang daang milyon pagkatapos ng isang taon kapag naghiwalay na tayo."

Parang may nanuyo sa lalamunan niya.

Isang daang milyon?

Napatingin siya kay Elias, naghahanap ng senyales kung niloloko lang ba siya. Pero kampante lang ito, para bang simpleng business deal lang ang lahat.

"Bakit… kailangan mo magpakasal?" mahinang tanong niya. "Bigla mo na lang ako aalukin ng ganito? Parang may deadline ka."

Napangisi si Elias. Hindi arogante, pero may halong amusement sa mga mata nito.

"I’m engaged. My parents arranged my marriage, and I want to ruin it."

"By using another person?" Natawa siya, pero walang saya sa tinig niya. "Bakit hindi mo na lang sabihin sa kanila na ayaw mo?"

Bahagyang tumawa si Elias, walang humor.

"Hindi ‘yan ang usapan natin ngayon kung naiintindihan nila. Kung madali lang ‘yan, sana matagal ko na silang kinausap."

Tumahimik si Cara. Napatingin siya sa sahig, pilit binubuo ang matinong sagot. She didn’t expect this.

"At kung tumanggi ako sa gusto mo..?"

Tumayo si Elias, lumapit sa kanya at tumigil sa tapat ng mesa. Nakatagilid ang ulo habang nakatitig sa kanya na para bang alam na niya ang isasagot niya.

"You won’t do that," sabi nito, mababa ang tono.

Tumaas ang kilay ni Cara. "Pano ka naman nakakasigurado?"

"Because if you do…" Lumikha ng tension ang tono nito. "I’ll make sure na walang ibang kompanya ang tatanggap sa’yo. I’ll leave you no choice kundi ang bumalik dito… sa akin."

Naikuyom ni Cara ang kamao niya at nagngitngit sa galit. He's pushing her too much para lang tanggapin ang alok nito.

"Paano mo naman mapapaniwala ang mga magulang mo na may iba kang gusto pakasalan?" Sarkastiko ang tono niya.

Napangisi si Elias, bahagyang tumagilid ang ulo na para bang naaaliw sa tanong.

"That’s not your problem," aniya, walang intensyong makipagdiskusyon. "All you need to do is to agree on this contract marriage, marry me, and do your job as my wife in front of other people."

Noong sila pa ng boyfriend niya ay parting nag-iimagine si Cara kung paano maging isang ulirang asawa. Parati siyang nanunuod ng ibat-ibang cooking shows at nagbabasa ng cooking book.

"Isang taon, Cara..." dagdag pa nito. "Isang taon lang ay pwede na rin tayong maghiwalay. Magpa-file ako ng divorce, ibibigay ko sa'yo ang pera, pagkatapos ay pwede na tayong maghiwalay ng landas at hindi pa magkita pa."

Napalunok siya. Wala na siyang ibang pamimilian.

"Sige, tinatanggap ko." Mabilis lang din naman ang isang taon. "But I have one condition."

Umarko ang kilay ni Elias habang pinipigilan ang ngiti. "Tell me."

"Hindi ako matutulog na katabi ka sa isang kama," utal niyang sabi. Uminit ang pisngi niya nang maalala ang nangyari kagabi.

Tumikhim si Elias, saka bahagyang yumuko para mas matitigan siya—may nanunuksong ngiti sa labi nito.

"I think mas kailangan mong paalalahanan ang sarili mo," malambing pero mapanuksong sabi niya. "After all, ikaw ang humila sa'kin at hindi ako. I can control myself, Cara… ewan ko lang sa'yo."

Ang kapal!

This man was really getting on her nerves. Hindi na niya kayang magpigil pa.

"Oh, don't worry, wala lang ako sa katinuan ng gawin ko iyon. You're not my type para gawin ko ulit yun." Nagsisinungaling siya, pero deep inside, she couldn’t deny his appeal.

"Go get your things. We're leaving."

Kumunot ang noo niya. "Saan tayo pupunta?"

"Office of the judge. We're getting married today."

"Ngayon na agad?!" napalakas ang boses niya sa gulat.

Ngumisi si Elias at tiningnan siya ng may halong tuwa. "I’m in need of a wife, Cara."

**

Wearing a simple white dress, pinagmasdan ni Cara ang suot niya habang nakaupo sa couch. Tahimik lang siyang naghihintay, ninenerbyos sa bawat segundong lumilipas habang hinihintay ang pagdating ng judge na magkakasal sa kanila.

Parang hindi siya makahinga.

Sinulyapan niya si Elias na nakaupo sa tabi niya. Wala man lang bahid ng kaba—nakadekwatro lang, relaxed, pinaglalaruan ang strap ng relo niya na parang ordinaryong araw lang ito.

Napangiwi siya. Sa kanilang dalawa, siya lang yata ang nakakaramdam ng bigat ng sitwasyon.

Nakatayo sa likod nila ang driver ni Elias. Tahimik, tuwid ang tindig, at mukhang sanay na sa ganitong eksena. Siya ang magsisilbing saksi sa kasalang ito—kasal na walang damdamin, walang pagmamahal… kontrata lang.

"I'm sorry, I'm late. Natraffic lang," ani ng judge pagpasok sa opisina.

Sabay na napatayo sina Cara at Elias at sinalubong ito. Nakipagkamay ang lalaki sa kanila, kaswal na parang isang business meeting lang ang nagaganap.

"Shall we start?" tanong ng judge habang inaayos ang mga papeles sa mesa.

Tahimik na naupo sina Cara at Elias sa harap niya. Ramdam ni Cara ang kaba habang pinagmamasdan ang papel sa mesa—ang kontratang mag-uugnay sa kanila ni Elias bilang mag-asawa, kahit pa peke lang ito.

Binasa ng judge ang mga kinakailangang linya, diretso at walang emosyon. Sa bawat salitang naririnig niya, parang unti-unting lumulubog ang mundo niya sa isang realidad na hindi na niya pwedeng takasan.

"Then by the authority vested in me by the law, I now pronounce you husband and wife... contractual or not," aniya, may bahagyang biro sa tono. "You may now kiss the bride."

Nagkatitigan sila ni Elias. Wala siyang nasabi—hindi rin niya alam kung dapat ba siyang magsalita.

"Formality lang," bulong ni Elias. Bahagya siyang yumuko at magaan na hinalikan si Cara sa pisngi.

Mabilis lang iyon, pero sapat para tumigil ang tibok ng puso niya saglit.

Hindi siya makapaniwala.

Kasal na siya.

Hindi na siya si Cara Sarmiento.  

Siya na si Mrs. Montemayor.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • The Night I Regret, Until I Didn't    Chapter 4

    "Don't forget what I told you. You have to act like you're in love with me... that we're in love with each other," ani Elias habang nakatingin sa kalsada."Pang-walong beses mo na 'yang sinabi. Paano ko pa makakalimutan?" irap ni Cara, hindi na napigilang dumakma sa sinturon ng seatbelt habang dumudungaw sa bintana.Akala niya, pagkatapos ng kasal, tapos na ang lahat. Pero hindi pa pala. Nandito siya ngayon sa sasakyan, kasama si Elias, papunta sa mansyon ng Montemayor para ipahayag sa mga magulang nito at sa fiancé na hindi na matutuloy ang kasalang matagal nang nakaplano—dahil may asawa na si Elias.Walang sinabi si Cara, pero ang isip niya, abala na sa paghanap ng exit sa gulong ito na sinimulan nila.Matapos ang ilang minuto sa katahimikan ng biyahe, nakita ni Cara na bumagal ang takbo ng sasakyan at pumasok sa malaking itim na gate na may emblemang ginto sa gitna... ang Montemayor crest. Binaybay nila ang mahabang driveway na napalilibutan ng well-trimmed na mga puno at fountain

    Last Updated : 2025-04-11
  • The Night I Regret, Until I Didn't    Chapter 1

    Ang tunog ng tubig na lumalagaslas mula sa banyo ang gumising kay Cara, mula sa mala paraisong panaginip."Ang ingay, ano ba! Natutulog pa ako!" reklamo niya.Napapikit-pikit pa siya habang pilit binubuksan ang kanyang mga mata. Pero agad siyang napabalikwas nang makita ang paligid niya—deluxe hotel room, gulo-gulong kumot, at kumalat na mga damit sa sahig ng carpet. Umaga na, pero halata pa rin ang amoy ng nangyari kagabi."Shit. Talaga bang nakipag-one night stand ako?" wal sa wisyo niyang tanong.Pagtingin niya sa sarili, wala siyang saplot. May kirot pa siya na ramdam sa pagitan ng mga hita. Napakapit siya sa buhok niya. Dahan-dahang bumalik sa kanya ang mga alaala ng gabi.Her boyfriend, who had been in love with her for three years, had told her she was not gentle, considerate, and lacked charm. Nakipaghiwalay ito sa kanya sa mismong third anniversary nilang dalawa. He then went abroad to study for a doctorate with a girl from a wealthy family.Cara, who appeared tough on the ou

    Last Updated : 2025-04-09
  • The Night I Regret, Until I Didn't    Chapter 2

    "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko kung bakit ngayon ka lang umuwi? Ano ba ang nangyari sayo kagabi?" usisa na tanong ng ina ni Cara habang nag-aalmusal silang dalawa."Ma, nalasing ako. Nagkainuman kami ng mga katrabaho ko, doon na rin ako nakitulog," sagot niya nang hindi tumitingin sa mata ng kanyang ina.Hindi siya sanay na nagsisinungaling, pero ayaw naman niya sabihin na naghiwalay na sila ng boyfriend niya at broken hearted siya kaya pumunta siya sa bar at bigla na lang nanghila roon ng lalaki, at callboy pa ang nahila niya."Pumunta nga pala rito ang Auntie Nikki mo."Doon siya nag-angat ng tingin, biglang sumeryoso."Sabi niya ay malubha na ang kalagayan ng lolo mo. Baka raw pwede ka dumalaw sa mansyon dahil gusto ng lolo mo makasama ang mga apo niya. Wala na akong karapatan magpunta roon dahil hindi na ako parte ng pamilya nila, kaya ikaw na lang," mahabang litanya ng kanyang ina, sinubukan niyang makipag-usap ng maayos dahil alam nitong aapila siya."Hindi ako pupunta roo

    Last Updated : 2025-04-09

Latest chapter

  • The Night I Regret, Until I Didn't    Chapter 3

    A marriage contract?Napakunot ang noo ni Cara habang nakatitig kay Elias. Baka naman nagbibiro lang ito, pero wala siyang nakikitang bakas ng biro sa mukha ng lalaki. Tahimik lang ito, nakasandal sa upuan at nakatitig sa kanya na parang may sinasalamin na desisyon.Lumipas ang ilang minuto. Wala pa ring salita mula kay Elias."P-Pero… Sir, hindi naman natin… mahal ang isa’t isa. Hindi rin tayo magkarelasyon para magpakasal—""That’s why it’s called a contract marriage, Cara," putol ni Elias, malamig ang tono. "Hindi naman lahat ng ikakasal ay dapat nagmamahalan. Some marriages are for convenience."Napalunok siya. Mabilis na bumalik sa isip niya ang itsura ng ina niya—pagod, tahimik, at palaging nagtatago. Hindi nagpakasal ang nanay niya. Niloko lang ng ama niya. Ipinangako ni Cara sa sarili, hindi siya magiging katulad nito.Ayaw niyang maging panakip-butas. Gusto niya maikasal sa lalaking mahal niya at mahal din siya."It’s a win-win situation," dagdag pa ni Elias. "Papakasalan mo

  • The Night I Regret, Until I Didn't    Chapter 2

    "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko kung bakit ngayon ka lang umuwi? Ano ba ang nangyari sayo kagabi?" usisa na tanong ng ina ni Cara habang nag-aalmusal silang dalawa."Ma, nalasing ako. Nagkainuman kami ng mga katrabaho ko, doon na rin ako nakitulog," sagot niya nang hindi tumitingin sa mata ng kanyang ina.Hindi siya sanay na nagsisinungaling, pero ayaw naman niya sabihin na naghiwalay na sila ng boyfriend niya at broken hearted siya kaya pumunta siya sa bar at bigla na lang nanghila roon ng lalaki, at callboy pa ang nahila niya."Pumunta nga pala rito ang Auntie Nikki mo."Doon siya nag-angat ng tingin, biglang sumeryoso."Sabi niya ay malubha na ang kalagayan ng lolo mo. Baka raw pwede ka dumalaw sa mansyon dahil gusto ng lolo mo makasama ang mga apo niya. Wala na akong karapatan magpunta roon dahil hindi na ako parte ng pamilya nila, kaya ikaw na lang," mahabang litanya ng kanyang ina, sinubukan niyang makipag-usap ng maayos dahil alam nitong aapila siya."Hindi ako pupunta roo

  • The Night I Regret, Until I Didn't    Chapter 1

    Ang tunog ng tubig na lumalagaslas mula sa banyo ang gumising kay Cara, mula sa mala paraisong panaginip."Ang ingay, ano ba! Natutulog pa ako!" reklamo niya.Napapikit-pikit pa siya habang pilit binubuksan ang kanyang mga mata. Pero agad siyang napabalikwas nang makita ang paligid niya—deluxe hotel room, gulo-gulong kumot, at kumalat na mga damit sa sahig ng carpet. Umaga na, pero halata pa rin ang amoy ng nangyari kagabi."Shit. Talaga bang nakipag-one night stand ako?" wal sa wisyo niyang tanong.Pagtingin niya sa sarili, wala siyang saplot. May kirot pa siya na ramdam sa pagitan ng mga hita. Napakapit siya sa buhok niya. Dahan-dahang bumalik sa kanya ang mga alaala ng gabi.Her boyfriend, who had been in love with her for three years, had told her she was not gentle, considerate, and lacked charm. Nakipaghiwalay ito sa kanya sa mismong third anniversary nilang dalawa. He then went abroad to study for a doctorate with a girl from a wealthy family.Cara, who appeared tough on the ou

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status