Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Hiding The Billionaire's Twin Heir

Hiding The Billionaire's Twin Heir

Lumaki si Louise na mulat sa panglalalaki ng kaniyang ina na siyang naging dahilan para maghiwalay ang kaniyang mga magulang. Dahil pinili ni Louise na sumama sa kaniyang ama, naranasan niyang apihin ng mapagmataas na pamilya ng kaniyang ama. Wala na halos mapuntahan si Louise, pakiramdam niya kalaban niya ang mundo, lalo na nang mapag-alaman niyang niloloko siya ng kasintahan at matalik na kaibigan. Sa paghahangad niyang makalimot sa lahat, isang gabi ang bumago ng tuluyan sa takbo ng buhay ni Louise ng makatalik niya ang pinakamayaman at kilalang bilyonaryo sa bansa. Ang bilyonaryong ito ay matagal ng naghahangad na magkaroon ng tagapagmana. Ngunit dahil sa isang sekretong napag-alaman ni Louise tungkol sa lalaki ay labis siyang natakot para sa kaligtasan ng kambal na pinagbubuntis niya. Naisipan ni Louise na magtrabaho bilang sekretarya sa kompanya para mabantayan ang bawat galaw ng bilyonaryo at masiguradong hindi sila mahahanap ng kambal. Gayunpaman, ginagawa ng bilyonaryo ang lahat at habang nakikita ni Louise kung gaano ito kapursigido na mahanap ang kambal ay mas lalo rin niyang nakikilala ang tunay na katauhan ng misteryosong bilyonaryo. Ngunit kung kailan pa naging sapat ang dahilan niya para ipakilala ang kambal sa ama ng mga ito ay matutuklasan niya na ang sariling ama ang dahilan sa likod ng panganganib ng buhay ng bilyonaryo at ng kambal. Napagtanto ni Louise kung gaano kagahaman sa pera ang ama at gagawin nito ang lahat kahit mapahamak pa sila ng anak mga niya. Sa puntong ito magbabago ang kagustuhan ni Louise sa buhay — ipagkakatiwala niya ang kaligtasan ng kambal sa bilyonaryo at tutulungan itong pabagsakin ang ama at ang pamilya nitong umapi sa kaniya.
Romance
108.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
LOVE AND MYSTERY

LOVE AND MYSTERY

BLURB OF THE STORY Ang simpleng buhay ni Cassey ay biglang nagbago dahil sa isang aksidente. Pagkatapos niyang magising sa pagkaka-comatose ay nagkaroon siya ng partial amnesia. Hindi niya maalala ang mga nangyari bago siya naaksidente. Ngunit kasabay ng pagkakaroon niya ng amnesia ay ang pagkakaroon naman niya ng kakayahang makakita ng mga kaluluwa ng taong namayapa na. Dahil sa bagong kakayahan niyang iyon ay nakilala niya ang kaluluwa ng kamamatay pa lamang na artistang si Dindy Arevalo. Humingi ito sa kanya ng tulong na iparating niya sa fiance nitong si Marcus Monteverde na hindi ito nagpakamatay katulad ng pagkakaalam nito at muling pa-imbestigahan sa lalaki ang dahilan ng pagkamatay ng aktres. Dahil mahirap ang ipinapagawa ng kaluluwa ni Dindy kaya tinanggihan niya ito. Ngunit sa bandang huli ay nagdesisyong siyang tulungan ito dahil na rin sa walang tigil na pangungulit nito sa kanya. Pero paano niya sasabihin kay Marcus na nakikita at nakakausap niya ang fiancee nito at ang tungkol sa nais iparating ng babae dito nang hindi siya magmumukhang nababaliw sa mga mata ng binata? At ano ang gagawin niya ngayong nalalagay sa panganib ang buhay niya dahil sa ginagawa niyang pagtulong sa pagtuklas ng tunay na dahilan ng pagkamatay ni Dindy?
Romance
102.3K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
One more Chance with Sir Niccolo

One more Chance with Sir Niccolo

LavenderPen
Sanhi ng sakit at matinding hagupit ng tinatawag na pag-ibig sa murang edad ay napilitang umalis ng bansa si Glyzel de Villa sa mismong araw ng kasal ni Niccolo Crowell. Ang almost three years secret boyfriend niya na noon ay class adviser lang nila. Baon ang pag-asang lilipas din ang lahat, pinili niyang sa Italy bumangon. Magsimula ng bagong buhay at muling buohin ang sariling winasak ng maling taong labis na minahal. Babalik siya ng bansa pagkaraan ng maraming taon, baon at dala ang paniniwalang buo at nakabangon na. May chance pa ba ang relasyon nilang madugtungan na pinutol at hinadlangan ng hindi akmang oras at panahon? Paano niya magagawang tuluyang maka-move on kung biniyayaan din siya ng kambal na anak na lingid sa kaalaman ng lahat? Isa pa bang pagkakataon? O tama na ang lahat ng sakit na idinulot noon?
Romance
101.2K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Acting Of Affection (TAGALOG)

Acting Of Affection (TAGALOG)

Si Lizabeth Villanueva ay isang babaeng may pangarap sa buhay ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay nangailangan siya ng malaking halaga para sa sakit ng kanyang ina. Inalok siya ng sikat na aktor na si Kenzo Navarro ng malaking halaga kapalit ng pagiging pekeng asawa nito sa loob ng tatlong buwan Mauwi kaya ang pagpapanggap sa totohanan? Ilang beses paglalaruan ng tadhana ang pareho nilang buhay?
Romance
1035.0K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
The Other Dimension

The Other Dimension

Tet Cruz
Sa kabila nang modernisasyon ng mundo ay tahimik na nabubuhay ang grupo ng mga engkantao sa Mt. Talumpit. Sila ang mga nilalang na naging bunga ng pagmamahalan ng mga engkanto at tao noong panahong bago pa man dumating ang mga dayuhang mananakop. Nakalimutan na sila ng mga tao at itunuring na isa na lamang kwentong-bayan. Si Seiri Santos ay anak ng isa sa pinakamayamang negosyante sa Quezon City. Si Matuk ay itinuturing na susunod na pinuno ng mga engkantao. May forever ba kung sakaling bigyan nila ng chance ang isa't-isa? O isa lang itong kaso ng pinagtagpo ngunit di itinadhana?
Fantasy
2.3K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
RED ROOM: Tagalog SPG Hot Stories

RED ROOM: Tagalog SPG Hot Stories

Kalipunan ng mga maiinit na kwento ng pagnanasa, tukso, at bawal na pag-ibig. Mga kwentong magpapaalab ng damdamin at maghahatid ng init sa bawat pahina.
Romance
13.3K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Ex-Husband Replaced: Triplets for the Impotent Zillionaire

Ex-Husband Replaced: Triplets for the Impotent Zillionaire

Sa isang marangyang hotel sa gitna ng lungsod, natagpuan ni Lily May Salvador ang panandaliang paglimot sa sakit ng pagtataksil ng kanyang asawa—sa bisig ng isang misteryosong estranghero. Isang gabing puno ng kapusukan ang nag-ugnay sa kanila, isang sandaling hindi niya inasahang mag-iiwan ng panghabambuhay na marka. Ngunit bago pa sumikat ang araw, pinili niyang lumayo, dala ang isang lihim na babago sa kanyang buhay. Siya ay buntis. At hindi lang isa—triplets ang kanyang dinadala. Sa paglipas ng mga taon, matagumpay niyang itinaguyod ang kanyang mga anak, malayo sa anino ng kanilang ama. Ngunit isang araw, bumalik ang kanyang dating asawa, desperadong humihingi ng pangalawang pagkakataon. Kasabay nito, isang hindi inaasahang pagtatagpo ang naganap—ang pagbabalik ng lalaking hindi niya kailanman nakalimutan, ang tunay na ama ng kanyang mga anak. Pareho silang may nais. Ngunit sa pagitan ng nakaraan at kasalukuyan, sino ang dapat niyang piliin? Ang lalaking minsang bumasag sa kanyang puso, o ang estrangherong itinakda ng tadhana para sa kanya?
Romance
10486 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Secrets of Tajana

Secrets of Tajana

TaigaHopeRainbow
Si Tajana Canizales ay apo ng isang tanyag na pamilya sa probinsya. Siya ay kilala dahil sa angkin niyang ganda, talento at talino. Pero sa likod ng perpektong pagkatao niya, walang nakakaalam na siya ay nababalot ng mga sikreto. Ano ang mangyayari kapag nalaman ng pamilya niya ang lahat ng kanyang lihim? Ano nga ba ang mga itinatago ni Tajana? Magawa pa kaya siyang mahalin ng mga tao sa kabila ng kanyang mga lihim? Saan siya dadalhin ng kanyang mga sikreto?
Romance
3.3K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Boss and His Secretary

The Boss and His Secretary

Lumaking hirap sa buhay ang 24 years old na si Trisha Julianna Brenzuela mula nang iwan sila ng kaniyang ina matapos mamatay ang kaniyang ama. Hindi natapos ang kaniyang pagdurusa matapos naman siyang hiwalayan at ipagpalit ng fiancé niya sa kaniyang kaibigan. Sa kadahilanan ng dagok ng buhay nang mawalan siya ng trabaho at magkasakit ang kaniyang kapatid. Ginawa niya ang lahat kahit na maging isang bayaran sa loob ng isang gabi upang makalikom lamang ng malaking halaga ng pera para sa operasyon ng kapatid niyang may autism. Sa hindi inaasahan, ang childhood enemy niyang si William na kasalukuyang CEO ng Aveedra Electronics Company, ang lalaking naka-one night stand niya at magiging boss rin niya sa trabaho. Ang siyang magiging contract husband niya nang palihim sa loob nang ilang buwan. Ngunit, nang nahulog na ang loob nila sa isa't isa, eksakto namang dumating ang fiancée nito na itinalaga ng pamilya Cervantes at Smith para sa nakaplanong arrange marriage ng dalawa ilang taon na ang nakalilipas. Paano pa maipaglalaban ng dalawa ang kanilang lihim na relasyon mula sa mga magulang ng dalawang kilalang makapangyarihang pamilya? Matapos mabigo ng mga masasamang tauhan ng pamilya Smith mula sa pagtatangka. Magbabalik si Trisha para ipakilala ang kaniyang sarili sa bagong katauhan bilang isang tunay na anak ng kilala at mayamang pamilya Del Fuego.
Romance
106.2K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Married into His Billion-Dollar Life

Married into His Billion-Dollar Life

Isang ordinaryong babae si Trina, anak sa labas ng isang prominenteng pamilya, na hindi kailanman inasahan na magiging sentro ng isang nakakagulat na sitwasyon: nagkaroon siya ng marriage certificate na nagpapakita na kasal na siya… sa isang lalaki na hindi niya kilala — si Luke Montenegro, ang misteryosong heir ng pinakamayamang angkan sa mundo. Habang sinusubukan ni Trina na alamin ang katotohanan, natuklasan niya ang masalimuot na relasyon ng kanyang pamilya sa mga Montenegro, at kung paano siya itinuturing na walang karapatan kumpara sa kanyang kapatid na si Gabriela, na nakatakdang pakasalan si Xander Montenegro, ang panganay ng pamilya. Sa gitna ng mga intriga, bulung-bulungan, at paninibugho ng pamilya, napilitang makipag-ugnayan si Trina kay Luke, na sa unang tingin ay malamig, misteryoso, at makapangyarihan. Ngunit habang nagkakaroon sila ng hindi inaasahang koneksyon, lilitaw ang tanong: maaari bang mabuo ang pag-ibig sa pagitan ng dalawang taong napagbuklod ng tadhana sa pinaka-kakaibang paraan? Punong-puno ng drama, misteryo, at romantikong tensyon, ang kuwento ay sumusubok sa hangganan ng pamilya, kayamanan, at kung paano hinaharap ni Trina ang kanyang kapalaran sa piling ng isang lalaking hindi niya inaasahan.
Romance
206 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
3233343536
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status