BLURB OF THE STORY Ang simpleng buhay ni Cassey ay biglang nagbago dahil sa isang aksidente. Pagkatapos niyang magising sa pagkaka-comatose ay nagkaroon siya ng partial amnesia. Hindi niya maalala ang mga nangyari bago siya naaksidente. Ngunit kasabay ng pagkakaroon niya ng amnesia ay ang pagkakaroon naman niya ng kakayahang makakita ng mga kaluluwa ng taong namayapa na. Dahil sa bagong kakayahan niyang iyon ay nakilala niya ang kaluluwa ng kamamatay pa lamang na artistang si Dindy Arevalo. Humingi ito sa kanya ng tulong na iparating niya sa fiance nitong si Marcus Monteverde na hindi ito nagpakamatay katulad ng pagkakaalam nito at muling pa-imbestigahan sa lalaki ang dahilan ng pagkamatay ng aktres. Dahil mahirap ang ipinapagawa ng kaluluwa ni Dindy kaya tinanggihan niya ito. Ngunit sa bandang huli ay nagdesisyong siyang tulungan ito dahil na rin sa walang tigil na pangungulit nito sa kanya. Pero paano niya sasabihin kay Marcus na nakikita at nakakausap niya ang fiancee nito at ang tungkol sa nais iparating ng babae dito nang hindi siya magmumukhang nababaliw sa mga mata ng binata? At ano ang gagawin niya ngayong nalalagay sa panganib ang buhay niya dahil sa ginagawa niyang pagtulong sa pagtuklas ng tunay na dahilan ng pagkamatay ni Dindy?
View MoreKung pakiramdam ni Cassey ay nagkamali lamang siya ng dinig kanina nang humingi sa kanya ng sorry ang binata ngayon naman ay tila siya nabingi siya sa dalawang pangungusap na sinabi nito. Bahagyang napaawang ang kanyang mga labi sa hindi inaasahang maririnig mula sa bibig ng binata. May gusto sa akin si Marcus? Imposible. Paano nangyari iyon? Talagang hindi makapaniwala si Cassey sa ginawang pag-amin ng binata sa tunay nitong nararamdaman sa kanya. Paano ba naman kasi siya maniniwala gayong lagi itong galit sa kanya at iniinsulto siya palagi sa tuwing magkikita silang dalawa? Hindi kaya sinabi lamang nito ang mga salitang iyon dahil ayaw talaga nito na makipaglapit siya kay Alex? Dahil iniisip nito na pera lamang ang habol niya sa kaibigan nito kaya siya nakipaglapit sa matalik nitong kaibigan? Kung iyon ang dahilan kung bakit nito nagawang sabihin ang mga salitang iyon ay hinding-hindi niya ito mapapatawad.
Naglalakad si Cassey palabas ng kanilang school gate nang marinig niyang may tumatawag sa pangalan niya. Nang lumingon siya ay natuklasan niya si Jeremy iyon. Ang ka-schoolmate niyang nanliligaw rin sa kanya. Mayaman, guwapo at matalino ito pero hindi ito katulad ng ibang lalaki na mayabang porke't nagtataglay ng mga katangiang nakakaangat s iba. Hindi niya ito ma-prangka na wala itong aasahan sa kanya dahil mabait naman ito sa kanya. Kung natuturuan nga lang ang puso ay tinuruan na niyang umibig dito. Pero hindi,eh. Iba ang nilalaman ng kanyang puso. Ibang lalaki ang gusto niya ngunit hindi naman niya maaaring mahalin. Maliban sa may ibang babae itong gusto ay masasaktan pa niya ang damdamin ng kanyang kapatid kapag ipinagpilitan niya ang kanyang nararamdaman. "Cassey, uuwi ka na ba?" hinihingal na tanong ni Jeremy sa kanya. Siguro malayo na siya nang makita nito kaya hinabol na lamang siya. "Oo. Uuwi na ako
Nakasalubong ni Cassey ang matalas na paningin ni Marcus nang lumingon siya."What are you doing here, Alex?" tanong ni Marcus sa kaibigan ngunit sa kanya naman nakatutok ang nagtatanong na mga mata."Hi, Marcus. Nandito rin pala kayo ni Glenda," nakangiting sagot naman ni Alex. Ewan kung nahahalata nito o kung nagkukunwari lang na hindi nito nahahalata ang madilim na mukha ng kaibigan."We're on a date," sagot naman ni Glenda kahit hindi ito ang tinatanong ng ka-date niya. Tinaasan siya nito ng kilay ngunit hindi na lamang niya niya pinansin."What are you doing in this kind of place?" muling tanong ni Marcus. But this time, she is very that his question was meant for her and not to his friend, Alex."Ano pa ba ang gagawin namin dito kundi ang kumain? Bakit? Bawal ba kaming kumain dito?" nakasimangot niyang sagot. Na-insulto kasi siya sa paraan ng pagtatanong nito na para bang sinasabi nito na hindi siya bagay sa lugar na iyon.Lalo n
Mag-aalas-siyete pa lamang ng gabi ay nasa harapan na ng pintuan ng bahay ni Cassey si Alex at kumakatok sa pintuan. Kasalukuyan pa lamang siyang nag-aayos ng kanyang sarili nang marinig niya ang pagkatok ng lalaki. Nagmamadaling kinuha niya ang kanyang bathrobe at ipinatong sa suot niyang pulang spaghetti strap na dress."Nandiyan na si Alex, Cassey," pagbabalita sa kanya ng kaluluwa ng kanyang ate na biglang na lamang sumulpot sa kanyang harapan at pagkatapos ay bigla ring naglaho.Basta na lamang nawawala at sumusulpot ang kaluluwa ng kapatid sa kanyang harapan. Mabuti na lamang at sanay na siya sa ganoong ginagawa nito kaya hindi na siya nagugulat pa. Pagkatapos niyang tingnan ang sarili sa harapan ng salamin ay mabilis na siyang lumabas ng kuwarto niya para pagbuksan ng pintuan ang kumakatok."Hi, Cassey. Good evening," nakangiting bati sa kanya nang pagbukas ng pintuan. "Sorry kung medyo napaaga ako ng dating," pauma
Kasalukuyang nagtatanghalian sina Cassey at Clea sa bahay niya nang biglang may kumatok sa pintuan. Madalas kasi'y doon niya pinapakain ang kaibigan. Malungkot kasing kumain na mag-isa. Ang kanyang Ate Dindy naman ay nakaupo lamang sa tapat niya at nilagyan din niya ng sariling pinggan na may lamang pagkain kahit na hindi naman nito kayang kumain.Tumayo si Clea upang pagbuksan ang taong kumakatok sa labas. Napasimangot ito nang mapagsino ang taong iyon."Hi, Clea. Nandiyan ba si Cassey?" Narinig ni Cassey na tanong ng taong kumatok na walang iba kundi si Alex."Wala," mataray na sagot ng kaibigan. "At puwede bang huwag ka nang pupunta pa dito? Nakakasira ka ng araw!""Bakit ba ang sungit at taray-taray mo, Clea? Wala naman akong ginagawang masama sa'yo," nakakunot ang noong sabi ni Alex. Mayamaya ay biglang napangiti ng nakakaloko. "Siguro may gusto ka sa akin, 'no?Hindi lang ang butas ng ilong ni Clea ang nanlaki kundi pati na rin ang kanyang mg
Panay ang punas ni Cassey sa kanyang mga luha na walang humpay sa pagpatak habang nakikinig sa mga kuwento sa kanya ng kanyang Ate Cassidy. Ikinukuwento lang naman nito kung paano ito nakaligtas nang tumaob ang bangkang sinasakyan nila noon. Kung paano ang naging buhay nito sa piling ng adopted parents. At siyempre'y kung paano ito naging isang sikat at magaling na artista sa kabila ng batang edad nito.Ayon sa kuwento ng kanyang nito ay inanod ito ng malakas na alon hanggang sa nakakapit ito sa isang putol na troso. Nagpalutang-lutang daw ito sa dagat ng dalawang araw bago hinampas ng malakas na alon na nagdala naman dito patungo sa dalampasigan ng isang private beach resort sa Mindoro. Doon na ito natagpuan ng mga taong umampon dito na siyang may-ari ng resort.Inalagaan daw ito ng mabuti at itinuring na tunay na anak ng mga Arevalo. Pero bigla raw nag-iba ang trato rito ng adopted mother nito. Pinilit ni
"Bakit bumalik na naman tayo dito sa condo mo, Dindy? Laging may hindi magandang nangyayari kapag pumupunta tayo sa condominium na ito." Hindi maiwasang mag-alala ni Cassey. Nang unang beses na tumapak siya sa building na iyon ay nahulog siya sa hagdan kaya nagkaroon siya ng amnesia. No'ng pangalawa naman ay muntik na siyang mapatay ng taong pumasok sa loob ng unit ni Dindy at 'yong pangatlo ay muntik na rin siyang mahulog ulit sa hagdan kung saan siya nahulog dati. Mukhang isinumpa yata ang building na ito kung kaya't maraming sakuna ang nangyayari sa kanya kapag tumatapak siya sa lugar na ito."Dahil may kinalaman ang condo unit ko sa nakita ko sa aking isip," sagot ng kaluluwa ni Dindy. Katulad nang una at pangalawa ay sinilip muna nito ang loob ng unit kung may tao o wala bago siya pinapasok."Nakakatakot naman dito sa loob ng unit ni Dindy, Cassey. Parang may mga
Pagkatapos nilang mapagtagni-tagni ang mga pangyayari ay nagpasya si Cassey na puntahan ang hagdanan kung saan siya nahulog. Bakasakaling may maalala siya kapag makita niya ang eksaktong lugar kung saan siya nahulog."Sigurado ka ba na kaya mong pumunta sa lugar na iyon, Cassey?" Nag-aalalang tanong ng kaluluwa ni Dindy nang malapit na sila sa hagdan ng fourth floor kung saan siya nahulog.Magmula kasi nang nalaman niya na nahulog siya sa mataas na hagdan ay bigla siyang nagkaroon ng takot sa mga matataas na hagdan. Ni hindi na nga siya umaakyat sa second floor kapag nagpupunta sila ni Clea sa isang mall. Kahit ang rooftop garden ng school nila na madalas niyang puntahan kapag gusto niyang mag-relax ay hindi na rin niya pinupuntahan. Natatakot na kasi siyang umakyat sa mataas na hagdanan. Nai-imagine niya kasi ang sarili niya na gumugulong paibaba ng hagdanan habang duguan ang ulo at maraming mga pasa-pasa sa katawan.Tumango siya. "I have to do it.
Sa pangalawang pagkakataon ay nagising si Cassey sa loob ng kuwarto ni Marcus. Pagmulat ng mga mata niya ay agad niyang nalaman na ito ang lalaking tumulong sa kanya dahil kuwarto nito ang nabungaran ng kanyang mga mata pagmulat niya. Bumngon siya sa pagkakahiga ngunit hindi siya umalis sa ibabaw ng kama. Nanatili siyang nakaupo habang hawak ang kanyang sikmura na hanggang ngayon ay masakit pa rin dahil sa ginawang pagsuntok sa kanya ng kidnapper. Nasa ganoon siyang tagpo nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang guwapong lalaki na ngayon lang niya nakita. May dala ito ng isang mangkok ng sopas na umuusok pa sa sobrang init."Hi. Mabuti at gising ka na. I'm Alex Gonzaga, Marcus handsome bestfriend." Matamis ang pagkakangiting bati nito sa kanya kasabay ng pagpapakilala sa sarili. Guwapo ito sa salitang guwapo. At mas nakadagdag pa sa pagiging guwapo nito ang malalalim na dimples sa magkabilang pisngi na lumilitaw sa tuwing ito'y nagsasalita.Nakadama siya ng
Patingin-tingin si Cassey sa mga numerong nakasulat sa harapan ng pintuan ng mga condo unit na kanyang dinaraanan. Nasa fourth floor siya ng Sky Tower Condominium at hinahanap ang numero ng condo unit ng matalik niyang kaibigan na si Clea. Dalawang araw pa lamang ang nakalilipas nang maghakot ito ng sariling mga gamit mula sa bahay ng mga magulang nito at dinala sa nabiling condo unit kaya hindi pa siya nakakapunta sa unit nito. Kanina ay tinawagan niya ito at sinabing pupuntahan niya ito sa bago nitong tirahan. Mabilis namang idinikta ni Clea ang adress nito pati na rin kung anong floor at anong number ng unit nito. Mayamaya ay nakita na niya ang number ng unit ni Clea. Nakita niya na bahagyang nakabukas ang pintuan nito kaya hindi na niya kailangang kumatok pa. Naisip niya na sadyang binuksan nito ang pintuan para pumasok na agad siya sa loob. Dahan-dahan ang ginawa niyang pag
Comments