Isang Linggo na ang nakalilipas magmula nang malaman ni Cassey ang tungkol sa pagpanaw ng paborito at iniidolo niyang artista ngunit hindi pa rin siya maka-get over hanggang sa mga sandaling iyon. Talagang hindi siya makapaniwala na patay na si Dindy Arevalo. At mas lalong hindi siya makapaniwala na nagpakamatay ito. Wala sa karakter nito ang magpakamatay dahil sa problema. Lalong-lalo na ang magpakamatay dahil sa isang lalaki na katulad ng sinabi sa mga balita.
Nais daw makipaghiwalay rito ang fiance nitong si Marcus Monteverde kaya na-depressed ito na naging sanhi ng pagpapatiwakal sa pamamagitan nga ng pag-inom ng maraming sleeping pills.
Natigil sa pag-iisip si Cassey nang mapansin na tila may nagmamasid sa kanya sa loob ng kanyang kuwarto. Napitili siya ng malakas nang makita ang kaluluwa ng babaeng laman ng kanyang isip na nakatayo sa gilid ng kanyang kama.
“Can you stop screaming? Nakukulele ang tainga ko sa’yo.”
“A-ano’ng ginagawa mo rito?P-paano mo ako nasundan hanggang dito sa bahay ko?”
Ngumiti ang kaluluwa ni Dindy. “Siyempre, sinundan ko kayo ng kaibigan mo hanggang dito sa bahay mo. Pero hindi muna ako nagpakita sa’yo. Hinayaan ko na magpagaling ka muna bago ako muling magpakita sa’yo,” nakangiting sabi nito. Hindi nito pinansin ang takot na nakabalatay sa kanyang mukha. Naglakad ito palapit
sa kanya.“Huwag kang lalapit sa akin.Hanggang diyan ka lang.” Natigil sa paglalakad ang kaluluwa ni Dindy.
“Ano ba ang problema mo? Ngayon ka pa ba matatakot sa akin? Nag-usap na nga tayo doon sa ospital, eh,” nakataas ang kilay na turan nito. “Hindi naman kita sasaktan. You see? I’m already dead. So you don’t have to be afraid of me. I can’t hurt you, okay?”
“Kaya nga ako natatakot sa’yo kasi patay ka na. Sino ba namang normal na tao ang hindi matatakot kapag nalaman niya na ang taong kausap niya ay isa nang patay?"
Lalong tumaas ang kilay ng babaeng multo. “For your information, Cassey, you are not a normal person. You can see and talk to a spirit like me. Sa tingin mo’y magagawa mo ba ito kung isa kang normal na tao?”
Bigla siyang napipilan. May point naman ito sa sinabi. Hindi nga siya normal na tao dahil nakikita at nakakausap niya ito na isa nang multo. Pero paano naman nangyari iyon? Wala naman siyang third eye. Hindi kaya nabuksan ang third eye niya nang maaksidente siya at na-comatose? Posible ngang iyon ang dahilan. May mga nabasa kasi siya sa libro at sa mga napanuod niya sa movies na kapag ang isang tao ay himalang nakaligtas sa isang aksidente ay hindi na nagiging normal ang kanilang buhay. Hindi kaya ganoon din ang nangyayari sa kanya ngayon?
Ang totoo'y hindi naman siya masyadong natatakot dito. Maganda pa rin naman kasi ang hitsura nito kahit na patay na ito.Nagulat lang talaga siya nang makita itong nasa loob na ng kanyang kuwarto samntalang iniisip pa lamang niya ito.
“Hey! Natahimik ka na diyan.Talaga bang sobra kang na-shock sa natuklasan mong kakayahan?”
“Ano ang kailangan mo sa akin? Bakit ka nagpapakita sa akin?” Tanong niya rito imbes na sagutin ang tanong nito.
“Kaya ako nagpapakita sa’yo kasi ikaw lamang ang makakatulong sa akin, Cassey. Kailangan ko ang tulong mo.” Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Dindy. Mula sa pagiging mataray kanina ay naging maamo ang anyo nito at nakikiusap.
“Ano ba ang kailangan kong gawin para matahimik na ang kaluluwa mo at makaakyat ka na sa langit?”
“Gusto kong puntahan mo at kausapin ang fiance kong si Marcus Monteverde. Gusto kong sabihin mo sa kanya na nakikita at nakakausap mo ako. Gusto ko ring sabihin mo sa kanya na muling pa-imbestigahan ang dahilan ng pagkamatay ko. Hindi kasi ako naniniwala na nagpakamatay ako dahil lamang sa gusto niyang makipaghiwalay sa akin.”
Nababaliw ka na ba? Gusto mong gawin ko ang lahat ng mga sinabi mong ‘yan? Magmumukha akong baliw sa kanyang paningin kapag ginawa ko ang nais mo. At kapag minalas pa ako’y baka ipatapon pa niya ako sa mental hospital,” react niya matapos marinig ang tulong na hinihiningi sa kanya ng kaluluwa ni Dindy.
“I don’t a have choice, Cassey. I really don’t believed that I committed suicide because of that reason. There’s something fishy on it. Bakit may sleeping pills sa condo unit ko gayong hindi naman ako umiinom niyon? I’m alergic to sleeping pills, Cassey. I once almost died because of it. Kaya hindi na ako bumili ng sleeping pills magmula nang mangyari sa akin ‘yon,” mahabang salaysay nito.
Natahimik si Cassey at biglang nag-isip matapos marinig ang paliwanag ni Dindy. She has a point. But what she wanted her to do is ridiculous. How can she approach Marcus and tell him that she can see and talk to his fiancee’s spirit? Sigurado na mapagka-
kamalan lamang siya nitong baliw. At tiyak na hindi siya nito paniniwalaan.“I can’t do it. I’m sorry, Dindy, but I really can’t do it. Maghanap ka na lang ng ibang tao na kaya kang makita at makausap. Maybe they will agree to do your favor.”
###
Ilang beses ng nalaglag sa semento ang mga aklat ni Cassey na nakapatong sa ibabaw ng kanyang mesa kahit na wala namang tao na gumagalaw niyon.Isa sa mga kaklase niya ang hindi nakatiis at kinausap siya matapos nitong pulutin ang nahulog niyang aklat.
“Ano ba ang nangyayari sa’yo, Cassey?Kanina pa namin napapansin na palaging nalalaglag sa semento ‘yang mga aklat mo.Ipasok mo kasi ang mga ‘yan sa loob ng bag mo para hindi sagabal sa pagsusulat mo,” hindi nakatiis na sita sa kanya ng kaklase niyang si Lyka.
“Sorry. Hindi ko napapansin na nasasagi ko pala ang aklat ko’t nahuhulog. Nakapokus kasi ang buong atensiyon ko sa aking isinusulat,” paumanhin niya. Tinapunan naman niya ng masamang tingin ang multong si Dindy na nakatayo malapit sa kanyang tabi at nakangisi. Ito kasi ang may kagagawan kong bakit nalalaglag palagi sa semento ang mga aklat niya.
Hindi nila parehong maipaliwanag kung bakit minsan ay nagagawang magpagalaw ni Dindy ng mga bagay kahit na isa na itong multo. Siguro napapagalaw nito ang isang bagay kapag nakapokus lamang sa iisang bagay ang atensiyon nito. O baka dahil sa determinasyon nitong mapagalaw ang isang bagay. Kung anuman ang totoong dahilan kung bakit nito nagagawa ang magpagalaw ng mga bagay ay walang nakakaalam.
“Pumayag ka na kasi sa hinihiling ko sa’yo para pareho na tayong manahimik. Promise, kapag nagawa mo na ang ipinakikiusap ko sa’yo ay hindi na kita gagambalain pa,” pakiusap ng multo ni Dindy.
Nagpatuloy lamang sa pagsusulat si Cassey at nagkunwari na walang siyang naririnig. Magmula nang tinanggihan niya ang ipinakikiusap nitong gawin niya ay hindi na siya nilubayan ng kaluluwa ni Dindy. Palagi itong nakabuntot sa kanya kahit saan man siya magpunta. Mapa-school,grocery or kahit sa simbahan ay ginagambala siya nito. Nagmumukha tuloy siyang baliw sa mata ng mga tao. Minsan kasi kapag hindi siya nakakatiis ay kinakausap niya si Dindy. At dahil sa wala namang nakikita ang mga tao na may kausap siya kaya napagkakamalan siyang baliw. Napapailing na lamang ang mga ito sa kanya.
Kahit anong salita ni Dindy ay hindi niya ito pinapansin. Hanggang sa natapos ang klase niya nang araw na iyon ay hindi niya ito kinakausap. Hindi naman niya kasi kayang gawin ang nais nitong ipagawa sa kanya.
###
“Gising na, Cassey! Oras na para mag-jogging tayo. Cassey!”Hindi pinansin ni Cassey ang nambubulahaw na tinig na iyon na nagmumula sa multong si Dindy. Hindi pa rin siya dumilat kahit na hinugot at inilaglag nito sa paanan ng kama ang kanyang kumot. Nagkunwari siyang malalim pa rin ang kanyang tulog.
Saka lamang siya dumilat nang makalipas ang ilang minuto ay wala na siyang naririnig na tinig mula rito. Inaasahan niya na hindi na niya ito makikita pagdilat niya ng mga mata. Ngunit nang magmulat siya ng mga mata ay naroon pa rin si Dindy sa paanan ng kama’t nakatayo. Tahimik lamang ito at sobrang lungkot ang anyo habang nakatingin sa kanya.
Napilitan siyang bumangon at umupo sa ibabaw ng kanyang kama’t tinitigang mabuti ang anyo ng gumagambalang kaluluwa sa kanya. Talagang napakaganda ng mukha nito kahit na malungkot at parang maiiyak ang ekspresyon ng mukha. Hindi nakabawas sa ganda nito ang gulo-gulong buhok na tila matagal nang hindi nadadaanan ng suklay at kahit na may pagka-maputla na ang mukha. Siyempre multo na ito kaya natural lamang na maputla na ang hitsura nito subalit hindi maipagkakailang maganda pa rin ito.
Suot pa rin nito ang roba na siyang suot din nito nang una silang nagkita. Hindi maayos ang pagkakabuhol ng tali roba sa baywang nito kaya bahagya niyang nasisilip ang malusog nitong dibdib.
Humugot muna si Cassey ng malalim na buntong-hininga bago
nagsalita. “Sige na, pumapayag na akong tulungan ka sa gusto mong mangyari.”Nanlaki ang mga mata ni Dindy pagkarinig sa kanyang sinabi. “Talaga? Pumapayag ka nang kausapin si Marcus at sabihin sa kanya ang mga ipinasasabi ko?” Bakas ang katuwaan sa maputlang mukha. Nang tumango siya ay parang batang nagtatalon ito sa tuwa.
“Tumigil ka nga sa katatalon diyan. At puwede bang ayusin mo ang pagkakabuhol ng tali niyang suot mong roba’t nakikita ko na ang “kaluluwa mo.”
“Sorry. I’m just happy to hear that you’re finally willing to help me. At saka totoo naman na nakikita mo ang kaluluwa ko kasi isa na nga akong kaluluwa, ‘di ba?”
Cassey just rolled her eyes. Hindi na lamang niya pinansin ang kasuotan nito. She looks very happy right now. At sa pagkakataong iyon ay tila hindi niya kayang sirain ang kasiyahang nadarama nito.
Habang tinititigan niya ng matagal ang mukha ni Dindy ay napansin niya na parang may pagkakapareho sila ng ibang features sa mukha. Katulad na lamang ng kanilang mga mata na parehong-pareho ang hitsura. Pareho silang nagtataglay ng mga mata na medyo may pagka-tsinita at mahahaba ang mga pilikmata. Kahit ang kulay ng kanilang mga mata ay pareho ring dark chocolate. Magkapareho rin sila ng structure ng kanilang mga ilong at hugis ng mga labi. Kung pagtatabihin sila at tititigan ng mabuti ay tiyak na mapapansin ang kanilang pagkakapareho.
Hindi niya alam kung bakit malaki ang kanilang pagkakahawig gayong hindi naman sila magkaano-ano. At isa pa na gumugulo sa kanyang isipan ay kung bakit sa dinami-rami ng tao sa mundo ay kung bakit siya pa ang nagkaroon ng kakayahang makita at makausap ang kaluluwa ni Dindy.
Siguro isa rin iyon sa dahilan kung bakit nagpasya siyang tulungan ang babae. Nais niyang mabigyan ng kasagutan ang mga katanungan sa kanyang isip maliban sa talagang naaawa siya rito. Mukha kasing hindi talaga matatahimik ang kaluluwa nito at hindi ito makakatawid sa kabilang buhay kapag hindi nito nagawa ang nais nitong gawin dito sa mundo. At isa pa’y base sa kanyang narinig na kuwento mula rito ay kaduda-duda nga ang dahilan ng pagkamatay nito.
Kung naaalala lang sana nito kung paano ito namatay ay wala sanang problema. Pero katulad lamang din ito sa kanya na may mga alaalang nakalimutan. Siya'y nakalimutan kung ano ang mga nangyari bago siya naaksidente samantalang si Dindy naman ay nakalimutan ang lahat ng mga nangyari bago ito namatay. At tila napaka-importante pa sa kanila ang mga alaala nila na pareho nilang nakalimutan.
"Ano, parating na ba ang fiance mo, Dindy?" Halos mag-iisang oras nang naghihintay malapit sa nakaparadang kotse ni Marcus sina Cassey at Clea kasama ang kaluluwa ni Dindy. Hinihintay nilang lumabas ang lalaki sa building na pag-aari nito para masagawa na nila ang kanilang plano. Tatlong araw na nag-isip si Cassey kung paano siya makakalapit kay Marcus Monteverde nang hindi nito nahahalata na sinadya nila ang kanilang pagkikita. Wala siyang maisip na ibang paraan kundi ang magpanggap na muntikan ng masagasaan ng kotse nito at pagkatapos ay bigla siyang mahihimatay. Sana nga lang ay umepekto ang drama nila at hindi nito mapansin na planado ang lahat kahit na masyadong cliché ang gagawin nila. "Wala pa, eh. Pero sigurado ka ba na kaya mo talaga itong gagawin mo? Hindi ka pa masyadong magaling." Itinuro ni Dindy ang kanyang mga braso na may natitira pang gasgas at pasa-pasa dala ng pagkahulog niya sa hagdanan. &nbs
Ala-una ng madaling araw ay nagising si Cassey nang makaramdam ng pagkauhaw. Maingat siyang bumangon sa kama at nagtungo sa kusina para kumuha ng malamig na maiinom. Naginhawaan ang kanyang pakiramdam nang maramdaman ang pagdaloy ng malamig na tubig mula sa kanyang lalamunan pababa sa kanyang sikmura. Pagkatapos niyang uminom ay agad na sana siyang babalik sa kanyang silid nang mapuna niyang nakatayo ang kaluluwa ni Dindy sa gilid ng kurtina at walang katinag-tinag habang nakatanaw sa labas. Nakatingin ito sa maliwanag na buwan ngunit halatado naman na wala sa buwan ang utak nito."Ano'ng ginagawa mo, Dindy? Bakit hindi ka pa nagpapahinga?" Pukaw niya sa atensiyon nito. Saka lamang ito natinag nang marinig ang kanyang boses."Ikaw pala, Cassey,"anito nang tingnan siya." Hindi ka ba natakot nang makita mo ako na nakatayo rito sa gilid ng bintana?"Bahagya siyang ngumiti." Kung sa ganoong sitwasyon tayo muling nagkita pagkatapos sa ospital ay malamang na nat
Mula sa mahimbing na pagkakatulog sa malambot na kama ay biglang nagising si Cassey dahil sa tama ng sikat ng araw sa kanyang mukha na nagmumula naman sa bukas na bintana ng kuwartong kinaroroonan niya. Saglit na kumunot ang kanyang noo nang mapansin na tila hindi pamilyar sa kanya ang silid na iyon. Nang tuluyan niyang maalala ang nangyari ay mabilis siyang napabangon sa kama. Tamang-tama namang nakabangon na siya nang biglang bumukas ang pintuan ng kuwarto at bumungad ang pigura ni Marcus. "Mabuti naman at gising ka na. Kumusta na ang pakiramdam mo?" Kaagad na tanong nito sa kanya. Kung kanina habang binubuhat siya nito papasok sa loob ng kotse ay puno ng pag-aalala ang mukha ngayon naman ay seryoso ito at walang kangiti-ngiti. Nakakailang tuloy na makipag-usap dito. "M-maayos na ang pakiramdam ko," mahina niyang sagot. " Nasaan ako? Kaninong bahay ito?" "See? I told you. She's gonna be okay once she wake up. Ikaw lan
Sa pangalawang pagkakataon ay nagising si Cassey sa loob ng kuwarto ni Marcus. Pagmulat ng mga mata niya ay agad niyang nalaman na ito ang lalaking tumulong sa kanya dahil kuwarto nito ang nabungaran ng kanyang mga mata pagmulat niya. Bumngon siya sa pagkakahiga ngunit hindi siya umalis sa ibabaw ng kama. Nanatili siyang nakaupo habang hawak ang kanyang sikmura na hanggang ngayon ay masakit pa rin dahil sa ginawang pagsuntok sa kanya ng kidnapper. Nasa ganoon siyang tagpo nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang guwapong lalaki na ngayon lang niya nakita. May dala ito ng isang mangkok ng sopas na umuusok pa sa sobrang init."Hi. Mabuti at gising ka na. I'm Alex Gonzaga, Marcus handsome bestfriend." Matamis ang pagkakangiting bati nito sa kanya kasabay ng pagpapakilala sa sarili. Guwapo ito sa salitang guwapo. At mas nakadagdag pa sa pagiging guwapo nito ang malalalim na dimples sa magkabilang pisngi na lumilitaw sa tuwing ito'y nagsasalita.Nakadama siya ng
Pagkatapos nilang mapagtagni-tagni ang mga pangyayari ay nagpasya si Cassey na puntahan ang hagdanan kung saan siya nahulog. Bakasakaling may maalala siya kapag makita niya ang eksaktong lugar kung saan siya nahulog."Sigurado ka ba na kaya mong pumunta sa lugar na iyon, Cassey?" Nag-aalalang tanong ng kaluluwa ni Dindy nang malapit na sila sa hagdan ng fourth floor kung saan siya nahulog.Magmula kasi nang nalaman niya na nahulog siya sa mataas na hagdan ay bigla siyang nagkaroon ng takot sa mga matataas na hagdan. Ni hindi na nga siya umaakyat sa second floor kapag nagpupunta sila ni Clea sa isang mall. Kahit ang rooftop garden ng school nila na madalas niyang puntahan kapag gusto niyang mag-relax ay hindi na rin niya pinupuntahan. Natatakot na kasi siyang umakyat sa mataas na hagdanan. Nai-imagine niya kasi ang sarili niya na gumugulong paibaba ng hagdanan habang duguan ang ulo at maraming mga pasa-pasa sa katawan.Tumango siya. "I have to do it.
"Bakit bumalik na naman tayo dito sa condo mo, Dindy? Laging may hindi magandang nangyayari kapag pumupunta tayo sa condominium na ito." Hindi maiwasang mag-alala ni Cassey. Nang unang beses na tumapak siya sa building na iyon ay nahulog siya sa hagdan kaya nagkaroon siya ng amnesia. No'ng pangalawa naman ay muntik na siyang mapatay ng taong pumasok sa loob ng unit ni Dindy at 'yong pangatlo ay muntik na rin siyang mahulog ulit sa hagdan kung saan siya nahulog dati. Mukhang isinumpa yata ang building na ito kung kaya't maraming sakuna ang nangyayari sa kanya kapag tumatapak siya sa lugar na ito."Dahil may kinalaman ang condo unit ko sa nakita ko sa aking isip," sagot ng kaluluwa ni Dindy. Katulad nang una at pangalawa ay sinilip muna nito ang loob ng unit kung may tao o wala bago siya pinapasok."Nakakatakot naman dito sa loob ng unit ni Dindy, Cassey. Parang may mga
Panay ang punas ni Cassey sa kanyang mga luha na walang humpay sa pagpatak habang nakikinig sa mga kuwento sa kanya ng kanyang Ate Cassidy. Ikinukuwento lang naman nito kung paano ito nakaligtas nang tumaob ang bangkang sinasakyan nila noon. Kung paano ang naging buhay nito sa piling ng adopted parents. At siyempre'y kung paano ito naging isang sikat at magaling na artista sa kabila ng batang edad nito.Ayon sa kuwento ng kanyang nito ay inanod ito ng malakas na alon hanggang sa nakakapit ito sa isang putol na troso. Nagpalutang-lutang daw ito sa dagat ng dalawang araw bago hinampas ng malakas na alon na nagdala naman dito patungo sa dalampasigan ng isang private beach resort sa Mindoro. Doon na ito natagpuan ng mga taong umampon dito na siyang may-ari ng resort.Inalagaan daw ito ng mabuti at itinuring na tunay na anak ng mga Arevalo. Pero bigla raw nag-iba ang trato rito ng adopted mother nito. Pinilit ni
Kasalukuyang nagtatanghalian sina Cassey at Clea sa bahay niya nang biglang may kumatok sa pintuan. Madalas kasi'y doon niya pinapakain ang kaibigan. Malungkot kasing kumain na mag-isa. Ang kanyang Ate Dindy naman ay nakaupo lamang sa tapat niya at nilagyan din niya ng sariling pinggan na may lamang pagkain kahit na hindi naman nito kayang kumain.Tumayo si Clea upang pagbuksan ang taong kumakatok sa labas. Napasimangot ito nang mapagsino ang taong iyon."Hi, Clea. Nandiyan ba si Cassey?" Narinig ni Cassey na tanong ng taong kumatok na walang iba kundi si Alex."Wala," mataray na sagot ng kaibigan. "At puwede bang huwag ka nang pupunta pa dito? Nakakasira ka ng araw!""Bakit ba ang sungit at taray-taray mo, Clea? Wala naman akong ginagawang masama sa'yo," nakakunot ang noong sabi ni Alex. Mayamaya ay biglang napangiti ng nakakaloko. "Siguro may gusto ka sa akin, 'no?Hindi lang ang butas ng ilong ni Clea ang nanlaki kundi pati na rin ang kanyang mg
Kung pakiramdam ni Cassey ay nagkamali lamang siya ng dinig kanina nang humingi sa kanya ng sorry ang binata ngayon naman ay tila siya nabingi siya sa dalawang pangungusap na sinabi nito. Bahagyang napaawang ang kanyang mga labi sa hindi inaasahang maririnig mula sa bibig ng binata. May gusto sa akin si Marcus? Imposible. Paano nangyari iyon? Talagang hindi makapaniwala si Cassey sa ginawang pag-amin ng binata sa tunay nitong nararamdaman sa kanya. Paano ba naman kasi siya maniniwala gayong lagi itong galit sa kanya at iniinsulto siya palagi sa tuwing magkikita silang dalawa? Hindi kaya sinabi lamang nito ang mga salitang iyon dahil ayaw talaga nito na makipaglapit siya kay Alex? Dahil iniisip nito na pera lamang ang habol niya sa kaibigan nito kaya siya nakipaglapit sa matalik nitong kaibigan? Kung iyon ang dahilan kung bakit nito nagawang sabihin ang mga salitang iyon ay hinding-hindi niya ito mapapatawad.
Naglalakad si Cassey palabas ng kanilang school gate nang marinig niyang may tumatawag sa pangalan niya. Nang lumingon siya ay natuklasan niya si Jeremy iyon. Ang ka-schoolmate niyang nanliligaw rin sa kanya. Mayaman, guwapo at matalino ito pero hindi ito katulad ng ibang lalaki na mayabang porke't nagtataglay ng mga katangiang nakakaangat s iba. Hindi niya ito ma-prangka na wala itong aasahan sa kanya dahil mabait naman ito sa kanya. Kung natuturuan nga lang ang puso ay tinuruan na niyang umibig dito. Pero hindi,eh. Iba ang nilalaman ng kanyang puso. Ibang lalaki ang gusto niya ngunit hindi naman niya maaaring mahalin. Maliban sa may ibang babae itong gusto ay masasaktan pa niya ang damdamin ng kanyang kapatid kapag ipinagpilitan niya ang kanyang nararamdaman. "Cassey, uuwi ka na ba?" hinihingal na tanong ni Jeremy sa kanya. Siguro malayo na siya nang makita nito kaya hinabol na lamang siya. "Oo. Uuwi na ako
Nakasalubong ni Cassey ang matalas na paningin ni Marcus nang lumingon siya."What are you doing here, Alex?" tanong ni Marcus sa kaibigan ngunit sa kanya naman nakatutok ang nagtatanong na mga mata."Hi, Marcus. Nandito rin pala kayo ni Glenda," nakangiting sagot naman ni Alex. Ewan kung nahahalata nito o kung nagkukunwari lang na hindi nito nahahalata ang madilim na mukha ng kaibigan."We're on a date," sagot naman ni Glenda kahit hindi ito ang tinatanong ng ka-date niya. Tinaasan siya nito ng kilay ngunit hindi na lamang niya niya pinansin."What are you doing in this kind of place?" muling tanong ni Marcus. But this time, she is very that his question was meant for her and not to his friend, Alex."Ano pa ba ang gagawin namin dito kundi ang kumain? Bakit? Bawal ba kaming kumain dito?" nakasimangot niyang sagot. Na-insulto kasi siya sa paraan ng pagtatanong nito na para bang sinasabi nito na hindi siya bagay sa lugar na iyon.Lalo n
Mag-aalas-siyete pa lamang ng gabi ay nasa harapan na ng pintuan ng bahay ni Cassey si Alex at kumakatok sa pintuan. Kasalukuyan pa lamang siyang nag-aayos ng kanyang sarili nang marinig niya ang pagkatok ng lalaki. Nagmamadaling kinuha niya ang kanyang bathrobe at ipinatong sa suot niyang pulang spaghetti strap na dress."Nandiyan na si Alex, Cassey," pagbabalita sa kanya ng kaluluwa ng kanyang ate na biglang na lamang sumulpot sa kanyang harapan at pagkatapos ay bigla ring naglaho.Basta na lamang nawawala at sumusulpot ang kaluluwa ng kapatid sa kanyang harapan. Mabuti na lamang at sanay na siya sa ganoong ginagawa nito kaya hindi na siya nagugulat pa. Pagkatapos niyang tingnan ang sarili sa harapan ng salamin ay mabilis na siyang lumabas ng kuwarto niya para pagbuksan ng pintuan ang kumakatok."Hi, Cassey. Good evening," nakangiting bati sa kanya nang pagbukas ng pintuan. "Sorry kung medyo napaaga ako ng dating," pauma