Patingin-tingin si Cassey sa mga numerong nakasulat sa harapan ng pintuan ng mga condo unit na kanyang dinaraanan. Nasa fourth floor siya ng Sky Tower Condominium at hinahanap ang numero ng condo unit ng matalik niyang kaibigan na si Clea.
Dalawang araw pa lamang ang nakalilipas nang maghakot ito ng sariling mga gamit mula sa bahay ng mga magulang nito at dinala sa nabiling condo unit kaya hindi pa siya nakakapunta sa unit nito. Kanina ay tinawagan niya ito at sinabing pupuntahan niya ito sa bago nitong tirahan. Mabilis namang idinikta ni Clea ang adress nito pati na rin kung anong floor at anong number ng unit nito.
Mayamaya ay nakita na niya ang number ng unit ni Clea. Nakita niya na bahagyang nakabukas ang pintuan nito kaya hindi na niya kailangang kumatok pa. Naisip niya na sadyang binuksan nito ang pintuan para pumasok na agad siya sa loob.
Dahan-dahan ang ginawa niyang pagtulak sa pintuan para hindi mapansin ni Clea na naroon na siya. Balak niyang gulatin ito katulad ng madalas nitong ginagawa kapag nagpupunta ito sa bahay niya.
Nakapasok na si Cassey sa loob ng kuwarto ngunit walang Clea siyang nakita sa loob. Napangiti siya nang makarinig ng tila may nahulog na isang bagay mula sa loob ng banyo. Naisip niyang naliligo pala ito kaya hindi niya agad nakita. Mas mabuti iyon dahil tiyak na magugulat ito kapag ginulat niya ito habang palabas ng pintuan. Hindi pa man niya ginagawa ang balak niyang gulatin ang kaibigan ay natatawa na siya sa magiging reaksiyon nito.Nakikinita na niya ang panlalaki ng mga mata nito at ang pagtili ng malakas dahil sa pagkagulat. Magugulatin kasi ito. Kahit konting panggugulat lamang dito ay tumitili na agad ito ng malakas.
Naglakad si Cassey papunta sa banyo. Nakita niyang hindi nakasarado ang pintuan ng banyo. Baka tapos nang maligo ang kaibigan niya. Malapit na siya sa pintuan ng banyo nang makarinig siya ng mahinang boses. Boses ng isang babae na tila hirap na hirap huminga.Mabilis niyang tinulak ang bukas na pintuan sa pag-aalalang inaatake na naman ang asthma ni Cassey. Ngunit ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang sa halip na ang kaibigang may asthma’t nahihirapang huminga ang kanyang maaktuhan ay isang lalaki na maskulado ang pangangatawan na nakatayo sa paanan ng isang magandang babaeng nakalugmok sa tiles na sahig ng banyo’t tila wala nang buhay ang tumambad sa kanyang mga mata.
“Y-you k-killed her.” Halos hindi lumabas sa kanyang bibig ang mga salitang iyon sa pinaghalong shocked at takot.
Cassey wanted to run as fast as she can but she couldn’t move her body. Pakiramdam niya’y biglang naparalisa ang buo niyang katawan.
“Yes. I killed her! And I will gonna kill you too since you saw what I did,” the man replied.
No! I refuse to die! Pilit na hinamig niya ang sarili. Hindi niya papayagang patayin din siya ng lalaki katulad ng ginawa nitong pagpatay sa babae. She’s still young.She just turned twenty last month. Marami pa siyang nais gawin na hindi pa niya nagagaw kaya hindi pa siya maaaring mamatay. Not now, and specially not in the hands of this man in front of her.
Kasabay ng paglapit sa kanya ng lalaki ay ang pagtakbo naman niya ng mabilis palabas ng inaakalang condo unit ng kanyang kaibigan. Hindi naiwasang mapamura ni Cassey nang makarating siya sa elevator at nakitang may nakasulat na “under maintenance”. Kanina’y wala ang sign na iyon.Kung bakit ba naman nakisabay pa ang elevator kung kailan kailangan niyang gamitin ito.
Dahil under maintenance ang elevator ay walang choice si Cassey kundi ang tumakbo na lamang patungo sa hagdanan. Mas mabuti na iyon kaysa hintayin niyang maabutan siya ng killer sa harapan ng elevator.
Akala niya ay hindi na siya sinundan ng killer dahil hindi naman niya ito nakita sa kanyang likuran. Ngunit nagkamali siya dahil malapit na siya sa may hagdanan pababa nang makita niya ito na tumatakbo palapit sa kanya.
“Oh God! Please don’t,” nahihintakutan niyang sambit. Huwag sana siyang maabutan ng mamamatay taong iyon.
Ngunit tinulungan yata ng among demonyo ang lalaki’t biglang bumilis ang pagtakbo palapit sa kanya. Bago pa siya makaapak sa unang baitang pababa ay naabutan na siya.Hinila nito ng mahigpit ang kanyang buhok. Napatili siya ng malakas sa pinaghalong sakit ng pagkakahawak nito sa kanyang buhok at sa sobrang takot sa posibleng sapitin niya sa kamay nito.
“Where do you think you’re going? Gusto mong makatakas para makapagsumbong ka sa mga pulis? Dream on!” Nandidilat ang mga mata nito habang nagsasalita. Mala-demonyo ang pagkakangisi nito kaya tuloy nagmukhang parang totoong demonyo ang paningin niya rito.
Sa kabila ng matinding takot na kanyang nararamdaman ay nakuha pa niyang magsalita. “Mamamatay tao! Dapat mong pagbayaran ang ginawa mong krimen!”
“Let me tell you this, Miss. I only killed one person and you will be the second. ”Bago pa mahulaan ni Cassey kung ano ang gagawin ng lalaki sa kanya ay mabilis na siyang naitulak nito pababa ng hagdan.
Nag-echo sa kinalalagyan nila ang malakas niyang tili. Nagpagulong-gulong siya pababa ng hagdan. Sa sobrang takot at sobrang sakit ng kanyang ulo’t katawan sa pagkakahulog sa mataas na hagdan ay tuluyang nagdilim ang kaniyang paningin at nawalan siya ng malay.
###
“Finally, nagising ka na rin, Cassey! Alam mo ba kung gaano ako nag-alala nang tawagan ako ng ospital staff at ipinaalam sa akin na nasa ospital ka dahil nahulog ka sa hagdanan? Ano ba ang nangyari at—” Itinaas ni Cassey ang isa niyang kamay para patigilin ang bunganga ni Clea na walang tigil sa pagsatsat. Pagkagising-na pagkagising niya ay agad siyang inulan nito ng mga tanong.“Puwede bang hinay-hinay lang at isa-isa lang ang tanong? Ka-
kagising ko lang at masakit pa ang ulo at buong katawanko, okay?”“Sorry naman. Masyado lang akong nag-alala sa’yo. Teka, ipapaalam ko muna sa mga doktor na nagising ka na.”
Pagkalabas ni Clea ng kuwarto ay napaisip siya. Bakit nga ba siya naroon sa loob ng ospital? Bakit siya nahulog sa hagdanan? Ano ang nangyari? Ang huling natatandaan niya ay pumasok siya sa loob ng condo unit nito. Naglakad siya papunta sa banyo dahil iniisip niyang nasa banyo ito at naliligo nang marinig niyang may nahulog na kung ano mula sa banyo. Pagkatapos no’n ay hindi na niya maalala pa kung ano ang mga sumunod na nangyari.
Napaungol siya ng mahina nang makaramdam ng pagsakit ng kanyang ulo. Pinipilit niya kasing alalahanin ang mga nangyari. Kung bakit siya napunta sa may hagdan at nahulog, eh, nasa loob siya ng condo unit ni Clea. Ngunit kahit anong pag-aalaala niya sa nangyari ay talagang hindi niya maalala. Sumasakit lamang ang kanyang ulo kapag pinipilit niyang gawin iyon.
“O bakit? Anong masakit sa’yo, Cassey?” Nag-aalala ang tinig ni Clea. Naabutan kasi nito na nakahawak siya sa kanyang ulo habang nakapikit at nakakunot ang noo.
“Hindi ko maalala ang mga nangyari,Dok. Hindi ko alam kung bakit ako narito sa ospital? Sumasakit lamang ang ulo ko kapag pinipilit kong may maalala.”
Kaagad siyang nilapitan ng doktor na tinawag ni Clea at sinuri siya ng maige bago kinausap.
“Kumalma ka lang, Cassey. Kung ang pagbabasehan ko ay ang sinasabi mo na wala kang maalala na kahit ano sa mga nangyari bago ka naaksidente ay mukhang nagkaroon ka ng partial amnesia. Bunga siguro iyon ng pagkakauntog ng ulo sa matigas na bagay. Dahil wala naman kaming nakitang damage sa brain mo nang pina-CT scan ka namin. At iyon ay isang malaking himala. Sa laki ng bukol sa ulo mo nang dalhin ka rito ay nakatitiyak ako na tumama ng malakas ang ulo mo sa isang matigas na bagay na gaya ng dinding, baitang ng hagdan o di kaya'y sa bakal na hawakan ng hagdanan. Ngunit himala na maliban sa ilang pilay sa braso't paa, ilang gasgas sa buo mong katawan,putok sa ulo at higit sa lahat ay napakalaking bukol sa ulo ay wala ka nang ibang damage. Lalong-lalo na sa'yong ulo," mahabang paliwanag ni Dr. Santos sa kanilang dalawa.
"Talagang mahal ka ni Lord, Cassey. Dahil hindi ka niya pinabayaan at hinayaang.masaktan ng todo-todo," ani Clea nang nakangiti.
"Huwag kang mag-alala’t paunti-unti ay babalik din iyong mga nakalimutan mong mga pangyayari. Sa ngayon ay magpahinga ka na muna at magpagaling.Don't force yourself to remember anything if it will only cause to hurt your head,” dagdag pa ni Doktor Gary Santos, ang doktor na sumuri sa kanya.
Tinanguan niya ito at nagpasalamat. Pagkatapos ng ilang mga tagubilin nito ng mga dapat at hindi niya dapat gawin ay lumabas na rin ito ng kanyang silid para makapagpahinga siya. Agad naman siyang nilapitan ni Clea.
“Ang dami kong gustong itanong sa’yo pero sigurado namang hindi mo ako masasagot kaya hahayaan ko na lang muna na gumaling ka at bumalik ang iyong memorya. Saka na kita raratratin ng mga katanungan.”
Tinanguan lamang niya ito at pagkatapos ay ipinikit na niya ang kanyang mga mata. Medyo sumasakit pa rin ang kanyang ulo.
###
Araw ng paglabas ni Cassey sa ospital. Isang Linggo pa siyang nanatili sa ospital pagkatapos niyang magising sa isang Linggong pagkaka-comatose.Pagkatapos niyang magbihis ay lumabas na siya ng kuwartong inokupa. Nauna nang bumama sa kanya si Clea dahil magbabayad pa ito ng kanyang hospital bill. Habang naglalakad siya sa hallway ay nakarinig siya ng boses ng isang umiiyak. Hindi niya sana iyon papansinin ngunit tila may malakas na puwersa ang humihila sa kanya patungo sa kinaroroonan ng babaeng umiiyak. Sinundan niya ang boses ng babae hanggang sa makarating siya sa isang kuwartong nasa dulo. Bukas ang pintuan ng kuwarto kaya agad niyang nakita ang isang babae na nakasuot ng puting bathrobe na nakaupo sa gilid ng kama habang umiiyak. Nakayuko ito kaya hindi niya nakikita ng maayos ang mukha nito.
Kumuha siya ng tissue paper sa loob ng dala niyang shoulder bag at iniabot sa babae.
“Huwag ka nang malungkot. All of us will have to die. Hindi nga lang sabay-sabay. Pero kahit iniwan ka ng iyong mahal sa buhay ay kailangan mong ipagpatuloy pa rin ang iyong buhay. Hindi gugustuhin ng namayapa mong mahal sa buhay na makitang nalulungkot ka dahil sa kanyang pagkawala.”
Naisip niya na namatayan siguro ito ng mahal sa buhay kaya ito nalulungkot at umiiyak. Naranasan na rin niya iyon.
Magkakasabay-sabay na namatay sa aksidente ang mga magulang niya kasama ang nag-iisa at nakatatanda niyang kapatid noong sampung taong gulang pa lamang siya. Nalunod sa dagat ang tatlo nang biglang tumaob sa tubig ang bangkang sinasakyan nilang mag-anak habang namamasyal sila sa Hundred Islands. Nakaligtas siya ngunit hindi ang kanyang mga magulang. Ang katawan naman ng kanyang Ate Cassidy ay hindi na na-recover ng mga rescuer. Baka raw inanod na iyon ng tubig papunta sa malayo o di kaya’y kinain na ng malalaking isda sa dagat. Kaya pagkatapos ng isang Linggong paghahanap sa kanyang ate at hindi ito natagpuan ay idineklara na itong patay ng mga rescuer. Tanging siya lamang sa kanilang apat ang nakaligtas. Nakakapit kasi siya sa isang bahagi ng lumulutang na kahoy.
Pagkamatay ng kanyang mga magulang at kapatid ay kinuha naman siya at kinupkop ng kanyang Lolo Joaquin: ama ng kanyang yumaong ina. Binusog siya ng pagmamahal ng kanyang lolo kaya mabilis siyang nakapag-move on sa trahedyang sinapit ng pamilya niya. Sa kasalukuyan ay masaya na siya sa kanyang buhay. Mayroon siyang mapagmahal na lolo na ngayon ay sa ibang bansa na naninirahan dahil kinuha na ito ng panganay nitong anak. Malayo man sila sa isa't isa ay parang magkalapit pa rin sila. Palagi kasi itong tumatawag sa kanya para kamustahin ang kanyang kalagayan at siyempre ang kanyang pag-aaral. Buwan-buwan kung magpadala ito ng pera sa kanya kaya hindi siya naghihirap. At isa pang dahilan kung bakit masaya na siya sa buhay niya ay dahil mayroon siyang matalik na kaibigan na nakahanda palaging tumulong sa kanya. Palagi rin itong handang dumamay kapag may problema siya at kapag nakikita nitong nalulungkot siya ay agad siya nitong pinapatawa.
Pero kahit na masaya na siya ngayon ay mayroon pa rin siyang tanging hinihiling Diyos. Iyon ay ang muling makita at makapiling ang kanyang Ate Cassidy. Naniniwala kasi siya na buhay pa ito at hindi patay. Hindi naman kasi nakita ng mga rescuer na naghanap dito ang patay nitong katawan kaya naniniwala siyang bahay pa rin ito. At balang araw ay magkikita rin silang muli at magkakasama.
“Y-you can see me and hear my voice?” Ang boses na iyon ng babae ang pumukaw sa isip niyang naglakbay saglit sa nakaraan.
“Oo naman. Bakit naman hindi kita makikita at maririnig?” Bigla siyang na-werduhan sa kanyang kaharap.
Sa gulat ni Cassey ay biglang tumayo ang babae at masayang nagtatalon at nagpaikot-ikot sa kinatatayuan na parang bata. ”May nakakakita sa akin at nakakarinig! Nakikita at naririnig niya ako.”
Lalo lamang siyang na-werduhan sa nakitang ikinilos ng babae. Bakit naman ito tuwang-tuwa na nakikita at naririnig niya ito? Normal lang naman na makita at marinig niya ito. At bakit ganito ang suot nito? Nakasuot lamang ito ng putting roba na bagama’t lukot-lukot ay halatado pa ring malambot ang tela at mamahalin.
“Puwede bang tumigil ka na sa katatalon at kaiikot? Ako itong nahihilo sa’yo, eh,” saway niya rito.
Tumigil naman ito sa ginagawa at tuluyan siyang hinarap. Saka lamang niya napansin na ang babaeng kaharap ay walang iba kundi ang sikat at hinahangaan niyang artista na si Dindy Arevalo.
Hindi agad niya ito nakilala dahil natatakpan ng magulo at mahaba nitong buhok ang mukha.
“Sino ang kausap mo diyan, Miss?”
Napalingon si Cassey sa likuran niya kung saan naroon ang isang lalaking nurse at nakatayo. Nagtataka ang hitsura nito habang nakatingin sa kanya.
“Ha? Ah, wala. Akala ko lang narito sa loob ang hinahanap kong kaibigan kaya nagsasalita ako. Wala naman pala,” kaila niya. Naisip niya na isang sikat na artista si Dindy. Tiyak na pagkakaguluhan ito ng mga tao sa ospital kapag nakita ng mga ito na naroon ang babae.
Nagpatango-tango ang lalaking nurse bago walang paalam na umalis. Nang wala ito sa paningin niya ay muli niyang hinarap si Dindy ngunit wala na ito sa kinatatayuan nito kanina. Baka nagtago sa banyo nang makitang maliban sa kanya ay may ibang tao na roon. Hindi na lamang niya ito hinanap at umalis na rin siya.
“Okay na ba ang lahat?” Tanong niya sa kaibigan nang maabutan niya ito sa lobby ng ospital at naghihintay sa kanya.
“Okay na po, Ma’am Cassey. Wala na pong problema. Umalis na tayo at kanina pa ako nagugutom.” Nagpatiuna itong naglakad palabas ng ospital. Walang kibong sumunod na lamang siya rito.
“Bakit nga pala ang tagal mong bumaba kanina?” Tanong ni Clea habang nagmamaneho ito ng kotse nito.
“Nakita at nakausap ko kasi si Miss Dindy Arevalo. Maganda talaga siya kahit na kakaiba ang hitsura niya kanina,” pagkukuwento niya. Natawa siya nang makitang natigagal ang katabi.”Nagulat ka, ’no? Hindi mo akalain na makikita ko at makakausap si Miss Dindy doon pa mismo sa loob ng ospital.”
Tumango lamang si Clea. Tila hindi pa rin ito makapaniwala sa narinig kaya hindi ito makapagsalita.
“S-sigurado ka ba na si Miss Dindy Arevalo ang nakita at nakausap mo, Cassey? Hindi kaya namalikmata ka lang kanina?”
Natawa siya ng mahina. Iniisip niya na talagang hindi makapaniwala si Clea na totoong nakita at nakausap niya ang paborito nilang artista.
“Oo nga. Talagang nakita at nakausap ko siya kanina.Promise.” Itinaas pa niya ang kanang kamay na para bang nanunumpa siya maniwala lamang ito na totoo ang kanyang sinabi.
“Imposible. Paano mangyayari iyon? Napaka-imposible.”
“At paano namang napaka-imposibleng makita at makausap ko siya?”
“Dindy is already dead, Cassey. She died the same day you admitted to hospital,” paliwanag nito.
“What?” Hindi siya makapaniwala sa narinig. ”How did it happen? Are you sure she’s really dead?”
Magkakasunod-sunod itong tumango. Ikinuwento nito sa kanya ang mga pangyayari habang naka-comatose siya sa ospital.
Napahawak si Cassey sa kanyang dibdib matapos marinig ang buong kuwento ng kaibigan. Tila may kung anong mabigat na bagay ang tila dumagan sa kanyang dibdib sa natuklasan. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit tila nakaramdam siya ng ibayong lungkot sa katotohanang patay na ang iniidolong artista. Siguro dahil iniidolo niya ito kaya siya nakaramdam ng gano’n.
“So, the woman that I saw and talked at the hospital earlier was only the spirit of Dindy?”
Isang Linggo na ang nakalilipas magmula nang malaman ni Cassey ang tungkol sa pagpanaw ng paborito at iniidolo niyang artista ngunit hindi pa rin siya maka-get over hanggang sa mga sandaling iyon. Talagang hindi siya makapaniwala na patay na si Dindy Arevalo. At mas lalong hindi siya makapaniwala na nagpakamatay ito. Wala sa karakter nito ang magpakamatay dahil sa problema. Lalong-lalo na ang magpakamatay dahil sa isang lalaki na katulad ng sinabi sa mga balita. Nais daw makipaghiwalay rito ang fiance nitong si Marcus Monteverde kaya na-depressed ito na naging sanhi ng pagpapatiwakal sa pamamagitan nga ng pag-inom ng maraming sleeping pills. Natigil sa pag-iisip si Cassey nang mapansin na tila may nagmamasid sa kanya sa loob ng kanyang kuwarto. Napitili siya ng malakas nang makita ang kaluluwa ng babaeng laman ng kanyang isip na nakatayo sa gilid ng kanyang kama. “Can you
"Ano, parating na ba ang fiance mo, Dindy?" Halos mag-iisang oras nang naghihintay malapit sa nakaparadang kotse ni Marcus sina Cassey at Clea kasama ang kaluluwa ni Dindy. Hinihintay nilang lumabas ang lalaki sa building na pag-aari nito para masagawa na nila ang kanilang plano. Tatlong araw na nag-isip si Cassey kung paano siya makakalapit kay Marcus Monteverde nang hindi nito nahahalata na sinadya nila ang kanilang pagkikita. Wala siyang maisip na ibang paraan kundi ang magpanggap na muntikan ng masagasaan ng kotse nito at pagkatapos ay bigla siyang mahihimatay. Sana nga lang ay umepekto ang drama nila at hindi nito mapansin na planado ang lahat kahit na masyadong cliché ang gagawin nila. "Wala pa, eh. Pero sigurado ka ba na kaya mo talaga itong gagawin mo? Hindi ka pa masyadong magaling." Itinuro ni Dindy ang kanyang mga braso na may natitira pang gasgas at pasa-pasa dala ng pagkahulog niya sa hagdanan. &nbs
Ala-una ng madaling araw ay nagising si Cassey nang makaramdam ng pagkauhaw. Maingat siyang bumangon sa kama at nagtungo sa kusina para kumuha ng malamig na maiinom. Naginhawaan ang kanyang pakiramdam nang maramdaman ang pagdaloy ng malamig na tubig mula sa kanyang lalamunan pababa sa kanyang sikmura. Pagkatapos niyang uminom ay agad na sana siyang babalik sa kanyang silid nang mapuna niyang nakatayo ang kaluluwa ni Dindy sa gilid ng kurtina at walang katinag-tinag habang nakatanaw sa labas. Nakatingin ito sa maliwanag na buwan ngunit halatado naman na wala sa buwan ang utak nito."Ano'ng ginagawa mo, Dindy? Bakit hindi ka pa nagpapahinga?" Pukaw niya sa atensiyon nito. Saka lamang ito natinag nang marinig ang kanyang boses."Ikaw pala, Cassey,"anito nang tingnan siya." Hindi ka ba natakot nang makita mo ako na nakatayo rito sa gilid ng bintana?"Bahagya siyang ngumiti." Kung sa ganoong sitwasyon tayo muling nagkita pagkatapos sa ospital ay malamang na nat
Mula sa mahimbing na pagkakatulog sa malambot na kama ay biglang nagising si Cassey dahil sa tama ng sikat ng araw sa kanyang mukha na nagmumula naman sa bukas na bintana ng kuwartong kinaroroonan niya. Saglit na kumunot ang kanyang noo nang mapansin na tila hindi pamilyar sa kanya ang silid na iyon. Nang tuluyan niyang maalala ang nangyari ay mabilis siyang napabangon sa kama. Tamang-tama namang nakabangon na siya nang biglang bumukas ang pintuan ng kuwarto at bumungad ang pigura ni Marcus. "Mabuti naman at gising ka na. Kumusta na ang pakiramdam mo?" Kaagad na tanong nito sa kanya. Kung kanina habang binubuhat siya nito papasok sa loob ng kotse ay puno ng pag-aalala ang mukha ngayon naman ay seryoso ito at walang kangiti-ngiti. Nakakailang tuloy na makipag-usap dito. "M-maayos na ang pakiramdam ko," mahina niyang sagot. " Nasaan ako? Kaninong bahay ito?" "See? I told you. She's gonna be okay once she wake up. Ikaw lan
Sa pangalawang pagkakataon ay nagising si Cassey sa loob ng kuwarto ni Marcus. Pagmulat ng mga mata niya ay agad niyang nalaman na ito ang lalaking tumulong sa kanya dahil kuwarto nito ang nabungaran ng kanyang mga mata pagmulat niya. Bumngon siya sa pagkakahiga ngunit hindi siya umalis sa ibabaw ng kama. Nanatili siyang nakaupo habang hawak ang kanyang sikmura na hanggang ngayon ay masakit pa rin dahil sa ginawang pagsuntok sa kanya ng kidnapper. Nasa ganoon siyang tagpo nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang guwapong lalaki na ngayon lang niya nakita. May dala ito ng isang mangkok ng sopas na umuusok pa sa sobrang init."Hi. Mabuti at gising ka na. I'm Alex Gonzaga, Marcus handsome bestfriend." Matamis ang pagkakangiting bati nito sa kanya kasabay ng pagpapakilala sa sarili. Guwapo ito sa salitang guwapo. At mas nakadagdag pa sa pagiging guwapo nito ang malalalim na dimples sa magkabilang pisngi na lumilitaw sa tuwing ito'y nagsasalita.Nakadama siya ng
Pagkatapos nilang mapagtagni-tagni ang mga pangyayari ay nagpasya si Cassey na puntahan ang hagdanan kung saan siya nahulog. Bakasakaling may maalala siya kapag makita niya ang eksaktong lugar kung saan siya nahulog."Sigurado ka ba na kaya mong pumunta sa lugar na iyon, Cassey?" Nag-aalalang tanong ng kaluluwa ni Dindy nang malapit na sila sa hagdan ng fourth floor kung saan siya nahulog.Magmula kasi nang nalaman niya na nahulog siya sa mataas na hagdan ay bigla siyang nagkaroon ng takot sa mga matataas na hagdan. Ni hindi na nga siya umaakyat sa second floor kapag nagpupunta sila ni Clea sa isang mall. Kahit ang rooftop garden ng school nila na madalas niyang puntahan kapag gusto niyang mag-relax ay hindi na rin niya pinupuntahan. Natatakot na kasi siyang umakyat sa mataas na hagdanan. Nai-imagine niya kasi ang sarili niya na gumugulong paibaba ng hagdanan habang duguan ang ulo at maraming mga pasa-pasa sa katawan.Tumango siya. "I have to do it.
"Bakit bumalik na naman tayo dito sa condo mo, Dindy? Laging may hindi magandang nangyayari kapag pumupunta tayo sa condominium na ito." Hindi maiwasang mag-alala ni Cassey. Nang unang beses na tumapak siya sa building na iyon ay nahulog siya sa hagdan kaya nagkaroon siya ng amnesia. No'ng pangalawa naman ay muntik na siyang mapatay ng taong pumasok sa loob ng unit ni Dindy at 'yong pangatlo ay muntik na rin siyang mahulog ulit sa hagdan kung saan siya nahulog dati. Mukhang isinumpa yata ang building na ito kung kaya't maraming sakuna ang nangyayari sa kanya kapag tumatapak siya sa lugar na ito."Dahil may kinalaman ang condo unit ko sa nakita ko sa aking isip," sagot ng kaluluwa ni Dindy. Katulad nang una at pangalawa ay sinilip muna nito ang loob ng unit kung may tao o wala bago siya pinapasok."Nakakatakot naman dito sa loob ng unit ni Dindy, Cassey. Parang may mga
Panay ang punas ni Cassey sa kanyang mga luha na walang humpay sa pagpatak habang nakikinig sa mga kuwento sa kanya ng kanyang Ate Cassidy. Ikinukuwento lang naman nito kung paano ito nakaligtas nang tumaob ang bangkang sinasakyan nila noon. Kung paano ang naging buhay nito sa piling ng adopted parents. At siyempre'y kung paano ito naging isang sikat at magaling na artista sa kabila ng batang edad nito.Ayon sa kuwento ng kanyang nito ay inanod ito ng malakas na alon hanggang sa nakakapit ito sa isang putol na troso. Nagpalutang-lutang daw ito sa dagat ng dalawang araw bago hinampas ng malakas na alon na nagdala naman dito patungo sa dalampasigan ng isang private beach resort sa Mindoro. Doon na ito natagpuan ng mga taong umampon dito na siyang may-ari ng resort.Inalagaan daw ito ng mabuti at itinuring na tunay na anak ng mga Arevalo. Pero bigla raw nag-iba ang trato rito ng adopted mother nito. Pinilit ni
Kung pakiramdam ni Cassey ay nagkamali lamang siya ng dinig kanina nang humingi sa kanya ng sorry ang binata ngayon naman ay tila siya nabingi siya sa dalawang pangungusap na sinabi nito. Bahagyang napaawang ang kanyang mga labi sa hindi inaasahang maririnig mula sa bibig ng binata. May gusto sa akin si Marcus? Imposible. Paano nangyari iyon? Talagang hindi makapaniwala si Cassey sa ginawang pag-amin ng binata sa tunay nitong nararamdaman sa kanya. Paano ba naman kasi siya maniniwala gayong lagi itong galit sa kanya at iniinsulto siya palagi sa tuwing magkikita silang dalawa? Hindi kaya sinabi lamang nito ang mga salitang iyon dahil ayaw talaga nito na makipaglapit siya kay Alex? Dahil iniisip nito na pera lamang ang habol niya sa kaibigan nito kaya siya nakipaglapit sa matalik nitong kaibigan? Kung iyon ang dahilan kung bakit nito nagawang sabihin ang mga salitang iyon ay hinding-hindi niya ito mapapatawad.
Naglalakad si Cassey palabas ng kanilang school gate nang marinig niyang may tumatawag sa pangalan niya. Nang lumingon siya ay natuklasan niya si Jeremy iyon. Ang ka-schoolmate niyang nanliligaw rin sa kanya. Mayaman, guwapo at matalino ito pero hindi ito katulad ng ibang lalaki na mayabang porke't nagtataglay ng mga katangiang nakakaangat s iba. Hindi niya ito ma-prangka na wala itong aasahan sa kanya dahil mabait naman ito sa kanya. Kung natuturuan nga lang ang puso ay tinuruan na niyang umibig dito. Pero hindi,eh. Iba ang nilalaman ng kanyang puso. Ibang lalaki ang gusto niya ngunit hindi naman niya maaaring mahalin. Maliban sa may ibang babae itong gusto ay masasaktan pa niya ang damdamin ng kanyang kapatid kapag ipinagpilitan niya ang kanyang nararamdaman. "Cassey, uuwi ka na ba?" hinihingal na tanong ni Jeremy sa kanya. Siguro malayo na siya nang makita nito kaya hinabol na lamang siya. "Oo. Uuwi na ako
Nakasalubong ni Cassey ang matalas na paningin ni Marcus nang lumingon siya."What are you doing here, Alex?" tanong ni Marcus sa kaibigan ngunit sa kanya naman nakatutok ang nagtatanong na mga mata."Hi, Marcus. Nandito rin pala kayo ni Glenda," nakangiting sagot naman ni Alex. Ewan kung nahahalata nito o kung nagkukunwari lang na hindi nito nahahalata ang madilim na mukha ng kaibigan."We're on a date," sagot naman ni Glenda kahit hindi ito ang tinatanong ng ka-date niya. Tinaasan siya nito ng kilay ngunit hindi na lamang niya niya pinansin."What are you doing in this kind of place?" muling tanong ni Marcus. But this time, she is very that his question was meant for her and not to his friend, Alex."Ano pa ba ang gagawin namin dito kundi ang kumain? Bakit? Bawal ba kaming kumain dito?" nakasimangot niyang sagot. Na-insulto kasi siya sa paraan ng pagtatanong nito na para bang sinasabi nito na hindi siya bagay sa lugar na iyon.Lalo n
Mag-aalas-siyete pa lamang ng gabi ay nasa harapan na ng pintuan ng bahay ni Cassey si Alex at kumakatok sa pintuan. Kasalukuyan pa lamang siyang nag-aayos ng kanyang sarili nang marinig niya ang pagkatok ng lalaki. Nagmamadaling kinuha niya ang kanyang bathrobe at ipinatong sa suot niyang pulang spaghetti strap na dress."Nandiyan na si Alex, Cassey," pagbabalita sa kanya ng kaluluwa ng kanyang ate na biglang na lamang sumulpot sa kanyang harapan at pagkatapos ay bigla ring naglaho.Basta na lamang nawawala at sumusulpot ang kaluluwa ng kapatid sa kanyang harapan. Mabuti na lamang at sanay na siya sa ganoong ginagawa nito kaya hindi na siya nagugulat pa. Pagkatapos niyang tingnan ang sarili sa harapan ng salamin ay mabilis na siyang lumabas ng kuwarto niya para pagbuksan ng pintuan ang kumakatok."Hi, Cassey. Good evening," nakangiting bati sa kanya nang pagbukas ng pintuan. "Sorry kung medyo napaaga ako ng dating," pauma
Kasalukuyang nagtatanghalian sina Cassey at Clea sa bahay niya nang biglang may kumatok sa pintuan. Madalas kasi'y doon niya pinapakain ang kaibigan. Malungkot kasing kumain na mag-isa. Ang kanyang Ate Dindy naman ay nakaupo lamang sa tapat niya at nilagyan din niya ng sariling pinggan na may lamang pagkain kahit na hindi naman nito kayang kumain.Tumayo si Clea upang pagbuksan ang taong kumakatok sa labas. Napasimangot ito nang mapagsino ang taong iyon."Hi, Clea. Nandiyan ba si Cassey?" Narinig ni Cassey na tanong ng taong kumatok na walang iba kundi si Alex."Wala," mataray na sagot ng kaibigan. "At puwede bang huwag ka nang pupunta pa dito? Nakakasira ka ng araw!""Bakit ba ang sungit at taray-taray mo, Clea? Wala naman akong ginagawang masama sa'yo," nakakunot ang noong sabi ni Alex. Mayamaya ay biglang napangiti ng nakakaloko. "Siguro may gusto ka sa akin, 'no?Hindi lang ang butas ng ilong ni Clea ang nanlaki kundi pati na rin ang kanyang mg
Panay ang punas ni Cassey sa kanyang mga luha na walang humpay sa pagpatak habang nakikinig sa mga kuwento sa kanya ng kanyang Ate Cassidy. Ikinukuwento lang naman nito kung paano ito nakaligtas nang tumaob ang bangkang sinasakyan nila noon. Kung paano ang naging buhay nito sa piling ng adopted parents. At siyempre'y kung paano ito naging isang sikat at magaling na artista sa kabila ng batang edad nito.Ayon sa kuwento ng kanyang nito ay inanod ito ng malakas na alon hanggang sa nakakapit ito sa isang putol na troso. Nagpalutang-lutang daw ito sa dagat ng dalawang araw bago hinampas ng malakas na alon na nagdala naman dito patungo sa dalampasigan ng isang private beach resort sa Mindoro. Doon na ito natagpuan ng mga taong umampon dito na siyang may-ari ng resort.Inalagaan daw ito ng mabuti at itinuring na tunay na anak ng mga Arevalo. Pero bigla raw nag-iba ang trato rito ng adopted mother nito. Pinilit ni
"Bakit bumalik na naman tayo dito sa condo mo, Dindy? Laging may hindi magandang nangyayari kapag pumupunta tayo sa condominium na ito." Hindi maiwasang mag-alala ni Cassey. Nang unang beses na tumapak siya sa building na iyon ay nahulog siya sa hagdan kaya nagkaroon siya ng amnesia. No'ng pangalawa naman ay muntik na siyang mapatay ng taong pumasok sa loob ng unit ni Dindy at 'yong pangatlo ay muntik na rin siyang mahulog ulit sa hagdan kung saan siya nahulog dati. Mukhang isinumpa yata ang building na ito kung kaya't maraming sakuna ang nangyayari sa kanya kapag tumatapak siya sa lugar na ito."Dahil may kinalaman ang condo unit ko sa nakita ko sa aking isip," sagot ng kaluluwa ni Dindy. Katulad nang una at pangalawa ay sinilip muna nito ang loob ng unit kung may tao o wala bago siya pinapasok."Nakakatakot naman dito sa loob ng unit ni Dindy, Cassey. Parang may mga
Pagkatapos nilang mapagtagni-tagni ang mga pangyayari ay nagpasya si Cassey na puntahan ang hagdanan kung saan siya nahulog. Bakasakaling may maalala siya kapag makita niya ang eksaktong lugar kung saan siya nahulog."Sigurado ka ba na kaya mong pumunta sa lugar na iyon, Cassey?" Nag-aalalang tanong ng kaluluwa ni Dindy nang malapit na sila sa hagdan ng fourth floor kung saan siya nahulog.Magmula kasi nang nalaman niya na nahulog siya sa mataas na hagdan ay bigla siyang nagkaroon ng takot sa mga matataas na hagdan. Ni hindi na nga siya umaakyat sa second floor kapag nagpupunta sila ni Clea sa isang mall. Kahit ang rooftop garden ng school nila na madalas niyang puntahan kapag gusto niyang mag-relax ay hindi na rin niya pinupuntahan. Natatakot na kasi siyang umakyat sa mataas na hagdanan. Nai-imagine niya kasi ang sarili niya na gumugulong paibaba ng hagdanan habang duguan ang ulo at maraming mga pasa-pasa sa katawan.Tumango siya. "I have to do it.
Sa pangalawang pagkakataon ay nagising si Cassey sa loob ng kuwarto ni Marcus. Pagmulat ng mga mata niya ay agad niyang nalaman na ito ang lalaking tumulong sa kanya dahil kuwarto nito ang nabungaran ng kanyang mga mata pagmulat niya. Bumngon siya sa pagkakahiga ngunit hindi siya umalis sa ibabaw ng kama. Nanatili siyang nakaupo habang hawak ang kanyang sikmura na hanggang ngayon ay masakit pa rin dahil sa ginawang pagsuntok sa kanya ng kidnapper. Nasa ganoon siyang tagpo nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang guwapong lalaki na ngayon lang niya nakita. May dala ito ng isang mangkok ng sopas na umuusok pa sa sobrang init."Hi. Mabuti at gising ka na. I'm Alex Gonzaga, Marcus handsome bestfriend." Matamis ang pagkakangiting bati nito sa kanya kasabay ng pagpapakilala sa sarili. Guwapo ito sa salitang guwapo. At mas nakadagdag pa sa pagiging guwapo nito ang malalalim na dimples sa magkabilang pisngi na lumilitaw sa tuwing ito'y nagsasalita.Nakadama siya ng