Eu:N
Nalaman ni Araceae na buhay pa ang tunay niyang magulang kaya tumakas siya sa bahay ampunan upang hanapin ang mga ito. Kasama niyang tumakas ang matalik na kaibigang si Ertan, ngunit nahuli sila sa lansangan ng isang sindikatong grupo. Kasama ng iba pang kabataan, dinala sila sa isang underground human auction, dito nagkahiwalay si Araceae at Ertan. Napunta si Araceae sa kamay ni Kaya, ang binatang may malaking galit sa kanya. Naging miserable ang buhay ni Araceae sa kamay ni Kaya, sinapit niya ang parusa sa isang kasalanang hindi naman niya ginawa.
Sa kagustuhan na mabuhay tumakas si Araceae sa malupit na lalaki, nagtagumpay siya ngunit ang alaala niya ang naging kapalit nito. Nagising si Araceae sa isang maliit na isla at nakilala ang matandang mag-asawa, dito nabuhay siya bilang si Aris.
Paglipas ng dalawang taon, nakilala ni Araceae si Temur, isang mayamang binata na taga Maynila. Inibig nila ang isa't-isa at pagkatapos ng kasal, dinala siya ng asawa sa Maynila upang doon manirahan. Sa pagtira niya sa mansion, nakilala ni Araceae si Kaya Flegenheimer, ang CEO ng FHMer Corporation at nakatatandang kapatid ni Temur.
Sa pagbabalik ng lalaking lumapastangan at nagpahirap sa kaniya. Magbalik na kaya ang alaala ni Araceae? Madiskubre kaya niya ang lihim sa likod ng tunay niyang pagkatao?
Ano ang gagawin ni Kaya oras na makitang muli ang babaeng minahal at nagtraydor sa kanya?