Kabanata 28: PaghamakSa mga oras na iyon sa loob ng ospital na kwarto, buong pagmamalaking ibinaba ni Pia ang kanyang cellphone.“Ano, anong sabi ni Kuya Albert?” tanong ni Zia, habang kumakain ng prutas na dinala ng nurse, ngunit hindi maitatago ang sabik na ekspresyon sa mukha.May nahihiyang ngiti sa labi ni Pia, ngunit bakas sa mga mata niya ang ligaya. “Sabi niya pupuntahan daw niya ako. On the way na raw siya.”“Kita mo? Sabi ko na nga ba—iba ang trato sa’yo ni Kuya. Kung ako ‘yung nasugatan, baka next week pa niya ako maalala,” sabay irap ni Zia, halatang may halong panunukso at inggit.“Hindi, baka naman kaya lang gano’n si Kuya Albert ay dahil kay Kuya ko. Malaki ang utang na loob niya noon,” pilit na paliwanag ni Pia, bagaman ang puso niya ay unti-unting umaasa.“Utang na loob? Naku, Pia, ilang taon na ang lumipas simula noong namatay ang kuya mo. Kung bayad-utang lang ‘yan, dapat matagal nang tapos. Sa nakikita ko, parang gusto ka na niya talaga,” bulong ni Zia, sabay kind
Last Updated : 2025-04-14 Read more