Share

kabanata 27

Author: Bluemoon22
last update Huling Na-update: 2025-04-14 21:15:09

Kabanata 27 May pagkukulang ba ako.

Napakunot ang noo ni Albert habang nakaupo sa kanyang opisina. Hindi siya kumbinsido. Hindi gano’n si Martina sa pagkakakilala niya rito. Ngunit sa totoo lang, sa tatlong taon nilang pagsasama bilang mag-asawa, kilala ba talaga niya ito? O baka nga tama sina Pia at Leo—na si Martina ay isang huwad lamang, isang babaeng nagpapanggap para dayain siya.

Napabuntong-hininga si Albert. Lalo siyang nainis sa sarili sa kaisipang iyon. Sa halip na makipagtalo pa, mabilis niyang tinulak ang upuan, tumayo, at kinuha ang kanyang coat.

"Aba? Ang ganda ng usapan natin ah, saan ka pupunta?" tanong ni Leo, na kanina pa nakaupo sa kabilang upuan, may hawak na tasa ng kape at pilyong ngiti sa labi.

"Oras na. Pupunta ako sa ospital pagkatapos ng trabaho," malamig na sagot ni Albert habang inaayos ang kanyang coat at briefcase.

Napailing si Leo. "Talaga, bro? Sa ganda ng mukha mo, sayang kung puro trabaho lang. Wala ka bang nightlife?" Tumawa ito at tinapik ang braso n
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Kaugnay na kabanata

  • My billionaire ex-wife    kabanata 28

    Kabanata 28: PaghamakSa mga oras na iyon sa loob ng ospital na kwarto, buong pagmamalaking ibinaba ni Pia ang kanyang cellphone.“Ano, anong sabi ni Kuya Albert?” tanong ni Zia, habang kumakain ng prutas na dinala ng nurse, ngunit hindi maitatago ang sabik na ekspresyon sa mukha.May nahihiyang ngiti sa labi ni Pia, ngunit bakas sa mga mata niya ang ligaya. “Sabi niya pupuntahan daw niya ako. On the way na raw siya.”“Kita mo? Sabi ko na nga ba—iba ang trato sa’yo ni Kuya. Kung ako ‘yung nasugatan, baka next week pa niya ako maalala,” sabay irap ni Zia, halatang may halong panunukso at inggit.“Hindi, baka naman kaya lang gano’n si Kuya Albert ay dahil kay Kuya ko. Malaki ang utang na loob niya noon,” pilit na paliwanag ni Pia, bagaman ang puso niya ay unti-unting umaasa.“Utang na loob? Naku, Pia, ilang taon na ang lumipas simula noong namatay ang kuya mo. Kung bayad-utang lang ‘yan, dapat matagal nang tapos. Sa nakikita ko, parang gusto ka na niya talaga,” bulong ni Zia, sabay kind

    Huling Na-update : 2025-04-14
  • My billionaire ex-wife    kabanata 29

    Kabanata 29: Kapritso"Okay lang, malamang hindi naman narinig ni Kuya Albert," bulong ni Zia sa sarili, sinusubukang pakalmahin ang kabang nararamdaman. Pero sa totoo lang, takot siya. Kilala niya si Albert—hindi ito marunong magtimpi pag may mali. Wala siyang pakialam kung kapatid ka niya o empleyado, kapag may pagkakamali ka, sisinghalan ka sa harap ng maraming tao. Kahit anong pakiusap ng iba, hindi ito nagpapapigil.Nahihiya man, nagtapang-tapangan pa si Zia. “Eh ano kung narinig niya? Totoo naman ang sinabi ko.”Hindi na umimik si Pia. Nang pumasok si Albert, agad siyang tumahimik at tumutok dito. Halatang wala na siyang gana pang pansinin si Zia. Pagkatapos ng linya ni Zia, dumating na rin ang doktor na kasama ni Albert.Lumapit ang doktor at sinuri ang paa ni Pia. “Ayos naman. Wala namang kakaiba. Fracture nga lang talaga, kaya normal na masakit habang naghihilom ang buto.”Nakapout si Pia, pilit pa ring nagpapaawa. “Pero natatakot po talaga akong masaktan...”Napatingin sa ka

    Huling Na-update : 2025-04-14
  • My billionaire ex-wife    kabanata 30

    Kabanata 30: Bangayan ng MagkapatidNapanganga si Zia, hindi makapaniwala. “Pinagtatanggol lang naman kita, tapos ako pa ang sinisi mo? Kung ganyan mo pala kamahal ang babaeng 'yon, bakit mo pa siya hiniwalayan? Ni hindi mo nga siya ginagalaw noon! Hindi ba’t dahil ni hindi mo siya gusto?!”Pak!Napapitlag si Zia. Mariing tinakpan niya ang kanyang pisngi matapos siyang biglang sampalin ni Albert.“Sinaktan mo ako? Dahil lang sa babaeng walang hiya na ‘yon?!”Mariing tumingin si Albert sa kapatid. “At nagsalita ka pa! Zia, ganyan mo ba binastos si Martina noon? Tapos sa tuwing lalapit ka sa akin, magpapakaawa ka’t magpapanggap na mabait, kaya tuloy mali ang naging tingin ko sa kanya?”Tiningnan siya ni Zia na punong-puno ng galit at hinanakit. Sa loob-loob niya, matagal na siyang nasusuklam sa pangyayari, pero ngayon lang siya tuluyang sumabog. Dati, may paggalang pa siya kay Albert bilang kuya, pero nang manaig ang init ng ulo niya, wala na siyang pakialam.“Ano ngayon kung oo?! Nagsi

    Huling Na-update : 2025-04-14
  • My billionaire ex-wife    kabanata 31

    Kabanata 31: Pag-uudyok "Huwag kang mag-alala, Pia. Hindi ko naman siya sasaktan."Pinakamasama na siguro ang turuan ko lang siya ng leksyon para hindi na siya makabalik sa mundo natin.Tumikhim si Pia at nag-angat ng tingin sa kausap. Kitang-kita niya ang mapanlikhang liwanag sa mga mata ni Zia—isang liwanag na parang apoy, handang lamunin ang sinumang sumalungat."Sa totoo lang... alam ko kung nasaan siya ngayon."Napatingin si Zia, agad na nanlaki ang mga mata."Talaga? Nasaan siya?""Noong pumunta sila ni Kuya Albert sa Civil Affairs Bureau para kumuha ng divorce certificate, ang kapatid ko ang naghatid sa kanya.""Ang kapatid mo? Hindi ba matagal nang patay ang kapatid mo?"Diretsahang tanong ni Zia, habang nakakunot ang noo.Bahagyang napatigil si Pia, tila may alinlangan. Ngunit sa huli, piniling sabihin ang totoo."Hindi 'yung panganay namin... 'yung pangalawa, si Lorenzo Trinidad.""Si Lorenzo? 'Yung kilalang babaero ng pamilya Trinidad?"Tumango si Pia, sabay bitaw ng mahin

    Huling Na-update : 2025-04-14
  • My billionaire ex-wife    kabanata 32

    Kabanata 32: Alagang RamdamNang makita ni Martina ang pamilyar na pigura, agad siyang tumakbo papalapit at masayang yumakap sa braso ni Martin. Tila isang batang sabik sa yakap ng pamilya, mahigpit ang pagkakayakap niya.Napangiti si Martin habang nakatingin sa kapatid. Sa likod ng malamig niyang anyo, bakas ang pag-aalala at lambing sa mga mata."Nandito ako para sunduin ka sa trabaho. Bago ka pa mapagod, dapat nagpapahinga ka na. Kararating mo lang mula sa biyahe, Martina. Huwag mong pwersahin ang sarili mo."Napangiti si Martina at tumango. May init na yumakap sa kanyang puso.Sa pamilya ng Montenegro, kailanman ay walang nagtatanong kung pagod ba siya, kung nahihirapan siya, o kung kailangan niya ng karamay. Pero ngayon, naririnig niya ang mga salitang matagal na niyang hinahangad. Totoo ngang ang pamilya pa rin ang tahanang pinakamasarap balikan."Kuya," bulong niya, may halong lambing. "Pwede ba tayong dumaan sa bar? Gusto ko lang mag-relax kahit sandali."Bahagyang kumunot ang

    Huling Na-update : 2025-04-14
  • My billionaire ex-wife    kabanata 33

    Kabanata 33: Muling PagkikitaSumunod sina Martina at Martin kay Lorenzo patungo sa isang bar sa sentro ng siyudad—isang lugar na kilala sa katahimikang hatid ng musika nito, at sa piling ng mga taong gusto lamang uminom ng magara at makalimot kahit panandalian. Sa pagpasok pa lang nila, sinalubong agad sila ng amoy ng mamahaling alak at usok ng sigarilyo. Matingkad ang mga ilaw, ngunit sapat lang para magbigay ng ambiance at hindi masakit sa mata. Sa isang sulok, may tumutugtog na saxophone version ng isang lumang love song, tila hinahaplos ang bawat alaala ng nakaraan.Pagkakita ng bartender kay Lorenzo, agad nitong nilapag ang baso, ngumiti, at halos pasigaw na binati ito.“Yun oh! Ang pinakaguwapo at galanteng kostumer namin!” biro nito, sabay lapit at pakumpas ng kamay.Napangiti si Lorenzo, bahagyang tumango, saka tumingin sa kanyang likuran. “Hindi ako nagpunta mag-isa ngayon,” aniya. “May dala akong dalawang kagalang-galang na bisita.”Tumindig ang tindig niya, parang ipinagma

    Huling Na-update : 2025-04-15
  • My billionaire ex-wife    kabanata 3l4

    Kabanata 34 – Maling AkalaMatapos magpadala ng mensahe, ibinaba ni Leo ang kanyang telepono at matamang pinagmasdan ang bawat galaw ni Martina. Napansin niyang bukod sa pagiging malapit nito sa matangkad na lalaki, tila mas lalo pa itong masaya sa piling ng isa pang lalaking may kakaibang personalidad. Tawanan sila nang tawanan, minsan pa’y nagbibiruan at naglalambingan na parang matagal nang magkakilala.Ang bawat hagikhik ni Martina ay parang patalim na paulit-ulit na inuukit sa puso ni Leo. Nilaklak niya ang laman ng kanyang baso, umaasang kahit papaano’y mapapawi ng alak ang apoy ng selos at inis sa kanyang dibdib. Pero imbes na lumamig ang kanyang ulo, lalo lang siyang nasusunog sa loob.Kinuha niyang muli ang kanyang telepono at sinilip kung may sagot na si Albert.Ngunit sa halip na mensahe, isang tawag ang dumating."Nasaan ka?" malamig at mabagsik na tinig ang bumungad mula sa kabilang linya.Para kulog na kumalabog sa kanyang tenga, at muntik pa niyang nabitawan ang telepon

    Huling Na-update : 2025-04-15
  • My billionaire ex-wife    kabanata 35

    Kabanata 35: Gulo“Kuya?” wika ni Leo habang nakatingin kay Martina.“Tinatawag mong kuya, siya?” turo pa nito kay Martin.“Pero ang sabi at pagkakalam ko Martina, hindi ba’t ulila ka? Noong araw ng kasal mo kay Albert, wala ni isa sa mga kamag-anak mo ang dumalo, tapos ngayon bigla na may tinatawag kang kuya?” pag usisa pang muli ni Leo.“Half-brother mo ba siya?” dagdag pa nito.Nagsalubong naman ang mga kilay ni Martina ng makita si Albert at ang kaibigan nito. Ang mga tanong ni Leo ay para isang boom ba na bigla na lamang sumabog, wala siyang mahagilap na sagot dahil sa biglaan pag sulpot ng mga ito.“Ano bang pakialam ninyo? Kung sino naman ang tawagin kong kuya?” mataray niyang wika.Naningkit ang mga mata niya, malamig at matalim, habang unti-unting nilingon ang nagsalita—si Leo, na may mapanirang ngisi sa labi. Ngunit hindi lang siya ang nakakuha ng atensyon ni Martina. Sa di kalayuan, may isang lalaki—matangkad, makisig, at may mapanuksong anyo—ang nakatayo, nakahalukipkip,

    Huling Na-update : 2025-04-15

Pinakabagong kabanata

  • My billionaire ex-wife    kabanata 52

    Kabanata 52: Sirang SapatosBago pa man tuluyang makalapit si Zia para muli siyang insultuhin, mabilis na dumampot si Martina ng isang baso ng pulang alak mula sa tray ng dumaraang waiter. At sa harap ng lahat, walang pag-aatubiling isinaboy niya ito kay Zia."Ahhh! Martina, baliw ka na ba?!""Anong klaseng asal 'yan? Kahit pa nasaktan ka o napahiya, hindi mo naman kailangang maging ganito ka-barumbado!"Nagpupumiglas si Zia habang pinupunasan ng tissue ang mamahaling bestidang nabasa ng alak. Kitang-kita sa mukha niya ang matinding pagkapahiya. Ngunit si Martina? Malamig ang ngiti sa labi."Pasensya ka na, Zia," ani Martina, mahinahon pero may lalim ang tinig. "Tama ka, hindi si Lorenzo ang gumawa ng bestidang ‘to."May umingay sa paligid, mga bulungan at tila paghihintay ng sunod na pasabog.Martina tumikhim ng bahagya, at sa mas matatag na tinig ay muling nagsalita. "Dahil ako ang nagdisenyo at tumahi ng suot ko. At pati na rin ang kay Lorenzo."Sandaling natahimik ang mga tao. Ngu

  • My billionaire ex-wife    kabanata 51

    Kabanata 51: PekeItinaas ni Marie ang kamay, handang manampal pabalik. Ngunit hindi niya inasahan na mas mabilis ang reaksyon ni Martina—agap itong umiwas sa pagsugod niya. Dahil sa tindi ng buwelo, nawalan siya ng balanse at bumagsak sa sahig. Hindi man lang siya nagawang hawakan ni Zia—si Martina ay nakatayo sa kalayuan, tila wala ni kaunting interes na madumihan.Mariing hinawi ni Martina ang laylayan ng kaniyang palda, parang may tinataboy na dumi. "Anong problema mo? Gusto mo ba akong siraan at mapera?" aniya na may ngiting punong-puno ng panlilibak habang nakatingin sa babaeng nakabulagta.Namumula sa galit si Marie habang binubulungan ng mga tao sa paligid, ngunit wala ni isa man ang tumulong agad sa kanya—marami ang mas ginustong panoorin ang eksena. Isang empleyado ang lumapit para tulungan siyang makatayo, ngunit halata ang pagkapahiya sa mukha niya."MARTINA!" galit na sigaw ni Zia. "Paanong nagawa mong saktan ang kapatid ko, ha? Wala kang hiya! Malandi kang babae!"Biglan

  • My billionaire ex-wife    kabanata 50

    Kabanata 50: NilokoTahimik ang buong paligid na tila ba naririnig mo pa ang lagitik ng hininga. Walang isa mang naglakas-loob na maglabas ng opinyon laban kay Albert Montenegro. Sino ba naman ang mangangahas? Parang biro lang kung iisipin, pero kilala nilang lahat si Albert—at alam nilang hindi siya basta-basta nagpapalampas.Lalo na ngayon.Masama ang tingin niya kay Leo, na tila hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari. “Astig ka kanina, hindi ba? Pero kung malaman ng lahat ‘yon, tingin mo ba, nakakatuwa pa rin?” ani Leo habang nakakunot ang noo. “Bakit mo pa rin siya pinagtatanggol? Eh ikaw at ang kapatid mo ang sinaktan!”"At hindi ba dapat lang kaming masaktan?" malamig na tanong ni Albert habang nakatingin sa lalaking may pasa sa mukha. Hindi makatingin sa kanya ang lalaki at mabilis na ibinaba ang ulo.“Kung may problema sa pamilya mo at banggitin ko ang yumaong mga magulang mo para saktan ka, hindi ka ba magagalit?”Natahimik ang lahat. Napalunok sila. Inilagay nila ang sa

  • My billionaire ex-wife    kabanata 49

    Kabanata 49: Sinampal Ka NiyaNgayon lang talaga kikilos si Martina. Sawa na siyang maging tahimik. Sawa na siyang lunukin ang bawat pang-aalipusta, ang bawat sulyap ng pangmamaliit. Hindi na siya ang babaeng basta na lang iiyak sa sulok. Hindi na siya ang dating sunod lang nang sunod.At sa harap ng maraming tao—mga taong nakangising parang aliw na aliw sa panonood ng kahihiyan niya—isang malakas na sampal ang pinakawalan niya. Tumama iyon sa pisngi ni Albert Montenegro, at ang tunog ng “pak!” ay tila kumaladkad sa buong paligid.Tahimik. Parang huminto ang oras.Lahat ng naroroon ay napapitlag. Isang pigura tulad ni Albert Montenegro—kilalang negosyante, respetado, makapangyarihan—ay sinampal. At ang sumampal ay ang babaeng halos araw-araw nilang minamaliit.Sino nga ba si Albert? Isa sa mga dahilan kung bakit muli ring umangat ang Lopez Acosta Company. Isang lalaki na tinutularan, kinakatakutan, at pinapangarap. Ngunit ngayon, ang imahe ng kanyang pagiging untouchable ay gumuho sa

  • My billionaire ex-wife    kabanata 48

    Kabanata 48: AksyonBago pa man makapagsalita si Albert Montenegro, bigla na lang nagsalita ang mga taong kasama niya."Ano raw 'yon?" singhal ng isa."Sisingilin mo kami? Ang kapal ng mukha mo!""Ni minsan, hindi mo kami pinatulan noon, pero ngayon, kung makapagsalita ka, parang kung sino ka na!""Nagka-backer ka lang, feeling mataas ka na?""Pareho ka pa rin—walang hiya, pabago-bago, hindi ka karapat-dapat pagkatiwalaan!"Narinig lahat iyon ni Martina Acosta, at imbes na masaktan, napangisi siya. Pareho pa rin pala sila—akala nila na sa pamamagitan ng ilang mapanirang salita, matatakot na siya, mapapahiya, at babalik sa pagiging masunurin? Hindi na siya ang dating si Martina. Hindi siya si Pia na kayang lunukin ang lahat ng kahihiyan para lang mapasama sa kanila.Tumingin siya nang diretso kay Lorenzo at ngumiti ng sarkastiko."Simulan natin sa iyo. Matagal ka nang may galit sa akin, hindi ba? Anong meron at galit ka sa akin? Sa tingin mo ba hindi ako karapat-dapat kay Albert? Sa ti

  • My billionaire ex-wife    kabanata 47

    Kabanata 47: Pagtatapos ng mga Ulat“Ako na. Huwag ka nang magsalita nang marami at umalis ka na. Kung gusto mong pumunta sa mga kakilala mo, huwag mo akong alalahanin. Kaya ko naman mag-isa,” malamig na wika ni Martina habang hindi man lang tumitingin kay Lorenzo.Napabuntong-hininga si Lorenzo nang mapansin ang disgust na ekspresyon sa mukha ng dalaga. Ilang segundong katahimikan ang namagitan bago siya nagsalita.“Sigurado ka?” tanong niyang may halong pag-aalala, sabay itinaas ang isang kamay at ginulo ang buhok ni Martina—isang bagay na palagi niyang ginagawa na tila ba isang natural na lambing.“Okay. Mabilis lang ako. Makikipag-usap lang ako sa isa nating business partner,” dagdag niya, bago tumalikod at lumakad patungo sa mga kakilala nila.Nanatiling nakatayo si Martina, pinagmamasdan ang papalayong si Lorenzo. Pagkahupa ng kanyang inis, napabulong siya habang inaayos ang buhok.“Haist... kahit kailan talaga, ang lalaking 'yun, hilig guluhin ang buhok ko.”Iiling-iling siyang

  • My billionaire ex-wife    kabanata 46

    Kabanata 46 – Pagdalo sa GawainVenue ng Gala Event – Isang Gabing Punô ng Liwanag at Intriga"Paano naging siya 'yon?" bulong ni Zia, halos hindi makapaniwala habang nakatitig sa isang babae na biglang naging sentro ng atensyon ng buong bulwagan — si Martina. Ang babae’y tila naglakad mula sa isang fashion magazine patungo sa aktwal na mundo, sa bawat hakbang niya’y parang hinahatak niya ang tingin ng lahat. Napuno ng pagkasuklam ang dibdib ni Zia, lalo na nang marinig niyang ang mismong kaibigan na pumuri sa kanya kanina ay ngayo’y tila nawalan ng interes sa kanya.“Grabe, ang ganda niya!” “Sino siya? Para siyang Barbie doll, pero mas classy!” “Ang hairstyle, ang skin, at 'yung pilikmata — perfection! Teka, parang pamilyar 'yung damit.” “Ay! Di ba 'yan 'yung latest custom piece ni Marie? Yung nasa cover ng Vogue Asia last month?” “Siya 'yung may suot nun? Grabe, mahirap bilhin 'yun ah. Kailangan kilala ka talaga sa fashion world para mapasaiyo ang ganyang design.” “Teka lang... sino

  • My billionaire ex-wife    kabanata 45

    ---Kabanata 45: Damit"Oo," sagot ni Martina habang seryosong tumango. Tahimik ngunit mariin ang kanyang tinig. "Ayoko munang ipaalam sa publiko ang totoong pagkatao ko. Gagamitin ko muna ang pangalang Marie sa lahat ng magiging transaksyon at aktibidad."Tumingin si Lorenzo sa kanya nang may pag-unawa. Agad siyang tumango, walang pag-aalinlangan."Ikaw pa rin ang mamumuno sa kumpanya. Kung sakaling may mga desisyong mahirap gawin o may bagay na hindi mo kayang tapusin mag-isa, lumapit ka lang sa akin. Kahit nakatutok na ako sa fashion design, hindi ko pababayaan ang Lopez."Napangiti si Martina, ngunit may kirot sa likod ng kanyang mga mata."Ang dali mong sabihin... Pero ikaw ang hahawak ng buong grupo sa ngalan ko—para makapagpatuloy ako sa pangarap ko. Hindi mo ba nararamdaman na may utang na loob ako sa'yo?"Nagkibit-balikat si Lorenzo at ngumiting may kapilyuhan."Ano ka ba... Hindi ba sapat ang laki ng suweldo na binibigay sa akin ng kuya mo?"Bukod sa malaking sahod, mayroon

  • My billionaire ex-wife    kabanata 44

    Kabanata 44: Gusto Mo Na Namang Tumakas?Namutla sa galit ang mukha ni Alfrido Hernandez. Hindi niya inasahan na magiging ganito ka-prangka at walang pakundangan si Martina Acosta. Akala niya'y maayos na ang tensyon sa pagitan nila, ngunit tila ba hindi pa tapos ang laban. Nang bubuka pa sana siya ng bibig upang magsalita, tumama sa kaniya ang matalim na titig ni Martina—magagandang mata na tila kristal, ngunit may taglay na talas na nakakasilip sa kaibuturan ng pagkatao."May reklamo ba si Ginoong Hernandez?" malamig na tanong ni Martina.Napalunok si Alfrido at sabing, "Wala naman akong reklamo... pero, President Acosta, masyado yatang mabagsik ang paraan mo. Marami pa rin sa kumpanya ang matatagal na, at mga mas nakatatanda sa iyo. Kung kumalat ang mga salitang binitiwan mo kanina, saan na nila ilulugar ang kanilang dangal?""Ilugar ninyo kung saan ninyo gusto," malamig na sagot ni Martina. "Ang kumpanyang ito ay hindi tahanan ng emosyon kundi lugar ng seryosong trabaho. Kung may s

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status