Kabanata 33: Muling PagkikitaSumunod sina Martina at Martin kay Lorenzo patungo sa isang bar sa sentro ng siyudad—isang lugar na kilala sa katahimikang hatid ng musika nito, at sa piling ng mga taong gusto lamang uminom ng magara at makalimot kahit panandalian. Sa pagpasok pa lang nila, sinalubong agad sila ng amoy ng mamahaling alak at usok ng sigarilyo. Matingkad ang mga ilaw, ngunit sapat lang para magbigay ng ambiance at hindi masakit sa mata. Sa isang sulok, may tumutugtog na saxophone version ng isang lumang love song, tila hinahaplos ang bawat alaala ng nakaraan.Pagkakita ng bartender kay Lorenzo, agad nitong nilapag ang baso, ngumiti, at halos pasigaw na binati ito.“Yun oh! Ang pinakaguwapo at galanteng kostumer namin!” biro nito, sabay lapit at pakumpas ng kamay.Napangiti si Lorenzo, bahagyang tumango, saka tumingin sa kanyang likuran. “Hindi ako nagpunta mag-isa ngayon,” aniya. “May dala akong dalawang kagalang-galang na bisita.”Tumindig ang tindig niya, parang ipinagma
Last Updated : 2025-04-15 Read more