Semua Bab Trapped by a Dangerous Billionaire's Love: Bab 21 - Bab 30

65 Bab

Chapter 21: The Edge of Betrayal

BANG! Tahimik. Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko. Isa. Dalawa. Tatlo. Wala pa ring gumagalaw. Malamig ang hangin, pero mas malamig ang kaba sa dibdib ko. Isang katawan ang bumagsak sa sahig. "Santiago...?" mahina kong bulong. Bago ko pa maabot ang katawan, isang matigas na boses ang bumasag sa katahimikan. "Step away from her." Napalunok ako. Kilala ko ang boses na 'yun. Kahit sa kadiliman, kahit walang ilaw, kahit hindi ko siya nakikita... alam kong si Noah 'yon. Mula sa anino, lumitaw siya. Mahigpit ang hawak niya sa baril, nakatutok kay Dominic. "Noah...?" Tinitigan niya ako, pero hindi siya sumagot. Napangisi si Dominic. "Tsk. Tsk. Akala ko ba tapos na ang laro mo, Noah? Bakit andito ka pa rin?" Hindi natinag si Noah. "Bitawan mo siya, Dominic." Tumawa si Dominic, pero may panganib sa kanyang ngiti. "And then what? You take her and run? Alam mong hindi ganun kadali ‘to." Nanatili si Noah sa puwesto niya, hindi bumibitaw sa pagkakatutok ng baril. "Ava, lu
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-03
Baca selengkapnya

Chapter 22: Game of Lies

CRASH!Isa pang pagsabog. Mabilis akong hinila ni Noah palabas ng gusali, ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Hangin lang ang nasa pagitan namin at ng mga humahabol sa amin."Bilisan mo, Ava!" sigaw niya.Hindi ako sumagot. Nasa isip ko pa rin ang huling titig ni Dominic bago kami tumakas—ang ngiti niya, parang alam niyang babalik ako. Ang sakit ng puso ko, hindi ko kayang iwasan ang lahat ng tanong na gumugulo sa aking isipan.Isang putok ng baril. Tumilapon ako sa isang sulok nang itinulak ako ni Noah sa pader, tinakpan ang katawan ko."Shit!"Mabilis siyang nagpaputok pabalik, habang ako naman ay nagpipilit huminga ng maayos. Ramdam ko ang kabog ng dibdib ko, at ang malamig na pawis na tumutulo sa aking likod. Hindi ko alam kung anong mangyayari, pero kailangan naming makaligtas."Saan tayo pupunta?!" tanong ko, ramdam ang init ng dugo sa katawan ko.Hindi siya sumagot. Hinila niya ako sa isang madilim na eskinita at isinakay sa isang sasakyan. Bumukas ang pinto, at bago pa
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-03
Baca selengkapnya

Chapter 23: A Betrayal That Will Destroy Everything

Ipinagpapaliban ko ang huling titig ni Dominic sa isip ko habang umaagos ang malamig na pawis sa katawan ko. Natunton nila tayo. Hindi ko na kayang magtago pa. "Get ready," mariing sabi ni Noah habang mabilis na naglalakad patungo sa pinto. Mabilis ang kilos niya. Alerto. "Kailangan na natin umalis, Ava." Wala akong masabi. Sobrang dami ng tanong sa utak ko, pero ang pinaka-una ay... bakit ako nandito? Bakit ako naging parte ng laro nilang ito? Bumangon ako, habol ang hininga. "Noah, sino ba talaga sila? Anong ginagawa natin dito?" Tahimik lang siya. Hindi siya tumingin sa akin, pero ramdam ko ang bigat ng mga sikreto niyang itinatago. "Talk to me!" sigaw ko, hindi na kayang pigilin ang galit. "Bakit ba hindi mo ako sinasabihan ng totoo?!" Dumapo ang tingin niya sa akin. May pag-aalinlangan. "Dahil hindi mo pa kayang tanggapin ang totoo." Hindi ko na siya sinagot. Masakit na nga, pero ayaw pa nilang sabihin ang lahat. Naramdaman ko ang mabilis na tibok ng puso ko habang tin
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-03
Baca selengkapnya

Chapter 24: A Decision That Will Change Everything

Sumabog ang mga pader sa paligid namin, tinatamaan ng bala. Ang hangin sa loob ng hideout ay puno ng alikabok at usok. Agad akong tinulak ni Jacob patungo sa isang sulok, ang huling folder sa aking mga kamay."Don’t let go of it, Ava!" Sigaw ni Jacob.Nakatingin lang ako, hindi ko alam kung anong gagawin. "Noah!" Sigaw ko, pero wala na siya sa harapan ko. Wala nang oras. Lahat kami nagsasapantaha na may mas malaki pang panganib."Let’s go!" Hinila ako ni Noah papalabas ng gusali, ang mga paa ko halos hindi matapakan ng mabuti. Nakikita ko ang mga kalaban sa bawat sulok. Mga mata ng pusa, nagmamasid, naghihintay.Mabilis akong natigilan. “Noah, saan tayo pupunta?”“Getaway car! Stay close!” Wala na siyang ibang sinabi, pero may alinlangan sa mga mata niya. Nandiyan na si Dominic. Alam kong makikita niya kami.Nang makarating kami sa parking area, hinarang kami ng mga tauhan ni Dominic. Ang init ng katawan ko, ang kaba ay parang isang malaking bato sa dibdib. Bago ako makagalaw, may is
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-03
Baca selengkapnya

Chapter 25: Through Fire and Secrets

Tumigil ang mundo sa harap ng tatlong lalaki. Santiago, Noah, at Dominic tatlong anino ng aking nakaraan at kasalukuyan. Ngunit isa lang ang kaya kong tingnan sa ngayon. Si Dominic. Ang mga mata niya’y puno ng galit, kontrol, at isang bagay na mas malalim isang sakit na pilit niyang itinatago, parang sugat na ayaw niyang ipakita pero hindi rin niya kayang itanggi. “Pumili ka, Ava,” ulit ni Santiago. Ang folder sa aking kamay ay parang bomba na hindi ko alam kung kailan sasabog. Nanginginig ang mga daliri ko, hindi dahil sa takot—kundi dahil sa bigat ng katotohanang hinahabol ako. “I... I need time,” sabi ko, pero alam kong wala na kaming oras. Biglang may sumabog na putok sa di kalayuan. Napayuko kami ni Noah. Agad akong hinila ni Dominic papalapit, iniharang ang katawan niya sa akin. “Ano bang ginagawa mo?” sigaw ko. “Protecting what’s mine,” bulong niya. Tumigil ang mundo sa mga salitang iyon. Ang init ng palad niya sa braso ko, ang tibok ng puso naming magkalapit—lahat ng
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-04
Baca selengkapnya

Chapter 26: Ties That Fracture

Pagkaalis ni Jacob, naiwan kaming dalawa ni Dominic sa warehouse. Tahimik. Mabigat. Parang bago sumabog ang bagyo. “Gone?” bulong ko, hindi makapaniwala. “Paano siyang mawawala nang ganun lang?” Nakatingin si Dominic sa pintuan, hawak pa rin ang baril. Ang mga kamao niya’y nakasara, nanginginig—hindi lang galit, kundi takot, guilt, at isang lihim na hindi pa niya kayang sabihin. “Tangina naman, Santiago,” bulong niya. “He was never supposed to do that.” Nilapitan ko siya. “Sabihin mo sa’kin, Dominic. Anong hindi ko alam?” Nag-angat siya ng tingin. Matatalim ang mata niya, pagod. “Kung nagpalit ng panig si Santiago, Ava... lahat ng ginawa natin—lahat ng plano—pwedeng maging bahagi ng mas malupit na laro.” Napalunok ako. “At yung folder?” “Hindi lang basta ebidensya ‘yon,” sagot niya. “May mga pangalan, operasyon. Mga taong nagtatago sa likod ng mga trahedya natin.” “Kung hawak na ni Santiago…” “…We lost our leverage,” sabay tapik sa dashboard. “And maybe our only
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-04
Baca selengkapnya

Chapter 27: Make your Choice

Chapter 27: Make Your ChoiceBOOM.Sumabog ang mundo.Tumilapon ako. Tumama ang likod ko sa pader. Nanigas ang katawan ko. Nagdilim ang paningin, puti, pagkatapos ay abo. Sumisigaw ang tenga ko sa lakas ng tunog.Ang amoy ng sunog na goma at pulbura ay sumasakal sa akin. Umuusok ang paligid, mainit ang hangin. Lasang kalawang ang bawat hinga. Hindi lang putok at hiyawan ang naririnig ko, naroon din ang pag-crackle ng apoy, ang pagbagsak ng mga debris, ang pag-iyak ng mga natrap.Gumapang ako. Ang init ng apoy ay tumatama sa aking braso, pero ang pisngi ko'y dumidikit sa malamig na semento habang sinusubukang gumalaw. Ang mga anino ay nagsasayaw sa usok, mahirap makilala kung sino ang buhay, sino ang patay."Dominic!" sigaw ko. Wala. Isang saglit lang siya nasa tabi ko."Dominic!"Nakita ko ang isang relo, pilit na kinikislap sa gitna ng abo. Relo niya. Basag ang salamin, nadurog ang strap.Kumabog ang dibdib ko.Hindi siya puwedeng mawala. Hindi ngayon."Kailangan ko siyang mahanap...
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-04
Baca selengkapnya

Chapter 28: Through Fire and Blood

Isang impit na ungol ang pumunit sa katahimikan.Dahan-dahang gumalaw si Dominic. Duguan ang gilid ng katawan niya, pero buhay. Nanginginig ang kamay kong hawak pa rin ang tubo habang napaluhod ako sa tabi niya.“Ava…” bulong niya, mahina pero buo.“Nandito ka.”Tumulo ang luha ko.“Hindi kita iiwan. Hindi na.”“Tumayo kayo!” sigaw ni Santiago, ngayon ay may kasamang dalawang armadong tauhan. Nakaposisyon sila sa magkabilang dulo ng pasilyo, baril na nakatutok sa amin.Napatayo si Jacob, bahagyang inihaharang ang sarili sa amin.“Tatapusin mo ’to sa coward’s way, Santiago? Dalawang baril laban sa isang sugatan at isang babae?”“Sarili mo ang tingnan, Jacob,” tugon niya.“Tatlo kami. Kayo? Laging kulang.”“Pero mas buo kami kaysa sa ’yo,” sagot ko, tinutok ang tubo kay Santiago.Nagngalit ang panga niya.“Babarilin ko kayong lahat kung hindi kayo—”BANG!Bumagsak ang isang ilaw mula sa kisame. Sumabog ang bumbilya sa taas ng tauhan niya. Kumislap ang paligid. Sandaling pagkabigla. Gumu
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-05
Baca selengkapnya

Chapter 29: Betrayal in the Shadows

Tumakbo kami ni Dominic sa madilim na pasilyo, ang katawan niyang halos hindi na matibay, pero pinipilit ko siyang dalhin. Hindi ko siya kayang iwan hindi ngayon.“Ava…” bulong niya, ang bawat salita’y parang naglalaban laban sa paghinga.“Hindi kita bibitawan,” sagot ko, ang mga mata ko puno ng takot at determinasyon. Hindi ako titigil.Bumangon ako ng mabilis, pilit ko siyang inaakay. Pagdungaw ko sa hallway, narinig ko ang putok ng baril isang mabilis na sigaw mula kay Jacob. Hindi ko na naramdaman ang sakit ko, ang banta ng mga kalaban, ang sakit ng katawan ko tanging ang sigaw ni Jacob ang naririnig ko.“JACOB!” sigaw ko. Ang boses ko, puno ng takot at galit, pero hindi na siya sumagot.Mabilis ang mga hakbang ko, pero ang mga mata ko’y hindi matanggal kay Jacob. Tumumba siya. Ang dugo ay dumaloy mula sa katawan niya.Hindi ko na kaya. Tumigil ako sandali, ang puso ko’y tumigil. “Jacob…” Pero walang sagot. Ang sakit ay tumagos sa aking katawan, isang pakiramdam ng pagkatalo, ng
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-05
Baca selengkapnya

Chapter 30: The Price of Loyalty

BANG! Parang pumunit sa hangin ang putok. Agad kaming napayuko. “Baba!” sigaw ng lalaki sa driver's seat, ang boses niya hindi nagpakita ng kaba. Hinila ako ni Dominic pababa sa upuan. Sumabog ang bintana sa kanan. Sumingit ang malamig na hangin at alikabok. “Trap ‘to,” bulong ko, nanginginig ang kamay kong may hawak sa baril. Bumukas ang pinto sa likod. Mga yabag. Mabilis. Marami sila. “Cover me,” utos ni Dominic habang binuksan ang kabilang pinto. Tumalilis kami palabas ng kotse, gumapang sa damuhan. Ang mga putok sunod-sunod, parang ulan ng bala sa paligid namin. “Galing sa kanan!” sigaw ko habang lumalapit ang mga anino. Humandusay kami sa putikan. Mabigat ang hangin, parang dinudurog ang dibdib ko sa kaba. “Tumatakbo sila!” sigaw ng isa mula sa likod. Hinila ako ni Dominic. “Kaliwa! May alley!” Tumakbo kami, lumiko sa madilim na kanto ng abandonadong gusali. Ang paligid, parang multong patay na lugar basag na bintana, sirang pinto, at dingding na puno ng graffiti. “
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-05
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1234567
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status