“AYOKO na ng ganito, Carlos. T-Tama na, itigil na natin ito. D-Diring-diri na ako sa sarili ko! Ang dumi-dumi ko na. A-Ayoko na—” *Pak! Napaatras ako at kinabahan. Iyong sumigaw kanina, si Mama iyon. At malamang, siya rin iyong dinapuan ng malakas na sampal na pumutol sa pagsigaw niya. Imbis tuloy na dumiretso ako sa pagpasok sa bahay, iniwanan ko na lang iyong bag ko sa papag na upuan at nagmamadali na akong umalis ulit. Hindi naman ako lalayo dahil sa tindahan lang ako ni Ate Weng pupunta—isang bahay lang ang pagitan noon mula sa bahay namin. “Ate Weng, patambay muna po, ah? Mainit na naman sa bahay, eh,” makabuluhang sabi ko sa may-katabaang babae na nasa mid-fifties na ang edad. Abala siya noon sa pag aayos ng mga alak na paninda niya. Lumingon agad siya sa akin at ngumiti. Tinigil niya rin saglit iyong ginagawa niya para lang lapitan ako at pagbuksan ng pinto. “Sige ba, walang problema. Ikaw pa ba? Dito ka muna,” aniya na ikinangiti ko. “Nag meryenda ka na ba?” Umiling ako
Terakhir Diperbarui : 2025-03-24 Baca selengkapnya