Semua Bab Stolen Nights with My Husband’s Zillionaire Uncle: Bab 51 - Bab 60

112 Bab

51

Natigilan si Mang Isko. Nanginginig nitong hinaplos ang kanyang braso. Matapos ang ilang saglit, dahan-dahan siyang tumango. “Kung kailangan, magsasalita ako.”Sa sagot niyang iyon, alam nina Tyron at Alexandra na nagsisimula nang mabuo ang kaso nila laban kay Hector.Chineck ni Alexandra ang kaniyang note list. Kailangan nilang asikasuhin ang iba pang anak ni Don Emiliio. Matapos makuha ang testimonya ni Mang Isko, alam nina Tyron at Alexandra na hindi pa sapat ang impormasyon nila. Kung may isa pang posibleng may motibo bukod kay Hector, dapat nilang alamin ito.Kaya naman, sunod nilang pinuntahan si Regina, ang pangalawang anak ni Don Emilio.Nakarating sila sa isang lumang townhouse sa gilid ng syudad—ang tirahan ni Regina. Hindi ito ang inaasahan nilang tahanan ng isang mayaman. Mukhang pinabayaan ang lugar, halatang hindi naayos o nalinis nang matagal na panahon.Habang bumababa ng kotse, napatingin si Alexandra kay Tyron. “Sigurado ka bang nandito siya?”“Ito ang address na na
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-30
Baca selengkapnya

52

Nagkibit-balikat si Regina. “Hindi ko alam. Pero ang sigurado ako, hindi ka titigilan ni Hector. Kung iniisip mong may kinalaman siya sa pagkamatay ni Papa, baka ikaw na ang susunod.”Napatingin si Alexandra kay Tyron. “Tyron, this is dangerous.”Hindi sumagot si Tyron. Tahimik lang siyang nakatingin kay Regina, tila sinusuri kung nagsisinungaling ito o hindi.“Kung totoo ang sinasabi mo, Regina,” malamig ang tono niya, “ibig sabihin, mas malawak ang sakop ng planong ‘to kaysa iniisip natin.”“Exactly,” sagot ni Regina. “At kung gusto mong malaman ang totoo, huwag mong isipin na pera lang ang habol ni Hector. Mas malalim pa rito.”Napakuyom ng kamao si Tyron. Alam niyang hindi pa tapos ang laban, pero ngayon, mas lumilinaw na ang totoong motibo ni Hector.Hindi lang ito tungkol sa mana.May mas malaki pang sikreto sa likod ng lahat ng ito.Lumabas sina Tyron at Alexandra mula sa bahay ni Regina, kapwa tahimik habang binabalikan ang bawat salitang sinabi nito. Sa loob-loob ni Alexandra
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-30
Baca selengkapnya

53

"Kaya mo pa bang sumabay sa kaso na ‘to?" tanong bigla ni Tyron.Nagtagal bago siya nakasagot. Ngunit sa huli, kahit pa nag-aalinlangan, alam niyang hindi niya ito matatakasan."Kailangan," bulong niya.Isang ngiti ang sumilay sa labi ni Tyron. Hindi niya ito sinabi, pero sa loob-loob niya, mas lalo niyang hinangaan ang determinasyon ni Alexandra.Hindi pa nila alam kung anong sikreto ang mabubunyag nila, pero isa lang ang sigurado—hindi na sila makakaatras.Tahimik na nagmamaneho si Tyron habang iniisip kung paano ipapaliwanag kay Alexandra ang mga posibleng legal na kahihinatnan ng kaso. Alam niyang mas mabuting linawin ito ngayon kaysa hayaang magpatuloy si Alexandra nang hindi lubusang nauunawaan ang lalim ng kanilang hinaharap."Alexandra, makinig kang mabuti. May dalawang senaryo tayong kailangang isaalang-alang dito," panimula niya habang patuloy sa pagmamaneho.Lumingon si Alexandra, naghihintay sa paliwanag niya."Una, kung mapapatunayang namatay si Don Emilio sa natural caus
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-30
Baca selengkapnya

54

Pagdating nila sa law firm, tahimik lang si Tyron habang iniaayos ang mga dokumento sa mesa niya. Samantalang si Alexandra naman, sa kabila ng pagod sa buong araw nilang imbestigasyon, ay hindi mapakali. Hindi niya maintindihan kung bakit parang may bumabagabag sa kanya—hindi lang tungkol sa kaso, kundi pati na rin sa paraan ng pagsasalita ni Tyron, sa paraan ng pagtingin nito sa kanya.Umupo siya sa harap ng desk nito, nakapangalumbaba, nag-aabang. Hindi siya sanay na seryoso si Tyron—mas sanay siyang nakikita itong mapanukso, may bahagyang ngiti sa labi, laging kalmado. Pero ngayon, para itong ibang tao.Maya-maya, huminga nang malalim si Tyron bago nagsalita."Tatlong posibilidad ang kailangan nating pagtuunan ng pansin sa kasong ito," panimula niya, dumudungaw sa laptop screen niya habang ini-scroll ang mga legal documents na may kinalaman sa estate ni Don Emilio."Una, kung may malinaw na ebidensya na nagsasabing pinatay siya, ang kaso ay magiging criminal in nature. Hindi na lan
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-30
Baca selengkapnya

55

"Baka hindi siya ang tipong uhaw sa kayamanan," sagot ni Tyron, hindi inaalis ang mata sa kalsada habang nagmamaneho. "O baka may alam siyang hindi natin alam."Pagdating nila sa bahay, isang matandang babae ang nagbukas ng pinto. "Kayo po ba ang mga abogado?" tanong nito, halatang kinakabahan."Opo," sagot ni Alexandra. "Nais lang po naming makausap si Daniel tungkol sa estate ng kanyang ama."Sandaling hindi sumagot ang matanda bago ito tumango. "Pasok po kayo. Nasa likod siya, nagdidilig ng halaman."Nang lumabas sila sa likod-bahay, nakita nila ang isang lalaking nakaputing polo at simpleng pantalon, nakayuko habang maingat na tinatanggal ang mga tuyong dahon ng halaman. Hindi ito mukhang isang taong lumaki sa yaman—sa halip, mas mukha itong isang taong pinili ang simpleng buhay.Nang mapansin sila ni Daniel, tumayo ito at ngumiti nang bahagya. "Aba, hindi ko inakalang mismong mga abogado ang bibisita sa akin."Nagpakilala sina Tyron at Alexandra, at agad na dumiretso sa pakay nil
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-30
Baca selengkapnya

56

Nang sumunod na araw, agad silang nagtungo sa opisina ng forensic department upang tingnan ang autopsy report ni Don Emilio. Tahimik lang si Alexandra habang binabaybay nila ang mahabang hallway. Napatingin siya kay Tyron, seryoso itong nagbabasa ng ilang dokumento sa kanyang telepono."Mukhang may malalim kang iniisip," puna niya."Wala lang," sagot ni Tyron, hindi inaalis ang mata sa screen. "Gusto ko lang siguraduhin na handa na ako sa anumang matutuklasan natin. Minsan, ang katotohanan mas malala pa sa inaasahan natin."Hindi na sumagot si Alexandra, pero may kakaibang kaba siyang naramdaman. Nang makarating sila sa opisina ng forensic examiner, sinalubong sila ng isang matandang doktor na halatang sanay na sa ganitong uri ng usapin."Atty. Mendez, hinihintay ko na kayo," bati ng doktor. "Narito ang official autopsy report ni Don Emilio. Pero sa totoo lang, may isang bagay akong napansin na dapat ninyong malaman."Nagpalitan ng tingin sina Tyron at Alexandra bago sila sabay na lum
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-30
Baca selengkapnya

57

"Paano kung hindi ito ang pahiwatig kung sino ang nambugbog sa kaniya? Paano kung ito pala ang tagapagmana na nais niyang pag-iwanan ng kaniyang kayamanan?" tanong ni Alexandra, pilit iniisip ang mas malawak na posibilidad.Saglit na natahimik si Tyron, parang sinisiyasat ang mga anggulong hindi pa nila natutuklasan. "Hindi imposible," sagot niya sa mababang tono, tila nag-iisip nang malalim. "Kaya kailangan natin ng mas malalim pang imbestigasyon. Hindi tayo dapat magmadali sa paghusga kung sino ang may sala o kung sino ang nais niyang tagapagmana.""Pero mas kailangan siguro natin ng pulis para mas mabilis at malawak ang imbestigasyon," puna ni Alexandra. "Mukhang hindi tayo maaaring humawak ng isang posibleng criminal case nang walang abiso sa kanila."Napabuntong-hininga si Tyron at tumango. "Naiisip ko rin iyan. Pero may isang malaking hadlang—hindi makikinig ang pulisya kung walang kaanak ng biktima ang mismong maghain ng reklamo para muling buksan ang kaso."Nag-isip si Alexandr
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-30
Baca selengkapnya

58

Nakita niya kung paano nag-iba ang ekspresyon ng tatlo. Si Daniel ay tahimik na nag-aadjust ng kanyang salamin, si Regina ay sumandal sa upuan na parang hindi makapaniwala, habang si Hector ay sumimangot nang husto."Ano ang ibig mong sabihin, Atty. Mendez?" tanong ni Daniel, ang kanyang boses ay maingat ngunit may halong pag-aalinlangan."Napakasimple," sagot ni Tyron. "Kung mapapatunayang ang alinman sa inyo ay may direktang kinalaman sa pagkamatay ng inyong ama—o kahit pa may intensyon kayong saktan siya bago siya namatay—hindi kayo maaaring magmana ng kanyang ari-arian.""Ano?!" napasigaw si Hector. "Anong pinagsasabi mong kagaguhan? Hindi namin pinatay si Papa!"Hindi natinag si Tyron sa pagsabog ng emosyon ni Hector. Sanay na siya sa ganitong reaksyon."Hindi ko sinasabing may sala na kayo. Ang sinasabi ko, ayon sa batas, hangga’t hindi pa malinaw ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng inyong ama, hindi maaaring ipamahagi ang kanyang ari-arian. Kung may ebidensyang lumabas na hind
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-30
Baca selengkapnya

59

Tahimik ang opisina, tanging tunog ng aircon at mahihinang kaluskos ang naririnig. Nakatingin si Tyron sa magkakapatid, sinusuri ang bawat reaksyon nila—si Daniel na tila kalmado pero may bahid ng pag-aalala sa mga mata, si Hector na halatang iritado, at si Regina na abala sa pag-check ng kanyang cellphone pero hindi naitago ang kunot sa kanyang noo.Mabigat ang hangin nang basagin ni Tyron ang katahimikan.“Ayaw ninyong maghain ng reklamo? Naiintindihan ko. Pero nais kong ipaalam sa inyo na may isa pang paraan para lumabas ang katotohanan. Hindi niyo kailangang magsampa ng kaso para tuluyang buksan ang imbestigasyon.”Napakunot ang noo ni Regina. "Anong ibig mong sabihin?"Umayos ng upo si Tyron, naglagay ng ilang papeles sa harapan niya. "Ayon sa Article 103 ng Revised Penal Code at sa probisyon ng Civil Code tungkol sa inheritance, sinumang may kinalaman sa pagkamatay ng isang tao—direkta man o hindi—ay maaaring madisqualify sa mana. Kung may ebidensya na nagpapatunay na ang inyong
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-30
Baca selengkapnya

60

"Sino kayo?" Malakas na tanong ni Hector, naniningkit ang mga mata sa hindi inaasahang pagdating.Ang lalaking nasa gitna, ang prosecutor, ay humakbang palapit, hawak ang isang makapal na folder. "Ako si Fiscal Ramon Diaz mula sa Office of the City Prosecutor." Itinaas niya ang hawak na dokumento at walang pag-aalinlangang inilapag ito sa harap ng magkakapatid. "May hawak kaming detainment warrant para sa inyo, alinsunod sa Article 124 ng Revised Penal Code. Sa ilalim ng batas, maaari kayong ma-detain habang isinasagawa ang imbestigasyon, lalo na kung may sapat na probable cause na nagpapakita ng foul play sa pagkamatay ng inyong ama."Nanlamig ang katawan ni Regina. "Warrant? Para saan? Wala naman kaming ginawang masama!"Lumapit ang isa sa mga pulis at bumunot ng posas. "Hindi ito pormal na pag-aresto, kundi protective detention habang isinasagawa ang mas malalim na pagsisiyasat.""Protective detention? Anong kalokohan 'yan?" galit na sigaw ni Hector, pero napaatras siya nang lumapit
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-30
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
45678
...
12
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status