All Chapters of Stolen Nights with My Husband’s Zillionaire Uncle: Chapter 71 - Chapter 80

112 Chapters

071

Pero imbes na umatras, mas lalong tumindi ang kutob ni Alexandra. “Kung wala kang pakialam, bakit ganyan ang sitwasyon mo? Sinong gusto mong lokohin, Regina? Lulong ka sa sugal, at kung totoo ang narinig namin, may utang kang milyon-milyon sa online casino.”Biglang nanlamig ang ekspresyon ni Regina. Kitang-kita ang takot sa mata niya.“Sino'ng nagsabi sa inyo niyan?” bulong niya, pero may bahid ng pagkataranta sa tinig niya.Nagkatinginan sina Tyron at Alexandra. Mukhang natumbok nila ang tamang direksyon.“Isang tanong lang, Regina,” seryosong sabi ni Tyron. “Sa laki ng utang mo, may lumapit na ba sa’yo na nag-alok ng pera… kapalit ng paggawa mo ng isang bagay na ikasisira ng ibang tao?”Hindi agad nakasagot si Regina. Kita nilang nag-aalangan ito, tila may iniisip kung dapat niyang sabihin o hindi.Nang sa wakas ay bumuka ang bibig niya, isang nanginginig na tinig ang lumabas.“May isang tao… na nag-alok sa’kin ng pera. Para lang sa isang maliit na pabor.”“Sino?” halos sabay nilan
last updateLast Updated : 2025-03-30
Read more

072

"What?!" Napataas ang kilay ni Alexandra. "Gusto mong pasukin ang opisina ni Hector? Tyron, hindi ito pelikula!"Napangiti si Tyron sa reaksyon niya. "Alam ko. Pero kung gusto nating malaman ang totoo, kailangan nating sumugal.""Teka nga! Ano ba talagang dahilan kung bakit natin hinawakan ang kasong ito? Dapat ba talagang patunayan kung sino ang pumatay o patunayan kung sino ang tagapagmana? Kasi mukhang lumiliko na tayo sa landas na dapat nating tahakin, e."Napakunot ang noo ni Tyron ngunit hindi agad sumagot. Nakatitig lamang siya sa kalsadang dinaraanan habang mahigpit na hawak ang manibela."Isa sa mga apektado ng gulo ang nag-report at hindi kabilang sa pamilya nila," sagot niya matapos ang ilang sandali. "Pagdating ng araw, malalaman mo rin kung bakit at sino."Hindi nakuntento si Alexandra sa sagot na iyon. "Eh ano pala ang gagawin natin? Kailangan lang ba nating malaman kung sino ang pumatay o sino ang tagapagmana?"Napabuntong-hininga si Tyron. "Actually, pareho. Kailangan
last updateLast Updated : 2025-03-30
Read more

073

Patuloy na nagmamaneho si Tyron, hindi maiwasan ni Alexandra na mapaisip. Ang paraan ng pagpapaliwanag niya ay napakaayos, parang isang propesor sa isang law school lecture, ngunit sa halip na nakakabagot, may dating—may lalim. Hindi siya ordinaryong abogado, halata iyon.Hindi niya napigilang magtanong. "Tyron, gaano na karaming criminal cases ang nahawakan mo?"Isang matipid na ngiti ang lumabas sa labi ng lalaki. "Marami-rami na rin. Pero hindi ko na binibilang, Alexandra. Hindi ako mahilig sa statistics—mas gusto ko ang resulta."Nakatingin si Alexandra sa kanya, hinihintay ang elaborasyon. Napatigil saglit si Tyron bago nagpatuloy."May isang kaso noon—isang high-profile murder case. Ang akusado? Isang taong walang kapangyarihan, isang nobody, pero siya ang itinuro ng lahat bilang pumatay. Lahat ng ebidensya, pabor sa prosekusyon. Walang nakikitang ibang suspek. Malinaw na malilintikan ang kliyente ko. Pero alam mo kung ano ang pinanghawakan ko?""Ano?" bulong ni Alexandra, tila
last updateLast Updated : 2025-03-30
Read more

074

Napaisip si Alexandra. "Pero hindi ba gano’n naman talaga ang nangyayari? Usually, ang panganay na lalaki ang nagmamana ng negosyo?""Kung ito ay isang feudal society noong medieval era, oo," sarkastikong sagot ni Tyron, saka sumandal sa upuan niya. "Pero modern na tayo, Alexandra. Hindi na sinusunod ang primogeniture rule sa bansa natin. Ang mana ay hinahati sa mga legal heirs, maliban na lang kung may last will na nagtatakda ng ibang arrangement."Napalunok si Alexandra. "Ibig sabihin, kung may last will na nagpapabor sa isang tagapagmana lang, pwedeng mapunta sa kanya ang lahat?"Tumango si Tyron. "Depende sa kondisyon. Kung legal at walang fraud na nangyari, valid ang last will. Pero kung may ebidensya na na-manipulate ito, dinaya, o pinirmahan sa ilalim ng pamimilit, pwede itong ipa-nullify sa korte."Saglit na natahimik si Alexandra. Parang unti-unting lumilinaw sa kanya ang masalimuot na gusot na pinasok nila."So, ano talaga ang mission natin?" tanong niya pagkatapos ng ilang
last updateLast Updated : 2025-03-30
Read more

075

"Theoretically, oo," tumango si Tyron. "Pero bihira iyon. Karaniwan, may tututol. At dito sa kasong ito, sigurado akong hindi lang isa ang kokontra. Kung may lalabas na ebidensya na may foul play sa pagkamatay ni Don Emilio, magiging mas kumplikado ito. Pwedeng may makasuhan, at pwedeng maapektuhan ang hatian ng mana."Natahimik saglit si Alexandra. "Alam mo, Tyron, habang lumalalim tayo sa kasong ito, mas lumalabo ang lahat. Akala ko noong una, simpleng usapin lang ng mana ito, pero ngayon, parang mas malaking problema ang dapat nating ayusin."Tumawa nang mahina si Tyron. "Ganyan talaga ang batas, Alexandra. Minsan, ang simpleng kaso, nagiging laberinto ng kasinungalingan, pagtataksil, at lihim. Ang tanong, kaya mo bang sundan ang landas papunta sa katotohanan?"Tinitigan siya ni Alexandra. "Ikaw? Bakit mo ba tinanggap ang kasong ito? Alam kong hindi lang ito basta trabaho para sa’yo."Hindi agad sumagot si Tyron. Sa halip, tumingin siya kay Alexandra na parang iniisip kung dapat ba
last updateLast Updated : 2025-03-30
Read more

076

At sa hindi maipaliwanag na dahilan, nakaramdam ng kakaibang kiliti si Alexandra sa sinabi nito.Hindi pa rin makapaniwala si Alexandra sa sinabi ni Tyron. Ipinako niya ang tingin sa binata, naghahanap ng anumang senyales ng pagbibiro, pero wala siyang nakita. Ang ekspresyon nito—bagama't may bahagyang ngiti—ay seryoso at may lalim."Baka malapit na?" inulit niya ang sinabi nito, pilit na inuunawa ang ibig sabihin.Hindi sumagot si Tyron. Sa halip, nagpatuloy siya sa pagmamaneho, tila ini-enjoy ang katahimikan sa pagitan nila. Samantalang si Alexandra, hindi mapakali.Bakit biglang nagiging ganito ang usapan?Nagpatuloy ang kanilang biyahe. Walang nagsasalita sa kanilang dalawa, pero hindi ito tulad ng mga hindi komportableng katahimikan. Sa halip, tila isang matinding emosyon ang bumabalot sa pagitan nila—isang bagay na hindi nila kayang pangalanan.Nang makarating sila sa isang tahimik na coffee shop, ipinarada ni Tyron ang sasakyan. “Dito muna tayo,” aniya, bago bumaba ng kotse.Si
last updateLast Updated : 2025-03-30
Read more

077

Nanatili siyang tahimik, pero alam niyang hindi siya makakapagsinungaling kay Tyron.At sa unang pagkakataon, hindi siya sigurado kung ano ang isasagot niya."Sabihin mo sa akin, Alexandra. Kaya mo bang umalis nang hindi ka lumilingon? Hindi ka ba manghihinayang? Hindi ka ba matatakot?"Alam niyang hinahamon siya ni Tyron. Alam niyang pinipilit nitong pagdudahin ang desisyong pinanindigan niya.Pero hindi lang iyon.May ibang bagay pang nasa likod ng kanyang mga salita—isang bagay na hindi pa nila kayang pangalanan.Isang bagay na hindi pa niya kayang harapin.Dahan-dahan niyang iniwas ang tingin."Tyron, wag mong gawin 'to.""Bakit? Dahil natatakot kang maramdaman kung ano ang nararamdaman ko para sa'yo?"Halos tumigil ang kanyang paghinga sa sinabi nito.Ngunit bago pa siya makapagsalita, biglang tumunog ang kanyang cellphone sa lamesa.Nilingon niya ito—at nang makita ang pangalan sa screen, parang nagdilim ang paligid niya.Joshua is calling.Nang bumalik ang tingin niya kay Tyron
last updateLast Updated : 2025-03-30
Read more

078

At sa pagkakataong iyon, hindi niya alam kung anong mas kinatatakutan niya—ang katotohanang maaaring tama si Tyron…O ang katotohanang hindi na niya alam kung paano ito lalabanan.Halos mag-apoy ang tingin ni Alexandra sa lalaki, pero sa kabila nito, ramdam niya ang malamig na pangungunyapit ng takot sa kanyang dibdib. Ang takot na hindi dahil sa banta ni Joshua, kundi dahil sa katotohanang hindi siya kayang pakawalan ni Tyron."Kung hindi mo ako hahayaang umalis, ano ang gusto mong gawin ko?" Mahina ang boses niya, pero may diin, may panggigigil.Ngumisi si Tyron, bahagyang umiling. "Ang trabaho mo, Alexandra."Nagtaas siya ng kilay. "Trabaho?""Oo. Wala akong balak mag-aksaya ng panahon sa drama mong ito. Bumalik ka na sa law firm. May fieldwork tayong gagawin ngayon.""Fieldwork? Tyron, hindi mo ba naiintindihan? Ayoko nang madamay ka—""At ako naman, ayokong magpaka-martir ka." Pinutol siya nito nang walang alinlangan. "Hindi kita pinilit maging assistant ko para lang sumuko ka sa
last updateLast Updated : 2025-03-30
Read more

079

"Paano kung hindi ito ang pahiwatig kung sino ang nambugbog sa kaniya? Paano kung ito pala ang tagapagmana na nais niyang pag-iwanan ng kaniyang kayamanan?" tanong ni Alexandra, pilit iniisip ang mas malawak na posibilidad.Saglit na natahimik si Tyron, parang sinisiyasat ang mga anggulong hindi pa nila natutuklasan. "Hindi imposible," sagot niya sa mababang tono, tila nag-iisip nang malalim. "Kaya kailangan natin ng mas malalim pang imbestigasyon. Hindi tayo dapat magmadali sa paghusga kung sino ang may sala o kung sino ang nais niyang tagapagmana.""Pero mas kailangan siguro natin ng pulis para mas mabilis at malawak ang imbestigasyon," puna ni Alexandra. "Mukhang hindi tayo maaaring humawak ng isang posibleng criminal case nang walang abiso sa kanila."Napabuntong-hininga si Tyron at tumango. "Naiisip ko rin iyan. Pero may isang malaking hadlang—hindi makikinig ang pulisya kung walang kaanak ng biktima ang mismong maghain ng reklamo para muling buksan ang kaso."Nag-isip si Alexand
last updateLast Updated : 2025-03-31
Read more

080

"Anong pinagsasabi mo?" mariing tanong ni Hector, ang tingin niya kay Alexandra ay puno ng pag-aalangan at galit. "Isa ka lang hamak na assistant. Para ipaalam ko sa’yo, namatay si Papa dahil sa sakit sa puso. Hindi na bago sa amin ang impormasyong ‘yan!"Napangisi si Alexandra, handang sagutin ang patutsada ni Hector. Ngunit bago pa siya makapagsalita, marahan siyang hinawakan ni Tyron sa kamay.Nagtagpo ang kanilang mga mata, at sa isang tingin pa lang, alam ni Alexandra ang gustong ipahiwatig ni Tyron—‘Wag kang padalos-dalos.’Huminga nang malalim si Alexandra at umatras ng bahagya. Pero sa loob-loob niya, hindi pa tapos ang usapan.Alam niyang may itinatago ang magkakapatid. At alam niyang isa sa kanila—o marahil silang lahat—ay may alam sa tunay na nangyari sa kanilang ama.Tahimik ang conference room matapos pigilan ni Tyron si Alexandra sa pagsagot kay Hector. Alam niyang hindi pa ito ang tamang oras upang patulan ang init ng ulo ng magkakapatid. Mas mabuting ilatag muna niya a
last updateLast Updated : 2025-03-31
Read more
PREV
1
...
678910
...
12
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status