All Chapters of Stolen Nights with My Husband’s Zillionaire Uncle: Chapter 91 - Chapter 100

112 Chapters

091

"Kung gusto niyong linisin ang pangalan ninyo, ito lang ang paraan," patuloy ni Tyron. "Huwag kayong matakot kung wala kayong kasalanan.""Hindi na kailangang buksan ang katawan ni Papa," malamig na sagot ni Daniel. "Mas pipiliin kong mawalan ng mana kaysa sirain ang alaala niya.""Ako rin," mabilis na dugtong ni Regina."Ganoon din ako," sabat ni Hector, pero sa kanyang boses ay may bahagyang panginginig.Tahimik na tinapunan ni Alexandra ng tingin si Tyron. Alam nilang dalawa—may tinatago ang magkakapatid. Pero ano?Tahimik ang opisina, tanging tunog ng aircon at mahihinang kaluskos ang naririnig. Nakatingin si Tyron sa magkakapatid, sinusuri ang bawat reaksyon nila—si Daniel na tila kalmado pero may bahid ng pag-aalala sa mga mata, si Hector na halatang iritado, at si Regina na abala sa pag-check ng kanyang cellphone pero hindi naitago ang kunot sa kanyang noo.Mabigat ang hangin nang basagin ni Tyron ang katahimikan.“Ayaw ninyong maghain ng reklamo? Naiintindihan ko. Pero nais ko
last updateLast Updated : 2025-03-31
Read more

092

"Tama ang narinig mo, Hector." Malamig ang boses ni Tyron, ngunit puno ng awtoridad. “Ayon sa Rule 110 ng Rules of Criminal Procedure, maaari naming ituloy ang kaso kahit walang complainant mula sa pamilya. Ang public prosecutor ay may awtoridad na magbukas ng imbestigasyon kung may makitang sapat na ebidensya ng foul play.”Si Daniel ang unang sumagot. "Pero paano magiging sapat na ebidensya ang mga sinasabi mo? Hindi ba atake sa puso ang naging sanhi ng pagkamatay ni Papa? Ni hindi pa nga namin nakikita ang official forensic report."Napangiti si Tyron, tila ba inaasahan niya ang ganitong tanong. "At doon ka nagkakamali, Daniel." Kinuha niya ang isang dokumento mula sa kanyang folder at inilapag ito sa lamesa. "Ito ang preliminary forensic findings mula sa forensic pathologist. Ayon sa pagsusuri, may mga malalalim na pasa sa katawan ng ama ninyo, na hindi tugma sa isang simpleng heart attack. May indikasyon ng matinding pambubugbog bago siya namatay."Nanlaki ang mga mata ni Regina.
last updateLast Updated : 2025-03-31
Read more

093

“Lexa! What happened? Bakit ka umiiyak? Anong nangyari sa kamay mo? Sinaktan ka ba ni Joshua?” Nag-aalalang tanong ni Bea nang makita ang kaibigan sa harap ng kanyang condo.Hindi sumagot si Alexandra. Sa halip, mahigpit siyang yumakap kay Bea at tuluyang humagulgol. Ramdam ni Bea ang panginginig ng katawan ng kaibigan, kaya hinayaan niya itong ibuhos ang emosyon nito. Ilang minuto silang nasa ganoong posisyon bago tuluyang tumahan si Alexandra.Dahan-dahang isinara ni Bea ang pintuan at inalalayan siyang maupo sa sofa. Naupo si Alexandra na tila wala sa sarili, patuloy pa ring bumabagsak ang mga luha mula sa kanyang namumugtong mga mata.“Ano ba kasing nangyari? Bakit ganyan ang itsura mo? Para kang pinagbagsakan ng langit at lupa sa sobrang lugmok,” muling tanong ni Bea, punong-puno ng pag-aalala.Nanatiling tahimik si Alexandra, tila nag-aalangan kung paano sisimulan ang kanyang sasabihin. Napabuntong-hininga si Bea at tumayo upang kumuha ng tubig sa kusina. Pagbalik niya, iniabot
last updateLast Updated : 2025-03-31
Read more

094

“Sinabi kong date natin ito, bakit hindi ka man lang nag-ayos? Gusto mo bang ipakita sa lahat na ang asawa ng Mandia Group ay losyang na?” Mapangutyang tanong ni Joshua nang makita niya si Alexandra. Ngunit imbes na maapektuhan, napangiti lang si Alexandra—isang ngiting puno ng panunuya. “Hindi ako pumunta rito para sa date na gusto mo,” malamig niyang sagot. “Nandito ako para makipaghiwalay.” Kanina pa siya gutom at balak sanang makipagkita kay Bea, pero natanggap niya ang tawag ni Joshua bago pa siya makaalis. Sa kabila ng kanyang pag-aalangan, pinili niyang sagutin ito. Siguro nga, ito na ang tamang oras para tapusin na ang lahat sa pagitan nila—bilang respeto na rin sa kanilang pamilya. Napatingin si Joshua sa kanya, pilit na pinapanatili ang anyong mahinahon. Ngunit sa likod ng kanyang tingin ay may apoy ng galit. “Sa tingin mo ba talaga papayag ako?” tanong nito, puno ng hinanakit. “Bakit naman hindi?” sagot ni Alexandra, titig na titig sa lalaki. “Ikaw naman ang may babae
last updateLast Updated : 2025-03-31
Read more

095

Pagkapasok nila sa loob ng club, sinalubong sila ng malakas na tugtog at makulay na ilaw na naglalaro sa kisame. Siksikan ang mga tao—may sumasayaw sa dance floor, may nakaupo sa bar, at may ilan ding magkakagrupong abala sa pag-uusap at pag-inom.Tyron scanned the crowd, his brows slightly furrowing. “Ang daming tao. Hindi ko makita ‘yung target.”“Same,” sagot ni Alexandra, inaangat ng bahagya ang katawan para masilip ang paligid. Pero kahit anong gawing pagtitig sa bawat sulok, wala silang makita.Maya-maya, lumakad si Alexandra papunta sa bar counter at umorder ng isang inumin.Mabilis siyang sinundan ni Tyron at marahang hinawakan ang pulso nito. “Anong ginagawa mo?”Nagtaas ng kilay si Alexandra. “Umiinom?”“Huwag na.”Napangisi ang dalaga. “Bakit? Hindi naman ako malalasing sa isang baso lang.”“Hindi ‘yun ang point,” seryosong sagot ni Tyron, mas nilapit ang mukha sa kanya upang marinig sa ingay ng musika. “Hindi mo alam kung safe ‘yang iniinom mo.”Pumikit sandali si Alexandr
last updateLast Updated : 2025-03-31
Read more

097

"Hindi ba siya din ang kumuha sa iyo parang bukjsan ang kaso ng magkakapatid?" tumango si Tyron sa naging tanong ni Alexandra. "Kung ganoon ano daw ang dahilan niya?""Ang sabi niya, nag-aaway ang magkakapatid dahil sa agawan ng mana. Siya ang kinukulit ng isa sa kanila at nahihirapan na daw siya. Wala naman siyang alam sa pagkamatay ng matanda. biglaan daw ang nangyari kaya walang last will ito. Maging ang family atty nila ay nahihirapang ipaliwanag kay Hector ang lahat dahil sa takot. Muntik na nga nitong ilipat sa kaniyang ang mana ngunit natatakot sila, kasi baka ito ang pumatay sa amo nila para sa mana kaya inilapit sa akin oara tingnan at imbistigahan." mahabang pal;iwanag ni Tyron."Nagtext na siya. willing siyang makipagkita." saka mabilis na pinatakbo ni Tyron ang sasakyan. Tahimik lang si Alexandra sa buong byahe. Tumigil sila sa isang coffee shop, saka dumiritso sa dulong bahagi kung saan may naghihintay na isang babae, mukhang nasa late therities na ito at mukha ngang secr
last updateLast Updated : 2025-03-31
Read more

098

"Ano ang nangyari sa araw na iyon?" seryosong tanong ni Tyron, inilapit ang katawan sa mesa, ipinapakita kay Aina na nakikinig siya nang mabuti.Pinunasan ni Aina ang luha at pilit na kinalma ang sarili. "Noong araw na iyon, normal naman ang lahat. Umaga pa lang, nag-usap na kami ni Sir Emilio tungkol sa ilang papeles. Medyo mainit ang ulo niya kasi gusto niyang ayusin ang mana niya, pero hindi makuha-kuha ang desisyon ng magkakapatid. Sinabi ko na lang na maghinay-hinay siya, pero..."Napatingin si Aina sa labas ng bintana, parang may hinahanap sa di kalayuan bago muling bumaling kay Tyron."...pagkatapos ng tanghalian, bigla siyang nanghina. Pawis na pawis siya, tapos parang nahihirapan siyang huminga. Tinawag ko agad ang doktor niya, pero bago pa siya makarating, bumagsak na si Sir Emilio. Sinubukan pa siyang i-revive pero huli na ang lahat."Napakunot-noo si Tyron. "May kinain ba siya bago siya inatake?"Tumango si Aina. "Oo. Pero wala namang kakaiba. Paborito niya ang pagkain na
last updateLast Updated : 2025-03-31
Read more

099

"Ang sinasabi mo ba ay maaaring nilason si Mr. Emilio salcedo." biglang umiyak si Aina.Nararamdaman ni Tyron ang tensyon sa bawat salita ni Aina. Hindi niya maiwasang pagmasdan ang pagnginig ng kamay nito habang pinupunasan ang luha gamit ang isang panyo.Mula sa counter, hindi maiwasan ni Alexandra na sulyapan ang dalawa habang hinihintay ang kanilang inorder. Nakita niya kung paano suminghot si Aina at kung paano ito dahan-dahang huminga bago muling nagsalita."Hindi ko alam, Attorney..." nanginginig ang boses ni Aina. "Pero ang alam ko, hindi dapat nangyari iyon nang ganoon lang. Wala siyang sakit na bigla na lang susumpungin nang walang dahilan. Alam namin kung kailan siya dapat magpahinga, kailan siya dapat umiwas sa stress. Pero sa araw na iyon... wala siyang dahilan para atakihin."Napansin ni Tyron ang paraan ng pagsasalita ni Aina—hindi siya sigurado, ngunit may takot sa tinig niya. Para bang may iniisip siyang hindi niya kayang sabihin nang direkta."Ano ang nangyari sa ara
last updateLast Updated : 2025-03-31
Read more

100

"Hindi ba siya din ang kumuha sa iyo parang bukjsan ang kaso ng magkakapatid?" tumango si Tyron sa naging tanong ni Alexandra. "Kung ganoon ano daw ang dahilan niya?""Ang sabi niya, nag-aaway ang magkakapatid dahil sa agawan ng mana. Siya ang kinukulit ng isa sa kanila at nahihirapan na daw siya. Wala naman siyang alam sa pagkamatay ng matanda. biglaan daw ang nangyari kaya walang last will ito. Maging ang family atty nila ay nahihirapang ipaliwanag kay Hector ang lahat dahil sa takot. Muntik na nga nitong ilipat sa kaniyang ang mana ngunit natatakot sila, kasi baka ito ang pumatay sa amo nila para sa mana kaya inilapit sa akin oara tingnan at imbistigahan." mahabang pal;iwanag ni Tyron."Nagtext na siya. willing siyang makipagkita." saka mabilis na pinatakbo ni Tyron ang sasakyan. Tahimik lang si Alexandra sa buong byahe. Tumigil sila sa isang coffee shop, saka dumiritso sa dulong bahagi kung saan may naghihintay na isang babae, mukhang nasa late therities na ito at mukha ngang secr
last updateLast Updated : 2025-03-31
Read more
PREV
1
...
789101112
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status