Tahimik ang opisina, tanging tunog ng aircon at mahihinang kaluskos ang naririnig. Nakatingin si Tyron sa magkakapatid, sinusuri ang bawat reaksyon nila—si Daniel na tila kalmado pero may bahid ng pag-aalala sa mga mata, si Hector na halatang iritado, at si Regina na abala sa pag-check ng kanyang cellphone pero hindi naitago ang kunot sa kanyang noo.Mabigat ang hangin nang basagin ni Tyron ang katahimikan.“Ayaw ninyong maghain ng reklamo? Naiintindihan ko. Pero nais kong ipaalam sa inyo na may isa pang paraan para lumabas ang katotohanan. Hindi niyo kailangang magsampa ng kaso para tuluyang buksan ang imbestigasyon.”Napakunot ang noo ni Regina. "Anong ibig mong sabihin?"Umayos ng upo si Tyron, naglagay ng ilang papeles sa harapan niya. "Ayon sa Article 103 ng Revised Penal Code at sa probisyon ng Civil Code tungkol sa inheritance, sinumang may kinalaman sa pagkamatay ng isang tao—direkta man o hindi—ay maaaring madisqualify sa mana. Kung may ebidensya na nagpapatunay na ang inyong
"Sino kayo?" Malakas na tanong ni Hector, naniningkit ang mga mata sa hindi inaasahang pagdating.Ang lalaking nasa gitna, ang prosecutor, ay humakbang palapit, hawak ang isang makapal na folder. "Ako si Fiscal Ramon Diaz mula sa Office of the City Prosecutor." Itinaas niya ang hawak na dokumento at walang pag-aalinlangang inilapag ito sa harap ng magkakapatid. "May hawak kaming detainment warrant para sa inyo, alinsunod sa Article 124 ng Revised Penal Code. Sa ilalim ng batas, maaari kayong ma-detain habang isinasagawa ang imbestigasyon, lalo na kung may sapat na probable cause na nagpapakita ng foul play sa pagkamatay ng inyong ama."Nanlamig ang katawan ni Regina. "Warrant? Para saan? Wala naman kaming ginawang masama!"Lumapit ang isa sa mga pulis at bumunot ng posas. "Hindi ito pormal na pag-aresto, kundi protective detention habang isinasagawa ang mas malalim na pagsisiyasat.""Protective detention? Anong kalokohan 'yan?" galit na sigaw ni Hector, pero napaatras siya nang lumapit
"May mga taong takot humarap sa katotohanan, Alexandra. Lalo na kung posibleng sila mismo ang may kasalanan o may tinatago. Pero sa puntong ito, wala na silang pagpipilian. Kailangan nilang harapin ang imbestigasyon."Tumayo si Tyron at kinuha ang kanyang coat. "Ngayon, pupuntahan ko na sila. Kailangan kong malaman kung sino sa kanila ang tatanggapin ako bilang abogado nila.""At kung wala?""Kung wala..." Isang makahulugang ngiti ang gumuhit sa labi ni Tyron. "Magkikita-kita na lang kami sa korte, sa magkabilang panig."Sa loob ng madilim at malamig na detention room, isa-isang tinawag ni Tyron ang magkakapatid upang kausapin. Alam niyang ito ang pinakamainam na paraan upang masukat ang kanilang paninindigan—kung sino ang may itinatago at sino ang maaaring kumampi sa kanya.Daniel: Ang Mapanatag na Inosente o Matalinong Manlalaro?Tahimik na pumasok si Daniel sa silid. Maayos pa rin ang kanyang postura, tila ba hindi naaapektuhan ng pagkakakulong. Pinagmasdan niya si Tyron, hindi kita
"Hindi ba siya din ang kumuha sa iyo parang bukjsan ang kaso ng magkakapatid?" tumango si Tyron sa naging tanong ni Alexandra. "Kung ganoon ano daw ang dahilan niya?""Ang sabi niya, nag-aaway ang magkakapatid dahil sa agawan ng mana. Siya ang kinukulit ng isa sa kanila at nahihirapan na daw siya. Wala naman siyang alam sa pagkamatay ng matanda. biglaan daw ang nangyari kaya walang last will ito. Maging ang family atty nila ay nahihirapang ipaliwanag kay Hector ang lahat dahil sa takot. Muntik na nga nitong ilipat sa kaniyang ang mana ngunit natatakot sila, kasi baka ito ang pumatay sa amo nila para sa mana kaya inilapit sa akin oara tingnan at imbistigahan." mahabang pal;iwanag ni Tyron."Nagtext na siya. willing siyang makipagkita." saka mabilis na pinatakbo ni Tyron ang sasakyan. Tahimik lang si Alexandra sa buong byahe. Tumigil sila sa isang coffee shop, saka dumiritso sa dulong bahagi kung saan may naghihintay na isang babae, mukhang nasa late therities na ito at mukha ngang secre
“Hindi mo ba nakita kahit anino man lang? Lalaki ba o babae?” usisa ni Tyron.“Lalaki po. Malaki ang katawan… Hindi ko alam kung sino, pero ang bigat ng yabag niya sa semento.”Kumunot ang noo ni Tyron. “At hindi mo man lang tinanong sa ibang kasambahay kung may bisita nga siya?”“Tinawagan ko si Aling Minda kinabukasan, pero wala naman daw siyang nakita. Nagtataka rin siya kung bakit parang pagod si Sir Emilio noong umaga.”Muling sumimsim ng kape si Tyron, lalong lumalalim ang mga butil ng palaisipan sa kanyang ulo.“Kung totoo ang sinasabi mo, may isang taong bumisita sa kanya bago siya namatay. Maaaring doon nagsimula ang pisikal na pinsala sa katawan niya. At kung hindi dahil sa sakit sa puso ang ikinamatay niya kundi sa komplikasyon mula sa pambubugbog… Aina, may alam ka bang kaaway ni Sir Emilio? Isang taong posibleng may galit sa kanya?”Natahimik si Aina. Para bang may pumapasok sa kanyang isipan pero nag-aalinlangan siyang sabihin ito.“Aina…” seryoso na ang tinig ni Alexandr
Hindi niya maintindihan kung bakit siya naaapektuhan sa ganitong usapan. Alam naman niyang wala siyang dapat ipaliwanag kaninuman. At higit sa lahat, alam niyang wala silang relasyon ni Tyron—ni hindi nga dapat magkaroon. Pero bakit parang may bumibigat sa loob niya tuwing may ganitong komento?"Hindi ka ba komportable? Gusto mong lumipat tayo?" nag-aalalang tanong ni Tyron."Hindi na! Ayos lang naman. Ano naman kung may makakita sa atin? Isipin na nila ang gusto nilang isipin. Hindi naman tayo nagde-date. Isa pa, anong masama kung kasama ng amo niya ang kanyang assistant? Bawal ba akong i-treat?" depensa ni Alexandra. Hindi niya alam kung ang ibig niya talagang kumbinsihin ay si Tyron o ang sarili niya. Ramdam niya ang kabog ng dibdib niya, pero hindi niya dapat ipahalata.Napangisi si Tyron, tila may iniisip itong kung ano. "Sino namang nagsabi sa iyong libre ko ito?"Napakurap si Alexandra. "Ano?! Kung hindi mo ito libre, bakit hindi mo muna ako tinanong! Nakakainis ka! Diyan ka na
Napataas ang kilay ni Alexandra. Ano na naman ‘to? Kanina lang parang ipagpipilitan nito ang pag-check-in, ngayon naman biglang atras?“Akala ko ba pagod ka?” tanong niya, hindi mapigilang kulitin ito. “Ayos lang naman sa akin ang mag-check-in. Bukas na lang tayo umuwi sa umaga. Ang mahalaga, makapagpahinga tayo,” dagdag pa niya, tinatantiya kung ano talaga ang nasa isip ni Tyron.Kung tutuusin, hindi naman niya intensyon na bigyan ito ng dahilan para manatili. Iniisip lang niya ang kaligtasan nilang dalawa. Marunong siyang mag-drive—at hindi lang basta marunong, kundi sanay siya. Kung wala lang si Tyron sa tabi niya, baka nasa 120 kph na siya sa highway, pero hindi niya iyon ipapakita rito. Ayaw niyang bigyan ito ng dahilan para isipin na reckless driver siya—o mas malala, ayaw niyang mas lalong humanga ito sa kanya.“Hindi na. Kaya ko namang mag-drive. Ayaw mo kasing nasa iisang room lang tayo,” sagot ni Tyron, may bahagyang pang-aasar sa tono nito.Nagtaas ng tingin si Alexandra, hi
Nang lumabas siya mula sa banyo, tumambad sa kanya ang itsura ni Tyron, na nakahiga na sa kabilang gilid ng kama, ang mga mata ay medyo nakapikit. Pansamantalang iniwasan ni Alexandra ang pagtitig dito, ngunit hindi niya maiwasang mapansin kung paano lumitaw ang pahiwatig ng pagod sa katawan nito. Ang mga balikat, ang braso—lahat ng iyon, nagsasabi ng isang kwento ng matinding trabaho at pasensya.Habang nag-aayos siya sa gilid ng kama, napansin niyang tinititigan siya ni Tyron. Natahimik siya. Hindi alam ni Alexandra kung bakit parang may iba siyang nararamdaman sa mga mata ni Tyron.“Baka natunaw ako niyan,” sabi ni Tyron, ang tono ay magaan at medyo nakakatuwa.“Akala ko tulog ka na,” sagot ni Alexandra, hindi maiwasang mapahiya. Pero sa loob-loob niya, Sana nga, tulog na siya.“Hahaha, hindi pa, wala akong kasama e,” sabay ngiti ni Tyron na medyo nakakainis dahil parang may kutob si Alexandra na siya na naman ang pinapagitnaan ng mga biro nito.Sana ay hindi makapagpigil si Alexand
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" malamig nitong tanong. Ang tono ng kanyang boses ay hindi mataas, pero ramdam ni Alexandra ang pwersang dala nito. "Is this a proper way to resign? Hindi mo ba alam na pwede kitang kasuhan dahil dito?"Hindi agad siya nakapagsalita. Nakadikit ang likod niya sa pinto, parang naipit siya sa presensya ng lalaki. Ang init ng katawan ni Tyron kahit hindi ito lumalapit nang tuluyan, at kahit hindi siya tinatapunan ng matalim na tingin ay ramdam niya ang bigat ng kanyang presensya."Tyron, I—""Akala mo ba basta mo na lang ako matatakasan?" putol nito, at mas lumalim ang titig nito sa kanya.Hindi niya alam kung bakit, pero parang lumubog ang kanyang tiyan sa kaba. Hindi siya sanay na nakikitang ganito si Tyron—oo, alam niyang may kakayahan itong magalit, pero ngayon lang niya ito nakita nang ganito ka-intense."Hindi ba dapat masaya ka?" tuloy niya, pilit na binabalik ang kanyang kumpiyansa. "Hindi mo na kailangang madamay sa gulong ito. Hindi mo na kaila
Ang marahang tugtog ng café ambient music lang ang bumabalot sa hangin habang naghihintay si Attorney Tyron Mendez, may bahagyang lamig na ang kanyang black coffee. Katabi niya si Alexandra—ang kanyang masinop at matalas na assistant. Habang tumitingin siya sa tablet para sa updates, paminsan-minsan ay sumusulyap ito sa pintuan.“Late na siya,” mahina niyang sabi habang isinara ang tablet.“Dalawang minuto lang,” sagot ni Tyron, sabay tingin sa kanyang relo. “Maaga pa 'yan sa standards ng mga abogado.”Saktong pagkalipas ng ilang segundo, pumasok ang isang lalaking nasa mid-sixties, naka-tailored charcoal suit at may dignidad sa bawat kilos. Kita sa kanyang graying hair at maingat na lakad ang dekada ng karanasan sa legal na serbisyo—at marahil, bigat ng mga kaganapan sa Salcedo family.Diretso itong lumapit sa kanilang table.“Atty. Tyron Mendez?”“Yes,” tumayo si Tyron at iniabot ang kamay—propesyonal at matatag. “Kayo po si Atty. Saavedra?”“Ako nga. Family attorney ng Salcedos,” s
"Kung gusto niyong linisin ang pangalan ninyo, ito lang ang paraan," patuloy ni Tyron. "Huwag kayong matakot kung wala kayong kasalanan.""Hindi na kailangang buksan ang katawan ni Papa," malamig na sagot ni Daniel. "Mas pipiliin kong mawalan ng mana kaysa sirain ang alaala niya.""Ako rin," mabilis na dugtong ni Regina."Ganoon din ako," sabat ni Hector, pero sa kanyang boses ay may bahagyang panginginig.Tahimik na tinapunan ni Alexandra ng tingin si Tyron. Alam nilang dalawa—may tinatago ang magkakapatid. Pero ano?Tahimik ang opisina, tanging tunog ng aircon at mahihinang kaluskos ang naririnig. Nakatingin si Tyron sa magkakapatid, sinusuri ang bawat reaksyon nila—si Daniel na tila kalmado pero may bahid ng pag-aalala sa mga mata, si Hector na halatang iritado, at si Regina na abala sa pag-check ng kanyang cellphone pero hindi naitago ang kunot sa kanyang noo.Mabigat ang hangin nang basagin ni Tyron ang katahimikan.“Ayaw ninyong maghain ng reklamo? Naiintindihan ko. Pero nais ko
Mabigat ang atmospera sa loob ng interrogation room ng presinto nang muling harapin ni Regina ang dalawang abogado. Nandoon si Tyron, tahimik pero matalim ang mga mata. Katabi niya si Alexandra, hawak ang folder na laman ay ang updated autopsy report ni Emilio Salcedo.Tahimik silang tatlo. Tanging tunog ng wall clock ang maririnig—tila baga tinataktan ang bilis ng katotohanan na malapit nang sumabog.Ibinuka ni Tyron ang bibig. "May resulta na ang autopsy report ni Mr. Emilio Salcedo."Napatingin si Regina, pero agad din niyang iniwas ang tingin. Tila ba ayaw marinig ang susunod na sasabihin."Regina, hindi namatay sa atake sa puso ang ama mo."Kumunot ang noo ng babae, halatang nagulat. “Ano’ng ibig mong sabihin?”“May multiple blunt force trauma sa katawan ng biktima,” paliwanag ni Alexandra, habang binubuklat ang medical photos. “May punit sa baga, fractured ribs, at internal bleeding. Base sa forensic report, ilang araw siyang nahirapan sa paghinga bago tuluyang binawian ng buhay
Tahimik na nakaupo sa hallway sina Alexandra at Tyron, ang katahimikan ay tila bumabalot sa buong paligid habang pinapanood nila ang pagtakbo ng orasan sa dingding. Ang bawat segundo ay parang taon habang hinihintay nila ang pagbabalik ng prosecutor.Walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Si Alexandra, naka-kuyom ang kamay, habang si Tyron naman ay halos hindi mapakali sa upuan. Ilang sandali pa, bumukas ang pintuan ng interrogation room. Tumigil ang mundo nila sa pagbukas ng pintong iyon.Lumabas si Fiscal Ramon Diaz, ang city prosecutor, at may seryosong ekspresyon sa mukha. Hindi ito nagpakita ng kahit anong emosyon habang dahan-dahang lumapit sa kanila."Fiscal?" agad na tanong ni Tyron, tila hindi makahinga sa kaba.Tumingin si Fiscal Diaz sa kanilang dalawa, bago huminga ng malalim. "Umamin na si Regina."Napakunot-noo si Alexandra. "Ano pong ibig ninyong sabihin? Inamin niyang siya ang may kasalanan?"Tumango si Diaz, ngunit may halong pagdadalawang-isip ang kanyang tono. “Oo…
“Bakit mo kami pinatawag, Mr. Daniel Salcedo?” tanong ni Tyron pagkapasok niya sa interrogation room.Huminga nang malalim si Daniel. Halatang nanginginig ang mga kamay niya habang nakatingin kina Alexandra at Tyron. “Honestly, akala ko hindi ito magiging problema—o magkakaroon ng malaking epekto sa investigation. Pero kung maghahalungkat kayo, sa huli, malalaman niyo rin ang totoo.”Nagkatinginan sina Tyron at Alexandra.“What do you mean?” tanong ni Tyron.“It’s been weeks—almost two, actually—since pumunta ako sa bahay ni Papa,” sagot ni Daniel. Muli siyang huminga nang malalim, bakas sa boses niya ang pag-aalinlangan. “Pumunta ako roon para kausapin siya tungkol sa pagka-freeze ng account ni Kuya Hector. Galit na galit siya sa akin dahil iniisip niyang ako ang dahilan nun.”“Anong kinalaman mo?” tanong ni Tyron, seryoso ang tono.“Akala kasi ni Kuya, ako ang nagsumbong sa mga kalokohang ginagawa niya. Sinabihan ko siya na mas mabuting siya na ang magsabi kay Dad, kasi kung hindi…
Bawat salitang binibitawan niya ay parang mga bala ng yelo na direktang tumatama sa puso ko.Hindi ko na napigilan ang panginginig ng buong katawan ko sa sobrang galit. Sobra na na ang emosyon kong nararamdaman, at napadiin ang pagkakakuyom ko ng mga palad. Ramdam ko ang pagbaon ng mga kuko ko sa balat ko—may lumabas nang dugo, pero wala akong naramdamang sakit. Wala. Wala kundi galit.Ang pagputol ng kasunduan sa kasal? Desisyon ’yon ng pamilya Sanmiego Anong kinalaman ko doon?At bakit parang ako pa ang sinisisi nila? Hindi naman ako gano’n kaimportante para mapabago ang desisyon ng isang pamilya gaya ng sa kanila.Tinitigan ko nang diretso ang mga mata ng ama ko, at walang pag-aalinlangang sinabi,“Ako ang magpapagamot sa kapatid ko. Anong magagawa mo bukod sa mag-file ng protection order? Kung sisirain mo ang gamutan ng kapatid ko, hinding-hindi kita patatahimikin. Subukan mo lang kung hindi ka maniwala sa kaya kong gawin.”Bigla siyang umusad palapit, galit na galit, parang gusto
Kinabukasan, maagang umalis ng hotel si Tyron at Alexandra. Laking pasalamat na lang ni Alexandra dahil nakatulog sila ng maayos at sabay na nagising ng alarm clock. Ang pakiramdam niya, parang mas magaan ang katawan niya, at hindi na siya pagod mula sa maghapon at magdamag na trabaho."Nakatulog ka ba?" tanong ni Tyron habang nakatutok pa rin ang mata sa kalsada, mabilis na nagmamaneho."Oo naman," sagot ni Alexandra, habang iniisip kung gaano kasaya siya na nakatulog ng mahimbing sa kabila ng kanilang hindi inaasahang sitwasyon kagabi. "Ikaw ba? Kamusta ang tulog mo?""Mas maayos. Magaan ang pakiramdam ko ngayon," sagot ni Tyron na may kaunting ngiti sa kanyang labi, at parang may biglaang pag-aalwan sa kanyang tono.“May insomnia ka ba?” tanong ni Alexandra habang tinitingnan si Tyron mula sa gilid ng kanyang mata, nagtatanong na may bahid ng pagkabahala."Hindi ko alam. Siguro ay kailangan ko lang ng kasama," sagot ni Tyron, at parang may konting kabuntot ng pagiging malungkot sa
“Sige na nga! Umuwi na lang tayo. May trabaho pa tayo sa Maynila bukas ng umaga,” biglang sabi ni Tyron, na parang ang bilis niyang nagbago ng isip.Napataas ang kilay ni Alexandra. Ano na naman ‘to? Kanina lang parang ipagpipilitan nito ang pag-check-in, ngayon naman biglang atras?“Akala ko ba pagod ka?” tanong niya, hindi mapigilang kulitin ito. “Ayos lang naman sa akin ang mag-check-in. Bukas na lang tayo umuwi sa umaga. Ang mahalaga, makapagpahinga tayo,” dagdag pa niya, tinatantiya kung ano talaga ang nasa isip ni Tyron.Kung tutuusin, hindi naman niya intensyon na bigyan ito ng dahilan para manatili. Iniisip lang niya ang kaligtasan nilang dalawa. Marunong siyang mag-drive—at hindi lang basta marunong, kundi sanay siya. Kung wala lang si Tyron sa tabi niya, baka nasa 120 kph na siya sa highway, pero hindi niya iyon ipapakita rito. Ayaw niyang bigyan ito ng dahilan para isipin na reckless driver siya—o mas malala, ayaw niyang mas lalong humanga ito sa kanya.“Hindi na. Kaya ko n