Share

0107

Author: Anne_belle
last update Last Updated: 2025-04-06 22:31:36

“Bakit mo kami pinatawag, Mr. Daniel Salcedo?” tanong ni Tyron pagkapasok niya sa interrogation room.

Huminga nang malalim si Daniel. Halatang nanginginig ang mga kamay niya habang nakatingin kina Alexandra at Tyron. “Honestly, akala ko hindi ito magiging problema—o magkakaroon ng malaking epekto sa investigation. Pero kung maghahalungkat kayo, sa huli, malalaman niyo rin ang totoo.”

Nagkatinginan sina Tyron at Alexandra.

“What do you mean?” tanong ni Tyron.

“It’s been weeks—almost two, actually—since pumunta ako sa bahay ni Papa,” sagot ni Daniel. Muli siyang huminga nang malalim, bakas sa boses niya ang pag-aalinlangan. “Pumunta ako roon para kausapin siya tungkol sa pagka-freeze ng account ni Kuya Hector. Galit na galit siya sa akin dahil iniisip niyang ako ang dahilan nun.”

“Anong kinalaman mo?” tanong ni Tyron, seryoso ang tono.

“Akala kasi ni Kuya, ako ang nagsumbong sa mga kalokohang ginagawa niya. Sinabihan ko siya na mas mabuting siya na ang magsabi kay Dad, kasi kung hindi…
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Stolen Nights with My Husband’s Zillionaire Uncle   0108

    Tahimik na nakaupo sa hallway sina Alexandra at Tyron, ang katahimikan ay tila bumabalot sa buong paligid habang pinapanood nila ang pagtakbo ng orasan sa dingding. Ang bawat segundo ay parang taon habang hinihintay nila ang pagbabalik ng prosecutor.Walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Si Alexandra, naka-kuyom ang kamay, habang si Tyron naman ay halos hindi mapakali sa upuan. Ilang sandali pa, bumukas ang pintuan ng interrogation room. Tumigil ang mundo nila sa pagbukas ng pintong iyon.Lumabas si Fiscal Ramon Diaz, ang city prosecutor, at may seryosong ekspresyon sa mukha. Hindi ito nagpakita ng kahit anong emosyon habang dahan-dahang lumapit sa kanila."Fiscal?" agad na tanong ni Tyron, tila hindi makahinga sa kaba.Tumingin si Fiscal Diaz sa kanilang dalawa, bago huminga ng malalim. "Umamin na si Regina."Napakunot-noo si Alexandra. "Ano pong ibig ninyong sabihin? Inamin niyang siya ang may kasalanan?"Tumango si Diaz, ngunit may halong pagdadalawang-isip ang kanyang tono. “Oo…

    Last Updated : 2025-04-12
  • Stolen Nights with My Husband’s Zillionaire Uncle   0108

    Mabigat ang atmospera sa loob ng interrogation room ng presinto nang muling harapin ni Regina ang dalawang abogado. Nandoon si Tyron, tahimik pero matalim ang mga mata. Katabi niya si Alexandra, hawak ang folder na laman ay ang updated autopsy report ni Emilio Salcedo.Tahimik silang tatlo. Tanging tunog ng wall clock ang maririnig—tila baga tinataktan ang bilis ng katotohanan na malapit nang sumabog.Ibinuka ni Tyron ang bibig. "May resulta na ang autopsy report ni Mr. Emilio Salcedo."Napatingin si Regina, pero agad din niyang iniwas ang tingin. Tila ba ayaw marinig ang susunod na sasabihin."Regina, hindi namatay sa atake sa puso ang ama mo."Kumunot ang noo ng babae, halatang nagulat. “Ano’ng ibig mong sabihin?”“May multiple blunt force trauma sa katawan ng biktima,” paliwanag ni Alexandra, habang binubuklat ang medical photos. “May punit sa baga, fractured ribs, at internal bleeding. Base sa forensic report, ilang araw siyang nahirapan sa paghinga bago tuluyang binawian ng buhay

    Last Updated : 2025-04-13
  • Stolen Nights with My Husband’s Zillionaire Uncle   0109

    "Kung gusto niyong linisin ang pangalan ninyo, ito lang ang paraan," patuloy ni Tyron. "Huwag kayong matakot kung wala kayong kasalanan.""Hindi na kailangang buksan ang katawan ni Papa," malamig na sagot ni Daniel. "Mas pipiliin kong mawalan ng mana kaysa sirain ang alaala niya.""Ako rin," mabilis na dugtong ni Regina."Ganoon din ako," sabat ni Hector, pero sa kanyang boses ay may bahagyang panginginig.Tahimik na tinapunan ni Alexandra ng tingin si Tyron. Alam nilang dalawa—may tinatago ang magkakapatid. Pero ano?Tahimik ang opisina, tanging tunog ng aircon at mahihinang kaluskos ang naririnig. Nakatingin si Tyron sa magkakapatid, sinusuri ang bawat reaksyon nila—si Daniel na tila kalmado pero may bahid ng pag-aalala sa mga mata, si Hector na halatang iritado, at si Regina na abala sa pag-check ng kanyang cellphone pero hindi naitago ang kunot sa kanyang noo.Mabigat ang hangin nang basagin ni Tyron ang katahimikan.“Ayaw ninyong maghain ng reklamo? Naiintindihan ko. Pero nais ko

    Last Updated : 2025-04-14
  • Stolen Nights with My Husband’s Zillionaire Uncle   1

    Third Person’s Point of ViewTahimik ang mansyon ng buksan ni Alexandra ang malaking pinto. Agad siyang umakyat sa itaas ng kanilang kwartong mag-asawa. Dalawang araw siyang wala dahil sinamahan niya ang kaniyang kaibigan sa probinsya nito. Pumayag naman ang kaniyang asawa kaya walang naging problema.“Ano ito? Hmmp! Wala naman akong ganito ah.” Tanong ni Alexandra sa kaniyang sarili, habang hawak niya ang isang thong, na halos hindi matakpan ang pisngi ng pwet kung isusuot ito. Sobrang sexy nito kung tutuusin kaya hindi ito maaring maging sa kaniya.Naramdaman niyang may tao sa kaniyang likuran kaya agad siyang lumingon. Nakita niya ang kaniyang aswang si Joshua.“Nandito ka na din pala. Kamusta ang pagbabakasyon mo?” tanong ni Joshua habang nag-aalis ng butones ng kaniyang damit.“Kararating ko lang din. Kanino pala ito?” pinakita ni Alexandra ang thong na nasa kaniyang kamay. Aamuyin pa niya sana ito para malaman kung nagamit na pero nawala ang atensyon niya ng malakas na sumarado

    Last Updated : 2025-03-13
  • Stolen Nights with My Husband’s Zillionaire Uncle   2

    Pumasok sila sa hotel at dumiretso sa 34th floor. Pagbukas ni Bea ng kwarto, agad itong pumwesto sa vanity mirror, inilabas ang isang sandamakmak na maskara, at sinimulang subukan ang isa’t isa.Hindi siya pinansin ni Alexandra. Imbes na makisali, humiga siya sa kama, nakatitig lang sa kisame na para bang hinuhukay ang sarili sa bigat ng nangyari.“Ano bang ginagawa mo diyan?” reklamo ni Bea. “Mamili ka na ng maskara mo! Dalian mo na!”“Pwede bang huwag na lang akong sumama?” mahinang sagot ni Alexandra, halos pakiusap.Pero hindi ito tinanggap ni Bea. Mabilis itong lumapit, hinablot ang unan at itinapon sa gilid. "Alexandra Kaye Villarama!! Matagal mo nang iniisip na may babae siya, and during that phase, umiyak ka na ng malala. Ngayon pa ba kita makikitang duwag? Confirmation na lang ang nakita mo kanina. Bakit mo hinahayaan ang sarili mong malugmok sa isang lalaking hindi marunong um-appreciate sa'yo?”Napakurap si Alexandra. Kanina lang, tulala siya, pero ngayon, kahit paano ay na

    Last Updated : 2025-03-13
  • Stolen Nights with My Husband’s Zillionaire Uncle   3

    Pagkapasok ni Alexandra sa bahay, ramdam na niya ang bigat ng atmospera. Hindi pa man siya nakakalahati sa hagdan ay nagsalita na si Joshua, ang boses nito punong-puno ng inis.“Saan ka galing?”Hindi siya sumagot. Hindi rin siya lumingon. Nagpatuloy lang siya sa pag-akyat, nilagpasan ang asawa na ngayon ay may naniningkit na mga mata.“Alexandra! Tinatanong kita! Where have you been?!” Sigaw ni Joshua, halatang hindi sanay na hindi siya pinapansin.Huminto si Alexandra. Pinakawalan ang isang malalim na buntong-hininga bago dahan-dahang humarap sa lalaki. Ibubuka pa lang niya ang bibig niya nang biglang sumingit si Joshua, ang mga braso nito nakapamewang na parang siya pa ang may karapatang magalit.“Two days ka nang wala dito. Naglakwatsa ka sa loob ng dalawang araw kasama ang mga kaibigan mo, tapos ngayon uuwi kang ganyan ang itsura? Don’t tell me nagpakalasing ka?!”Nagsalubong ang kilay ni Alexandra.“Anong tingin mo sa sarili mo, single? Nagbubuhay dalaga ka na ba? Kaya pala ayaw

    Last Updated : 2025-03-13
  • Stolen Nights with My Husband’s Zillionaire Uncle   4

    Nararamdaman pa rin ni Alexandra ang bigat sa kanyang dibdib nang magising siya. Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya kakaiyak. Napansin niyang bahagyang bukas ang bintana, at mula sa liwanag na pumapasok, alam niyang palubog na ang araw.Kumalam ang kanyang sikmura, kaya agad siyang bumangon at bumaba upang maghanap ng makakain. Alam niyang natakot niya si Joshua kaya hindi ito maglalakas-loob na lumapit sa kanya.Sa kusina, nagluto siya ng sliced ham, itlog, at bacon, saka kumuha ng tinapay. Kadarating lang ng pagkain sa harap niya nang biglang tumunog ang doorbell.Napabuntong-hininga siya. Gusto na niyang kumain, pero wala siyang ibang choice kundi ang buksan ang pinto. Pagdungaw niya, isang pamilyar na iritadong boses ang sumalubong sa kanya."What do you think you're doing?! Akala ko patay ka na!" sigaw ni Bea. "Kagabi, nawala ka nang walang paalam! Akala ko may nag-take out sa'yo o di kaya tinakasan mo ako! Pinalampas ko 'yon kasi inisip kong baka sa kwarto ko ka lang n

    Last Updated : 2025-03-13
  • Stolen Nights with My Husband’s Zillionaire Uncle   5

    “Sinabi kong date natin ito, bakit hindi ka man lang nag-ayos? Gusto mo bang ipakita sa lahat na ang asawa ng Mandia Group ay losyang na?” Mapangutyang tanong ni Joshua nang makita niya si Alexandra. Ngunit imbes na maapektuhan, napangiti lang si Alexandra—isang ngiting puno ng panunuya. “Hindi ako pumunta rito para sa date na gusto mo,” malamig niyang sagot. “Nandito ako para makipaghiwalay.” Kanina pa siya gutom at balak sanang makipagkita kay Bea, pero natanggap niya ang tawag ni Joshua bago pa siya makaalis. Sa kabila ng kanyang pag-aalangan, pinili niyang sagutin ito. Siguro nga, ito na ang tamang oras para tapusin na ang lahat sa pagitan nila—bilang respeto na rin sa kanilang pamilya. Napatingin si Joshua sa kanya, pilit na pinapanatili ang anyong mahinahon. Ngunit sa likod ng kanyang tingin ay may apoy ng galit. “Sa tingin mo ba talaga papayag ako?” tanong nito, puno ng hinanakit. “Bakit naman hindi?” sagot ni Alexandra, titig na titig sa lalaki. “Ikaw naman ang may babae

    Last Updated : 2025-03-13

Latest chapter

  • Stolen Nights with My Husband’s Zillionaire Uncle   0109

    "Kung gusto niyong linisin ang pangalan ninyo, ito lang ang paraan," patuloy ni Tyron. "Huwag kayong matakot kung wala kayong kasalanan.""Hindi na kailangang buksan ang katawan ni Papa," malamig na sagot ni Daniel. "Mas pipiliin kong mawalan ng mana kaysa sirain ang alaala niya.""Ako rin," mabilis na dugtong ni Regina."Ganoon din ako," sabat ni Hector, pero sa kanyang boses ay may bahagyang panginginig.Tahimik na tinapunan ni Alexandra ng tingin si Tyron. Alam nilang dalawa—may tinatago ang magkakapatid. Pero ano?Tahimik ang opisina, tanging tunog ng aircon at mahihinang kaluskos ang naririnig. Nakatingin si Tyron sa magkakapatid, sinusuri ang bawat reaksyon nila—si Daniel na tila kalmado pero may bahid ng pag-aalala sa mga mata, si Hector na halatang iritado, at si Regina na abala sa pag-check ng kanyang cellphone pero hindi naitago ang kunot sa kanyang noo.Mabigat ang hangin nang basagin ni Tyron ang katahimikan.“Ayaw ninyong maghain ng reklamo? Naiintindihan ko. Pero nais ko

  • Stolen Nights with My Husband’s Zillionaire Uncle   0108

    Mabigat ang atmospera sa loob ng interrogation room ng presinto nang muling harapin ni Regina ang dalawang abogado. Nandoon si Tyron, tahimik pero matalim ang mga mata. Katabi niya si Alexandra, hawak ang folder na laman ay ang updated autopsy report ni Emilio Salcedo.Tahimik silang tatlo. Tanging tunog ng wall clock ang maririnig—tila baga tinataktan ang bilis ng katotohanan na malapit nang sumabog.Ibinuka ni Tyron ang bibig. "May resulta na ang autopsy report ni Mr. Emilio Salcedo."Napatingin si Regina, pero agad din niyang iniwas ang tingin. Tila ba ayaw marinig ang susunod na sasabihin."Regina, hindi namatay sa atake sa puso ang ama mo."Kumunot ang noo ng babae, halatang nagulat. “Ano’ng ibig mong sabihin?”“May multiple blunt force trauma sa katawan ng biktima,” paliwanag ni Alexandra, habang binubuklat ang medical photos. “May punit sa baga, fractured ribs, at internal bleeding. Base sa forensic report, ilang araw siyang nahirapan sa paghinga bago tuluyang binawian ng buhay

  • Stolen Nights with My Husband’s Zillionaire Uncle   0108

    Tahimik na nakaupo sa hallway sina Alexandra at Tyron, ang katahimikan ay tila bumabalot sa buong paligid habang pinapanood nila ang pagtakbo ng orasan sa dingding. Ang bawat segundo ay parang taon habang hinihintay nila ang pagbabalik ng prosecutor.Walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Si Alexandra, naka-kuyom ang kamay, habang si Tyron naman ay halos hindi mapakali sa upuan. Ilang sandali pa, bumukas ang pintuan ng interrogation room. Tumigil ang mundo nila sa pagbukas ng pintong iyon.Lumabas si Fiscal Ramon Diaz, ang city prosecutor, at may seryosong ekspresyon sa mukha. Hindi ito nagpakita ng kahit anong emosyon habang dahan-dahang lumapit sa kanila."Fiscal?" agad na tanong ni Tyron, tila hindi makahinga sa kaba.Tumingin si Fiscal Diaz sa kanilang dalawa, bago huminga ng malalim. "Umamin na si Regina."Napakunot-noo si Alexandra. "Ano pong ibig ninyong sabihin? Inamin niyang siya ang may kasalanan?"Tumango si Diaz, ngunit may halong pagdadalawang-isip ang kanyang tono. “Oo…

  • Stolen Nights with My Husband’s Zillionaire Uncle   0107

    “Bakit mo kami pinatawag, Mr. Daniel Salcedo?” tanong ni Tyron pagkapasok niya sa interrogation room.Huminga nang malalim si Daniel. Halatang nanginginig ang mga kamay niya habang nakatingin kina Alexandra at Tyron. “Honestly, akala ko hindi ito magiging problema—o magkakaroon ng malaking epekto sa investigation. Pero kung maghahalungkat kayo, sa huli, malalaman niyo rin ang totoo.”Nagkatinginan sina Tyron at Alexandra.“What do you mean?” tanong ni Tyron.“It’s been weeks—almost two, actually—since pumunta ako sa bahay ni Papa,” sagot ni Daniel. Muli siyang huminga nang malalim, bakas sa boses niya ang pag-aalinlangan. “Pumunta ako roon para kausapin siya tungkol sa pagka-freeze ng account ni Kuya Hector. Galit na galit siya sa akin dahil iniisip niyang ako ang dahilan nun.”“Anong kinalaman mo?” tanong ni Tyron, seryoso ang tono.“Akala kasi ni Kuya, ako ang nagsumbong sa mga kalokohang ginagawa niya. Sinabihan ko siya na mas mabuting siya na ang magsabi kay Dad, kasi kung hindi…

  • Stolen Nights with My Husband’s Zillionaire Uncle   0106

    Bawat salitang binibitawan niya ay parang mga bala ng yelo na direktang tumatama sa puso ko.Hindi ko na napigilan ang panginginig ng buong katawan ko sa sobrang galit. Sobra na na ang emosyon kong nararamdaman, at napadiin ang pagkakakuyom ko ng mga palad. Ramdam ko ang pagbaon ng mga kuko ko sa balat ko—may lumabas nang dugo, pero wala akong naramdamang sakit. Wala. Wala kundi galit.Ang pagputol ng kasunduan sa kasal? Desisyon ’yon ng pamilya Sanmiego Anong kinalaman ko doon?At bakit parang ako pa ang sinisisi nila? Hindi naman ako gano’n kaimportante para mapabago ang desisyon ng isang pamilya gaya ng sa kanila.Tinitigan ko nang diretso ang mga mata ng ama ko, at walang pag-aalinlangang sinabi,“Ako ang magpapagamot sa kapatid ko. Anong magagawa mo bukod sa mag-file ng protection order? Kung sisirain mo ang gamutan ng kapatid ko, hinding-hindi kita patatahimikin. Subukan mo lang kung hindi ka maniwala sa kaya kong gawin.”Bigla siyang umusad palapit, galit na galit, parang gusto

  • Stolen Nights with My Husband’s Zillionaire Uncle   0105

    Kinabukasan, maagang umalis ng hotel si Tyron at Alexandra. Laking pasalamat na lang ni Alexandra dahil nakatulog sila ng maayos at sabay na nagising ng alarm clock. Ang pakiramdam niya, parang mas magaan ang katawan niya, at hindi na siya pagod mula sa maghapon at magdamag na trabaho."Nakatulog ka ba?" tanong ni Tyron habang nakatutok pa rin ang mata sa kalsada, mabilis na nagmamaneho."Oo naman," sagot ni Alexandra, habang iniisip kung gaano kasaya siya na nakatulog ng mahimbing sa kabila ng kanilang hindi inaasahang sitwasyon kagabi. "Ikaw ba? Kamusta ang tulog mo?""Mas maayos. Magaan ang pakiramdam ko ngayon," sagot ni Tyron na may kaunting ngiti sa kanyang labi, at parang may biglaang pag-aalwan sa kanyang tono.“May insomnia ka ba?” tanong ni Alexandra habang tinitingnan si Tyron mula sa gilid ng kanyang mata, nagtatanong na may bahid ng pagkabahala."Hindi ko alam. Siguro ay kailangan ko lang ng kasama," sagot ni Tyron, at parang may konting kabuntot ng pagiging malungkot sa

  • Stolen Nights with My Husband’s Zillionaire Uncle   0104

    “Sige na nga! Umuwi na lang tayo. May trabaho pa tayo sa Maynila bukas ng umaga,” biglang sabi ni Tyron, na parang ang bilis niyang nagbago ng isip.Napataas ang kilay ni Alexandra. Ano na naman ‘to? Kanina lang parang ipagpipilitan nito ang pag-check-in, ngayon naman biglang atras?“Akala ko ba pagod ka?” tanong niya, hindi mapigilang kulitin ito. “Ayos lang naman sa akin ang mag-check-in. Bukas na lang tayo umuwi sa umaga. Ang mahalaga, makapagpahinga tayo,” dagdag pa niya, tinatantiya kung ano talaga ang nasa isip ni Tyron.Kung tutuusin, hindi naman niya intensyon na bigyan ito ng dahilan para manatili. Iniisip lang niya ang kaligtasan nilang dalawa. Marunong siyang mag-drive—at hindi lang basta marunong, kundi sanay siya. Kung wala lang si Tyron sa tabi niya, baka nasa 120 kph na siya sa highway, pero hindi niya iyon ipapakita rito. Ayaw niyang bigyan ito ng dahilan para isipin na reckless driver siya—o mas malala, ayaw niyang mas lalong humanga ito sa kanya.“Hindi na. Kaya ko n

  • Stolen Nights with My Husband’s Zillionaire Uncle   0103

    Tahimik na kumain si Tyron at Alexandra, pero hindi nakaligtas sa kanila ang mga tingin at bulungan ng ibang taong naroroon. May mga naririnig pa silang nagsasabing bagay daw silang dalawa at mukhang galing sa parehong mayamang pamilya. Napasinghap na lang si Alexandra dahil dito, ramdam niya ang paninikip ng dibdib niya.Hindi niya maintindihan kung bakit siya naaapektuhan sa ganitong usapan. Alam naman niyang wala siyang dapat ipaliwanag kaninuman. At higit sa lahat, alam niyang wala silang relasyon ni Tyron—ni hindi nga dapat magkaroon. Pero bakit parang may bumibigat sa loob niya tuwing may ganitong komento?"Hindi ka ba komportable? Gusto mong lumipat tayo?" nag-aalalang tanong ni Tyron."Hindi na! Ayos lang naman. Ano naman kung may makakita sa atin? Isipin na nila ang gusto nilang isipin. Hindi naman tayo nagde-date. Isa pa, anong masama kung kasama ng amo niya ang kanyang assistant? Bawal ba akong i-treat?" depensa ni Alexandra. Hindi niya alam kung ang ibig niya talagang kumb

  • Stolen Nights with My Husband’s Zillionaire Uncle   0102

    Pagkalabas nina Tyron at Alexandra sa coffee shop, kapwa sila tahimik. Ang bigat ng impormasyon mula kay Aina ay nagdulot ng panibagong palaisipan sa kaso. Sumakay sila sa sasakyan ni Tyron, at habang binubuksan niya ang makina, napasinghap si Alexandra at marahang isinandal ang ulo sa upuan."Ang haba ng araw na ito. Nakakaloka! Nakakapagod pala ang ganito," reklamo niya habang hinuhugot ang inipong hininga.Napangiti si Tyron habang itinutuon ang tingin sa kalsada. "Wala pa ito. Simpleng criminal case lang ito, mas madaming mas mahirap na kaso ang haharapin mo pa sa larangan na ito.""Alam ko naman iyon," sagot ni Alexandra, ngunit halata sa tono niya ang pagod.Saglit na natahimik si Tyron bago muling nagsalita, may bahid ng pananadya sa boses niya. "Anong alam mo? Alam mong mas mahirap ang umiwas."Napakunot ang noo ni Alexandra at nilingon siya. "Ha? Anong sinasabi mo?"Bahagyang natawa si Tyron at umiling. "Wala. Hatid na kita sa inyo."Napailing si Alexandra. "Huwag na. Kung hi

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status