Pagkapasok ni Alexandra sa bahay, ramdam na niya ang bigat ng atmospera. Hindi pa man siya nakakalahati sa hagdan ay nagsalita na si Joshua, ang boses nito punong-puno ng inis.
“Saan ka galing?”
Hindi siya sumagot. Hindi rin siya lumingon. Nagpatuloy lang siya sa pag-akyat, nilagpasan ang asawa na ngayon ay may naniningkit na mga mata.
“Alexandra! Tinatanong kita! Where have you been?!” Sigaw ni Joshua, halatang hindi sanay na hindi siya pinapansin.
Huminto si Alexandra. Pinakawalan ang isang malalim na buntong-hininga bago dahan-dahang humarap sa lalaki. Ibubuka pa lang niya ang bibig niya nang biglang sumingit si Joshua, ang mga braso nito nakapamewang na parang siya pa ang may karapatang magalit.
“Two days ka nang wala dito. Naglakwatsa ka sa loob ng dalawang araw kasama ang mga kaibigan mo, tapos ngayon uuwi kang ganyan ang itsura? Don’t tell me nagpakalasing ka?!”
Nagsalubong ang kilay ni Alexandra.
“Anong tingin mo sa sarili mo, single? Nagbubuhay dalaga ka na ba? Kaya pala ayaw mong magbuntis, dahil gusto mo pang magsaya?” May pangungutya sa boses ni Joshua, halatang sinusubukang saktan siya gamit ang mga salita.
Pero hindi siya natinag.
Isang malalim na hinga ang pinakawalan ni Alexandra bago niya ito tinitigan ng diretso. “Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo?”
Napakunot-noo si Joshua. “Ano'ng ibig mong sabihin?”
Tumikhim si Alexandra, pilit pinapanatili ang kanyang boses na kalmado kahit na ang puso niya ay tila isang bomba na sasabog anumang sandali. “Sino ang kasama mo kagabi sa kama?”
Doon bumagsak ang mukha ni Joshua. Sandali itong nanigas, kita sa mata ang pagkabigla.
Nagpikit si Alexandra. Pilit pinipigilan ang muling pagluha. Hindi siya pinalaki para lang magpakatanga. Hindi siya bumuo ng pangarap na pamilya para lang maging ganito ang buhay niya.
“A-anong sinasabi mo? Bakit mo binabalik sa akin ang sisi?” Pilit na depensa ni Joshua. “Baka naman ikaw ang—”
“HUWAG MO AKONG BINABALIKTAD, JOSHUA!!”
Halos yumanig ang buong bahay sa lakas ng sigaw niya. At sa unang pagkakataon, hindi niya inisip kung maririnig siya ng mga kapitbahay. Wala na siyang pakialam.
“I SAW YOU WITH ANOTHER WOMAN!!”
Nanginginig siya sa galit. Sa sakit. Sa kawalan ng hustisya sa lahat ng pinaghirapan niya sa kanilang relasyon.
Muling huminga si Alexandra, ang mga mata niya nangilid na ng luha pero hindi niya hinayaang bumagsak ang mga iyon. Tumalikod siya saglit, itinakip ang kamay sa bibig, pilit pinapakalma ang sarili bago muling lumingon kay Joshua.
“The famous hotel, near SLEX, room 302.”
Halos lumubog ang dibdib ni Joshua. Nanginginig ang mga labi nito.
“You and that girl reached the stars together.”
Hindi alam ni Joshua kung paano siya sasagot.
Pero para kay Alexandra, wala na siyang kailangang marinig.
Nanatiling tahimik si Joshua. Para bang hindi niya alam kung paano niya itatama ang sitwasyong ito. Pero kahit walang lumalabas na salita sa bibig niya, halata sa ekspresyon niya ang pagkabisto—ang pagkatakot.
“Ano, Joshua? Wala ka bang sasabihin?” Lalong lumalim ang tono ng boses ni Alexandra, puno ng pait at hinanakit. “Hindi mo na idedeny? Hindi ka na magsisinungaling? Wala ka nang palusot?”
Nagsalubong ang kilay ni Joshua, halatang nag-iisip ng mabilis na paraan para makalusot. “Alex, hindi mo naiintindihan. Hindi mo alam ang buong kwento—”
“ANO PA ANG KAILANGAN KONG MAINTINDIHAN?!” Sigaw niya, hindi na nagawang pigilan ang panginginig ng kanyang boses. “Joshua, nakita ko mismo! Narinig ko! Ramdam ko!”
Napapikit si Joshua, pilit pinipigil ang galit na unti-unting gumagapang sa kanya. “Bakit mo kasi ako sinundan, ha?”
Biglang napatawa si Alexandra—isang mapaklang tawa na hindi niya naisip na magagawa niya sa ganitong sitwasyon. “‘Yan talaga ang concern mo? Hindi man lang ang sakit na nararamdaman ko? Hindi man lang ang panloloko mo?”
“Dahil kung hindi mo ako sinundan, hindi mo ito malalaman, Alexandra! Hindi tayo magkakaganito!”
Napalunok siya sa sagot ni Joshua. Muntikan na siyang mapahawak sa dibdib niya, pero pinigilan niya ang sarili.
“So kasalanan ko pa?” Mahina, pero puno ng hinanakit ang boses niya.
“Kung hindi ka ganyan! Kung hindi ka malamig sa akin! Kung hindi mo ako iniiwasan sa kama! Kung hindi mo tinanggihan ang anak natin, Alexandra, hindi ako maghahanap ng iba!”
Napaatras si Alexandra. Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ni Joshua.
“Tinanggihan?” Mahina niyang bulong.
“Oo! Sa loob ng tatlong taon ng kasal natin, Alexandra, wala! Wala ka man lang binigay sa akin! Hindi mo ako binigyan ng pamilya! Hindi mo ako binigyan ng anak!”
Hindi niya alam kung matatawa o maiiyak siya. Ang sakit ay muling gumapang sa dibdib niya, ngunit kasabay niyon ay ang unti-unting pagkawala ng paggalang niya kay Joshua.
“Joshua, ginawa ko ang lahat! Kung alam mo lang kung ilang beses akong nagpa-check up! Kung ilang beses kong tiniis ang pagdududa mo sa akin! Kung ilang beses kong sinikap na maging mabuting asawa sa’yo kahit hindi ko na alam kung paano!”
Muli siyang lumapit, tinitigan ang asawa sa mata. “Pero alam mo ang hindi ko ginawa? HINDI AKO NAGHANAP NG IBA!”
Hindi makasagot si Joshua. Kita sa mata nito ang guilt, pero hindi ito sapat.
“Kung ang kakulangan ko bilang asawa ang dahilan kung bakit ka nagtaksil…” Huminga siya ng malalim, pilit pinipigilan ang luhang gustong kumawala. “…hindi na kita hahayaang pilitin ako.”
Dahan-dahan niyang hinubad ang singsing sa kanyang daliri, inabot ang kamay ni Joshua, at ipinatong ito sa palad nito.
“I’m done, Joshua.”
Tumalikod siya, naglakad papunta sa hagdanan. Hindi na siya lumingon. Hindi na siya nagdalawang-isip.
Sa unang pagkakataon, pakiramdan niya ay lumaya siya.
Agad siyang dumiritso sa kanilang kwarto. Pero hindi pa siya nakakaupo sa kanilang kama nang biglang pumasok si Joshua.
"Sa tingin mo ba, hahayaan kitang mapunta sa iba? Bubuntisin muna kita bago mangyari iyon!"
Sinunggaban ni Joshua si Alexandra ng halik. Marahas iyon, masakit at hindi gusto ni Alexandra. Pinilit niyang itulak si Joshua pero malakas ito.
"Joshua Mandia!! how dare you!!" isang malakas na sampal ang binitawan ni Alexandra nang sa wakas ay nagkaroon siya ng pagkakataon.
Nanlilisik ang mga mata ni Alexandra habang dinama niya ang hapdi sa kanyang palad. Hindi niya akalaing magagawa niya iyon, pero hindi rin niya inakalang kayang gawin iyon ni Joshua sa kanya.
“Wala kang karapatan sa akin, Joshua! At mula sa araw na nagloko ka, HINDI MO AKO PAG-AARI!” Nanginginig ang kanyang boses, hindi dahil sa takot kundi dahil sa matinding galit at pangamba sa ginawa ng lalaking minsan niyang minahal.
Napahawak si Joshua sa pisngi niya, nag-aapoy ang tingin habang mabagal na lumapit muli kay Alexandra.
"Akala mo ba basta mo na lang ako matatakasan, Alex?" Nagbabanta ang tono nito. "Tandaan mo, kasal pa rin tayo. At hangga’t hindi kita binibitawan, hindi ka pwedeng umalis!"
Isang ubod-lakas na tulak ang ibinigay ni Alexandra, dahilan para mapaatras si Joshua.
“HINDI MO AKO MATATAKOT, JOSHUA! HINDI AKO MAHINA!” Pasigaw niyang sagot. “Kung akala mo, kaya mong kunin ang katawan ko nang walang pahintulot ko, MAS MALI KA SA AKALA MO!”
Nagmamadali siyang lumabas ng kwarto, pero agad siyang hinablot ni Joshua sa braso.
"Hindi ka aalis, Alex." Madiin at puno ng kontrol ang boses nito.
Buong lakas na sinipa ni Alexandra si Joshua palabas ng pinto. Agad itong ni-lock ni Alexandra saka tumakbo sa kanilang kama. Umiiyak siya nang kunin ang kaniyang cellphone.
Sinubukan niyang tawagan si Tyron, gusto niyang ipaliwanag ang lahat at umaasang baka matulungan siya nito sa kaniyang mabilisang annulment.
Nararamdaman pa rin ni Alexandra ang bigat sa kanyang dibdib nang magising siya. Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya kakaiyak. Napansin niyang bahagyang bukas ang bintana, at mula sa liwanag na pumapasok, alam niyang palubog na ang araw.Kumalam ang kanyang sikmura, kaya agad siyang bumangon at bumaba upang maghanap ng makakain. Alam niyang natakot niya si Joshua kaya hindi ito maglalakas-loob na lumapit sa kanya.Sa kusina, nagluto siya ng sliced ham, itlog, at bacon, saka kumuha ng tinapay. Kadarating lang ng pagkain sa harap niya nang biglang tumunog ang doorbell.Napabuntong-hininga siya. Gusto na niyang kumain, pero wala siyang ibang choice kundi ang buksan ang pinto. Pagdungaw niya, isang pamilyar na iritadong boses ang sumalubong sa kanya."What do you think you're doing?! Akala ko patay ka na!" sigaw ni Bea. "Kagabi, nawala ka nang walang paalam! Akala ko may nag-take out sa'yo o di kaya tinakasan mo ako! Pinalampas ko 'yon kasi inisip kong baka sa kwarto ko ka lang n
“Sinabi kong date natin ito, bakit hindi ka man lang nag-ayos? Gusto mo bang ipakita sa lahat na ang asawa ng Mandia Group ay losyang na?” Mapangutyang tanong ni Joshua nang makita niya si Alexandra. Ngunit imbes na maapektuhan, napangiti lang si Alexandra—isang ngiting puno ng panunuya. “Hindi ako pumunta rito para sa date na gusto mo,” malamig niyang sagot. “Nandito ako para makipaghiwalay.” Kanina pa siya gutom at balak sanang makipagkita kay Bea, pero natanggap niya ang tawag ni Joshua bago pa siya makaalis. Sa kabila ng kanyang pag-aalangan, pinili niyang sagutin ito. Siguro nga, ito na ang tamang oras para tapusin na ang lahat sa pagitan nila—bilang respeto na rin sa kanilang pamilya. Napatingin si Joshua sa kanya, pilit na pinapanatili ang anyong mahinahon. Ngunit sa likod ng kanyang tingin ay may apoy ng galit. “Sa tingin mo ba talaga papayag ako?” tanong nito, puno ng hinanakit. “Bakit naman hindi?” sagot ni Alexandra, titig na titig sa lalaki. “Ikaw naman ang may babae
“Lexa! What happened? Bakit ka umiiyak? Anong nangyari sa kamay mo? Sinaktan ka ba ni Joshua?” Nag-aalalang tanong ni Bea nang makita ang kaibigan sa harap ng kanyang condo.Hindi sumagot si Alexandra. Sa halip, mahigpit siyang yumakap kay Bea at tuluyang humagulgol. Ramdam ni Bea ang panginginig ng katawan ng kaibigan, kaya hinayaan niya itong ibuhos ang emosyon nito. Ilang minuto silang nasa ganoong posisyon bago tuluyang tumahan si Alexandra.Dahan-dahang isinara ni Bea ang pintuan at inalalayan siyang maupo sa sofa. Naupo si Alexandra na tila wala sa sarili, patuloy pa ring bumabagsak ang mga luha mula sa kanyang namumugtong mga mata.“Ano ba kasing nangyari? Bakit ganyan ang itsura mo? Para kang pinagbagsakan ng langit at lupa sa sobrang lugmok,” muling tanong ni Bea, punong-puno ng pag-aalala.Nanatiling tahimik si Alexandra, tila nag-aalangan kung paano sisimulan ang kanyang sasabihin. Napabuntong-hininga si Bea at tumayo upang kumuha ng tubig sa kusina. Pagbalik niya, iniabot
“Ano kailangan mo?” Walang emosyon ang boses ni Alexandra habang nakatingin kay Bea. “What kind of answer is that? You know why I called, right?” may bahid ng inis sa tinig ng taong nasa kabilang linya. “Hindi ito ang tamang oras-”“Then when? Kailan mo balak magpaliwanag?” singit ng kausap niya. Bumuntong-hininga si Alexandra bago sumagot. “I’ll call you when I’m ready.” At agad niyang binaba ang tawag. Tahimik lang si Bea habang nakikinig sa pag-uusap nila, pero kitang-kita ang kuryosidad sa kanyang mukha. Halos hindi pa natatapos ang isang tawag, muling nag-ring ang cellphone ni Alexandra. “Sino naman ‘yan?” tanong ni Bea, pero hindi siya sinagot ni Alexandra. May mabigat na buntong-hiningang pinakawalan si Alexandra bago sinagot ang tawag. “Sino bang kausap mo, Alexandra Kaye?! Kanina pa kita tinatawagan! Ano ba?! Bakit wala ka dito sa bahay?” Halos napangiwi si Alexandra sa lakas ng boses ni Joshua sa kabilang linya. “Anong kailangan mo?” kalmado niyang tanong. “Bakit hi
Alexandra let out an exasperated sigh as Bea practically dragged her out of the mall.“Let’s go to another mall. Ang baho dito, umaalingasaw,” Bea muttered, crinkling her nose in distaste.“Ikaw talaga! Kung anong gusto mo, ginagawa mo agad. Wala na ba akong karapatang magdesisyon sa buhay ko?” Alexandra huffed, crossing her arms.Bea grinned mischievously. “Ayos lang iyan! Ang mahalaga, makahanap tayo ng sexy and perfect dress for your interview!”Alexandra rolled her eyes but didn’t argue further. Wala siyang laban kay Bea pagdating sa ganitong bagay.Matapos ang mahabang pagsusukat at pamimili, bumalik na rin sila sa condo ni Bea. Alexandra collapsed onto the bed, feeling drained from all the walking and Bea’s endless energy.Just as she was about to close her eyes, her phone rang. Nagdesisyon siyang hayaan itong nagri-ring, too tired to deal with another conversation.“Ano ba?! Naiirita na ako! Bakit ayaw mong sagutin? Sino ba iyan?” Bea barged into the room, arms crossed.“Naka
Tyron leaned back in his chair, gripping his wine glass tightly. The dim lighting of the restaurant cast shadows on his sharp features, making his expression even darker. Sa paligid nila, patuloy ang mahihinang usapan ng ibang guests, at ang malamyos na tunog ng piano ay tila isang malayong alingawngaw. Pero para kay Alexandra, ang presensya ni Tyron ang pinaka-maingay sa lahat."You knew who I was," Tyron said, his voice dangerously calm. "Pero ginawa mo pa rin."Napasinghap si Alexandra, agad na napalunok. "We both did, Tyron. Pero hindi talaga kita kilala nang una, naka-mask tayo pareho no’n."His jaw tightened. "That’s not an answer."She exhaled sharply. "Ano bang gusto mong sagot? Lasing ako. I wasn’t thinking."A bitter scoff escaped him. "Lasing?" He leaned forward, eyes boring into hers. "Gano’n lang kadali? Wala kang ibang paliwanag?"She clenched her fists on her lap. "I don’t know what else you want me to say."Tyron’s expression hardened. "Gusto kong malaman ang totoo, Al
Tahimik na pumasok si Alexandra sa condo ni Bea, diretso sa kanyang kwarto. Hindi niya nagawang magpaalam o magkwento man lang sa kaibigan. Masyadong mabigat ang gabi, masyadong masakit ang muling pagkikita nila ni Tyron. Hindi na nagtanong si Bea, siguro’y nahulaan na nito ang nangyari, kaya hinayaan na lang siyang mapag-isa. Pagkahiga niya sa kama, doon lang tuluyang bumagsak ang mga luha niya. Nasa loob pa rin ng isipan niya ang mga sinabi ni Tyron—ang galit, ang paninisi, ang pagmamaliit sa kanya. Paulit-ulit na naglalaro sa isip niya ang tanong nito, “Planado ba ito, Alexandra? Ginamit mo ba ako para mapabilis ang annulment n’yo?”Napapikit siya nang mahigpit. Hindi niya alam kung bakit kailangan pa nilang magkita ulit, kung bakit hindi na lang sila parehong naging dayuhan sa isa’t isa matapos ang gabing iyon. --- KinaumagahanNagising si Alexandra sa amoy ng mainit na kape. Paglabas niya ng kwarto, naroon si Bea sa sala, nakaupo sa sofa habang nagkakape, hawak ang kanyang lapt
Hindi pa halos nakakalayo si Alexandra mula sa opisina nang marinig niya ang boses ni Tyron sa likod niya. "Miss Villarama."Napapikit siya sandali, pilit pinipigilan ang iritasyon bago humarap muli. Nakangisi si Tyron, nakasandal sa pintuan ng kanyang opisina na parang wala lang nangyari. "Ano na naman?" madiin niyang tanong. Tyron crossed his arms, "Hindi ka pa aalis, hindi ba? Bukas ka na magsisimula, hindi ba?"Nagtama ang kanilang mga mata. Alexandra narrowed her eyes. "Well, oo? Dahil ‘yun ang sinabi mo?""Hmm…" Tyron tilted his head, pretending to think. "Oops, my bad. I meant to say—you're starting today.""Ano?!" "Yes. Now.""Bakit ngayon?!"Nagkibit-balikat si Tyron. “Dahil sabi ko."She let out an exasperated sigh. "Wala akong dalang gamit! Wala akong notebook, laptop—" “May company-provided laptop ka.""I need to prepare!""You had your whole life to prepare for this, Alexandra." Napalunok siya sa asar. Alam niyang sadya siyang inaasar nito, at mas lalo siyang naiiri
"Kung gusto niyong linisin ang pangalan ninyo, ito lang ang paraan," patuloy ni Tyron. "Huwag kayong matakot kung wala kayong kasalanan.""Hindi na kailangang buksan ang katawan ni Papa," malamig na sagot ni Daniel. "Mas pipiliin kong mawalan ng mana kaysa sirain ang alaala niya.""Ako rin," mabilis na dugtong ni Regina."Ganoon din ako," sabat ni Hector, pero sa kanyang boses ay may bahagyang panginginig.Tahimik na tinapunan ni Alexandra ng tingin si Tyron. Alam nilang dalawa—may tinatago ang magkakapatid. Pero ano?Tahimik ang opisina, tanging tunog ng aircon at mahihinang kaluskos ang naririnig. Nakatingin si Tyron sa magkakapatid, sinusuri ang bawat reaksyon nila—si Daniel na tila kalmado pero may bahid ng pag-aalala sa mga mata, si Hector na halatang iritado, at si Regina na abala sa pag-check ng kanyang cellphone pero hindi naitago ang kunot sa kanyang noo.Mabigat ang hangin nang basagin ni Tyron ang katahimikan.“Ayaw ninyong maghain ng reklamo? Naiintindihan ko. Pero nais ko
Mabigat ang atmospera sa loob ng interrogation room ng presinto nang muling harapin ni Regina ang dalawang abogado. Nandoon si Tyron, tahimik pero matalim ang mga mata. Katabi niya si Alexandra, hawak ang folder na laman ay ang updated autopsy report ni Emilio Salcedo.Tahimik silang tatlo. Tanging tunog ng wall clock ang maririnig—tila baga tinataktan ang bilis ng katotohanan na malapit nang sumabog.Ibinuka ni Tyron ang bibig. "May resulta na ang autopsy report ni Mr. Emilio Salcedo."Napatingin si Regina, pero agad din niyang iniwas ang tingin. Tila ba ayaw marinig ang susunod na sasabihin."Regina, hindi namatay sa atake sa puso ang ama mo."Kumunot ang noo ng babae, halatang nagulat. “Ano’ng ibig mong sabihin?”“May multiple blunt force trauma sa katawan ng biktima,” paliwanag ni Alexandra, habang binubuklat ang medical photos. “May punit sa baga, fractured ribs, at internal bleeding. Base sa forensic report, ilang araw siyang nahirapan sa paghinga bago tuluyang binawian ng buhay
Tahimik na nakaupo sa hallway sina Alexandra at Tyron, ang katahimikan ay tila bumabalot sa buong paligid habang pinapanood nila ang pagtakbo ng orasan sa dingding. Ang bawat segundo ay parang taon habang hinihintay nila ang pagbabalik ng prosecutor.Walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Si Alexandra, naka-kuyom ang kamay, habang si Tyron naman ay halos hindi mapakali sa upuan. Ilang sandali pa, bumukas ang pintuan ng interrogation room. Tumigil ang mundo nila sa pagbukas ng pintong iyon.Lumabas si Fiscal Ramon Diaz, ang city prosecutor, at may seryosong ekspresyon sa mukha. Hindi ito nagpakita ng kahit anong emosyon habang dahan-dahang lumapit sa kanila."Fiscal?" agad na tanong ni Tyron, tila hindi makahinga sa kaba.Tumingin si Fiscal Diaz sa kanilang dalawa, bago huminga ng malalim. "Umamin na si Regina."Napakunot-noo si Alexandra. "Ano pong ibig ninyong sabihin? Inamin niyang siya ang may kasalanan?"Tumango si Diaz, ngunit may halong pagdadalawang-isip ang kanyang tono. “Oo…
“Bakit mo kami pinatawag, Mr. Daniel Salcedo?” tanong ni Tyron pagkapasok niya sa interrogation room.Huminga nang malalim si Daniel. Halatang nanginginig ang mga kamay niya habang nakatingin kina Alexandra at Tyron. “Honestly, akala ko hindi ito magiging problema—o magkakaroon ng malaking epekto sa investigation. Pero kung maghahalungkat kayo, sa huli, malalaman niyo rin ang totoo.”Nagkatinginan sina Tyron at Alexandra.“What do you mean?” tanong ni Tyron.“It’s been weeks—almost two, actually—since pumunta ako sa bahay ni Papa,” sagot ni Daniel. Muli siyang huminga nang malalim, bakas sa boses niya ang pag-aalinlangan. “Pumunta ako roon para kausapin siya tungkol sa pagka-freeze ng account ni Kuya Hector. Galit na galit siya sa akin dahil iniisip niyang ako ang dahilan nun.”“Anong kinalaman mo?” tanong ni Tyron, seryoso ang tono.“Akala kasi ni Kuya, ako ang nagsumbong sa mga kalokohang ginagawa niya. Sinabihan ko siya na mas mabuting siya na ang magsabi kay Dad, kasi kung hindi…
Bawat salitang binibitawan niya ay parang mga bala ng yelo na direktang tumatama sa puso ko.Hindi ko na napigilan ang panginginig ng buong katawan ko sa sobrang galit. Sobra na na ang emosyon kong nararamdaman, at napadiin ang pagkakakuyom ko ng mga palad. Ramdam ko ang pagbaon ng mga kuko ko sa balat ko—may lumabas nang dugo, pero wala akong naramdamang sakit. Wala. Wala kundi galit.Ang pagputol ng kasunduan sa kasal? Desisyon ’yon ng pamilya Sanmiego Anong kinalaman ko doon?At bakit parang ako pa ang sinisisi nila? Hindi naman ako gano’n kaimportante para mapabago ang desisyon ng isang pamilya gaya ng sa kanila.Tinitigan ko nang diretso ang mga mata ng ama ko, at walang pag-aalinlangang sinabi,“Ako ang magpapagamot sa kapatid ko. Anong magagawa mo bukod sa mag-file ng protection order? Kung sisirain mo ang gamutan ng kapatid ko, hinding-hindi kita patatahimikin. Subukan mo lang kung hindi ka maniwala sa kaya kong gawin.”Bigla siyang umusad palapit, galit na galit, parang gusto
Kinabukasan, maagang umalis ng hotel si Tyron at Alexandra. Laking pasalamat na lang ni Alexandra dahil nakatulog sila ng maayos at sabay na nagising ng alarm clock. Ang pakiramdam niya, parang mas magaan ang katawan niya, at hindi na siya pagod mula sa maghapon at magdamag na trabaho."Nakatulog ka ba?" tanong ni Tyron habang nakatutok pa rin ang mata sa kalsada, mabilis na nagmamaneho."Oo naman," sagot ni Alexandra, habang iniisip kung gaano kasaya siya na nakatulog ng mahimbing sa kabila ng kanilang hindi inaasahang sitwasyon kagabi. "Ikaw ba? Kamusta ang tulog mo?""Mas maayos. Magaan ang pakiramdam ko ngayon," sagot ni Tyron na may kaunting ngiti sa kanyang labi, at parang may biglaang pag-aalwan sa kanyang tono.“May insomnia ka ba?” tanong ni Alexandra habang tinitingnan si Tyron mula sa gilid ng kanyang mata, nagtatanong na may bahid ng pagkabahala."Hindi ko alam. Siguro ay kailangan ko lang ng kasama," sagot ni Tyron, at parang may konting kabuntot ng pagiging malungkot sa
“Sige na nga! Umuwi na lang tayo. May trabaho pa tayo sa Maynila bukas ng umaga,” biglang sabi ni Tyron, na parang ang bilis niyang nagbago ng isip.Napataas ang kilay ni Alexandra. Ano na naman ‘to? Kanina lang parang ipagpipilitan nito ang pag-check-in, ngayon naman biglang atras?“Akala ko ba pagod ka?” tanong niya, hindi mapigilang kulitin ito. “Ayos lang naman sa akin ang mag-check-in. Bukas na lang tayo umuwi sa umaga. Ang mahalaga, makapagpahinga tayo,” dagdag pa niya, tinatantiya kung ano talaga ang nasa isip ni Tyron.Kung tutuusin, hindi naman niya intensyon na bigyan ito ng dahilan para manatili. Iniisip lang niya ang kaligtasan nilang dalawa. Marunong siyang mag-drive—at hindi lang basta marunong, kundi sanay siya. Kung wala lang si Tyron sa tabi niya, baka nasa 120 kph na siya sa highway, pero hindi niya iyon ipapakita rito. Ayaw niyang bigyan ito ng dahilan para isipin na reckless driver siya—o mas malala, ayaw niyang mas lalong humanga ito sa kanya.“Hindi na. Kaya ko n
Tahimik na kumain si Tyron at Alexandra, pero hindi nakaligtas sa kanila ang mga tingin at bulungan ng ibang taong naroroon. May mga naririnig pa silang nagsasabing bagay daw silang dalawa at mukhang galing sa parehong mayamang pamilya. Napasinghap na lang si Alexandra dahil dito, ramdam niya ang paninikip ng dibdib niya.Hindi niya maintindihan kung bakit siya naaapektuhan sa ganitong usapan. Alam naman niyang wala siyang dapat ipaliwanag kaninuman. At higit sa lahat, alam niyang wala silang relasyon ni Tyron—ni hindi nga dapat magkaroon. Pero bakit parang may bumibigat sa loob niya tuwing may ganitong komento?"Hindi ka ba komportable? Gusto mong lumipat tayo?" nag-aalalang tanong ni Tyron."Hindi na! Ayos lang naman. Ano naman kung may makakita sa atin? Isipin na nila ang gusto nilang isipin. Hindi naman tayo nagde-date. Isa pa, anong masama kung kasama ng amo niya ang kanyang assistant? Bawal ba akong i-treat?" depensa ni Alexandra. Hindi niya alam kung ang ibig niya talagang kumb
Pagkalabas nina Tyron at Alexandra sa coffee shop, kapwa sila tahimik. Ang bigat ng impormasyon mula kay Aina ay nagdulot ng panibagong palaisipan sa kaso. Sumakay sila sa sasakyan ni Tyron, at habang binubuksan niya ang makina, napasinghap si Alexandra at marahang isinandal ang ulo sa upuan."Ang haba ng araw na ito. Nakakaloka! Nakakapagod pala ang ganito," reklamo niya habang hinuhugot ang inipong hininga.Napangiti si Tyron habang itinutuon ang tingin sa kalsada. "Wala pa ito. Simpleng criminal case lang ito, mas madaming mas mahirap na kaso ang haharapin mo pa sa larangan na ito.""Alam ko naman iyon," sagot ni Alexandra, ngunit halata sa tono niya ang pagod.Saglit na natahimik si Tyron bago muling nagsalita, may bahid ng pananadya sa boses niya. "Anong alam mo? Alam mong mas mahirap ang umiwas."Napakunot ang noo ni Alexandra at nilingon siya. "Ha? Anong sinasabi mo?"Bahagyang natawa si Tyron at umiling. "Wala. Hatid na kita sa inyo."Napailing si Alexandra. "Huwag na. Kung hi