“Lexa! What happened? Bakit ka umiiyak? Anong nangyari sa kamay mo? Sinaktan ka ba ni Joshua?” Nag-aalalang tanong ni Bea nang makita ang kaibigan sa harap ng kanyang condo.
Hindi sumagot si Alexandra. Sa halip, mahigpit siyang yumakap kay Bea at tuluyang humagulgol. Ramdam ni Bea ang panginginig ng katawan ng kaibigan, kaya hinayaan niya itong ibuhos ang emosyon nito. Ilang minuto silang nasa ganoong posisyon bago tuluyang tumahan si Alexandra.
Dahan-dahang isinara ni Bea ang pintuan at inalalayan siyang maupo sa sofa. Naupo si Alexandra na tila wala sa sarili, patuloy pa ring bumabagsak ang mga luha mula sa kanyang namumugtong mga mata.
“Ano ba kasing nangyari? Bakit ganyan ang itsura mo? Para kang pinagbagsakan ng langit at lupa sa sobrang lugmok,” muling tanong ni Bea, punong-puno ng pag-aalala.
Nanatiling tahimik si Alexandra, tila nag-aalangan kung paano sisimulan ang kanyang sasabihin. Napabuntong-hininga si Bea at tumayo upang kumuha ng tubig sa kusina. Pagbalik niya, iniabot niya ito kay Alexandra, na agad namang tinanggap at dahan-dahang uminom.
Nang maubos ang tubig sa baso, saka lang muling naglakas-loob na tumingin si Alexandra kay Bea. Ngunit imbes na magsalita, muli siyang napahagulgol.
Napailing si Bea, ngunit nanatiling mahinahon. “Lexa, kung hindi mo sasabihin, paano kita matutulungan? Iiyak ka na lang ba? Ilang araw na kitang hindi nakikita, tapos ganito ka? Sa loob ba ng isang linggong hindi tayo nagkita, umiiyak ka lang?”
Dahan-dahang tumango si Alexandra. Isang linggo siyang nagkulong sa kanilang bahay, halos hindi kumakain, hindi natutulog nang maayos, at wala siyang ibang ginawa kundi umiyak. Sa tuwing susubukan niyang bumangon, bumabalik lahat ng sakit, kaya pinili na lang niyang mag-isa.
Napahigpit ang hawak ni Bea sa kamay ng kaibigan. “Lexa, hindi pwedeng ganito ka. Alam kong sobrang sakit ng pinagdadaanan mo, pero hindi pwedeng hayaang sirain ka nito.”
Napayuko si Alexandra, pilit pinipigil ang panibagong bugso ng luha. “Bea… hindi ko na kaya,” mahina niyang bulong.
Hinawakan ni Bea ang magkabilang balikat ng kaibigan at tinitigan ito nang diretso. “Lexa, kaya mo. Hindi ka nag-iisa. Sabihin mo sa akin ang lahat.”
Nagsimulang magkwento si Alexandra tungkol sa nangyari sa restaurant at kung paano siya pinagtanggol ni Tyron.
“Wow! Talaga? Nagpapaka-knight in shining armor na naman si Bebe Tyron! Bias ko na talaga siya,” pabirong sagot ni Bea habang kinikilig.
“Ano ka ba! Hindi iyon nakakatawa,” suway ni Alexandra, sabay irap. “Mas kinakabahan nga ako dahil pakiramdam ko, mas magiging magulo kapag nalaman ni Joshua ang nangyari sa amin ni Tyron.”
“Letse! Bakit kasi puro negative vibes ang iniisip mo?” umismid si Bea. “Tingnan mo naman ang magandang epekto nito! Imagine, kung maghihiwalay kayo ni Joshua, hindi ka maghihirap. Ikaw at si Tyron ang tunay na may-ari ng Mendez Group.”
Napatingin si Alexandra sa kaibigan. Alam niyang may punto ito, pero... “Baliw ka ba?” Napabuntong-hininga siya. “Mula nang ikasal ako kay Joshua, natapos na ang kasunduan. Isa pa, matagal nang tinalikuran ni Tyron ang pamilya niya.”
“Eh, ano ngayon? Desidido ka namang hiwalayan si Joshua, hindi ba?” kontra ni Bea.
Tumango si Alexandra.
“Kung gano’n, ako na mismo ang hahanap ng abogado. Tatawagan ko ang pinakamagaling para humawak ng annulment mo,” determinadong sabi ni Bea. “Isa pa, huwag ka nang lalapit sa hayop na ‘yun. Kasi kung hindi, mas lalo ka niyang sasaktan.”
Tumingin si Bea sa kamay ni Alexandra at nagtaas ng kilay. “Taas mo kamay mo! May iba pa ba?”
“Huh? Anong ginagawa mo?” nagtatakang tanong ni Alexandra.
Hindi siya sinagot ni Bea, sa halip ay mabilis na kinunan ng litrato ang mga marka sa kamay niya.
“Isa itong magandang ebidensya para mapabilis ang proseso ng annulment n’yo,” seryosong sabi ni Bea.
“Uy! Huwag! Baka naman mapahamak si Joshua niyan,” nag-aalalang pigil ni Alexandra. “May iniingatan siyang—”
“Pangalan?” sarkastikong putol ni Bea. “Pangalan na naman ba ang iniingatan niya habang ikaw, asawa niya, pinabayaan at winawalanghiya?” Napakuyom ang kamao nito. “Letse siya! Huwag lang talaga ‘yang magpapakita sa ‘kin, papatayin ko siya.”
“Huminahon ka! Huwag kang magpadalos-dalos! Asawa ko pa rin siya kahit papaano,” saway ni Alexandra, kahit siya mismo ay hindi na sigurado kung bakit niya pa ito ipinagtatanggol.
“Wow, concern?” Umirap si Bea. “Huwag kang tanga, Lexa. Hindi ka na niya asawa sa puso’t isip niya.”
Hindi na nagsalita si Alexandra. Wala na siyang maidadahilan pa kay Bea.
“Anong plano mo ngayon?” tanong ni Bea, bakas ang pag-aalala sa boses niya.
“Pwede dito muna ako?” maingat na tanong ni Alexandra.
“Talaga? Yeheeeey! Magli-live-in na tayo?!” sagot ni Bea, sabay tili.
“Siraulo! Kapag may ipon na ako, hahanap ako ng matutuluyan. Pero bago ‘yon, kailangan ko munang maghanap ng trabaho.”
“Maganda iyan! Mas gusto ko nga palagi kitang nakikita.”
“Ang OA mo, Bea. Sobra kang protective. Hindi na ako babalikan ni Joshua para saktan. Seryoso na ‘yun.”
“Tsk! Ayaw mo lang kasi akong palaging kasama.”
Hindi na siya pinansin ni Alexandra. Sa halip, kinuha niya ang laptop sa center table at binuksan ito.
“Anong ginagawa mo?” tanong ni Bea.
“Naghahanap ng trabaho.”
“Huh? Kanina lang halos hindi ka makausap, ngayon naghahanap ka na agad ng trabaho? Ang bilis ng shift mo, daig mo pa ang baliw.”
“Akala ko ba gusto mong mag-move on ako agad?” balik ni Alexandra.
“Oo nga! Sige na, hanap ka na! Tatanungin ko rin si Daddy kung may opening sa kumpanya nila.”
“Ewan ko sa’yo! Pinipilit mo na naman ang gusto mo.” sagot ni Alexandra, saka muling tumutok sa screen.
Habang abala si Alexandra sa paghahanap ng trabaho, hindi mapakali si Bea. Alam niyang sa likod ng mga pilit na ngiti at tawang iyon, may sugat pang hindi pa naghihilom.
Habang abala siya sa paghahanap, hindi mapakali si Bea. Alam niyang sa likod ng mga pilit na ngiti at tawang iyon, may sugat pang hindi pa naghihilom.
Biglang may tumunog na tawag sa cellphone ni Alexandra.
Napakunot ang noo niya nang makita ang pangalan sa screen.
"Bakit siya tatawag sa akin ngayon?" bulong niya, nanlalamig ang mga daliri habang dahan-dahang inaabot ang telepono.
"Sino 'yan?" usisa ni Bea, pero hindi siya sinagot ni Alexandra.
Tinitigan lang niya ang pangalan sa screen, ang pintig ng puso niya bumilis—may kaba, may takot, at isang damdaming hindi niya inaasahang mararamdaman pa.
At bago pa niya mapigilan ang sarili, pinindot niya ang answer.
“Ano kailangan mo?” Walang emosyon ang boses ni Alexandra habang nakatingin kay Bea. “What kind of answer is that? You know why I called, right?” may bahid ng inis sa tinig ng taong nasa kabilang linya. “Hindi ito ang tamang oras-”“Then when? Kailan mo balak magpaliwanag?” singit ng kausap niya. Bumuntong-hininga si Alexandra bago sumagot. “I’ll call you when I’m ready.” At agad niyang binaba ang tawag. Tahimik lang si Bea habang nakikinig sa pag-uusap nila, pero kitang-kita ang kuryosidad sa kanyang mukha. Halos hindi pa natatapos ang isang tawag, muling nag-ring ang cellphone ni Alexandra. “Sino naman ‘yan?” tanong ni Bea, pero hindi siya sinagot ni Alexandra. May mabigat na buntong-hiningang pinakawalan si Alexandra bago sinagot ang tawag. “Sino bang kausap mo, Alexandra Kaye?! Kanina pa kita tinatawagan! Ano ba?! Bakit wala ka dito sa bahay?” Halos napangiwi si Alexandra sa lakas ng boses ni Joshua sa kabilang linya. “Anong kailangan mo?” kalmado niyang tanong. “Bakit hi
Alexandra let out an exasperated sigh as Bea practically dragged her out of the mall.“Let’s go to another mall. Ang baho dito, umaalingasaw,” Bea muttered, crinkling her nose in distaste.“Ikaw talaga! Kung anong gusto mo, ginagawa mo agad. Wala na ba akong karapatang magdesisyon sa buhay ko?” Alexandra huffed, crossing her arms.Bea grinned mischievously. “Ayos lang iyan! Ang mahalaga, makahanap tayo ng sexy and perfect dress for your interview!”Alexandra rolled her eyes but didn’t argue further. Wala siyang laban kay Bea pagdating sa ganitong bagay.Matapos ang mahabang pagsusukat at pamimili, bumalik na rin sila sa condo ni Bea. Alexandra collapsed onto the bed, feeling drained from all the walking and Bea’s endless energy.Just as she was about to close her eyes, her phone rang. Nagdesisyon siyang hayaan itong nagri-ring, too tired to deal with another conversation.“Ano ba?! Naiirita na ako! Bakit ayaw mong sagutin? Sino ba iyan?” Bea barged into the room, arms crossed.“Naka
Tyron leaned back in his chair, gripping his wine glass tightly. The dim lighting of the restaurant cast shadows on his sharp features, making his expression even darker. Sa paligid nila, patuloy ang mahihinang usapan ng ibang guests, at ang malamyos na tunog ng piano ay tila isang malayong alingawngaw. Pero para kay Alexandra, ang presensya ni Tyron ang pinaka-maingay sa lahat."You knew who I was," Tyron said, his voice dangerously calm. "Pero ginawa mo pa rin."Napasinghap si Alexandra, agad na napalunok. "We both did, Tyron. Pero hindi talaga kita kilala nang una, naka-mask tayo pareho no’n."His jaw tightened. "That’s not an answer."She exhaled sharply. "Ano bang gusto mong sagot? Lasing ako. I wasn’t thinking."A bitter scoff escaped him. "Lasing?" He leaned forward, eyes boring into hers. "Gano’n lang kadali? Wala kang ibang paliwanag?"She clenched her fists on her lap. "I don’t know what else you want me to say."Tyron’s expression hardened. "Gusto kong malaman ang totoo, Al
Tahimik na pumasok si Alexandra sa condo ni Bea, diretso sa kanyang kwarto. Hindi niya nagawang magpaalam o magkwento man lang sa kaibigan. Masyadong mabigat ang gabi, masyadong masakit ang muling pagkikita nila ni Tyron. Hindi na nagtanong si Bea, siguro’y nahulaan na nito ang nangyari, kaya hinayaan na lang siyang mapag-isa. Pagkahiga niya sa kama, doon lang tuluyang bumagsak ang mga luha niya. Nasa loob pa rin ng isipan niya ang mga sinabi ni Tyron—ang galit, ang paninisi, ang pagmamaliit sa kanya. Paulit-ulit na naglalaro sa isip niya ang tanong nito, “Planado ba ito, Alexandra? Ginamit mo ba ako para mapabilis ang annulment n’yo?”Napapikit siya nang mahigpit. Hindi niya alam kung bakit kailangan pa nilang magkita ulit, kung bakit hindi na lang sila parehong naging dayuhan sa isa’t isa matapos ang gabing iyon. --- KinaumagahanNagising si Alexandra sa amoy ng mainit na kape. Paglabas niya ng kwarto, naroon si Bea sa sala, nakaupo sa sofa habang nagkakape, hawak ang kanyang lapt
Hindi pa halos nakakalayo si Alexandra mula sa opisina nang marinig niya ang boses ni Tyron sa likod niya. "Miss Villarama."Napapikit siya sandali, pilit pinipigilan ang iritasyon bago humarap muli. Nakangisi si Tyron, nakasandal sa pintuan ng kanyang opisina na parang wala lang nangyari. "Ano na naman?" madiin niyang tanong. Tyron crossed his arms, "Hindi ka pa aalis, hindi ba? Bukas ka na magsisimula, hindi ba?"Nagtama ang kanilang mga mata. Alexandra narrowed her eyes. "Well, oo? Dahil ‘yun ang sinabi mo?""Hmm…" Tyron tilted his head, pretending to think. "Oops, my bad. I meant to say—you're starting today.""Ano?!" "Yes. Now.""Bakit ngayon?!"Nagkibit-balikat si Tyron. “Dahil sabi ko."She let out an exasperated sigh. "Wala akong dalang gamit! Wala akong notebook, laptop—" “May company-provided laptop ka.""I need to prepare!""You had your whole life to prepare for this, Alexandra." Napalunok siya sa asar. Alam niyang sadya siyang inaasar nito, at mas lalo siyang naiiri
Inside their shared hotel room, Alexandra was still fuming. She crossed her arms and sat on the edge of the bed, glaring at Tyron, who casually loosened his tie and checked his phone."So? Ano ba talaga ang case na iniimbestigahan natin?" she finally asked, her patience wearing thin.Tyron glanced at her with a smirk. "Akala ko ba trabaho lang ang habol mo? Dapat alam mo na 'yan."She rolled her eyes. "Ikaw ang boss, hindi ba? Shouldn't you be briefing me instead of playing mind games?"He chuckled, obviously enjoying her frustration. "Fine. We're here to investigate fraudulent transactions involving high-profile clients. May reports na may money laundering activities ang isang businessman na konektado sa isang major law firm—one of our biggest rivals."Alexandra’s brows furrowed. "So, we're spying on another law firm? Isn't that illegal?""We're not spying. We're gathering information legally. May whistleblower na gustong lumapit sa atin, but he's too scared to make a move. Kaya we n
Sige po, narito ang buong teksto na may pinagsamang orihinal at mga pagbabago:Nakahiga si Alexandra sa kama ng hotel habang muling binabalikan ang mga notes niya tungkol kay Sebastian Cruz. Mula sa kinauupuan niya, si Tyron ay tahimik na nagbabasa ng isang legal document sa kanyang laptop, mukhang relaxed pero halatang malalim ang iniisip."Tyron," tawag ni Alexandra habang ini-scroll ang phone niya.Hindi siya sumagot agad."Tyron." Mas malakas na ang boses niya ngayon. “Hindi ka ba marunong gumalang? Assistant kita, kaya dapat ay maayos mo akong tawagin. At huwag kang sumigaw!” Masungit na sagot ni Tyron.“Ayaw mo kasing sumagot. Akala ko nabibingi ka na.” pangangatwiran ni Alexandra.Tumayo si Tyron mula sa kaniyang kinauupuan at lumapit kay Alexandra. “Nasaan ang iyong respeto? Hindi porket nasa iisang kwarto tayo ay ganyan mo na ako kausapin. Mas matanda ako sa iyo!”“Okay sir! Pasensya na.”“Sir Tyron!!” dugtong pa ni Alexandra.Napatingin ito sa kanya, taas-kilay. "Ano na nama
Tahimik ang loob ng hotel room. Nasa tabi ng bintana si Alexandra, hawak ang phone habang nakatitig sa city lights sa labas. Kanina pa niya iniisip ang tawag na natanggap niya. Malamig ang boses ng nasa kabilang linya, pero ramdam niya ang babala—Stop digging.Alam niyang hindi na ito laro.Sa kabilang banda ng silid, si Tyron ay nakaupo sa sofa, nakasandal habang hawak ang isang basong whiskey. Hindi ito nagsasalita, pero halata sa lalim ng tingin nito na may iniisip din ito."Who do you think it was?" tanong niya sa wakas, boses na halos bulong lang.Hindi agad sumagot si Alexandra. Tiningnan niya lang ang reflection niya sa bintana. "I don't know. But they knew my name."Nagpalit ng posisyon si Tyron, itinaas ang isang paa sa gilid ng sofa. "Could be one of Cruz’s men. Or maybe someone higher."Napailing si Alexandra. "They wouldn’t call if they just wanted to scare me. It was a warning. Isa pa bakit ako? Hindi naman ako ang may hawak ng kaso nila, isa lang akong hamak na assistant
"Kung gusto niyong linisin ang pangalan ninyo, ito lang ang paraan," patuloy ni Tyron. "Huwag kayong matakot kung wala kayong kasalanan.""Hindi na kailangang buksan ang katawan ni Papa," malamig na sagot ni Daniel. "Mas pipiliin kong mawalan ng mana kaysa sirain ang alaala niya.""Ako rin," mabilis na dugtong ni Regina."Ganoon din ako," sabat ni Hector, pero sa kanyang boses ay may bahagyang panginginig.Tahimik na tinapunan ni Alexandra ng tingin si Tyron. Alam nilang dalawa—may tinatago ang magkakapatid. Pero ano?Tahimik ang opisina, tanging tunog ng aircon at mahihinang kaluskos ang naririnig. Nakatingin si Tyron sa magkakapatid, sinusuri ang bawat reaksyon nila—si Daniel na tila kalmado pero may bahid ng pag-aalala sa mga mata, si Hector na halatang iritado, at si Regina na abala sa pag-check ng kanyang cellphone pero hindi naitago ang kunot sa kanyang noo.Mabigat ang hangin nang basagin ni Tyron ang katahimikan.“Ayaw ninyong maghain ng reklamo? Naiintindihan ko. Pero nais ko
Mabigat ang atmospera sa loob ng interrogation room ng presinto nang muling harapin ni Regina ang dalawang abogado. Nandoon si Tyron, tahimik pero matalim ang mga mata. Katabi niya si Alexandra, hawak ang folder na laman ay ang updated autopsy report ni Emilio Salcedo.Tahimik silang tatlo. Tanging tunog ng wall clock ang maririnig—tila baga tinataktan ang bilis ng katotohanan na malapit nang sumabog.Ibinuka ni Tyron ang bibig. "May resulta na ang autopsy report ni Mr. Emilio Salcedo."Napatingin si Regina, pero agad din niyang iniwas ang tingin. Tila ba ayaw marinig ang susunod na sasabihin."Regina, hindi namatay sa atake sa puso ang ama mo."Kumunot ang noo ng babae, halatang nagulat. “Ano’ng ibig mong sabihin?”“May multiple blunt force trauma sa katawan ng biktima,” paliwanag ni Alexandra, habang binubuklat ang medical photos. “May punit sa baga, fractured ribs, at internal bleeding. Base sa forensic report, ilang araw siyang nahirapan sa paghinga bago tuluyang binawian ng buhay
Tahimik na nakaupo sa hallway sina Alexandra at Tyron, ang katahimikan ay tila bumabalot sa buong paligid habang pinapanood nila ang pagtakbo ng orasan sa dingding. Ang bawat segundo ay parang taon habang hinihintay nila ang pagbabalik ng prosecutor.Walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Si Alexandra, naka-kuyom ang kamay, habang si Tyron naman ay halos hindi mapakali sa upuan. Ilang sandali pa, bumukas ang pintuan ng interrogation room. Tumigil ang mundo nila sa pagbukas ng pintong iyon.Lumabas si Fiscal Ramon Diaz, ang city prosecutor, at may seryosong ekspresyon sa mukha. Hindi ito nagpakita ng kahit anong emosyon habang dahan-dahang lumapit sa kanila."Fiscal?" agad na tanong ni Tyron, tila hindi makahinga sa kaba.Tumingin si Fiscal Diaz sa kanilang dalawa, bago huminga ng malalim. "Umamin na si Regina."Napakunot-noo si Alexandra. "Ano pong ibig ninyong sabihin? Inamin niyang siya ang may kasalanan?"Tumango si Diaz, ngunit may halong pagdadalawang-isip ang kanyang tono. “Oo…
“Bakit mo kami pinatawag, Mr. Daniel Salcedo?” tanong ni Tyron pagkapasok niya sa interrogation room.Huminga nang malalim si Daniel. Halatang nanginginig ang mga kamay niya habang nakatingin kina Alexandra at Tyron. “Honestly, akala ko hindi ito magiging problema—o magkakaroon ng malaking epekto sa investigation. Pero kung maghahalungkat kayo, sa huli, malalaman niyo rin ang totoo.”Nagkatinginan sina Tyron at Alexandra.“What do you mean?” tanong ni Tyron.“It’s been weeks—almost two, actually—since pumunta ako sa bahay ni Papa,” sagot ni Daniel. Muli siyang huminga nang malalim, bakas sa boses niya ang pag-aalinlangan. “Pumunta ako roon para kausapin siya tungkol sa pagka-freeze ng account ni Kuya Hector. Galit na galit siya sa akin dahil iniisip niyang ako ang dahilan nun.”“Anong kinalaman mo?” tanong ni Tyron, seryoso ang tono.“Akala kasi ni Kuya, ako ang nagsumbong sa mga kalokohang ginagawa niya. Sinabihan ko siya na mas mabuting siya na ang magsabi kay Dad, kasi kung hindi…
Bawat salitang binibitawan niya ay parang mga bala ng yelo na direktang tumatama sa puso ko.Hindi ko na napigilan ang panginginig ng buong katawan ko sa sobrang galit. Sobra na na ang emosyon kong nararamdaman, at napadiin ang pagkakakuyom ko ng mga palad. Ramdam ko ang pagbaon ng mga kuko ko sa balat ko—may lumabas nang dugo, pero wala akong naramdamang sakit. Wala. Wala kundi galit.Ang pagputol ng kasunduan sa kasal? Desisyon ’yon ng pamilya Sanmiego Anong kinalaman ko doon?At bakit parang ako pa ang sinisisi nila? Hindi naman ako gano’n kaimportante para mapabago ang desisyon ng isang pamilya gaya ng sa kanila.Tinitigan ko nang diretso ang mga mata ng ama ko, at walang pag-aalinlangang sinabi,“Ako ang magpapagamot sa kapatid ko. Anong magagawa mo bukod sa mag-file ng protection order? Kung sisirain mo ang gamutan ng kapatid ko, hinding-hindi kita patatahimikin. Subukan mo lang kung hindi ka maniwala sa kaya kong gawin.”Bigla siyang umusad palapit, galit na galit, parang gusto
Kinabukasan, maagang umalis ng hotel si Tyron at Alexandra. Laking pasalamat na lang ni Alexandra dahil nakatulog sila ng maayos at sabay na nagising ng alarm clock. Ang pakiramdam niya, parang mas magaan ang katawan niya, at hindi na siya pagod mula sa maghapon at magdamag na trabaho."Nakatulog ka ba?" tanong ni Tyron habang nakatutok pa rin ang mata sa kalsada, mabilis na nagmamaneho."Oo naman," sagot ni Alexandra, habang iniisip kung gaano kasaya siya na nakatulog ng mahimbing sa kabila ng kanilang hindi inaasahang sitwasyon kagabi. "Ikaw ba? Kamusta ang tulog mo?""Mas maayos. Magaan ang pakiramdam ko ngayon," sagot ni Tyron na may kaunting ngiti sa kanyang labi, at parang may biglaang pag-aalwan sa kanyang tono.“May insomnia ka ba?” tanong ni Alexandra habang tinitingnan si Tyron mula sa gilid ng kanyang mata, nagtatanong na may bahid ng pagkabahala."Hindi ko alam. Siguro ay kailangan ko lang ng kasama," sagot ni Tyron, at parang may konting kabuntot ng pagiging malungkot sa
“Sige na nga! Umuwi na lang tayo. May trabaho pa tayo sa Maynila bukas ng umaga,” biglang sabi ni Tyron, na parang ang bilis niyang nagbago ng isip.Napataas ang kilay ni Alexandra. Ano na naman ‘to? Kanina lang parang ipagpipilitan nito ang pag-check-in, ngayon naman biglang atras?“Akala ko ba pagod ka?” tanong niya, hindi mapigilang kulitin ito. “Ayos lang naman sa akin ang mag-check-in. Bukas na lang tayo umuwi sa umaga. Ang mahalaga, makapagpahinga tayo,” dagdag pa niya, tinatantiya kung ano talaga ang nasa isip ni Tyron.Kung tutuusin, hindi naman niya intensyon na bigyan ito ng dahilan para manatili. Iniisip lang niya ang kaligtasan nilang dalawa. Marunong siyang mag-drive—at hindi lang basta marunong, kundi sanay siya. Kung wala lang si Tyron sa tabi niya, baka nasa 120 kph na siya sa highway, pero hindi niya iyon ipapakita rito. Ayaw niyang bigyan ito ng dahilan para isipin na reckless driver siya—o mas malala, ayaw niyang mas lalong humanga ito sa kanya.“Hindi na. Kaya ko n
Tahimik na kumain si Tyron at Alexandra, pero hindi nakaligtas sa kanila ang mga tingin at bulungan ng ibang taong naroroon. May mga naririnig pa silang nagsasabing bagay daw silang dalawa at mukhang galing sa parehong mayamang pamilya. Napasinghap na lang si Alexandra dahil dito, ramdam niya ang paninikip ng dibdib niya.Hindi niya maintindihan kung bakit siya naaapektuhan sa ganitong usapan. Alam naman niyang wala siyang dapat ipaliwanag kaninuman. At higit sa lahat, alam niyang wala silang relasyon ni Tyron—ni hindi nga dapat magkaroon. Pero bakit parang may bumibigat sa loob niya tuwing may ganitong komento?"Hindi ka ba komportable? Gusto mong lumipat tayo?" nag-aalalang tanong ni Tyron."Hindi na! Ayos lang naman. Ano naman kung may makakita sa atin? Isipin na nila ang gusto nilang isipin. Hindi naman tayo nagde-date. Isa pa, anong masama kung kasama ng amo niya ang kanyang assistant? Bawal ba akong i-treat?" depensa ni Alexandra. Hindi niya alam kung ang ibig niya talagang kumb
Pagkalabas nina Tyron at Alexandra sa coffee shop, kapwa sila tahimik. Ang bigat ng impormasyon mula kay Aina ay nagdulot ng panibagong palaisipan sa kaso. Sumakay sila sa sasakyan ni Tyron, at habang binubuksan niya ang makina, napasinghap si Alexandra at marahang isinandal ang ulo sa upuan."Ang haba ng araw na ito. Nakakaloka! Nakakapagod pala ang ganito," reklamo niya habang hinuhugot ang inipong hininga.Napangiti si Tyron habang itinutuon ang tingin sa kalsada. "Wala pa ito. Simpleng criminal case lang ito, mas madaming mas mahirap na kaso ang haharapin mo pa sa larangan na ito.""Alam ko naman iyon," sagot ni Alexandra, ngunit halata sa tono niya ang pagod.Saglit na natahimik si Tyron bago muling nagsalita, may bahid ng pananadya sa boses niya. "Anong alam mo? Alam mong mas mahirap ang umiwas."Napakunot ang noo ni Alexandra at nilingon siya. "Ha? Anong sinasabi mo?"Bahagyang natawa si Tyron at umiling. "Wala. Hatid na kita sa inyo."Napailing si Alexandra. "Huwag na. Kung hi