Tahimik ang loob ng hotel room. Nasa tabi ng bintana si Alexandra, hawak ang phone habang nakatitig sa city lights sa labas. Kanina pa niya iniisip ang tawag na natanggap niya. Malamig ang boses ng nasa kabilang linya, pero ramdam niya ang babala—Stop digging.Alam niyang hindi na ito laro.Sa kabilang banda ng silid, si Tyron ay nakaupo sa sofa, nakasandal habang hawak ang isang basong whiskey. Hindi ito nagsasalita, pero halata sa lalim ng tingin nito na may iniisip din ito."Who do you think it was?" tanong niya sa wakas, boses na halos bulong lang.Hindi agad sumagot si Alexandra. Tiningnan niya lang ang reflection niya sa bintana. "I don't know. But they knew my name."Nagpalit ng posisyon si Tyron, itinaas ang isang paa sa gilid ng sofa. "Could be one of Cruz’s men. Or maybe someone higher."Napailing si Alexandra. "They wouldn’t call if they just wanted to scare me. It was a warning. Isa pa bakit ako? Hindi naman ako ang may hawak ng kaso nila, isa lang akong hamak na assistant
Nakakatakot kung paano ito laging kalmado, kahit na nasa gitna sila ng isang gulo."Why?" ulit nitong tanong, mas mababa na ang tono ng boses."Because this isn't normal," sagot niya. "Hindi normal, hindi ako sanay. Trabaho lang naman ang dahilan bakit ako nandito, pero pagkatapos ay hinahabol na ako ng isang kriminal na mas makapangyarihan pa kaysa sa batas. Hindi normal na magkasama ang isang lalaki at babae sa iisang silid para magpalipas ng gabi... ang gulo na."Nagtagal ang tingin nila sa isa't isa. Walang nagbitaw ng salita. Ang tanging naririnig lang ay ang marahang tunog ng aircon at ang mababaw niyang paghinga.Lalapit na sana siya sa bintana, pero bago pa niya maisip ang susunod na hakbang, isang mainit na kamay ang pumigil sa pulso niya."And yet, here we are," bulong ni Tyron.Nanatili silang ganoon—ang kamay nito, mahigpit ngunit hindi sapilitan sa pulso niya, at siya, hindi makagalaw. Parang may kung anong invisible na puwersa ang bumalot sa kanila."You don't even trust
Pagkalabas ni Tyron sa kwarto, nanatili si Alexandra sa kanyang kinatatayuan. Nakayakap pa rin siya sa kumot, hindi dahil sa giniginaw siya kundi dahil pakiramdam niya ay may kung anong kailangang protektahan—hindi lang ang katawan niya, kundi pati ang sarili niyang emosyon.Ang kabog ng kanyang dibdib ay hindi pa rin humuhupa. Hindi niya alam kung dahil ba ito sa tensyon na namuo sa pagitan nila ni Tyron o dahil sa pangungusap nitong hindi niya matanggal sa isip:"Nagagalit ako kasi pakiramdam ko ginagamit mo lang ako!"Hindi niya alam kung anong mas nakakasakal—ang katotohanang may punto si Tyron, o ang realidad na hindi pa niya kayang sagutin ang paratang nito. Kung may sagot man siya, baka masaktan lang silang dalawa.Napabuntong-hininga siya at naupo sa gilid ng kama. Pinilit niyang kalmahin ang sarili, pero ang tahimik na silid ay lalong nagpapabigat sa kanyang pakiramdam. Ramdam niya pa rin ang init ng hininga ni Tyron sa kanyang balat, ang paraan ng paghawak nito sa kanya—hind
Matapos ang walang kwentang usapan nila ni Bea, pumasok sa kwarto niya si Alexandra. Nagulat pa siya nang makita ang kwarto na puno ng damit. Napabuntong-hininga siya, alam niyang ang kaniyang kaibigan lang ang gagawa ng bagay na iyon kaya wala na siyang ibang choice kundi tanggapin na lang. Ilang sandali lang, narinig niya ang kaniyang cellphone na nag-ring. Hindi niya tiningnan ang caller bago agad itong sinagot.“Three days is enough! Go home now!” bungad sa kaniya ng tao sa kabilang linya. Agad na nakilala ni Alexandra ang boses ng kaniyang asawa. Kabisado niya ang lahat kay Joshua kaya hindi siya maaaring magkamali. Nagpakawala siya ng malalim na hininga bago nagsalita.“Hindi na ako uuwi! Ang gusto ko, maghiwalay na tayo! Tatawag na lang sa iyo ang lawyer kapag may nakuha na ako,” tanging sagot ni Alexandra.“Alexandra!! Ang tigas ng ulo mo! Hindi ka makakakuha ng ebidensya para makipaghiwalay sa akin. Kaya huwag mo akong tinataasan ng boses diyan,” madiing sagot ni Joshua.“Wal
Nang makaalis si Tyron, nag-walk out na lang din si Alexandra. Hindi na nagawang magsalita ni Joshua dahil nakakuha sila ng atensyon ng mga taong naroon, although it’s expensive café kaya walang masyadong nangingialam. Napabuntong hininga na lang sa galit si Joshua.Dahan-dahang pinunasan ni Joshua ang gilid ng kaniyang labi habang nakaupo sa coffee shop kung saan siya iniwan ng dalawa. Hindi niya alam kung anong mas nakakapagod—ang pakikipagtalo kay Alexandra o ang paulit-ulit na pangungulit ni Sofia.Napapikit siya nang marinig ang boses nito. "Joshua, ang tagal mo namang sumagot sa mga tawag ko at hindi sumasagot sa text ko!"Napabuntong-hininga siya bago tumingin kay Sofia. Kitang-kita ang pagkairita sa mukha niya, pero wala siyang choice kundi harapin ito. "Ano na namang kailangan mo, Sofia?"Matalas ang tingin ni Sofia, pero pilit pa rin itong ngumiti. "Alam mo namang buntis ako, di ba? Hindi mo man lang ako kinakamusta, hindi ba dapat ikaw ang mag-alaga sa akin, tama naman di b
Alexandra’s Point of ViewTahimik ang paligid, pero sa loob ko, parang may bagyong hindi matigil. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hindi ko rin alam kung paano magsisimulang ayusin ang buhay ko pagkatapos ng lahat.Dalawang araw. Dalawang araw na akong hindi lumalabas ng kwarto maliban na lang kung kakain o magpapahangin sa balkonahe. Pakiramdam ko, parang naubos ang lakas ko sa mga nangyari sa nakalipas na araw—ang pag-uusap namin ni Joshua, ang pagiging parte ni Tyron sa gulo, at ang katotohanang hindi ko na alam kung saan ako lulugar. Isa pa doon, siya pa ang amo ko.Humiga ako sa kama, tinitigan ang kisame.Gusto ko lang ng tahimik na buhay… bakit parang lalong lumalala ang lahat?Napapikit ako at pilit na inaalis sa isip ko ang lahat, pero kahit anong gawin ko, bumabalik pa rin ang mga tanong. Tama ba ang desisyon kong lumayo muna? Tama bang umiwas ako sa responsibilidad at gulo? Tama bang isantabi ko ang trabaho—ang trabahong alam kong magiging dahilan para mas lumalim
Ilang beses nang bumuntong-hininga si Alexandra habang nakatingin sa sariling repleksyon sa elevator doors. Suot niya ang isang simpleng white blouse at high-waisted black slacks—pormal pero hindi masyadong corporate. Maingat niyang pinili ang damit na ito para magmukhang professional pero hindi masyadong intimidating. Hindi niya maalis ang kaba sa loob. Alam niyang hindi magiging madali ang trabaho niya bilang assistant ni Tyron Mendez, pero handa siyang harapin ito.Pagdating sa reception ng Mendez Law Firm, naisip niyang hindi biro ang mundong papasukan niya. Ang atmosphere ay sleek at intimidating, puro mahuhusay na abogado ang dumaraan sa harapan niya na tila abala sa kanilang mundo.“Good morning, Miss Mandia?” Napatingin siya sa receptionist na may professional smile.Natawa siya nang marinig ang apelyidong Mandia. Hindi iyon magbabago hanggang hindi pa sila legally separated ni Joshua.“Yes, that’s me.”“You’re expected at Atty. Mendez’s office.”‘Expected’—parang hinintay siy
Matapos ang mahaba-habang diskusyon, tumayo ang babae at maingat na isinara ang bag niyang puno ng dokumento. Kita sa mukha niya ang bahagyang pag-asa, pero mas nangingibabaw ang pagod."Thank you, Attorney," mahina niyang sabi.Tyron tumango. "We’ll be in touch. We’ll start gathering the necessary evidence and building the case. Stay available in case we need more details."Tumango ang babae bago lumabas ng opisina. Naiwan sina Alexandra at Tyron, ang katahimikan sa silid ay tila may bigat.Napatingin si Tyron kay Alexandra, na nakahalukipkip habang nakatingin sa papeles sa mesa. “I need your help on this case.”Napataas ng kilay si Alexandra. “Me?”“Yes, you, assistant Kita.” Tinapik ni Tyron ang folder ng kaso. “You’re sharp, and you have an eye for details. We need solid evidence para ma-strengthen ang kaso ng client. Review her documents, highlight anything we can use, and coordinate with our investigator.”Hindi agad nakasagot si Alexandra. Hindi niya inasahan na agad siyang hah
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" malamig nitong tanong. Ang tono ng kanyang boses ay hindi mataas, pero ramdam ni Alexandra ang pwersang dala nito. "Is this a proper way to resign? Hindi mo ba alam na pwede kitang kasuhan dahil dito?"Hindi agad siya nakapagsalita. Nakadikit ang likod niya sa pinto, parang naipit siya sa presensya ng lalaki. Ang init ng katawan ni Tyron kahit hindi ito lumalapit nang tuluyan, at kahit hindi siya tinatapunan ng matalim na tingin ay ramdam niya ang bigat ng kanyang presensya."Tyron, I—""Akala mo ba basta mo na lang ako matatakasan?" putol nito, at mas lumalim ang titig nito sa kanya.Hindi niya alam kung bakit, pero parang lumubog ang kanyang tiyan sa kaba. Hindi siya sanay na nakikitang ganito si Tyron—oo, alam niyang may kakayahan itong magalit, pero ngayon lang niya ito nakita nang ganito ka-intense."Hindi ba dapat masaya ka?" tuloy niya, pilit na binabalik ang kanyang kumpiyansa. "Hindi mo na kailangang madamay sa gulong ito. Hindi mo na kaila
Ang marahang tugtog ng café ambient music lang ang bumabalot sa hangin habang naghihintay si Attorney Tyron Mendez, may bahagyang lamig na ang kanyang black coffee. Katabi niya si Alexandra—ang kanyang masinop at matalas na assistant. Habang tumitingin siya sa tablet para sa updates, paminsan-minsan ay sumusulyap ito sa pintuan.“Late na siya,” mahina niyang sabi habang isinara ang tablet.“Dalawang minuto lang,” sagot ni Tyron, sabay tingin sa kanyang relo. “Maaga pa 'yan sa standards ng mga abogado.”Saktong pagkalipas ng ilang segundo, pumasok ang isang lalaking nasa mid-sixties, naka-tailored charcoal suit at may dignidad sa bawat kilos. Kita sa kanyang graying hair at maingat na lakad ang dekada ng karanasan sa legal na serbisyo—at marahil, bigat ng mga kaganapan sa Salcedo family.Diretso itong lumapit sa kanilang table.“Atty. Tyron Mendez?”“Yes,” tumayo si Tyron at iniabot ang kamay—propesyonal at matatag. “Kayo po si Atty. Saavedra?”“Ako nga. Family attorney ng Salcedos,” s
"Kung gusto niyong linisin ang pangalan ninyo, ito lang ang paraan," patuloy ni Tyron. "Huwag kayong matakot kung wala kayong kasalanan.""Hindi na kailangang buksan ang katawan ni Papa," malamig na sagot ni Daniel. "Mas pipiliin kong mawalan ng mana kaysa sirain ang alaala niya.""Ako rin," mabilis na dugtong ni Regina."Ganoon din ako," sabat ni Hector, pero sa kanyang boses ay may bahagyang panginginig.Tahimik na tinapunan ni Alexandra ng tingin si Tyron. Alam nilang dalawa—may tinatago ang magkakapatid. Pero ano?Tahimik ang opisina, tanging tunog ng aircon at mahihinang kaluskos ang naririnig. Nakatingin si Tyron sa magkakapatid, sinusuri ang bawat reaksyon nila—si Daniel na tila kalmado pero may bahid ng pag-aalala sa mga mata, si Hector na halatang iritado, at si Regina na abala sa pag-check ng kanyang cellphone pero hindi naitago ang kunot sa kanyang noo.Mabigat ang hangin nang basagin ni Tyron ang katahimikan.“Ayaw ninyong maghain ng reklamo? Naiintindihan ko. Pero nais ko
Mabigat ang atmospera sa loob ng interrogation room ng presinto nang muling harapin ni Regina ang dalawang abogado. Nandoon si Tyron, tahimik pero matalim ang mga mata. Katabi niya si Alexandra, hawak ang folder na laman ay ang updated autopsy report ni Emilio Salcedo.Tahimik silang tatlo. Tanging tunog ng wall clock ang maririnig—tila baga tinataktan ang bilis ng katotohanan na malapit nang sumabog.Ibinuka ni Tyron ang bibig. "May resulta na ang autopsy report ni Mr. Emilio Salcedo."Napatingin si Regina, pero agad din niyang iniwas ang tingin. Tila ba ayaw marinig ang susunod na sasabihin."Regina, hindi namatay sa atake sa puso ang ama mo."Kumunot ang noo ng babae, halatang nagulat. “Ano’ng ibig mong sabihin?”“May multiple blunt force trauma sa katawan ng biktima,” paliwanag ni Alexandra, habang binubuklat ang medical photos. “May punit sa baga, fractured ribs, at internal bleeding. Base sa forensic report, ilang araw siyang nahirapan sa paghinga bago tuluyang binawian ng buhay
Tahimik na nakaupo sa hallway sina Alexandra at Tyron, ang katahimikan ay tila bumabalot sa buong paligid habang pinapanood nila ang pagtakbo ng orasan sa dingding. Ang bawat segundo ay parang taon habang hinihintay nila ang pagbabalik ng prosecutor.Walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Si Alexandra, naka-kuyom ang kamay, habang si Tyron naman ay halos hindi mapakali sa upuan. Ilang sandali pa, bumukas ang pintuan ng interrogation room. Tumigil ang mundo nila sa pagbukas ng pintong iyon.Lumabas si Fiscal Ramon Diaz, ang city prosecutor, at may seryosong ekspresyon sa mukha. Hindi ito nagpakita ng kahit anong emosyon habang dahan-dahang lumapit sa kanila."Fiscal?" agad na tanong ni Tyron, tila hindi makahinga sa kaba.Tumingin si Fiscal Diaz sa kanilang dalawa, bago huminga ng malalim. "Umamin na si Regina."Napakunot-noo si Alexandra. "Ano pong ibig ninyong sabihin? Inamin niyang siya ang may kasalanan?"Tumango si Diaz, ngunit may halong pagdadalawang-isip ang kanyang tono. “Oo…
“Bakit mo kami pinatawag, Mr. Daniel Salcedo?” tanong ni Tyron pagkapasok niya sa interrogation room.Huminga nang malalim si Daniel. Halatang nanginginig ang mga kamay niya habang nakatingin kina Alexandra at Tyron. “Honestly, akala ko hindi ito magiging problema—o magkakaroon ng malaking epekto sa investigation. Pero kung maghahalungkat kayo, sa huli, malalaman niyo rin ang totoo.”Nagkatinginan sina Tyron at Alexandra.“What do you mean?” tanong ni Tyron.“It’s been weeks—almost two, actually—since pumunta ako sa bahay ni Papa,” sagot ni Daniel. Muli siyang huminga nang malalim, bakas sa boses niya ang pag-aalinlangan. “Pumunta ako roon para kausapin siya tungkol sa pagka-freeze ng account ni Kuya Hector. Galit na galit siya sa akin dahil iniisip niyang ako ang dahilan nun.”“Anong kinalaman mo?” tanong ni Tyron, seryoso ang tono.“Akala kasi ni Kuya, ako ang nagsumbong sa mga kalokohang ginagawa niya. Sinabihan ko siya na mas mabuting siya na ang magsabi kay Dad, kasi kung hindi…
Bawat salitang binibitawan niya ay parang mga bala ng yelo na direktang tumatama sa puso ko.Hindi ko na napigilan ang panginginig ng buong katawan ko sa sobrang galit. Sobra na na ang emosyon kong nararamdaman, at napadiin ang pagkakakuyom ko ng mga palad. Ramdam ko ang pagbaon ng mga kuko ko sa balat ko—may lumabas nang dugo, pero wala akong naramdamang sakit. Wala. Wala kundi galit.Ang pagputol ng kasunduan sa kasal? Desisyon ’yon ng pamilya Sanmiego Anong kinalaman ko doon?At bakit parang ako pa ang sinisisi nila? Hindi naman ako gano’n kaimportante para mapabago ang desisyon ng isang pamilya gaya ng sa kanila.Tinitigan ko nang diretso ang mga mata ng ama ko, at walang pag-aalinlangang sinabi,“Ako ang magpapagamot sa kapatid ko. Anong magagawa mo bukod sa mag-file ng protection order? Kung sisirain mo ang gamutan ng kapatid ko, hinding-hindi kita patatahimikin. Subukan mo lang kung hindi ka maniwala sa kaya kong gawin.”Bigla siyang umusad palapit, galit na galit, parang gusto
Kinabukasan, maagang umalis ng hotel si Tyron at Alexandra. Laking pasalamat na lang ni Alexandra dahil nakatulog sila ng maayos at sabay na nagising ng alarm clock. Ang pakiramdam niya, parang mas magaan ang katawan niya, at hindi na siya pagod mula sa maghapon at magdamag na trabaho."Nakatulog ka ba?" tanong ni Tyron habang nakatutok pa rin ang mata sa kalsada, mabilis na nagmamaneho."Oo naman," sagot ni Alexandra, habang iniisip kung gaano kasaya siya na nakatulog ng mahimbing sa kabila ng kanilang hindi inaasahang sitwasyon kagabi. "Ikaw ba? Kamusta ang tulog mo?""Mas maayos. Magaan ang pakiramdam ko ngayon," sagot ni Tyron na may kaunting ngiti sa kanyang labi, at parang may biglaang pag-aalwan sa kanyang tono.“May insomnia ka ba?” tanong ni Alexandra habang tinitingnan si Tyron mula sa gilid ng kanyang mata, nagtatanong na may bahid ng pagkabahala."Hindi ko alam. Siguro ay kailangan ko lang ng kasama," sagot ni Tyron, at parang may konting kabuntot ng pagiging malungkot sa
“Sige na nga! Umuwi na lang tayo. May trabaho pa tayo sa Maynila bukas ng umaga,” biglang sabi ni Tyron, na parang ang bilis niyang nagbago ng isip.Napataas ang kilay ni Alexandra. Ano na naman ‘to? Kanina lang parang ipagpipilitan nito ang pag-check-in, ngayon naman biglang atras?“Akala ko ba pagod ka?” tanong niya, hindi mapigilang kulitin ito. “Ayos lang naman sa akin ang mag-check-in. Bukas na lang tayo umuwi sa umaga. Ang mahalaga, makapagpahinga tayo,” dagdag pa niya, tinatantiya kung ano talaga ang nasa isip ni Tyron.Kung tutuusin, hindi naman niya intensyon na bigyan ito ng dahilan para manatili. Iniisip lang niya ang kaligtasan nilang dalawa. Marunong siyang mag-drive—at hindi lang basta marunong, kundi sanay siya. Kung wala lang si Tyron sa tabi niya, baka nasa 120 kph na siya sa highway, pero hindi niya iyon ipapakita rito. Ayaw niyang bigyan ito ng dahilan para isipin na reckless driver siya—o mas malala, ayaw niyang mas lalong humanga ito sa kanya.“Hindi na. Kaya ko n