Semua Bab Stolen Nights with My Husband’s Zillionaire Uncle: Bab 41 - Bab 50

112 Bab

41

"Talaga? Kaya mong ipanalo ang annulment namin?" tanong ni Alexandra, bahagyang nakataas ang kilay. Wala na siyang nagawa kundi sakyan ang biro ni Tyron. Kung laro lang ito para sa lalaki, baka mas mabuting makisabay na lang siya."Bakit? Sa tingin mo ba hindi ko kaya?" balik ni Tyron, may kumpiyansang ngiti sa labi."Kung kaya mo, edi gawin mo," sagot ni Alexandra, may halong hamon sa boses.Natawa naman si Tyron sa sagot niya. "Hindi ako nagpapabayad. Kaya anong ibibigay mo para maipanalo ko ang annulment mo?" tanong nito, bahagyang nakasandal sa upuan at nakatingin sa kanya nang may kakaibang kislap sa mata."Siyempre, magbabayad ako ng sapat at tama para maipanalo ng law firm mo ang annulment ko." Malamig ang sagot ni Alexandra, pilit na hindi pinapansin ang init ng tingin ni Tyron.Muling tumawa si Tyron, pero sa pagkakataong ito, tila mas may laman ang halakhak niya. "Personal case ito, Alexandra. Isa pa, pamangkin ko si Joshua. Sa tingin mo, paano ko sisiraan ang sarili kong pam
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-29
Baca selengkapnya

42

"At ngayon?" tanong niya, pilit na pinapanatili ang pagiging kalmado ng kanyang boses. "May kinakatakutan ka bang mawala?"Hindi agad sumagot si Tyron. Ilang segundo rin ang lumipas bago siya muling nagsalita."Malay mo..." Aniya, saka ngumiti ng hindi pa rin siya tumitingin kay Alexandra. "Baka malapit ng magkamayroon."At sa hindi maipaliwanag na dahilan, nakaramdam ng kakaibang kiliti si Alexandra sa sinabi nito.Hindi pa rin makapaniwala si Alexandra sa sinabi ni Tyron. Ipinako niya ang tingin sa binata, naghahanap ng anumang senyales ng pagbibiro, pero wala siyang nakita. Ang ekspresyon nito—bagama't may bahagyang ngiti—ay seryoso at may lalim."Baka malapit na?" inulit niya ang sinabi nito, pilit na inuunawa ang ibig sabihin.Hindi sumagot si Tyron. Sa halip, nagpatuloy siya sa pagmamaneho, tila ini-enjoy ang katahimikan sa pagitan nila. Samantalang si Alexandra, hindi mapakali.Bakit biglang nagiging ganito ang usapan?Nagpatuloy ang kanilang biyahe. Walang nagsasalita sa kanila
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-29
Baca selengkapnya

43

At hindi ito nag-iisa.Sa tabi nito, isang babaeng naka-business attire ang kasama—at hindi lang basta kung sino, kundi ang mismong abogado ni Joshua.Napatingin si Tyron sa kanila, pero sa halip na magmukhang nagulat, tila inasahan na niya ito."Bakit parang hindi ka man lang natitigilan?" bulong ni Alexandra, bahagyang yumuko upang hindi makita ni Joshua."Because I knew this would happen," sagot ni Tyron.Muli silang nagtagpo ng tingin, at sa sandaling iyon, alam ni Alexandra—magsisimula na ang laban.Ito ang paulit-ulit na sinasabi ni Alexandra sa sarili habang pinagmamasdan sina Joshua at ang kanyang abogado na papalapit sa counter ng café.Tila walang nangyari, parang hindi ito ang lalaking halos patayin siya sa kontrol at pananakot noon. Pero alam ni Alexandra na kahit gaano kaayos ang suot ni Joshua—ang mamahaling suit, ang maingat na pagkakaayos ng buhok—hindi nito mababago ang katotohanang isa siyang manipulator.Napalingon siya kay Tyron, na kalmado pa rin habang iniinom ang
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-29
Baca selengkapnya

44

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" malamig nitong tanong. Ang tono ng kanyang boses ay hindi mataas, pero ramdam ni Alexandra ang pwersang dala nito. "Is this a proper way to resign? Hindi mo ba alam na pwede kitang kasuhan dahil dito?"Hindi agad siya nakapagsalita. Nakadikit ang likod niya sa pinto, parang naipit siya sa presensya ng lalaki. Ang init ng katawan ni Tyron kahit hindi ito lumalapit nang tuluyan, at kahit hindi siya tinatapunan ng matalim na tingin ay ramdam niya ang bigat ng kanyang presensya."Tyron, I—""Akala mo ba basta mo na lang ako matatakasan?" putol nito, at mas lumalim ang titig nito sa kanya.Hindi niya alam kung bakit, pero parang lumubog ang kanyang tiyan sa kaba. Hindi siya sanay na nakikitang ganito si Tyron—oo, alam niyang may kakayahan itong magalit, pero ngayon lang niya ito nakita nang ganito ka-intense."Hindi ba dapat masaya ka?" tuloy niya, pilit na binabalik ang kanyang kumpiyansa. "Hindi mo na kailangang madamay sa gulong ito. Hindi mo na kailan
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-29
Baca selengkapnya

45

Dahil sa totoo lang… gusto niyang marinig kung paano siya ipagtatanggol ni Tyron."Joshua." Malamig na sabi ni Tyron nang sagutin niya ang tawag.Hindi niya ipinaalam kay Alexandra kung ano ang sinasabi ng lalaki sa kabilang linya, pero base sa bahagyang pagliit ng mga mata ni Tyron at sa naninigas na panga nito, hindi iyon maganda."Huwag mong gamitin ang pangalan ng pamilya ko sa pananakot." Mahinahon ngunit matalim ang boses niya. "Kung akala mong matatakot ako sa banta mo, Joshua, nagkakamali ka."Napakapit si Alexandra sa kanyang mga braso. "Tyron—"Itinaas niya ang kamay, pinatahimik siya."Masyado ka nang nasanay na nakukuha mo ang lahat ng gusto mo. Pamilya ko ang iniwan ko noon, kung kaya kong talikuran ang sarili kong dugo, ano sa tingin mo ang kaya kong gawin sa isang katulad mo?"Napasinghap si Alexandra.Muli niyang naramdaman ang bigat ng bawat salita ni Tyron. Para bang hindi lang ito laban para sa kanya, kundi isang bagay na may mas malalim pang ugat—isang sugat na hind
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-29
Baca selengkapnya

46

"Huwag mong ipakita sa akin ang batas bilang pananggalang mo, Alexandra. Dahil kung iyan ang sandata mo, ako ang kalaban mo. At alam mong hindi ka mananalo sa laban na ito."At sa pagkakataong iyon, hindi niya alam kung anong mas kinatatakutan niya—ang katotohanang maaaring tama si Tyron…O ang katotohanang hindi na niya alam kung paano ito lalabanan.Halos mag-apoy ang tingin ni Alexandra sa lalaki, pero sa kabila nito, ramdam niya ang malamig na pangungunyapit ng takot sa kanyang dibdib. Ang takot na hindi dahil sa banta ni Joshua, kundi dahil sa katotohanang hindi siya kayang pakawalan ni Tyron."Kung hindi mo ako hahayaang umalis, ano ang gusto mong gawin ko?" Mahina ang boses niya, pero may diin, may panggigigil.Ngumisi si Tyron, bahagyang umiling. "Ang trabaho mo, Alexandra."Nagtaas siya ng kilay. "Trabaho?""Oo. Wala akong balak mag-aksaya ng panahon sa drama mong ito. Bumalik ka na sa law firm. May fieldwork tayong gagawin ngayon.""Fieldwork? Tyron, hindi mo ba naiintindihan
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-29
Baca selengkapnya

47

Matalim ang titig ni Alexandra habang bumibigkas ng bawat salita, walang bahid ng panghihina. Sa harap niya, si Tyron ay nanatiling tahimik, pero sa likod ng malamig na ekspresyon nito, nakita niya ang bahagyang pag-igting ng panga nito—isang palatandaan na tinamaan siya ng sinabi niya.Mabilis na lumamig ang paligid sa pagitan nila, tila isang unos na papalapit."Oo, tinalikuran ko sila," sagot ni Tyron matapos ang ilang sandali. "Pero hindi ko kailanman tinalikuran ang sarili kong prinsipyo. Hindi ko inako ang isang pangalan kapalit ng kalayaan ko. Hindi ko hinayaang itali ang sarili ko sa isang pamilyang uhaw sa kapangyarihan at kontrol."Humakbang siya palapit, unti-unting pinapaliit ang espasyo sa pagitan nila. "Pero ikaw, Alexandra? Anong ginawa mo?"Nanikip ang lalamunan ni Alexandra. "Hindi ko ginusto ang lahat ng ito.""Pero tinanggap mo."Napasinghap siya. Hindi siya makasagot."At ngayon gusto mong tumakbo palayo dahil hindi mo kayang tanggapin ang katotohanan? Hindi mo kaya
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-29
Baca selengkapnya

48

Nagkatinginan ang magkakapatid bago sumagot si Regina. “Magandang malaman na may panibagong abogado, pero hindi ibig sabihin niyan ay pababayaan ko ang nararapat para sa akin.”Nagkibit-balikat si Tyron. “Hindi rin ibig sabihin niyan ay mapupunta sa iyo ang gusto mo. Ang batas ang magpapasya niyan.”--Sa loob ng mansyon, naupo ang lahat sa isang mahaba at antigong mesa sa conference room. May isang luma at naninilaw nang sobre na inilapag ni Daniel sa gitna.“Ito ang lumang sulat ni Papa. Hindi ito opisyal na testamento, pero dito niya isinulat kung paano niya gustong hatiin ang kanyang ari-arian,” paliwanag nito.Kinuha ni Tyron ang sobre at marahang binuksan ito. Binasa niya ang nilalaman, habang si Alexandra ay tahimik na nakikinig.Maya-maya, napangisi si Hector. “Walang silbi ‘yan. Hindi notarized, hindi legal. Hindi ito makakatayo sa korte.”“Tama siya,” dagdag ni Regina. “Kaya hindi ko maintindihan kung bakit pinag-aaksayahan natin ng oras ang sulat na ‘yan. Wala itong halaga.
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-30
Baca selengkapnya

49

“Ayon sa batas, ang pagiging panganay ay hindi sapat na batayan upang angkinin ang kabuuang mana. Wala sa probisyon ng Civil Code na ang panganay ay awtomatikong tagapagmana ng lahat.”Nang subukang sumingit ni Hector, tinaasan siya ni Tyron ng isang daliri—isang tahimik ngunit matalas na utos na huwag siyang putulin.“At ikaw naman, Regina,” dugtong ni Tyron, “hindi basehan ang kasarian upang hindi mabigyan ng nararapat na bahagi sa mana. The law does not discriminate.”Tumingin siya kay Daniel, na tahimik pa rin. “At ikaw, Daniel… ang pagiging ‘anak sa labas’ ay hindi nangangahulugan na wala kang karapatan. Ayon sa Article 992 ng Civil Code, hindi ka maaaring ituring na tagapagmana ng mga lehitimong anak ni Don Emilio, ngunit may ibang probisyon sa batas na maaaring ikonsidera upang makuha mo ang nararapat na bahagi mo.”Bumaling ulit siya kay Hector, na ngayon ay namumula sa inis. “Kaya Hector, kung ang batayan mo sa pag-aangkin ng lahat ay pagiging panganay at pagiging ‘sanay sa
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-30
Baca selengkapnya

50

Nagbuntong-hininga ang matanda. “Masama ang pakiramdam ko noong gabing iyon. Hindi ko dapat ikinakalat ‘to, pero sa palagay ko, kailangang may makaalam.” Luminga-linga muna ito bago tinuloy. “Hindi maganda ang pagtrato ni Sir Hector sa ama niya.”Napakunot-noo si Alexandra. “Ano pong ibig niyong sabihin?”Humigpit ang hawak ni Mang Isko sa flashlight na hawak niya. “Nakita ko silang nag-aaway sa opisina ni Sir Hector. Hindi ko narinig lahat, pero galit na galit si Don Emilio. May binabanggit siyang ‘hindi niya papayagang sirain ni Hector ang lahat ng pinaghirapan niya.’”Tumigil ang matanda sandali, waring inaalala ang sumunod na nangyari. “At si Hector? Sinigawan ang ama niya. Hindi niya raw kailangang makinig sa matandang ‘halos wala nang silbi.’ Napaka-sama ng mga sinabi niya, mga sir, ma’am. Hindi ko akalaing may anak na kayang sabihin ‘yon sa sariling ama.”Nanlamig si Alexandra sa narinig. Maging si Tyron ay hindi nagsalita kaagad. Sa tagal nilang nakilala si Hector sa legal na
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-30
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
34567
...
12
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status