"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" malamig nitong tanong. Ang tono ng kanyang boses ay hindi mataas, pero ramdam ni Alexandra ang pwersang dala nito. "Is this a proper way to resign? Hindi mo ba alam na pwede kitang kasuhan dahil dito?"Hindi agad siya nakapagsalita. Nakadikit ang likod niya sa pinto, parang naipit siya sa presensya ng lalaki. Ang init ng katawan ni Tyron kahit hindi ito lumalapit nang tuluyan, at kahit hindi siya tinatapunan ng matalim na tingin ay ramdam niya ang bigat ng kanyang presensya."Tyron, I—""Akala mo ba basta mo na lang ako matatakasan?" putol nito, at mas lumalim ang titig nito sa kanya.Hindi niya alam kung bakit, pero parang lumubog ang kanyang tiyan sa kaba. Hindi siya sanay na nakikitang ganito si Tyron—oo, alam niyang may kakayahan itong magalit, pero ngayon lang niya ito nakita nang ganito ka-intense."Hindi ba dapat masaya ka?" tuloy niya, pilit na binabalik ang kanyang kumpiyansa. "Hindi mo na kailangang madamay sa gulong ito. Hindi mo na kailan
Dahil sa totoo lang… gusto niyang marinig kung paano siya ipagtatanggol ni Tyron."Joshua." Malamig na sabi ni Tyron nang sagutin niya ang tawag.Hindi niya ipinaalam kay Alexandra kung ano ang sinasabi ng lalaki sa kabilang linya, pero base sa bahagyang pagliit ng mga mata ni Tyron at sa naninigas na panga nito, hindi iyon maganda."Huwag mong gamitin ang pangalan ng pamilya ko sa pananakot." Mahinahon ngunit matalim ang boses niya. "Kung akala mong matatakot ako sa banta mo, Joshua, nagkakamali ka."Napakapit si Alexandra sa kanyang mga braso. "Tyron—"Itinaas niya ang kamay, pinatahimik siya."Masyado ka nang nasanay na nakukuha mo ang lahat ng gusto mo. Pamilya ko ang iniwan ko noon, kung kaya kong talikuran ang sarili kong dugo, ano sa tingin mo ang kaya kong gawin sa isang katulad mo?"Napasinghap si Alexandra.Muli niyang naramdaman ang bigat ng bawat salita ni Tyron. Para bang hindi lang ito laban para sa kanya, kundi isang bagay na may mas malalim pang ugat—isang sugat na hind
"Huwag mong ipakita sa akin ang batas bilang pananggalang mo, Alexandra. Dahil kung iyan ang sandata mo, ako ang kalaban mo. At alam mong hindi ka mananalo sa laban na ito."At sa pagkakataong iyon, hindi niya alam kung anong mas kinatatakutan niya—ang katotohanang maaaring tama si Tyron…O ang katotohanang hindi na niya alam kung paano ito lalabanan.Halos mag-apoy ang tingin ni Alexandra sa lalaki, pero sa kabila nito, ramdam niya ang malamig na pangungunyapit ng takot sa kanyang dibdib. Ang takot na hindi dahil sa banta ni Joshua, kundi dahil sa katotohanang hindi siya kayang pakawalan ni Tyron."Kung hindi mo ako hahayaang umalis, ano ang gusto mong gawin ko?" Mahina ang boses niya, pero may diin, may panggigigil.Ngumisi si Tyron, bahagyang umiling. "Ang trabaho mo, Alexandra."Nagtaas siya ng kilay. "Trabaho?""Oo. Wala akong balak mag-aksaya ng panahon sa drama mong ito. Bumalik ka na sa law firm. May fieldwork tayong gagawin ngayon.""Fieldwork? Tyron, hindi mo ba naiintindihan
Matalim ang titig ni Alexandra habang bumibigkas ng bawat salita, walang bahid ng panghihina. Sa harap niya, si Tyron ay nanatiling tahimik, pero sa likod ng malamig na ekspresyon nito, nakita niya ang bahagyang pag-igting ng panga nito—isang palatandaan na tinamaan siya ng sinabi niya.Mabilis na lumamig ang paligid sa pagitan nila, tila isang unos na papalapit."Oo, tinalikuran ko sila," sagot ni Tyron matapos ang ilang sandali. "Pero hindi ko kailanman tinalikuran ang sarili kong prinsipyo. Hindi ko inako ang isang pangalan kapalit ng kalayaan ko. Hindi ko hinayaang itali ang sarili ko sa isang pamilyang uhaw sa kapangyarihan at kontrol."Humakbang siya palapit, unti-unting pinapaliit ang espasyo sa pagitan nila. "Pero ikaw, Alexandra? Anong ginawa mo?"Nanikip ang lalamunan ni Alexandra. "Hindi ko ginusto ang lahat ng ito.""Pero tinanggap mo."Napasinghap siya. Hindi siya makasagot."At ngayon gusto mong tumakbo palayo dahil hindi mo kayang tanggapin ang katotohanan? Hindi mo kaya
Nagkatinginan ang magkakapatid bago sumagot si Regina. “Magandang malaman na may panibagong abogado, pero hindi ibig sabihin niyan ay pababayaan ko ang nararapat para sa akin.”Nagkibit-balikat si Tyron. “Hindi rin ibig sabihin niyan ay mapupunta sa iyo ang gusto mo. Ang batas ang magpapasya niyan.”--Sa loob ng mansyon, naupo ang lahat sa isang mahaba at antigong mesa sa conference room. May isang luma at naninilaw nang sobre na inilapag ni Daniel sa gitna.“Ito ang lumang sulat ni Papa. Hindi ito opisyal na testamento, pero dito niya isinulat kung paano niya gustong hatiin ang kanyang ari-arian,” paliwanag nito.Kinuha ni Tyron ang sobre at marahang binuksan ito. Binasa niya ang nilalaman, habang si Alexandra ay tahimik na nakikinig.Maya-maya, napangisi si Hector. “Walang silbi ‘yan. Hindi notarized, hindi legal. Hindi ito makakatayo sa korte.”“Tama siya,” dagdag ni Regina. “Kaya hindi ko maintindihan kung bakit pinag-aaksayahan natin ng oras ang sulat na ‘yan. Wala itong halaga.
“Ayon sa batas, ang pagiging panganay ay hindi sapat na batayan upang angkinin ang kabuuang mana. Wala sa probisyon ng Civil Code na ang panganay ay awtomatikong tagapagmana ng lahat.”Nang subukang sumingit ni Hector, tinaasan siya ni Tyron ng isang daliri—isang tahimik ngunit matalas na utos na huwag siyang putulin.“At ikaw naman, Regina,” dugtong ni Tyron, “hindi basehan ang kasarian upang hindi mabigyan ng nararapat na bahagi sa mana. The law does not discriminate.”Tumingin siya kay Daniel, na tahimik pa rin. “At ikaw, Daniel… ang pagiging ‘anak sa labas’ ay hindi nangangahulugan na wala kang karapatan. Ayon sa Article 992 ng Civil Code, hindi ka maaaring ituring na tagapagmana ng mga lehitimong anak ni Don Emilio, ngunit may ibang probisyon sa batas na maaaring ikonsidera upang makuha mo ang nararapat na bahagi mo.”Bumaling ulit siya kay Hector, na ngayon ay namumula sa inis. “Kaya Hector, kung ang batayan mo sa pag-aangkin ng lahat ay pagiging panganay at pagiging ‘sanay sa
Nagbuntong-hininga ang matanda. “Masama ang pakiramdam ko noong gabing iyon. Hindi ko dapat ikinakalat ‘to, pero sa palagay ko, kailangang may makaalam.” Luminga-linga muna ito bago tinuloy. “Hindi maganda ang pagtrato ni Sir Hector sa ama niya.”Napakunot-noo si Alexandra. “Ano pong ibig niyong sabihin?”Humigpit ang hawak ni Mang Isko sa flashlight na hawak niya. “Nakita ko silang nag-aaway sa opisina ni Sir Hector. Hindi ko narinig lahat, pero galit na galit si Don Emilio. May binabanggit siyang ‘hindi niya papayagang sirain ni Hector ang lahat ng pinaghirapan niya.’”Tumigil ang matanda sandali, waring inaalala ang sumunod na nangyari. “At si Hector? Sinigawan ang ama niya. Hindi niya raw kailangang makinig sa matandang ‘halos wala nang silbi.’ Napaka-sama ng mga sinabi niya, mga sir, ma’am. Hindi ko akalaing may anak na kayang sabihin ‘yon sa sariling ama.”Nanlamig si Alexandra sa narinig. Maging si Tyron ay hindi nagsalita kaagad. Sa tagal nilang nakilala si Hector sa legal na
Natigilan si Mang Isko. Nanginginig nitong hinaplos ang kanyang braso. Matapos ang ilang saglit, dahan-dahan siyang tumango. “Kung kailangan, magsasalita ako.”Sa sagot niyang iyon, alam nina Tyron at Alexandra na nagsisimula nang mabuo ang kaso nila laban kay Hector.Chineck ni Alexandra ang kaniyang note list. Kailangan nilang asikasuhin ang iba pang anak ni Don Emiliio. Matapos makuha ang testimonya ni Mang Isko, alam nina Tyron at Alexandra na hindi pa sapat ang impormasyon nila. Kung may isa pang posibleng may motibo bukod kay Hector, dapat nilang alamin ito.Kaya naman, sunod nilang pinuntahan si Regina, ang pangalawang anak ni Don Emilio.Nakarating sila sa isang lumang townhouse sa gilid ng syudad—ang tirahan ni Regina. Hindi ito ang inaasahan nilang tahanan ng isang mayaman. Mukhang pinabayaan ang lugar, halatang hindi naayos o nalinis nang matagal na panahon.Habang bumababa ng kotse, napatingin si Alexandra kay Tyron. “Sigurado ka bang nandito siya?”“Ito ang address na na
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" malamig nitong tanong. Ang tono ng kanyang boses ay hindi mataas, pero ramdam ni Alexandra ang pwersang dala nito. "Is this a proper way to resign? Hindi mo ba alam na pwede kitang kasuhan dahil dito?"Hindi agad siya nakapagsalita. Nakadikit ang likod niya sa pinto, parang naipit siya sa presensya ng lalaki. Ang init ng katawan ni Tyron kahit hindi ito lumalapit nang tuluyan, at kahit hindi siya tinatapunan ng matalim na tingin ay ramdam niya ang bigat ng kanyang presensya."Tyron, I—""Akala mo ba basta mo na lang ako matatakasan?" putol nito, at mas lumalim ang titig nito sa kanya.Hindi niya alam kung bakit, pero parang lumubog ang kanyang tiyan sa kaba. Hindi siya sanay na nakikitang ganito si Tyron—oo, alam niyang may kakayahan itong magalit, pero ngayon lang niya ito nakita nang ganito ka-intense."Hindi ba dapat masaya ka?" tuloy niya, pilit na binabalik ang kanyang kumpiyansa. "Hindi mo na kailangang madamay sa gulong ito. Hindi mo na kaila
Ang marahang tugtog ng café ambient music lang ang bumabalot sa hangin habang naghihintay si Attorney Tyron Mendez, may bahagyang lamig na ang kanyang black coffee. Katabi niya si Alexandra—ang kanyang masinop at matalas na assistant. Habang tumitingin siya sa tablet para sa updates, paminsan-minsan ay sumusulyap ito sa pintuan.“Late na siya,” mahina niyang sabi habang isinara ang tablet.“Dalawang minuto lang,” sagot ni Tyron, sabay tingin sa kanyang relo. “Maaga pa 'yan sa standards ng mga abogado.”Saktong pagkalipas ng ilang segundo, pumasok ang isang lalaking nasa mid-sixties, naka-tailored charcoal suit at may dignidad sa bawat kilos. Kita sa kanyang graying hair at maingat na lakad ang dekada ng karanasan sa legal na serbisyo—at marahil, bigat ng mga kaganapan sa Salcedo family.Diretso itong lumapit sa kanilang table.“Atty. Tyron Mendez?”“Yes,” tumayo si Tyron at iniabot ang kamay—propesyonal at matatag. “Kayo po si Atty. Saavedra?”“Ako nga. Family attorney ng Salcedos,” s
"Kung gusto niyong linisin ang pangalan ninyo, ito lang ang paraan," patuloy ni Tyron. "Huwag kayong matakot kung wala kayong kasalanan.""Hindi na kailangang buksan ang katawan ni Papa," malamig na sagot ni Daniel. "Mas pipiliin kong mawalan ng mana kaysa sirain ang alaala niya.""Ako rin," mabilis na dugtong ni Regina."Ganoon din ako," sabat ni Hector, pero sa kanyang boses ay may bahagyang panginginig.Tahimik na tinapunan ni Alexandra ng tingin si Tyron. Alam nilang dalawa—may tinatago ang magkakapatid. Pero ano?Tahimik ang opisina, tanging tunog ng aircon at mahihinang kaluskos ang naririnig. Nakatingin si Tyron sa magkakapatid, sinusuri ang bawat reaksyon nila—si Daniel na tila kalmado pero may bahid ng pag-aalala sa mga mata, si Hector na halatang iritado, at si Regina na abala sa pag-check ng kanyang cellphone pero hindi naitago ang kunot sa kanyang noo.Mabigat ang hangin nang basagin ni Tyron ang katahimikan.“Ayaw ninyong maghain ng reklamo? Naiintindihan ko. Pero nais ko
Mabigat ang atmospera sa loob ng interrogation room ng presinto nang muling harapin ni Regina ang dalawang abogado. Nandoon si Tyron, tahimik pero matalim ang mga mata. Katabi niya si Alexandra, hawak ang folder na laman ay ang updated autopsy report ni Emilio Salcedo.Tahimik silang tatlo. Tanging tunog ng wall clock ang maririnig—tila baga tinataktan ang bilis ng katotohanan na malapit nang sumabog.Ibinuka ni Tyron ang bibig. "May resulta na ang autopsy report ni Mr. Emilio Salcedo."Napatingin si Regina, pero agad din niyang iniwas ang tingin. Tila ba ayaw marinig ang susunod na sasabihin."Regina, hindi namatay sa atake sa puso ang ama mo."Kumunot ang noo ng babae, halatang nagulat. “Ano’ng ibig mong sabihin?”“May multiple blunt force trauma sa katawan ng biktima,” paliwanag ni Alexandra, habang binubuklat ang medical photos. “May punit sa baga, fractured ribs, at internal bleeding. Base sa forensic report, ilang araw siyang nahirapan sa paghinga bago tuluyang binawian ng buhay
Tahimik na nakaupo sa hallway sina Alexandra at Tyron, ang katahimikan ay tila bumabalot sa buong paligid habang pinapanood nila ang pagtakbo ng orasan sa dingding. Ang bawat segundo ay parang taon habang hinihintay nila ang pagbabalik ng prosecutor.Walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Si Alexandra, naka-kuyom ang kamay, habang si Tyron naman ay halos hindi mapakali sa upuan. Ilang sandali pa, bumukas ang pintuan ng interrogation room. Tumigil ang mundo nila sa pagbukas ng pintong iyon.Lumabas si Fiscal Ramon Diaz, ang city prosecutor, at may seryosong ekspresyon sa mukha. Hindi ito nagpakita ng kahit anong emosyon habang dahan-dahang lumapit sa kanila."Fiscal?" agad na tanong ni Tyron, tila hindi makahinga sa kaba.Tumingin si Fiscal Diaz sa kanilang dalawa, bago huminga ng malalim. "Umamin na si Regina."Napakunot-noo si Alexandra. "Ano pong ibig ninyong sabihin? Inamin niyang siya ang may kasalanan?"Tumango si Diaz, ngunit may halong pagdadalawang-isip ang kanyang tono. “Oo…
“Bakit mo kami pinatawag, Mr. Daniel Salcedo?” tanong ni Tyron pagkapasok niya sa interrogation room.Huminga nang malalim si Daniel. Halatang nanginginig ang mga kamay niya habang nakatingin kina Alexandra at Tyron. “Honestly, akala ko hindi ito magiging problema—o magkakaroon ng malaking epekto sa investigation. Pero kung maghahalungkat kayo, sa huli, malalaman niyo rin ang totoo.”Nagkatinginan sina Tyron at Alexandra.“What do you mean?” tanong ni Tyron.“It’s been weeks—almost two, actually—since pumunta ako sa bahay ni Papa,” sagot ni Daniel. Muli siyang huminga nang malalim, bakas sa boses niya ang pag-aalinlangan. “Pumunta ako roon para kausapin siya tungkol sa pagka-freeze ng account ni Kuya Hector. Galit na galit siya sa akin dahil iniisip niyang ako ang dahilan nun.”“Anong kinalaman mo?” tanong ni Tyron, seryoso ang tono.“Akala kasi ni Kuya, ako ang nagsumbong sa mga kalokohang ginagawa niya. Sinabihan ko siya na mas mabuting siya na ang magsabi kay Dad, kasi kung hindi…
Bawat salitang binibitawan niya ay parang mga bala ng yelo na direktang tumatama sa puso ko.Hindi ko na napigilan ang panginginig ng buong katawan ko sa sobrang galit. Sobra na na ang emosyon kong nararamdaman, at napadiin ang pagkakakuyom ko ng mga palad. Ramdam ko ang pagbaon ng mga kuko ko sa balat ko—may lumabas nang dugo, pero wala akong naramdamang sakit. Wala. Wala kundi galit.Ang pagputol ng kasunduan sa kasal? Desisyon ’yon ng pamilya Sanmiego Anong kinalaman ko doon?At bakit parang ako pa ang sinisisi nila? Hindi naman ako gano’n kaimportante para mapabago ang desisyon ng isang pamilya gaya ng sa kanila.Tinitigan ko nang diretso ang mga mata ng ama ko, at walang pag-aalinlangang sinabi,“Ako ang magpapagamot sa kapatid ko. Anong magagawa mo bukod sa mag-file ng protection order? Kung sisirain mo ang gamutan ng kapatid ko, hinding-hindi kita patatahimikin. Subukan mo lang kung hindi ka maniwala sa kaya kong gawin.”Bigla siyang umusad palapit, galit na galit, parang gusto
Kinabukasan, maagang umalis ng hotel si Tyron at Alexandra. Laking pasalamat na lang ni Alexandra dahil nakatulog sila ng maayos at sabay na nagising ng alarm clock. Ang pakiramdam niya, parang mas magaan ang katawan niya, at hindi na siya pagod mula sa maghapon at magdamag na trabaho."Nakatulog ka ba?" tanong ni Tyron habang nakatutok pa rin ang mata sa kalsada, mabilis na nagmamaneho."Oo naman," sagot ni Alexandra, habang iniisip kung gaano kasaya siya na nakatulog ng mahimbing sa kabila ng kanilang hindi inaasahang sitwasyon kagabi. "Ikaw ba? Kamusta ang tulog mo?""Mas maayos. Magaan ang pakiramdam ko ngayon," sagot ni Tyron na may kaunting ngiti sa kanyang labi, at parang may biglaang pag-aalwan sa kanyang tono.“May insomnia ka ba?” tanong ni Alexandra habang tinitingnan si Tyron mula sa gilid ng kanyang mata, nagtatanong na may bahid ng pagkabahala."Hindi ko alam. Siguro ay kailangan ko lang ng kasama," sagot ni Tyron, at parang may konting kabuntot ng pagiging malungkot sa
“Sige na nga! Umuwi na lang tayo. May trabaho pa tayo sa Maynila bukas ng umaga,” biglang sabi ni Tyron, na parang ang bilis niyang nagbago ng isip.Napataas ang kilay ni Alexandra. Ano na naman ‘to? Kanina lang parang ipagpipilitan nito ang pag-check-in, ngayon naman biglang atras?“Akala ko ba pagod ka?” tanong niya, hindi mapigilang kulitin ito. “Ayos lang naman sa akin ang mag-check-in. Bukas na lang tayo umuwi sa umaga. Ang mahalaga, makapagpahinga tayo,” dagdag pa niya, tinatantiya kung ano talaga ang nasa isip ni Tyron.Kung tutuusin, hindi naman niya intensyon na bigyan ito ng dahilan para manatili. Iniisip lang niya ang kaligtasan nilang dalawa. Marunong siyang mag-drive—at hindi lang basta marunong, kundi sanay siya. Kung wala lang si Tyron sa tabi niya, baka nasa 120 kph na siya sa highway, pero hindi niya iyon ipapakita rito. Ayaw niyang bigyan ito ng dahilan para isipin na reckless driver siya—o mas malala, ayaw niyang mas lalong humanga ito sa kanya.“Hindi na. Kaya ko n