Semua Bab Stolen Nights with My Husband’s Zillionaire Uncle: Bab 21 - Bab 30

112 Bab

21

Matapos ang mahaba-habang diskusyon, tumayo ang babae at maingat na isinara ang bag niyang puno ng dokumento. Kita sa mukha niya ang bahagyang pag-asa, pero mas nangingibabaw ang pagod."Thank you, Attorney," mahina niyang sabi.Tyron tumango. "We’ll be in touch. We’ll start gathering the necessary evidence and building the case. Stay available in case we need more details."Tumango ang babae bago lumabas ng opisina. Naiwan sina Alexandra at Tyron, ang katahimikan sa silid ay tila may bigat.Napatingin si Tyron kay Alexandra, na nakahalukipkip habang nakatingin sa papeles sa mesa. “I need your help on this case.”Napataas ng kilay si Alexandra. “Me?”“Yes, you, assistant Kita.” Tinapik ni Tyron ang folder ng kaso. “You’re sharp, and you have an eye for details. We need solid evidence para ma-strengthen ang kaso ng client. Review her documents, highlight anything we can use, and coordinate with our investigator.”Hindi agad nakasagot si Alexandra. Hindi niya inasahan na agad siyang hah
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-20
Baca selengkapnya

22

Pagkapasok nila sa hotel room, mabilis na inilapag ni Alexandra ang bag sa maliit na table sa tabi ng kama. Mula sa bintana, tanaw niya ang malawak na beach, ang mga alon na marahang humahampas sa pampang, at ang mga turistang abala sa kani-kanilang gawain. Pero hindi sila nandoon para magbakasyon."We need a plan," sabi ni Tyron habang inilalabas ang laptop mula sa kaniyang bag. "Kung gusto nating makakuha ng solid evidence, hindi tayo pwedeng basta maghintay lang."Naupo si Alexandra sa gilid ng kama at tumango. "Ang sabi ng concierge, madalas silang nasa beach bar around sunset. Pwede nating i-monitor kung may makukuha tayong photos."Tumingin si Tyron sa kaniya, tila nag-iisip. "Kung nag-check-in sila ng dalawang araw, ibig sabihin, hindi lang simpleng tagpuan ito. Malamang, may mas matibay pa tayong ebidensyang makukuha."Nagsimula silang pagplanuhan ang susunod na hakbang. Inisa-isa nila ang posibleng kilos ng target—kung anong oras ito lumalabas, saan madalas magpunta, at kung
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-21
Baca selengkapnya

23

Pagkapasok nila sa loob ng club, sinalubong sila ng malakas na tugtog at makulay na ilaw na naglalaro sa kisame. Siksikan ang mga tao—may sumasayaw sa dance floor, may nakaupo sa bar, at may ilan ding magkakagrupong abala sa pag-uusap at pag-inom.Tyron scanned the crowd, his brows slightly furrowing. “Ang daming tao. Hindi ko makita ‘yung target.”“Same,” sagot ni Alexandra, inaangat ng bahagya ang katawan para masilip ang paligid. Pero kahit anong gawing pagtitig sa bawat sulok, wala silang makita.Maya-maya, lumakad si Alexandra papunta sa bar counter at umorder ng isang inumin.Mabilis siyang sinundan ni Tyron at marahang hinawakan ang pulso nito. “Anong ginagawa mo?”Nagtaas ng kilay si Alexandra. “Umiinom?”“Huwag na.”Napangisi ang dalaga. “Bakit? Hindi naman ako malalasing sa isang baso lang.”“Hindi ‘yun ang point,” seryosong sagot ni Tyron, mas nilapit ang mukha sa kanya upang marinig sa ingay ng musika. “Hindi mo alam kung safe ‘yang iniinom mo.”Pumikit sandali si Alexandr
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-21
Baca selengkapnya

24

Pagkalabas nila sa bar, nanatili ang tensyon sa pagitan nila. Tahimik lang si Alexandra habang naglalakad si Tyron nang mabilis, halatang hindi pa rin kumakalma ang galit nito. Hindi niya masyadong kilala si Tyron, at hindi niya rin alam kung paano ito iko-comfort. Kaya naman hinayaan niya muna ito, naglalakad sa tabi niya nang walang imik.Hanggang sa marating nila ang dalampasigan.Ramdam nila ang malamig na simoy ng hangin, ang banayad na hampas ng alon sa dalampasigan, ngunit nananatili pa rin ang bigat ng tensyon sa paligid ni Tyron.Dahan-dahang naupo si Alexandra sa buhanginan. Hinagod niya ang kanyang palad sa malamig na buhangin bago tumingin kay Tyron, na nakatayo pa rin, nakatitig sa malayo."Halika! Maupo ka dito sa tabi ko," aniya, gamit ang mahinahon ngunit bahagyang pabirong tono.Hindi siya pinansin ni Tyron.Napairap si Alexandra bago huminga nang malalim. "Atty. Tyron, wala kang choice. Kung hindi mo ako susundin, hihilahin kita para maupo."Lumingon ito sa kanya, mu
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-21
Baca selengkapnya

25

Madaling araw pa lang, hindi pa sumisikat ang araw, nang biglang nag-ring ang cellphone ni Alexandra. Napabalikwas siya ng bangon, mabilis na kinuha ang phone na nakapatong sa bedside table.Unknown number.Nag-aalangan siyang sagutin, pero may kung anong kaba ang bumalot sa dibdib niya. Para bang isang masamang balita ang naghihintay sa kabilang linya. Sa isang malalim na hinga, pinindot niya ang sagot."Hello?""Ma'am Alexandra Mandia?" Isang pormal ngunit nagmamadaling boses ng babae ang bumungad.Nanigas si Alexandra. Ilang taon na ang lumipas mula nang huling marinig niya ang apelyidong iyon na ikinakabit sa pangalan niya."Sino ‘to?" tanong niya, nanginginig ang tinig."Nurse po ako mula sa St. Luke’s Medical Center. Pasensya na po sa abala, pero kayo po ang nakalagay bilang emergency contact ni Sir Joshua Mandia. Kayo rin po ang nakalagay bilang asawa niya sa records. Kailangan niyo pong pumunta rito sa ospital sa lalong madaling panahon."Halos mabitawan ni Alexandra ang cellph
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-22
Baca selengkapnya

26

"File a case against me?" Muling tumawa si Joshua, may halong pangungutya ang boses nito. "Oh well, hindi ba dapat ako ang magkaso sa isang abogado at isang maybahay na may relasyon?"Parang isang kutsilyong bumaon sa hangin ang kanyang mga salita. Alam niyang sinusubukan niyang iguhit ang maling larawan, pero sa pagkakataong ito, hindi na si Alexandra ang dating babae na matatakot sa mga bintang niya.Napangisi si Alexandra, pero hindi iyon ngiti ng saya—kundi ng matinding pagkasuklam."Porket gawain mo, iniisip mong ginagawa ko rin? Kapal naman ng mukha mo, Joshua," sagot niya, matalim ang boses, walang bakas ng takot o pangamba.Tumayo si Tyron, hindi man lang natinag sa mga akusasyon ni Joshua. Matamang tiningnan niya ito nang direkta sa mga mata, walang halong emosyon."Let's go, Alexandra," malamig na sabi niya. "May trabaho ka pa mamaya."Muling tumingin si Alexandra kay Joshua, ngunit sa pagkakataong ito, wala nang sakit, wala nang panghihinayang—wala nang kahit anong emosyon.
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-23
Baca selengkapnya

27

Alas-sais pa lang ng umaga, pero gising na si Alexandra. Halos wala siyang tulog matapos ang nangyari sa ospital. Mula sa panloloko ni Joshua hanggang sa halos mawalan ng kontrol si Tyron, ramdam niya ang bigat ng lahat. Ngunit sa gitna ng kaguluhan, isang bagay ang tumatak sa isip niya—hindi niya dapat nadamay si Tyron sa personal niyang problema.Habang nag-aayos ng sarili, dinampot niya ang telepono at tinawagan ito."Sir Tyron, good morning. Pasensya ka na sa nangyari kahapon."Saglit na katahimikan ang sumunod bago sumagot si Tyron. "Wala ‘yon, Alexandra. Alam mo namang hindi ko matiis ‘yung ugali ng lalaking ‘yon.""Alam ko… pero hindi dapat ikaw ang nadamay sa gulo ko. Naging emosyonal ako, at nagkulang ako sa professionalism. I’m sorry. Hindi dapat kita dinamay—""Alexandra," putol ni Tyron sa kanya, malamig ngunit may halong pag-aalala ang tono. "Huwag mong akuin lahat. Ikaw ang sinaktan, ikaw ang pinagmumukhang masama. Wala kang kasalanan."Napabuntong-hininga siya. May punt
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-23
Baca selengkapnya

28

Maagang nagkita sina Alexandra at Tyron sa opisina upang pag-usapan ang susunod na hakbang sa kaso ni Mrs. Castro. Alam nilang hindi magiging madali ang kanilang imbestigasyon, ngunit pareho silang determinado na makahanap ng matibay na ebidensya laban sa asawa nito."Sigurado ka bang mapagkakatiwalaan ‘yung private investigator mo?" tanong ni Alexandra habang nakaupo sa harap ng desk ni Tyron."Oo naman," sagot ni Tyron habang ini-scroll ang kanyang phone. "Matagal ko na siyang nakatrabaho, at bihasa siya sa ganitong mga kaso. Maya-maya lang ay darating na siya dito para ibigay ang initial findings niya."Hindi nagtagal, may kumatok sa pintuan. Agad itong binuksan ni Tyron, at pumasok ang isang lalaking nasa mid-thirties, nakasuot ng simpleng polo shirt at jeans. Matikas ang tindig nito at may dala itong isang folder."Good morning," bati ng lalaki. "Ako si Arvin Dela Torre, private investigator. Narito ang unang set ng impormasyon na nakuha ko tungkol sa asawa ni Mrs. Castro."Agad
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-24
Baca selengkapnya

29

Kinahapunan, muling pinatawag nina Tyron at Alexandra si Mrs. Castro upang ipaalam ang mga nakalap nilang ebidensya laban sa kanyang asawa.Pagpasok ni Mrs. Castro sa opisina, kapansin-pansin ang kaba sa kanyang mukha. Umupo siya sa tapat nina Tyron at Alexandra, saka naghintay ng paliwanag."Mrs. Castro, sa loob ng ilang araw na pagsisiyasat namin, nakakuha kami ng sapat na ebidensya upang patunayan ang infidelity ng iyong asawa," panimula ni Tyron habang inilalapag sa mesa ang mga dokumentong kanilang nakalap.Kinuha ni Alexandra ang ilan sa mga papeles at ipinakita kay Mrs. Castro. "Mayroon kaming mga larawan at testimonya mula sa mga taong malalapit sa asawa mo. May mga transaksyon din kaming nakuha na nagpapakita ng financial support na ibinibigay niya sa ibang babae, pati na rin ang medical records na nagpapatunay na buntis ito."Napabuntong-hininga si Mrs. Castro habang tinitingnan ang mga ebidensya. "Ibig sabihin ba nito… may laban na ako sa annulment?"Tumango si Tyron. "Oo.
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-24
Baca selengkapnya

30

Habang nakaupo sa loob ng maliit na convenience store, nakasandal si Alexandra sa upuan habang ini-enjoy ang kanyang simpleng pagkain—isang cup noodles at toasted bread. Walang alinlangang sinawsaw niya ang tinapay sa maalat na sabaw ng noodles bago isubo.Biglang narinig niya ang isang pamilyar na tinig mula sa kanyang likuran."Huwag mo sabihing naubusan ka ng pera kaya tanging cup noodles at matigas na tinapay ang kinakain mo?"Napangiwi siya at agad na lumingon. Nakita niya si Tyron, nakatayo sa tabi ng mesa niya, nakataas ang isang kilay na parang iniinspeksyon siya mula ulo hanggang paa."Anong ginagawa mo dito? Hindi ba may pupuntahan ka?" sagot niya, ipinagpatuloy ang pagkain."Kailan pa naging sagot sa tanong ang isa pang tanong?" naupo si Tyron sa tapat niya at nagkibit-balikat. "Pwede bang patikim niyan? Hindi ba weird? Matamis ang toasted bread na 'yan, tapos maalat ang cup noodles."Ngumiti si Alexandra. "Hindi ba perfect combination?"Bahagyang umangat ang labi ni Tyron,
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-24
Baca selengkapnya
Sebelumnya
123456
...
12
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status