Semua Bab Stolen Nights with My Husband’s Zillionaire Uncle: Bab 31 - Bab 40

112 Bab

31

Pagdating nila sa condo, agad na nagpalit ng kasuotan si Alexandra. Mula sa mahigpit na corporate attire, isinuot niya ang isang fitted na black dress na nagpapakita ng kanyang confidence at ganda. Samantalang si Bea naman ay naka-red satin top at leather skirt, ready na ready para sa isang gabi ng kasiyahan."Dapat lang, Alex. Hindi tayo pwedeng mukhang pupunta sa hearing habang nagbabar!" natatawang sabi ni Bea habang tinitingnan ang kanilang mga sarili sa salamin."Tara na nga bago ko pa maisipang magbago ng isip," sagot ni Alexandra bago hinila si Bea palabas.Pagdating nila sa bar, sinalubong sila ng iba’t ibang amoy—halo ng mamahaling pabango, alak, at usok ng sigarilyo. Ang malalakas na tunog ng musika ay dumadagundong sa loob, ang mga ilaw ay kumikislap na parang hindi mauubusan ng enerhiya, at ang hiyawan ng masasayang tao ay sumasabay sa beat ng tugtugin.Biglang na-excite si Alexandra. Matagal-tagal na rin mula noong huli siyang nakapunta sa ganitong lugar.Dumiretso sila s
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-24
Baca selengkapnya

32

"Ano ba? Wala naman tayo sa trabaho, di ba? Bakit mo ako hinahatak palabas? Nagsasaya lang kami ng kaibigan ko!" reklamo ni Alexandra, pilit binabawi ang braso niyang hawak ni Tyron."Hindi ka pa hiwalay. Hindi ka single para basta na lang pumayag sumama sa iba! Nag-iisip ka ba?" malamig ngunit mariing sabi ni Tyron, mahigpit ang hawak sa kanya.Napatawa nang mapakla si Alexandra. "Sumama nga ako sa’yo, ‘di ba? Bakit sa iba hindi? Anong pinagkaiba niyo? Pareho lang naman kayong lalaki."Lumalim ang tingin ni Tyron. "Ano ba, Alexandra?! Kailangan bang ganiyan mo ako sagutin?""Oo. At bakit hindi?" Tinaas niya ang isang kilay. "Sa tingin ko, wala ka na sa lugar. Personal kong desisyon ang pagpunta sa bar, at wala na itong kinalaman sa trabaho ko sa’yo. Kaya bakit mo ako pinakikialaman?"Tumahimik si Tyron. Ilang segundo silang nagkatitigan—parehong hindi umaatras. Hanggang sa siya ang unang nagbaba ng tingin, saka bumuntong-hininga. "Pasensya na. Bumalik ka na sa loob."Napanganga si Al
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-25
Baca selengkapnya

33

Kinabukasan, isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Alexandra bago siya pumasok sa opisina. Hindi niya alam kung paano niya haharapin si Tyron matapos ang nangyari kagabi. Lasing man siya, hindi siya maaaring magpanggap na wala siyang maalala. Alam niya ang bawat segundo ng gabing iyon—ang paraan ng paghawak niya sa leeg ni Tyron, ang init ng halik nilang dalawa, at higit sa lahat, ang nananatiling katahimikan sa pagitan nila pagkatapos niyang bumaba ng sasakyan.Ano ba ‘tong ginawa ko?Nag-aalangan siya kung dapat ba siyang mag-apologize o dedmahin na lang ang nangyari. Pero sa huli, napagdesisyunan niyang huwag na lang magbitaw ng kahit anong salita. Wala siyang kasiguraduhan kung paano iyon tatanggapin ni Tyron, at mas gugustuhin na lang niyang kumilos na parang walang nangyari.Nagsimula ang araw nila nang hindi sila nag-uusap. Dumaan ang umaga na puro papeles at trabaho ang bumabalot sa opisina. Tambak ang binigay na gawain ni Tyron kay Alexandra, dahilan para mapais
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-25
Baca selengkapnya

34

"Bakit ikaw ang nagdedesisyon? Ipaalam niyo muna kay Mrs. Castro ang bagay na ito. Mauuna na ako—" tumigil siya at tiningnan ng matalim si Alexandra, "—and see you in court."Isang patuyang ngiti ang sumilay sa labi ng abogado ni Mr. Castro."Iyon ang desisyon ng kliyente ko. Kung gusto ninyong lumaban, kita-kits na lang sa korte." Sabi ni Alexandra na para bang siya ang abogado ng kliyente ni Tyron kahit assistant lang naman talaga siya nito.Nagtaas ng kilay ang abogado, saka iniabot ang kamay kay Tyron para makipagkamay. "Well then, good luck, Counselor."Tahimik lang si Tyron at hindi agad tinanggap ang kamay ng abogado. Alam niyang isang laro lang ito para sa kabilang panig, pero para kay Alexandra, hindi lang ito kaso—isang personal na labanan ito laban sa isang lalaking kagaya ni Mr. Castro.Nagmamadaling umalis si Alexandra, bitbit ang naglalagablab na damdamin. Hindi niya kayang tanggapin ang pangyayaring ito. Ang isang manloloko pa ang may lakas ng loob na magdikta kung paan
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-26
Baca selengkapnya

35

Makalipas ang dalawang araw, dumating na ang unang pagdinig ng annulment case nina Mr. at Mrs. Castro. Sa labas ng korte, ramdam ang bigat ng sitwasyon. Tahimik na nakatayo si Mrs. Castro sa gilid, halatang kinakabahan, habang abala sa pagbabasa ng mga dokumento ang kanyang abogado, si Tyron. Nasa tabi nila si Alexandra, hindi lang bilang assistant ni Tyron kundi bilang isang sumusuporta sa kanilang kliyente.Pagpasok sa courtroom, dumiretso sila sa plaintiffs' side. Sa kabilang panig, kalmado ngunit seryoso ang ekspresyon ni Mr. Castro habang katabi ang kanyang abogado. Halata ang kumpiyansa nito, ngunit hindi ito nakatakas sa matalim na tingin ni Alexandra.Nang magsimula ang pagdinig, tumayo si Tyron upang ipresenta ang kaso ni Mrs. Castro."Your Honor, ang aming kliyente ay dumaan sa matinding emosyonal at sikolohikal na pagdurusa dahil sa patuloy na pagtataksil at pagpapabaya ng kanyang asawa. Mayroon kaming matibay na ebidensya kabilang ang dokumentadong pruweba ng mga extramari
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-26
Baca selengkapnya

36

Pagkapasok nilang lahat sa loob ng korte, bumalik ang katahimikan sa paligid. Ang akala ng lahat ay babasahin na ang hatol, ngunit biglang tumayo ang abogado ni Mr. Castro—si Mrs. Salazar.“Your Honor, nais ko pong maghain ng apela,” mariing sabi ni Mrs. Salazar habang hawak ang ilang dokumento.Napatingin si Mrs. Castro sa abogado ng kanyang asawa, kita sa kanyang mukha ang pagkagulat at bahagyang inis. Hindi niya inaasahan ang biglaang aksyon na ito. Maging si Mr. Castro ay tila hindi rin handa sa gagawin ng kanyang sariling abogado.“Ano ang layunin ng inyong apela, Attorney Salazar?” tanong ng hukom, may bahid ng pagtataka sa kanyang tinig.“May bagong ebidensya po kaming nais ipresenta na nagpapakita ng tunay na dahilan kung bakit nais ni Mrs. Castro ang annulment.” Lumapit siya sa hukom at iniabot ang hawak niyang mga papeles. “Ang aking kliyente ay naniniwalang ang dahilan ng paghahain ng annulment ni Ginang Castro ay hindi dahil sa umano’y emotional abuse, kundi dahil may iban
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-26
Baca selengkapnya

37

Sa labas ng courtroom, nanatiling mabigat ang hangin. Bagamat tapos na ang pagdinig, dama pa rin ang tensyon sa pagitan ng dalawang kampo. Ang bawat isa ay tila may nais pang sabihin, ngunit pinipigilan lamang ng kanilang mga abogado.Habang naglalakad sina Tyron, Alexandra, at Mrs. Castro sa hallway, kita sa mukha ni Mrs. Castro ang lungkot at pagod. Hindi siya makapaniwala sa takbo ng mga pangyayari—lalo na sa biglaang pag-apela ng kabilang kampo gamit ang mga ebidensyang hindi niya inaasahang lalabas.“Hindi ko akalaing may ganito silang klaseng ebidensya…” mahina ngunit may bahid ng galit na sabi ni Mrs. Castro.Bumuntong-hininga si Tyron. “May paraan para tapatan ‘yan. Hindi tayo susuko, Mrs. Castro. Kailangan nating malaman kung paano nila nakuha ang impormasyong ‘yon at kung paano natin ito babaliin.”“Sa tingin ko, hindi aksidente ang pagkakaroon nila ng mga text messages at larawan,” sabad ni Alexandra. “May taong nagmamanman sa inyo, Ma’am. Kailangan nating alamin kung paano
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-26
Baca selengkapnya

38

Isang hapon, bago magsimula ang susunod na pagdinig sa korte, natuklasan ni Alexandra ang buong katotohanan. Hindi niya ito binalewala. Alam niyang may kailangang gawin. Kaya naman, agad niyang pinatawag si Mrs. Castro.Nang makita ito sa conference room, hindi napigilan ni Tyron ang kanyang galit. “Anong ibig sabihin nito, Alex? Bakit mo pinatawag si Mrs. Castro nang wala akong pahintulot?” Nakaakbay ang isang kamay niya sa baywang habang ang isa ay mariing nakahawak sa mesa. Halata ang pagkainis sa kanyang tinig.“Pasensya na,” sagot ni Alexandra, hindi natinag sa malamig na titig ni Tyron. “Bilang isang tao, hindi kinaya ng konsensya ko ang lahat ng ito—lalo na nang malaman ko ang buong katotohanan.”Dahan-dahang lumingon si Alexandra kay Mrs. Castro. Kitang-kita niya ang taranta sa mukha nito—ang nanginginig nitong mga kamay, ang mabilis na paghinga. Alam niyang hindi na ito makakatakas pa.Inilabas niya ang mga ebidensyang nakuha niya. “Kung nais mong ipagtanggol si Mrs. Castro sa
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-27
Baca selengkapnya

39

Puno ng kaba si Alexandra habang nagdadalawang-isip kung tatawagan ba si Tyron para malaman ang plano nito sa kaso. Kailangan niyang malaman kung paano nito ipapanalo ang laban—pero alam niyang hindi rin ito basta-basta magpapaliwanag sa kanya.“Ano ba’ng problema mo?” natatawang tanong ni Bea, na kanina pa siyang pinagmamasdan. “Para kang natatae na hindi mapatae.”Napabuntong-hininga si Alexandra. “Iyong kasong hawak namin ni Tyron… huling pagdinig na bukas. Sa palagay ko, talo na kami. Pero mahigpit ang pakiusap ng kliyente. Nag-aalala ako—paano kung matalo ang kaso at ako ang sisihin? Parang hindi ko kakayanin dalhin iyon sa konsensya ko.”Napailing si Bea. “Ano ka ba naman! Don’t take it personally. Kaso lang ‘yan! Alam kong marami tayong nalalaman tungkol sa mga kliyente natin, pero minsan, wala tayong choice kundi gawin lang ang trabaho natin. Kung matalo, hindi na natin kasalanan. Ang mahalaga, binigay natin ang best natin. Tsaka teka, hindi ka naman abogado, ‘di ba? Assistant
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-27
Baca selengkapnya

40

Matapos ang mahabang diskusyon, lumabas sina Tyron at Mrs. Castro mula sa courtroom. May luha sa mga mata ng babae habang naglalakad."Kamusta? Ano pong nangyari?" nag-aalalang tanong ni Alexandra.Nagulat si Tyron nang makita ito. "Alexandra? Anong ginagawa mo dito? Hindi ba rest day mo ngayon?""I'm sorry. Hindi kasi ako matahimik kaya nagpasama ako sa kaibigan ko para pumunta rito. Kamusta? Ano ang resulta?""As we expected," matipid na sagot ni Tyron.Bumuntong-hininga si Mrs. Castro bago nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat. "Maraming salamat po talaga, Atty. Hindi ako nagkamaling lumapit sa law firm ninyo. Pasensya na kung hindi ko agad sinabi ang buong katotohanan. Natakot ako na baka hindi ninyo tanggapin ang kaso ko kapag nalaman ninyo ang lahat. Totoo pong ikakasal na kami ni Marco. Hindi pa lang naia-announce sa publiko dahil sa kasal ko sa lalaking iyon."Tanging isang maikling tango at bahagyang tapik sa balikat ang isinagot ni Tyron. Nagpasalamat din si Mrs. Castro kay Al
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-28
Baca selengkapnya
Sebelumnya
123456
...
12
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status