Semua Bab Alipin Ng Tukso: Bab 11 - Bab 20

46 Bab

Kabanata 11

Khaliyah POVMaaga akong nagising dahil sa tunog ng makina ng sasakyan sa labas. Dumating na pala ang bumili ng kotse ko. Hindi na ako bumangon, si Tito Larkin na ang humarap sa kanila kasi ayaw na rin ni Tito Larkin na makita pa ako ng mga buyer.Nakahiga lang ako sa sofa, nakatingin sa kisame habang pinapakinggan ang usapan sa labas. Ang bigat sa pakiramdam. Parang may nabawas sa buhay ko. Mahal na mahal ko ang sasakyang ‘yon, pero wala akong magagawa. Kailangan ko ng bitiwan dahil hindi ko na rin naman siya magagamit dahil kailangan kong mag-ingat.Nang marinig kong bumukas ang pinto, tumalikod ako at pumikit, kunwari’y natutulog pa rin. Narinig ko ang buntong-hininga ni Tito Larkin. “Kung iniinda mo ‘yan, e ‘di sana hindi mo na binenta.”Hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag na hindi ko ginusto ‘yon, pero wala akong choice. Narinig ko ang mahihinang yabag ng paa niya papunta sa kusina.“Ano, hindi ka kakain?” tanong niya matapos ang ilang sandali.Napabuntong-hi
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-11
Baca selengkapnya

Kabanata 12

Larkin POVKaninang umaga pa ako balisa. Hindi ko alam kung nagpa-paranoid lang o sadyang may pangit akong kutob. Pero hindi na ako nagdalawang-isip, hindi ko na hahayaan pang lumala ‘to. Kung gusto kong maiwas-kulong, kailangang gawin ko na agad ang plano kong ito.Kailangan nang asikasuhin kasal na ito.Walang ligawan, walang proposal, walang espesyal na selebrasyon. Kasal lang. Para lang malinis ang pangalan ko at hindi ako mapagbintangan ng kung anu-ano sa pagpatol kong tumulong kay Khaliyah. At para na rin sa paghihiganti ko rin sa Mayor na ama niya.Napagdesisyunan kong hindi na rin sa Mayor kami magpapakasal. Mali ‘yon. Mas delikado. Kung sakali kasing kakilala ng mayor dito sa Norzagaray ang mayor sa Maynila, baka isang maling galaw lang, matunton agad si Khaliyah at matapos ang lahat sa isang iglap. Kaya mas mabuting humanap na lang ako ng pastor. Mas simple. Mas tahimik. Mas mabilis pa ang proseso.“Tol, Larkin, sigurado ka na ba dito?” tanong ni Levi habang nagkakape kami s
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-12
Baca selengkapnya

Kabanata 13

Khaliyah POVPagdating namin sa LJS street, hindi ko inaasahan ang eksena sa tapat ng bahay ni Tito Larkin. Para kaming artista na may grand homecoming, pero hindi ito fans club, mga kapitbahay ito ni Tito yummy. At halatang may alam na agad sila sa nangyari.“Ayun na sila!” sigaw ni Aling Helen, ang may-ari ng tindahan sa kanto. Nung isang araw kasi ay pinakilala sa akin ni Tito Larkin ang lahat ng mga kakilala niya rito gamit ang mga picture na mayroon sa cellphone niya. Para raw incase may kulang sa bahay at need ko ng pagkain o sangkap sa pagluluto ay sa tindahan niya ako pupunta para bumili.“Hoy, bagong kasal! Magpakain naman kayo!” dagdag pa ni Aling Helen sabay tawa.Napahinto ako sa tapat ng gate habang si Tito Larkin ay napailing na lang. Lumipat ang tingin niya kay Levi, na nakangisi lang sa gilid. Alam kong siya ang tsismoso sa likod ng lahat ng ito. Sabi kasi ni Tito Larkin ay kahit pakiusapan niya si Levi, hindi mapigilan ang pagiging madaldal nito. Ayos lang naman, pero
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-12
Baca selengkapnya

Kabanata 14

Khaliyah POVSa totoo lang, hindi ko inaasahan na makakaya kong mag-prepare na ganito. First time ko ‘to, na ako ang naghagilap sa social media ng mga pinag-order-an kong pagkain. Pero dito na lang din ako naghanap ng pagkain sa Norzagaray, Bulacan, kasi para mas malapit na rin. Saka, hindi na Khaliyah ang name ng gamit ko sa social media, Liya Colmenares na, sinunod ko na sa surname ni Tito Yummy, na asawa ko na ngayon.Pero napangiti ako habang pinagmamasdan ang nakahilerang pagkain sa lamesa. Maliit na litson, fried chicken na pang-isandaang tao, pancit, spaghetti, menudo, seafood at isang malaking cake na may nakasulat pang Happy Wedding Liya & Larkin. Nang makita ni Tito Larkin ang lahat ng iyon, parang gusto na niyang mahulog sa upuan.Natulog pa naman siya sa kuwarto niya at pagkagising, heto na, naka-ready na ang mga pagkain.“Anong klaseng gastos ang pinaggagawa mong ‘to, Khaliyah?” singhal niya sa akin. Halos mapunit ang noo niya sa pagkakunot.“Ano, fifty thousand pesos lan
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-12
Baca selengkapnya

Kabanata 15

Khaliyah POVNgayon ang official na unang araw ng pagiging mag-asawa namin ni Tito Larkin. Well, para sa akin lang naman. Para kay Tito, isang kasunduan lang ito, isang pirmahan ng papel. Pero para sa akin? Legal na iyon. Asawa niya na ako sa mata ng batas, kahit hindi sa puso niya.Maaga pa lang, ginising na niya ako. “Gumising ka na, Khaliyah. Magluto ka ng almusal.”Napabalikwas ako ng bangon kahit puyat pa sa mga nangyari kahapon. Napakasimple lang ng tono ni Tito Larkin, pero sa loob-loob ko, kinikilig pa rin ako. Hindi ko nga alam kung bakit. Masungit naman siya. Palaging nakunot-noo kapag ako ang kausap. Pero ewan ko ba, parang lalo lang akong nawiwiling kasama siya kahit na lang napaka-cold at napakasungit.Habang nakatayo ako sa harap ng kalan, sinasabi ko sa sarili kong kaya ko ‘to. Fried rice lang ‘to, itlog, hotdog at ham. Hindi naman pang-master chef ang requirement. Pero habang niluluto ko ang fried rice, napansin kong kulang sa alat. Sinubukan kong tikman—ay, walang las
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-13
Baca selengkapnya

Kabanata 16

Khaliyah POVMaagang natapos ang paglilinis ko ng bahay. Sa totoo lang, parang unti-unti na akong nasasanay sa mga gawain dito, hindi na ako masyadong nagrereklamo, nagugulat na lang ako na nagagawa ko na nang maayos ang mga gawaing bahay, kahit minsan ay medyo nangangapa. Pero hindi ako puwedeng magpabaya, lalo na ngayon na simula na ng bago kong buhay, ang buhay na hindi ko pa rin lubos na maintindihan kung paano ko tatahakin.Habang inilalabas ko ang mga supot ng basura sa harap ng bahay ni Tito Yummy, saglit akong napatambay sa gilid. Pinagmasdan ko ang paligid, tahimik pa, mukhang abala ang lahat sa kani-kaniyang gawain. Magpapahinga sana ako saglit nang biglang may tumawag sa akin.“Liya, right?”Napatingin ako sa pinagmulan ng boses at nakita ko ang isang dalagitang halos ka-edad ko lang ata. Maganda siya, may mahaba at kulot na buhok at nakangiti siya sa akin na parang matagal na kaming magkaibigan. Napatango ako habang unti-unting napangiti rin.“Ikaw ‘yung kahapon sa isa sa
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-13
Baca selengkapnya

Kabanata 17

Khaliyah POVNakahinga ako nang maluwag nang maisara ko nang maayos ang gate at pinto ng bahay. Sinigurado kong naka-lock ang lahat bago ako sumama kay Beranichi papunta sa coffee shop sa may palengke. Minsan lang ako lumabas at gusto ko rin namang magliwaliw kahit saglit.Habang naglalakad kami sa kahabaan ng LJS street, hindi ko maiwasang mapansin ang mainit na pagbati ng mga tao sa akin.“Liya, ang aga mong gumala ngayon, ah!” bati ng isang tindera ng kakanin. Natatandaan ko na nandoon din ito kahapon sa handaan namin ni Tito Larkin.Napangiti ako at masayang kumaway. “Ngayon lang, Ate! Niyaya lang ako ni Beranichi.”Sunod-sunod ang mga pagbating natanggap ko. Parang biglang nagbago ang tingin ko sa lugar na ito. Dati, naiisip ko kasing parang mahirap ang pamumuhay sa probinsya dahil parang pala-away ang mga tao sa ganitong lugar, pero ngayon, parang gusto ko na rito. Hindi sosyal ang mga tao rito, pero may ibang klase ng saya at kapayapaan dito.“Ang dami mo nang kilala rito, ah,”
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-13
Baca selengkapnya

Kabanata 18

Khaliyah POVNagpatimpla ng kape si Tito Larkin habang nagbibihis siya ng damit pambahay, tinuloy ko na rin ang isang supot ng tilapia sa lababo, linis na iyon at uugasan na lang. Iniwan ko muna ang tilapia sa may plangganang may tubig at inuna ko munang timplahin ang kape ng asawa ko, este ni Tito Larkin.Nilagay ko sa lamesa ang kapeng mainit na sinamahan ko na rin ng tinapay. Nang makita niyang naka-ready na ang merienda niya, nagpakitang-gilas na ako gamit ang natutunan ko kay Beranichi.Dahan-dahan akong lumapit sa rice cooker na bagong bili kahapon ni Tito Larkin, para mas madali na raw magluto. Sinimulan ko nang hugasan ang bigas. Hindi na ako nagtanong kung ilang beses dapat itong hugasan. Tatlong beses. Iyon ang sabi ni Beranichi kanina, kaya tatlong beses ko itong hinugasan. Maingat kong tinantsa ang dami ng tubig, sinigurado kong sakto lang ito para hindi matigas at hindi rin malata. Nang masigurado kong ayos na ito, isinara ko na ang takip at isinaksak ang rice cooker. Ala
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-14
Baca selengkapnya

Kabanata 19

Khaliyah POVHabang nakaupo sa dining area si Tito Larkin, tahimik siyang kumakain ng nilutong sarsiadong tilapia ko. Hindi ko alam kung anong iniisip niya, pero kita ko sa kilos niya na nasasarapan siya. Hindi katulad dati na lagi siyang nakakunot-noo, ngayon ay parang masaya lang siyang kumakain. Napangiti ako tuloy ako. Hindi ko maipaliwanag, pero may kung anong saya sa puso ko na makita siyang ganyan. Na hindi na nagrereklamo.Tikman ko rin kaya?Kumuha ako ng isang piraso ng tilapia at sinubukan ko na ring tikman ang niluto ko. Oh, my God! Tama nga, masarap nga ang luto ko! Ang tamang timpla ng asim, alat, at bahagyang tamis ng sarsa na ginawa ko ay naghalo sa bibig ko. Ang isda, malutong pa rin kahit may sarsa. Tapos, ang kanin, sakto na rin ang pagkakaluto. Napangiti ako. Mukhang hindi nasayang ang mga pinaghirapan kong matutunan galing kay Beranichi. Kahit nakinig lang ako sa mga sinabi niya, natandaan ko iyon at nagawa ko kahit hindi ko siya nakikitang magluto.Habang kumakai
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-14
Baca selengkapnya

Kabanata 20

Khaliyah POVNagtaka ako, tahimik ang paligid nang magising ako ng umagang iyon. Nakakagulat na walang tapik o boses na gumising sa akin. Agad tuloy akong bumangon nang makita kong alas otso na ng umaga. Huli na ako sa paggising! Karaniwan, si Tito Larkin ang gumigising sa akin, pero ngayon, hindi niya ako ginising. Napakunot ang noo ko. Hindi kaya nakalimutan lang niya? Pero imposible naman iyon. Alam niyang kailangang may mag-asikaso ng almusal para sa kaniya kasi papasok siya sa trabaho.Mabilis akong tumayo at naglakad papunta sa kuwarto ni Tito Larkin. Hindi pa siya lumalabas, kaya nagtataka akong kumatok sa pinto ng bedroom niya.“Tito?” tawag ko sa kaniya ng halos tatlong beses pero walang sumagot.Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Napanganga ako nang makita ko siyang nakahiga roon, baluktot ang katawan at tila giniginaw. Nakangiwi ang mukha niya na parang hindi mapakali sa pagtulog. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba kasi nakita kong hindi normal ang itsura ni tito
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-15
Baca selengkapnya
Sebelumnya
12345
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status