Khaliyah POVNagpatimpla ng kape si Tito Larkin habang nagbibihis siya ng damit pambahay, tinuloy ko na rin ang isang supot ng tilapia sa lababo, linis na iyon at uugasan na lang. Iniwan ko muna ang tilapia sa may plangganang may tubig at inuna ko munang timplahin ang kape ng asawa ko, este ni Tito Larkin.Nilagay ko sa lamesa ang kapeng mainit na sinamahan ko na rin ng tinapay. Nang makita niyang naka-ready na ang merienda niya, nagpakitang-gilas na ako gamit ang natutunan ko kay Beranichi.Dahan-dahan akong lumapit sa rice cooker na bagong bili kahapon ni Tito Larkin, para mas madali na raw magluto. Sinimulan ko nang hugasan ang bigas. Hindi na ako nagtanong kung ilang beses dapat itong hugasan. Tatlong beses. Iyon ang sabi ni Beranichi kanina, kaya tatlong beses ko itong hinugasan. Maingat kong tinantsa ang dami ng tubig, sinigurado kong sakto lang ito para hindi matigas at hindi rin malata. Nang masigurado kong ayos na ito, isinara ko na ang takip at isinaksak ang rice cooker. Ala
Khaliyah POVHabang nakaupo sa dining area si Tito Larkin, tahimik siyang kumakain ng nilutong sarsiadong tilapia ko. Hindi ko alam kung anong iniisip niya, pero kita ko sa kilos niya na nasasarapan siya. Hindi katulad dati na lagi siyang nakakunot-noo, ngayon ay parang masaya lang siyang kumakain. Napangiti ako tuloy ako. Hindi ko maipaliwanag, pero may kung anong saya sa puso ko na makita siyang ganyan. Na hindi na nagrereklamo.Tikman ko rin kaya?Kumuha ako ng isang piraso ng tilapia at sinubukan ko na ring tikman ang niluto ko. Oh, my God! Tama nga, masarap nga ang luto ko! Ang tamang timpla ng asim, alat, at bahagyang tamis ng sarsa na ginawa ko ay naghalo sa bibig ko. Ang isda, malutong pa rin kahit may sarsa. Tapos, ang kanin, sakto na rin ang pagkakaluto. Napangiti ako. Mukhang hindi nasayang ang mga pinaghirapan kong matutunan galing kay Beranichi. Kahit nakinig lang ako sa mga sinabi niya, natandaan ko iyon at nagawa ko kahit hindi ko siya nakikitang magluto.Habang kumakai
Khaliyah POVNagtaka ako, tahimik ang paligid nang magising ako ng umagang iyon. Nakakagulat na walang tapik o boses na gumising sa akin. Agad tuloy akong bumangon nang makita kong alas otso na ng umaga. Huli na ako sa paggising! Karaniwan, si Tito Larkin ang gumigising sa akin, pero ngayon, hindi niya ako ginising. Napakunot ang noo ko. Hindi kaya nakalimutan lang niya? Pero imposible naman iyon. Alam niyang kailangang may mag-asikaso ng almusal para sa kaniya kasi papasok siya sa trabaho.Mabilis akong tumayo at naglakad papunta sa kuwarto ni Tito Larkin. Hindi pa siya lumalabas, kaya nagtataka akong kumatok sa pinto ng bedroom niya.“Tito?” tawag ko sa kaniya ng halos tatlong beses pero walang sumagot.Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Napanganga ako nang makita ko siyang nakahiga roon, baluktot ang katawan at tila giniginaw. Nakangiwi ang mukha niya na parang hindi mapakali sa pagtulog. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba kasi nakita kong hindi normal ang itsura ni tito
Larkin POVNagising ako sa marahang pagdampi ng isang malamig na bimpo sa noo ko. Sa simula, hindi ko pa mawari kung ano ang nangyayari, pero nang maramdaman ko ang isa pang dampi sa leeg ko, dahan-dahan akong dumilat. At doon ko nakita si Khaliyah, nakayuko sa akin, may hawak na basang bimpo at tila abala sa pagpupunas ng pawis sa katawan ko.Hindi ko siya agad kinausap. Sinilip ko lang siya mula sa pilikmata ko. Ang noo niya’y bahagyang nakakunot habang sinisiguradong napupunasan niya ang bawat bahagi ng mukha ko. Pawisan din siya na mukhang abalang-abala sa pag-aalaga sa akin.Nang makuntento siya sa ginagawa, muli siyang dumampot ng bimpo sa plangganang may maligamgam na tubig, nilublob ito doon, piniga at saka muling idinampi sa balat ko.Nagulat ako kasi pagyuko niya, kitang-kita ang kaluluwa niya sa suot niyang sandong puti. Putarages, kahit may sakit ako at inaantok pa, parang nabuhayan ako bigla, tanginang susö ‘yan, ang laki talaga. Kaya ayaw ko talaga na naka-sando lang siy
Khaliyah POVNapakunot ang noo ko. Narinig ko na parang may gumagalaw na sa labas nung magising ako ng umagang iyon. Tumingin ako sa orasan, alas siyete na ng umaga. Parang sa kusina ‘yung ingay na naririnig ko.May nagluluto?Agad tuloy akong bumangon mula sa higaan ko at nagmamadaling lumabas ng kuwarto ko. Pagdating ko sa kusina, bumungad sa akin si Tito Larkin, nakatayo sa harap ng kalan habang hinihigop ang isang tasa ng kape.“Tito!” Napalakas ang boses ko sa gulat. Agad akong lumapit sa kanya at hinablot ang sandok sa kamay niya. ‘Ano pong ginagawa niyo rito? Hindi pa kayo pwedeng kumilos! Baka mabinat kayo.”Napakamot siya sa ulo at napailing nang bahagya. “Naiinip lang ako, Khaliyah. Hindi naman ako sanay na walang ginagawa.”Hinila ko ang braso niya at dinala siya papunta sa hapagkainan. “Maupo na lang kayo diyan. Ako na ang mag-aasikaso ng almusal natin.” Hindi naman siya tumutol, kaya ako na ang nagpatuloy sa kusina ng mga nasinimulan niyang lutuin.Pinirito ko ang itlog a
Khaliyah POVNapabuntong-hininga ako. Tahimik ang buong bahay. Kung hindi lang delikado, baka lumabas na ako para makapaglakad-lakad man lang o makipag-usap sa mga kapitbahay namin. Pero alam kong hindi pa talaga puwede.Nakaupo ako sa gilid ng sofa, pinaglalaruan ang dulo ng aking buhok habang nakatitig sa cellphone ko. Hindi pa rin tumitigil ang mga post sa social media tungkol sa paghahanap sa akin ng taong ayaw ko nang makita. Paulit-ulit kong nakikita ang mukha ko sa iba’t ibang accounts, pati na rin ang napakalaking halagang pabuya para sa sinumang makapagtuturo ng kinaroroonan ko ngayon.Nakakainis kasi, hindi pa rin nagbabago ang sitwasyon. Wala pa rin akong magawa kundi manatili rito sa bahay ni Tito Larkin, maghintay at umiwas sa anumang maaaring maglantad ng pagkatao ko.Bored na bored na ako.Tumayo ako at lumakad papunta sa maliit na kusina. Marami namang pagkain sa ref, pero parang gusto kong matutong magluto. Wala akong ibang gagawin, kaya bakit hindi ko subukang mag-ar
Larkin POVSa pag-uwi ko ngayong hapon, hindi ko akalaing mapapadaan ako sa isang cake shop. Hindi naman ako mahilig sa matatamis, pero nang makita ko ang display ng strawberry cake sa salamin ng shop, agad kong naalala ang ilang vlog ni Khaliyah na pinanood ko kagabi.Ilang araw ko na rin siyang kasama sa bahay, pero sa totoo lang, marami pa akong hindi alam tungkol sa kaniya. Kaya naisipan kong manood ng ilan sa mga vlog niya. Doon ko napansin kung paano siya ngumiti habang kinakain ang strawberry cake, kung paano niya ito nilalasahan na parang ito ang pinakamasarap na pagkain sa buong mundo.Pero, grabe ang buhay ni Khaliyah sa mga napanuod kong vlog niya. Ang gaganda ng mga bansang napupuntahan niya at halos natikman na niya ang lahat ng masasarap na pagkain sa buong mundo. Ganoon siya kasosyal pero ngayon, alipin at alila ko na lang sa bahay kong bulok. Nakakahiya nga kasi nung mapanuod ko kung gaano kasarap ang buhay niya, napagtanto ko na hindi niya deserve ang buhay na binibig
Khaliyah POVNapabalikwas ako ng bangon nung gabing iyon habang dama ang malamig na hangin mula sa aircon na tumatama sa balat ko. Yes, may aircon na ang kuwarto ko kasi nagpakabit ako nung nakaraang araw, sanay kasi akong may aircon sa kuwarto ko kaya sinabi ko kay tito Larkin na gusto kong magkaroon ng aircon sa room ko, pumayag naman siya dahil ako naman ang gagastos.Napangiwi ako. Masyado yatang malamig ang setting kaya kinusot ko ang mga mata ko at agad na bumangon. Sumilip pa ako sa orasan, halos 11:58 pa lang ng gabi.Kailangan ko rin magbanyo dahil maiihi ako kaya napabangon na rin ako. Dahan-dahan akong naglakad palabas ng kuwarto Para pumunta ng banyo. Tahimik ang buong bahay, maliban sa mahihinang tikatik ng ulan sa labas. Kaya pala malamig pa lalo dahil malakas ang hangin sa labas at umuulan pa.Habang nakaupo na ako sa toilet bowl, napansin ko na parang wala ang liquid soap dito, sanay kasi ako na nag-uugas ng kahit liquid soap sa kamay pagkatapos umihi.Palabas na sana
Larkin POVSa totoo lang, wala naman akong balak buksan ang cellphone ni Khaliyah. Hindi ako ganoong klaseng tao. Hindi ako seloso, pero oo may feelings na ako sa kaniya kahit pa paano. Hindi ako pakialamero, pero kasi nang umilaw ang phone niya habang naliligo siya, paulit-ulit iyon at halos sunod-sunod, at ako na lang ang nasa sala kaya hindi ko maiwasang mapatingin doon.Unang buzz, hindi ko pinansin. Ikalawa, sinulyapan ko lang. Pangatlo, napailing na ako. Pero nang umabot na sa lima ang notifications na hindi niya man lang nilalagyan ng lock screen, napabuntong-hininga na lang ako. Nang lapitan ko ang phone niya, napakunot ang noo ko sa nakita ko sa screen niya "Konsehal Rosales sent a message."Konsehal Rosales? Ng Manila?Pumikit ako saglit habang pinipigilan ko ang sarili na magalit. Pero mabigat na ang dibdib ko dahil hindi siya dapat nakikipag-usap sa alam niyang malapit na tao sa ama niyang mayor.Nilabanan ko ang sarili kong kunin ang cellphone niya. Pero nanaig ang kaba s
Khaliyah POVHalos makatulog na ako dahil sa takot na nararamdaman ko dahil sa pagkakita sa akin ng konsehal na kaibigan ni papa, pero dahil tumunog ang cellphone ko, nagising ako at napatingin sa screen ng phone ko.“Pa-uwi na ako, Khaliyah,” basa ko sa text message ni Tito Larkin.Napabangon tuloy agad ako kasi sure akong nagtipid na naman ang taong ito, tiyak na hindi pa siya kumakain ng lunch. Habang wala pa siya, makapagluto na ng tanghalian. Sakto rin, hindi kami nakakatapos ni Beranichi ng pagkain sa samgyupsal kanina dahil sa pagkakita sa akin kanina ni Konsehal Rosales.Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala. Isang konsehal na taga-Maynila—at kaibigan pa ng papa kong mayor ang may-ari pala ng samgyupsal na iyon. At ang masaklap, nakita pa niya ako. Minsan, pahamak na rin talaga ang pagsama ko kay Beranichi, dahil sa kakagala namin at napapalayo kami, heto, muntik na akong mapahamak. Sure akong naka-report na iyon sa papa ko, sure na sure ako doon.Pero ayoko munang is
Khaliyah POVBago pa man lumampas ang tanghali, sinundo na ako ni Beranichi sakay ng kaniyang motor. May bagong bukas daw na samgyupsal sa kabilang bayan at fifty percent off ang promo nila sa unang araw. Siyempre, hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Matagal-tagal na rin mula nang huling makatikim ako ng samgyup at ngayong may promo pa? Aba, hindi puwedeng palampasin.“Sure ka ba, Bera na kahalati talaga ang bawas sa unang araw? Baka naman scam ‘yan, ha!” sabi ko kay Berancihi habang sumasakay sa likod ng motor niya.“Hoy, legit ‘to! May pa-opening banner pa nga eh, makikita mo naman mamaya, saka hindi ako mag-aaya kung hindi naman sure!” sagot niya sabay ngisi.“Sabagay, may tiwala naman ako sa ‘yo, kaya, sige, go na. Kahit ako na ang magbabayad sa kakainin natin,” sagot ko sa kaniya kasi tiyak na mura naman ang bill namin kung fifty percent lang ang bayaran.PAGDATING NAMIN doon, totoo nga—bago pa lang ang kainan na ito. May mga balloons sa labas, may red ribbon pa sa entrance at ma
Khaliyah POVPag-check ko ng record na nangyari kaninang umaga, nagulat ako. Kagabi kasi, sinadya ko ulit matulog ng walang suot na underwear. Palagi ko nang ginagawa iyon kasi nanghuhuli na talaga ako. Pag-check ko ng cctv, doon ko na nakitang bumukas ang pintuan ng kuwarto ko. Halos alas singko palang iyon ng umaga, tinignan ko pa ang itsura ko, matawa-tawa ako nang makita kong nakabukaka ako habang luwang-luwa ang hiwạ ko sa ibaba.Pumasok si Tito Larkin na nakagat-labi habang nakatingin sa pagkababaë kong nakabuyangyang. Nakita ko pa na nakangiti siya nang lumapit sa harapan ko.Doon, napangisi ako nang agad-agad ay nilabas niya ang wala pang buhay ng titë niya. Naka-boxer short na lang siya kaya isang labas lang niya ng ari niya, labas agad ito.Sa harap ko, habang tulog ako, doon niya nilaro ang sarili niyang pagkalalakë ko.Kitang-kita ko kung paano ito unti-unting tumayo at nanigas. Grabe, sobrang laki talaga ng titë ni Tito Larkin. Ang sarap nitong panggigilan kaya habang nan
Larkin POVSa wakas, hindi na kailangan magpakita ng buong katawan para lang makapasa sa work sa isang malaki at magandang bar na gusto kong pag-work-an. Talagang malas lang nung una kasi bakla ‘yung may-ari na napag-apply-an ko. Pero ngayon, hindi na, mukhang matino na ang may-ari, sana.Maaga akong dumating sa bar na napag-apply-an ko. Malaki ito, at mukhang malaki ang sahod ko kapag natanggap ako, saka parang hindi lang basta bar kundi para bang sosyal na tambayan ng mga bigating mga tao ‘to.Ako ang pinakaunang aplikante na dumating. Medyo madilim pa ang paligid, pero bukas na ang mga ilaw sa labas at reception area. May isang receptionist na babae, ngumiti pa sa akin at pinaupo ako sa lounge habang hinihintay ang mga interviewer. May kape sa gilid, pero hindi ko magawang uminom dahil sa kaba.Habang tumatakbo ang oras, unti-unti nang dumadating ang ibang staff. Yung iba mukhang sanay na sa lugar na ‘to, palakad-lakad lang, tapik-tapik sa likod ng isa’t isa, at may mga mukhang ist
Khaliyah POVPagdilat ng mga mata ko, sa trophy at korona agad na nasa table ang tingin ko. Napangiti ako, totoo nga talagang ako ang winner kagabi.Pagtingin ko sa oras, pasado alas-siyete na pala ng umaga. Hindi ko alam kung bakit parang mas magaan ang katawan ko ngayon. Siguro dahil nakatulog akong masaya kagabi. Nanalo kasi ako. Hindi lang basta nanalo, kundi ako ang title holder, ako ang queen ng gabi. At hanggang ngayon, parang panaginip pa rin ang nangyaring iyon.Napangiti ako habang nagsusuklay sa harap ng maliit kong salamin dito sa kuwarto. Pumasok ang amoy ng bagong lutong pandesal mula sa kapitbahay. Kahit medyo malayo iyon sa bahay namin ni Tito Larkin, abot pa rin hanggang dito. Gutom na rin ako at natakam na sa pandesal kaya bibili ako nun.Kaya naisip kong lumabas at bumili na rin pala ng asukal kay Aling Helen kasi naubos na ang asukal nang tignan ko ang lagayan sa may kusina. Hindi puwedeng magkape ng walang asukal kaya kailangan ko na rin talagang bumili.Paglabas
Larkin POVHumigpit ang hawak ko sa upuan habang unti-unting pinapapunta sa stage ang sampung kandidata. Isang malaking gabi ito, hindi lang para sa kanila, kundi para sa buong bayan. Lalo na para kay Khaliyah.Napalingon ako kay Beranichi na katabi ko sa front row. Pareho kaming hindi mapakali, kahit pilit naming ikinukubli. Pero si Khaliyah? Aba, tila ba kalmadong-kalmado lang. Wala kang makikitang kaba sa mukha niya. Nakaangat ang baba, diretso ang tingin, parang alam na niyang siya ang mag-uuwi ng korona ngayong gabi. Ang lakas ng dating niya sa stage, kahit magkakatabi na sila, nangingibabaw ang kagandahan niya.“So, ito na. Announce na natin ang best in Long Gown ngayong gabi!” ani ng host habang umiikot ang spotlight sa sampung kandidata. Napalunok ako ng laway. Pinilit kong hindi pumikit pero ang puso ko, parang tambol sa dibdib ko sa lakas ng kabog. Sa tagal ng katahimikan, parang gusto ko nang tumayo’t ako na ang magsabi ng pangalan ni Khaliyah!“Liya Colmenares!”Muntik pa
Larkin POVNasa harap na ulit ako ng audience matapos ang final look na ginawa ni Beranichi kay Khaliyah. Pakiramdam ko, pati tibok ng puso ko ay naririnig na ng buong mundo. Kinakabahan na kasi ako, baka hindi maganda ang maging sagot ni Khaliyah. Sana lang ay may laman talaga ang utak niya.Ilang sandali na lang at tatawagin na si Khaliyah para sa question and answer portion. Sa ngayon, parang wala pang magandang sumasagot ng maayos na tugma sa tanong. Nakatayo lang ako rito, nanunuod, tahimik, pero sa loob-loob ko, naglalaban ang kaba at tuwa. Hindi ko inasahang ganito pala ang mararamdaman ko habang pinapanood siya. Iba siya ngayong gabi. Ibang-iba.At sa totoo lang, biktima rin ako ni Beranichi, akala ko kasi ay magbabantay lang ako sa kanila ni Khaliyah, ‘yun pala, mabubulaga rin ako sa naisip niyang pakulo kasi isasabak pala niya sa contest si Khaliyah.“Candidate number ten, please step forward,” anunsyo ng host. At doon na lumabas si Khaliyah na suot ang isang bagong long go
Larkin POVHindi ko ma-gets nararamdaman ko ngayon, basta hindi ko maipaliwanag kung anong klaseng kaba ang nararamdaman ko habang nakaupo ako sa harapan kasama ng ibang mga manonood. Siguro, ayaw ko lang na mapahiya si Khaliyah, kawawa naman. Kasi naman, talent na ang ipapakita niya ngayon. Naiisip ko na baka magsabog siya, na baka kung anong ingay at galing niya nung umpisa, baka bigla namang bagsak niya sa talent portion.Nasa stage na ulit si Khaliyah ngayon. Hindi pa man nagsisimula ang tugtog, parang hinihigop na ng presensya niya ang buong lugar. Kalmado ang postura niya, taas-noo pa nga siya, pero may lambot pa rin naman siya sa kilos niya.Sa isip-isip ko, ito na ‘yung babaeng akala ko tahimik lang at mahilig maglako ng jam sa kalye namin. Pero, ngayon, parang ibang nilalang siya. Parang hindi si Khaliyah na matigas ang ulo, parang hindi si Khaliyah na pasaway, ngayon, para siyang isang reyna na hindi mo kayang tanggalan ng tingin dahil sa sobrang ganda.Nang maghanda na siya