Home / Romance / Alipin Ng Tukso / Chapter 31 - Chapter 40

All Chapters of Alipin Ng Tukso: Chapter 31 - Chapter 40

46 Chapters

Kabanata 31

Khaliyah POVMaaga akong nagising nang umagang iyon, mas maaga pa kaysa sa sikat ng araw. Pakiramdam ko, ngayon na ang tamang araw para subukan ang pagbebenta ng jam na ginawa ko kahapon. Oras na para lituhin ang mga tao, para isipin nilang hindi ako galing sa pamilyang mayaman.Pagtingin ko sa lamesa, nandoon pa rin ang mga garapon na puno ng iba’t ibang klaseng jam—pineapple jam, orange marmalade, apple jam,at mango jam. Nakangiti ako habang tinitingnan ang mga ito, hindi lang kasi ako makapaniwalang ako ang gumawa ng mga jam na ‘yan.Kakaiba na talaga ang buhay ko rito, ngayon, mararanasan ko na ang buhay na hindi ko nararanasan noon. Mararanasan ko ang buhay ng mga simpleng tao.Napagdesisyunan kong hindi na hihintayin si Tito Larkin na samahan pa akong maglako sa labas. Gusto kong gawin ito ng mag-isa. Bukod sa gusto kong patunayan na kaya kong dumiskarte sa buhay kahit lumaki ako sa marangyang pamilya, gusto ko ring maranasan mismo kung paano makipag-usap sa mga kapitbahay namin
last updateLast Updated : 2025-03-29
Read more

Kabanata 32

Khaliyah POVPagdilat pa lang ng mata ko nung umagang iyon, ramdam ko na ang bigat ng katawan ko. Para akong binangungot buong gabi, tapos ngayon naman, pakiramdam ko niluluto ako sa sarili kong balat. Nanginginig ang tuhod ko nang subukan kong bumangon mula sa kama ko.“Tsk,” napapikit ako sa hilo. Pero hindi puwede, kailangan kong magbenta sa mga kapitbahay kasi marami akong pa-order kahapon nung magtanong-tanong ako.Pinilit kong i-ayos ang sarili ko at naglakad palabas ng kuwarto. Kailangan kong ilabas ang mga bagong jam na ginawa ko kagabi. Guyabano, santol, rambutan—lahat handa na, kailangan na lang ibenta talaga.Pagdating ko sa sala, napahawak ako sa dingding. Para akong lantang gulay at parang umiikot ang paligid. Napansin ko agad ang malakas na kalabog mula sa kusina. Ilang segundo lang, sumulpot si Tito Larkin na nakakunot-noo at may hawak pang baso ng tubig.“Anong nangyari sa itsura mo?”asik nito. “Bakit parang nilibing ka tapos binuhay ulit? Mukhang galing sa sinalanta n
last updateLast Updated : 2025-03-30
Read more

Kabanata 33

Khaliyah POVPagdilat ng mga mata ko, ramdam ko pa rin ang bigat ng katawan ko. Wala pa rin akong gana, pero kahit paano ay mas okay na ang pakiramdam ko kaysa kaninang umaga.“Gumising ka na, may pagkain na.” Napakurap ako nang marinig ang malamig na boses ni Tito Larkin. Nang i-angat ko ang tingin ko, nakatayo siya sa gilid ng sofa, may hawak na tray na may mangkok ng mainit na lugaw at isang baso ng guyabano juice.Ang cute naman ng asawa kong ‘to, naka-apron pa talaga. Mukhang alalang-alala talaga siya sa asawa niyang may sakit. Ang cute tignan ng lalaking malaki ang katawan tapos naka-apron pa.Napahinga ako nang malalim. “Tito, parang nurse kita ngayon ah, nurse na, kusinero pa,” biro ko habang sinisikap kong umupo. Medyo parang umaalon pa rin ang paningin ko pero hindi na gaya kanina kasi nakainom na ako ng gamot.“Tumigil ka na diyan at kumain ka na,” mataray niyang sagot sabay lagay ng tray sa maliit na lamesa sa tabi ng kama ko.Kahit masungit, ramdam ko naman ang effort niy
last updateLast Updated : 2025-03-30
Read more

Kabanata 34

Khaliyah POVPagkagising ko kinabukasan, pakiramdam ko parang hindi ako nagkasakit kahapon. Ang gaan ng katawan ko, parang isang araw lang akong natulog at nagising na parang walang nangyari, ganoon. Ang lakas ko na ulit! Ready na akong magbenta ng jams mga kapitbahay!Malakas na ako, oo, gusto ko na ulit maglalabas, ‘yun talaga ang plano ko. Pero siyempre, may isang tao rito sa bahay na tila nagtataglay ng titulong Hari ng Mga Bawal. At walang iba ‘yon kundi si Tito Larkin. Ang yummy husband tito kuno ko.“Hindi ka magtitinda ngayon,” sabi niya habang nagtitimpla ng kape. “Maniwala ka sa binat, mahirap gumaling kapag nabinat ka, magtatagal ang sakit mo.”“Pero, Tito—”“Walang nang pero-pero. Wala kang gagawin ngayon kundi ang magpahinga ka muna. Walang lalabas, walang magtitinda at walang matigas ang ulo!”Nanliit ako sa upuan ko sa lamesa. Ang sipag ko na dapat ngayon araw e, ang malas ko lang dahil may nag-aalaga sa akin na mas istrikto pa sa doktor. Pero hindi ko na kinontra si Ti
last updateLast Updated : 2025-04-02
Read more

Kabanata 35

Khaliyah POVNung sumapit na ang gabi, nag-ready na ako ng mga makeup na dala-dala ko. Mabuti na lang talaga at nadala ko pa ang mga makeup ko. Lahat ng sa tingin kong kailangan ko ay dadalhin ko. Maingat kong inayos ang bawat palette, lipstick at brushes sa loob ng bag ko, sinisigurado kong wala akong makakalimutan.Habang abala ako sa pag-aayos, biglang umeksena si Tito Larkin, a.k.a. my yummy husband. Nakapamaywang ito sa pinto habang nakatingin sa akin na parang may ibabalitang seryoso.“Sasama na nga‘ko,” aniya sabay lapit sa akin.Napatingin ako sa kanya habang napakunot-noo. “Ha? Saan? Sa beauty contest? Mahilig ka bang manuod ng ganoon?”“Actually, hindi ako mahilig manuod ng ganoon. Naisip ko lang kasi na kailangan niyo ng kasama. Mahirap na, baka may mga siraulo dun,” sagot niya na parang hindi ako puwedeng kumontra. Kapag siya na ang nagsabi at nagdesisyon, iyon na ‘yon, bawal nang mangialam kasi siya ang batas.Hindi ko naman ikinaila na gusto niyang sumama, pero malakas a
last updateLast Updated : 2025-04-03
Read more

Kabanata 36

Khaliyah POVSa ilang minuto lang, tinuruan ako ni Beranichi kung paano rumampa. Nakakaloka, saan ka nakakita na ilang minuto lang ang paghahanda, tapos sasabak agad sa pageant. Si Tito Larkin, panay naman ang ngisi habang para kaming tanga ni Beranichi na rumarampa dito. Masayang-masaya si Tito Larkin my yummy husband na nahihirapan at nagiging mukhang tanga ako.Ramdam ko pa rin ang inis ko sa kanya habang tinitingnan ang kanyang excited na mukha kasi natupad ang gusto niyang isabak ako sa pageant. Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko—hindi siya ang totoong sasali sa beauty contest kundi ako pala!Bigla ko tuloy naalala ‘yung nangyari nung nakaraang araw. Nagtataka ako kung bakit niya ako biglang sinukatan ng katawan, akala ko gusto lang niyang sukatin ang katawan ko para sa kung anong kabaliwan niya. ‘Yun pala, ipapatahi na pala niya ako ng gown. Planado na ang lahat at ngayon, wala na akong kawala. Napakalakas ng trip ni Beranichi, kakaiba ang trip niya, bad trip.“Takte ka, Beran
last updateLast Updated : 2025-04-04
Read more

Kabanata 37

Khaliyah POVSa dami ng beses kong inisip na tumanggi sa ganitong eksena, hindi ko akalaing heto ako ngayon,nakatayo sa backstage, suot ang isang napakagandang gown na kulay emerald green, ito ang napili kong gown at kulay kasi ito ang maganda sa paningin ko.Nakapila na ako kasama ang siyam na iba pang kandidata. Hindi Khaliyah ang pangalan ko ngayong gabi. Liya. Liya Colmenares kasi hindi nila ako puwedeng makilala bilang si Khaliyah Dadonza kasi kung ganoon ang mangyayari, lagot na, mahahanap na ako ng mga magulang ko at ng mafia boss na nagpapahanap din sa akin.Ako ang pinakahuling tatawagin. Sampu kaming lahat, pero sa tuwing may isang umaakyat sa entablado, para bang lalo lang akong kinukuryente ng kaba sa dibdib ko. Pinagpapawisan na ang mga palad ko kahit malamig ang hangin mula sa electric fan sa gilid ng backstage.“Relax lang, girl,” sabi ni Beranichi habang inaayos ang buhok ko. “Ang ganda-ganda mo kaya. Kayang-kaya mo ’yan.”Hindi ko siya sinagot. Hindi pa rin ako makapa
last updateLast Updated : 2025-04-09
Read more

Kabanata 38

Larkin POVHindi ko ma-gets nararamdaman ko ngayon, basta hindi ko maipaliwanag kung anong klaseng kaba ang nararamdaman ko habang nakaupo ako sa harapan kasama ng ibang mga manonood. Siguro, ayaw ko lang na mapahiya si Khaliyah, kawawa naman. Kasi naman, talent na ang ipapakita niya ngayon. Naiisip ko na baka magsabog siya, na baka kung anong ingay at galing niya nung umpisa, baka bigla namang bagsak niya sa talent portion.Nasa stage na ulit si Khaliyah ngayon. Hindi pa man nagsisimula ang tugtog, parang hinihigop na ng presensya niya ang buong lugar. Kalmado ang postura niya, taas-noo pa nga siya, pero may lambot pa rin naman siya sa kilos niya.Sa isip-isip ko, ito na ‘yung babaeng akala ko tahimik lang at mahilig maglako ng jam sa kalye namin. Pero, ngayon, parang ibang nilalang siya. Parang hindi si Khaliyah na matigas ang ulo, parang hindi si Khaliyah na pasaway, ngayon, para siyang isang reyna na hindi mo kayang tanggalan ng tingin dahil sa sobrang ganda.Nang maghanda na siya
last updateLast Updated : 2025-04-10
Read more

Kabanata 39

Larkin POVNasa harap na ulit ako ng audience matapos ang final look na ginawa ni Beranichi kay Khaliyah. Pakiramdam ko, pati tibok ng puso ko ay naririnig na ng buong mundo. Kinakabahan na kasi ako, baka hindi maganda ang maging sagot ni Khaliyah. Sana lang ay may laman talaga ang utak niya.Ilang sandali na lang at tatawagin na si Khaliyah para sa question and answer portion. Sa ngayon, parang wala pang magandang sumasagot ng maayos na tugma sa tanong. Nakatayo lang ako rito, nanunuod, tahimik, pero sa loob-loob ko, naglalaban ang kaba at tuwa. Hindi ko inasahang ganito pala ang mararamdaman ko habang pinapanood siya. Iba siya ngayong gabi. Ibang-iba.At sa totoo lang, biktima rin ako ni Beranichi, akala ko kasi ay magbabantay lang ako sa kanila ni Khaliyah, ‘yun pala, mabubulaga rin ako sa naisip niyang pakulo kasi isasabak pala niya sa contest si Khaliyah.“Candidate number ten, please step forward,” anunsyo ng host. At doon na lumabas si Khaliyah na suot ang isang bagong long go
last updateLast Updated : 2025-04-11
Read more

Kabanata 40

Larkin POVHumigpit ang hawak ko sa upuan habang unti-unting pinapapunta sa stage ang sampung kandidata. Isang malaking gabi ito, hindi lang para sa kanila, kundi para sa buong bayan. Lalo na para kay Khaliyah.Napalingon ako kay Beranichi na katabi ko sa front row. Pareho kaming hindi mapakali, kahit pilit naming ikinukubli. Pero si Khaliyah? Aba, tila ba kalmadong-kalmado lang. Wala kang makikitang kaba sa mukha niya. Nakaangat ang baba, diretso ang tingin, parang alam na niyang siya ang mag-uuwi ng korona ngayong gabi. Ang lakas ng dating niya sa stage, kahit magkakatabi na sila, nangingibabaw ang kagandahan niya.“So, ito na. Announce na natin ang best in Long Gown ngayong gabi!” ani ng host habang umiikot ang spotlight sa sampung kandidata. Napalunok ako ng laway. Pinilit kong hindi pumikit pero ang puso ko, parang tambol sa dibdib ko sa lakas ng kabog. Sa tagal ng katahimikan, parang gusto ko nang tumayo’t ako na ang magsabi ng pangalan ni Khaliyah!“Liya Colmenares!”Muntik pa
last updateLast Updated : 2025-04-12
Read more
PREV
12345
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status