Khaliyah POVBago pa man lumampas ang tanghali, sinundo na ako ni Beranichi sakay ng kaniyang motor. May bagong bukas daw na samgyupsal sa kabilang bayan at fifty percent off ang promo nila sa unang araw. Siyempre, hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Matagal-tagal na rin mula nang huling makatikim ako ng samgyup at ngayong may promo pa? Aba, hindi puwedeng palampasin.“Sure ka ba, Bera na kahalati talaga ang bawas sa unang araw? Baka naman scam ‘yan, ha!” sabi ko kay Berancihi habang sumasakay sa likod ng motor niya.“Hoy, legit ‘to! May pa-opening banner pa nga eh, makikita mo naman mamaya, saka hindi ako mag-aaya kung hindi naman sure!” sagot niya sabay ngisi.“Sabagay, may tiwala naman ako sa ‘yo, kaya, sige, go na. Kahit ako na ang magbabayad sa kakainin natin,” sagot ko sa kaniya kasi tiyak na mura naman ang bill namin kung fifty percent lang ang bayaran.PAGDATING NAMIN doon, totoo nga—bago pa lang ang kainan na ito. May mga balloons sa labas, may red ribbon pa sa entrance at ma
Last Updated : 2025-04-16 Read more