OLIVIANakaupo ako sa madilim na selda, iniisip ko ang baby ko at kung paano siyang mabubuhay sa ganitong lugar. Wala akong pakielam sa sarili ko—puwede nila ako ikulong dito hanggang sa gusto nila—pero hindi ito nararapat para sa baby ko. Hindi siya nararapat na isilang sa kulungan o kaya magdusa para sa mga kasalanan ko.Ikalawang araw pa lang ng pagkakakulong sa akin, at tinutupad nila ang pangako nila kay Nick na hindi ako papalabasin. Pero naisip ko na sumosobra na sila; hindi nila ako binigyan ng pagkain simula ng dumating ako.Mabuti na walang nananatili sa sikmura ko. Nagsisimula na akong magkaroon ng morning sickness. Pero nakakaramdam pa din ako ng gutom, kahit na alam ko na anumang kainin ko, lalabas din ulit.“Oh, baby ko,” sambit ko, habang hinihimas ang aking tiyan, “Pasensiya na at pinagdadaanan mo ito, na magsisimula ka sa bagong buhay mo ng ganito ang mundo mo. Pero nangangako ako sa iyo, poprotektahan kita. Hindi malalaman ng ama mo ang tungkol sa iyo, at hinding-
Read more