Share

Kabanata 3

Penulis: Black Rose
OLIVIA

Habang nakatayo ako sa selda, lumipad ang isip ko sa lola ko. Anong mangyayari sa kanya ngayon at nakakulong ako? Humigpit ang dibdib ko ng maisip ko siya at maselan niyang kalusugan. Baka mamatay siya kapag narinig niya ang tungkol sa pagkakaaresto ko.

Humarap si Nick sa pulis. “Hindi siya maaaring magkaroon ng mga bisita at hindi rin puwede lumabas. Hayaan siyang mabulok sa kulungan. Wala akong pakielam kung mamatay siya!”

Nadurog ng husto ang puso ko. Mainit ang pakiramdam ko at nahirapan akong huminga. Paano malalaman ng lola ko na okay lang ako kung bawal ako magkaroon ng mga bisita? Mamamatay siya! Pakiramdam ko pasarado na ang lalamunan ko, hindi na ako makakahinga. Gusto ko ng sumuko. Pero nakita ko ang kuntentong kinang ng mga mata ni Sandra. Nakaramdam ako ulit ng bugso ng determinasyon. Hindi ko hahayaan ang bruhang iyon na magtagumpay.

Sa mga oras na iyon, pawis na pawis na ako, at nanlalaki ang mga mata ko. Sigurado akong namumutla ako ng husto.

Natakot ang mabait na pulis. “Sir, hindi po siya makahinga. Dapat po ba akong tumawag ng doktor?”

Baka dapat sabihin ko kay Nick na buntis ako at dinadala ang anak niya? “Nick, sa totoo lang—”

“Bakit ka tatawag ng doktor?” tanong ni Nick, galit na humarap sa pulis. “Umaarte lang siya para manipulahin ako—magaling siya doon.”

Patuloy na tumulo ang mga luha ko aking mukha. Ito ang lalaki na hindi matiis kapag nakikita niya akong nasasaktan, at ngayon siya na ang nagdudulot sa akin ng matinding sakit.

Ano ba ang ginawa ni Sandra sa asawa ko at nagbago siya ng husto? Hinihiling ko na sana alam ko ang ginawa niya at kung paano niyang namanipula si Nick para sundin ang kagustuhan niya sa loob ng anim na buwan.

Hindi ko na sana hiniling sa kanya na tumira sa amin noong nakabalik siya galing abroad. Dapat tinulungan ko siya na humanap ng sarili niyang lugar para marentahan. Kung alam ko lang ang tunay niyang mga intensyon, dumistansiya na sana ako. Pero ang iniisip ko ay tulungan ang aking kaibigan. Nagmakaawa pa ako kay Nick na bigyan siya ng trabaho sa kanyang kumpanya.

Kinalaunan bumigay si Nick at binigyan siya ng trabaho sa finance department. Habang nagtatrabaho doon, nagawa niya pagmukhain na nagnakaw ako sa asawa ko, at naniwala naman siya.

“Sandra?” sambit ko, gusto ko magmakaawa sa kanya muli, na sabihin niya ang totoo.

Humarap sa akin si Nick, humarang siya sa harap ni Sandra, lalo akong nasaktan. Sobrang protective na niya sa kanya.

“Hindi ba’t sinabi ko sa iyo na manahimik ka?” Tumagilid ang ulo niya, na parang hinahamon ako na magsalita pa. Nilunok ko ang mga salitang dapat ko na sasabihin. “Sapat na ang pananakit mo sa babaeng ito. Wala ka ng karapatan na kausapin siya. At nangangako ako sa Diyos, Olivia, pagbabayaran mo ito.”

Gusto ko magsalita, na magmakaawa sa kanya na pakinggan ako. Gusto ko sabihin sa kanya na huwag sabihin sa lola ko, na magsinungaling siya at sabihin na nag-travel ako o kung ano. Alam niya kung gaano kaselan ang kalusugan niya, at siguradong mamamatay siya sa balitang ito.

Bigla, tumigil ang kanta sa radio sa estasyon ng pulis, at maririnig ang boses ng reporter. Makalipas ang kaunting pagpapakilala, narinig ko ang mga salita na naging dahilan para maramdaman ko na wala na sa kontrol ang mundo ko. “Ang asawa ng nagmamayari ng Jones Enterprise ay inaresto ngayong gabi. Ang asawa sa pamilya Jones at dating Financial Manager ng kumpanya ay inakusahan ng pagnanakaw ng milyones. Ang sabi ng pinagmulan ng aming balita ay tumawag si Mr. Jones ng pulis at ipinaaresto siya. Magsasabi pa kami ng karagdagang impormasyon habang kumakalap pa kami ng balita.”

“Hindi! Nick, pakiusap, huwag! Malalaman ito ng lola ko! Hindi ko gusto na magkasakit siya ulit. Alam mo kung gaano kaselan ang lagay niya. Pakiusap, Nick, puntahan mo siya. Gumawa ka ng kuwento—sabihin mo na kasinungalingan lang ang lahat ng iyon. Sabihin mo na okay lang ako.”

Nadudurog ang puso ko. Ang lola ko na lang ang mayroon ako dahil wala na sa akin si Nick. Hindi ko siya puwedeng hayaan mamatay; kailangan ko pa siya.

“Ang galing mo talaga magsalita ng kung ano-ano?” ngumisi si Nick. “Isang salita pa at personal ko na sisiguruhin sa pinakamamahal mong lola kung anong pakiramdam magkaroon ng apong magnanakaw. Ipapakita ko sa inyo pareho ang isang side ko na hindi pa ninyo nakikita.”

Ibinuka ko at isinarado ang bibig ko, masyado akong natakot na magsalita. Sa halip, mga mata ko na lang ang ginamit ko para magmakaawa, pero tumalikod lang si Nick at naglakad palayo.

Pinanood ko siya hanggang sa lumiko siya sa kanto at nasamd ako, nagkaroon ng bara sa lalamunan ko na naging dahilan para mahirapan akong huminga. Ang taong lahat para sa akin, taong hindi kaya palipasin ang isang oras ng hindi ako kinukumusta, ang nagpapahirap sa akin ngayon. Pakiramdam ko mamamatay na ako—baka nga mamamatay na ako at hindi ko lang alam.

Nagmadali ang pulis na lumapit sa akin dala ang tubig. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako tinutulungan, pero nagpapasalamat ako. Kailangan ko iyon.

“Hindi ko alam kung anong ginawa mo para kalabanin ang lalaki na tulad niya,” sambit niya, inabot sa akin ang bote ng tubig, “pero mukhang malaking pagkakamali ang nagawa mo.”

Habang nanginginig ang mga kamay, tinanggap ko ang alok niyang tubig, at ininom ito. Nanginig ng sobra ang mga kamay ko at natapunan ang baba ko ng tubig, at nabasa ang aking dibdib. Ngumiti ako ng malungkot sa pulis. “Ang ginawa ko lang ay tulungan ang best friend ko,” sambit ko, “at ngayon binaliktad niya ako. Kung alam ko lang na gagawin niya ito sa akin, hindi ko na sana siya tinulungan.”

Natawa ako ng mapait. Hindi na ako ang pinoprotektahan at minamahal na asawa ng pamilya Jones. Ngayon, ako na ang pinagtatawanan ng buong New Village, ang asawang ipinakulong sa pagnanakaw sa kanyang asawa ng milyones. Tunay akong nakakaawa.

Ang pagtawa ko ay naging mga hikbi muli.

“Oh, miss,” sambit ng pulis, “Masama talaga minsan ang mga tao. Pasensiya na at natutunan mo ito sa ganitong paraan.”

May pumalakpak, at humarap ang pulis doon. Nakatayo si Sandra, nakangisi.

“Magaling ka, Olivia,” sambit niya. “Aaminin ko iyon. Ngayon at nakumbinsi mo na ang tanga na ito na ikaw ang biktima. Anong ipinangako mo sa kanya? Papatikimin mo siya? Dahil pareho nating alam na nawala na sa iyo ang lahat. Ang katawan mo na lang ang mayroon ka.”

Gusto ko siyang abutin at sakalin matapos marinig ang kanyang boses. “Hindi ako tulad mo,” sagot ko.

Umalis ang pulis, binigyan kami ng privacy.

“Oh, sa tingin mo ba nakahihigit ka pa din sa akin? Kahit na inagaw ko ang lahat mula sa iyo?” tawa niya na parang baliw, ineenjoy ang kalungkutan ko.

Bakit ba hindi ko pa napansin noon ang tunay niyang kulay? “Ang sama mo,” sambit ko, “at hindi ito magtatagal. Makakalabas din ako, lilinisin ko ang pangalan ko, at dudurugin kita gamit ang lahat ng mayroon ako.”

Tumigil si Sandra sa pagtawa, naging madiin ang ekspresyon niya sa paraang nayanig ako hanggang sa kaibuturan ko. “Makinig ka sa akin, Olivia. Hindi ito high school o kolehiyo. Lumaki na ako, nabuhay at nakakita ng mga bagay-bagay. Hindi na ako ang parehong Sandra noon. Nagbago na ako. At nangangako ako, kapag naglakas loob ka na kalabanin ako, higit pa sa pambibintang sa pagnanakaw ang gagawin ko. Papatayin kita.”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terkait

  • Paghihiganti Pagkahiwalay   Kabanata 4

    OLIVIANakaupo ako sa madilim na selda, iniisip ko ang baby ko at kung paano siyang mabubuhay sa ganitong lugar. Wala akong pakielam sa sarili ko—puwede nila ako ikulong dito hanggang sa gusto nila—pero hindi ito nararapat para sa baby ko. Hindi siya nararapat na isilang sa kulungan o kaya magdusa para sa mga kasalanan ko.Ikalawang araw pa lang ng pagkakakulong sa akin, at tinutupad nila ang pangako nila kay Nick na hindi ako papalabasin. Pero naisip ko na sumosobra na sila; hindi nila ako binigyan ng pagkain simula ng dumating ako.Mabuti na walang nananatili sa sikmura ko. Nagsisimula na akong magkaroon ng morning sickness. Pero nakakaramdam pa din ako ng gutom, kahit na alam ko na anumang kainin ko, lalabas din ulit.“Oh, baby ko,” sambit ko, habang hinihimas ang aking tiyan, “Pasensiya na at pinagdadaanan mo ito, na magsisimula ka sa bagong buhay mo ng ganito ang mundo mo. Pero nangangako ako sa iyo, poprotektahan kita. Hindi malalaman ng ama mo ang tungkol sa iyo, at hinding-

  • Paghihiganti Pagkahiwalay   Kabanata 5

    OLIVIAMAKALIPAS ANG SIYAM NA BUWANNaging mahirap ang buhay sa kulungan, hindi lang dahil sa buntis ako pero dahil sa trato sa akin. Pero nagpapasalamat ako para sa isang bagay—tumupad si Ethan sa pangako niya. Ang guwardiyang sinuhulan niya ay patuloy na nagdadala sa akin ng vitamins at inaalagaan ako tulad ng pangako.Pero kapag wala siya, nagkakataon na “nakakalimutan” ako ng mga guwardiyang pakainin. May mga araw na sa sobrang gutom ko, sumasakit ang tiyan ko. Isang araw, sumigaw ako hanggang sa may dumating. Pero kaysa pagkain, panggugulpi ang inabot ko.Ginulpi nila ako ng husto kung saan nagkaroon ako ng black eye at mga pasa sa aking braso at binti. Pero sa lahat ng mga ito, pinrotektahan ko ang aking baby. Kahit na matapos nila akong gulpihin, hindi nila ako binigyan ng pagkain. Simula sa araw na iyon, natuto akong manahimik kapag walang mga pulis sa paligid.Tinipid ko ang pagkain ko, kaunti lang ang kinakain ko at nagtitira ako kung sakaling hindi ako makakakuha ng pag

  • Paghihiganti Pagkahiwalay   Kabanata 6

    NICKDalawang taon na ang lumipas simula ng ipahiya ako ng babaeng iyon, simula ng malaman ko na milyones na ang ninanakaw niya mula sa akin.Paano ko nagawang maging tanga at bulag? Noong sinabi ni Sandra sa akin na may kinalaman si Olivia sa nangyari sa nanay ko ilang taon na ang nakararaan—kung paano sila nagkakilala, at kung paano “nagkataon” na iniligtas siya ni Olivia sa muntikan ng pagkakabangga sa kanya—hindi ako naniwala noong una. Naisip ko na walang kakayahan ang asawa ko na gawin ang ganitong mga bagay.Pagkatapos ibinigay ni Sandra ang recording ng pag-uusap nila, kung saan inamin ni Olivia ang lahat: kung paano siyang nakakuha ng “magpapayaman” sa kanya, kung paano gaganda na ang buhay nila ng kanyang lola. Tila ba hindi pa iyon sapat, nagnakaw pa siya sa akin. Ipinakita sa akin ni Sandra ang patunay.Nabawi ko ang pera, pero maliit na bahagi na lang. Napupuno pa din ako ng galit kapag naiisip ko siya. Paano niya nagawa na maging masama? Minahal siya ng nanay ko!“Ni

  • Paghihiganti Pagkahiwalay   Kabanata 7

    NICKUmalis ang mga magulang ko at lumabas mula sa kusina si Sandra. Umiiyak siya at hindi ko iyon gusto. Hindi ko alam kung bakit ang sama ng mga magulang ko sa kanya, hindi naman siya ang gumawa sa akin ng mga bagay na iyon. Siya ang taong nagligtas sa akin mula sa masamang sitwasyon at ipinakita sa akin kung anong klaseng asawa ang mayroon ako.Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang ang trato nila sa kanya. “Sandra, pasensiya na talaga. Kakausapin ko sila ulit at ipapaintindi sa kanila. Ipapakita ko sa kanila ang pruweba ng mga krimen ni Olivia at pagkatapos maniniwala sila sa akin at tatanggapin ka bilang malapit kong kaibigan.”Niyakap ko siya at pinagaan ang loob niya. “Huwag mo siyang palalabasin Nick, natatakot ako sa kung anong puwede niyang gawin sa akin kapag nakalaya siya. Pakiusap, hayaan mo siyang manatili doon.” Lalo siyang umiyak, dahilan para sumikip ang dibdib ko. Hinihiling ko na sana puwede ko siyang panatilihin doon; gusto ko siyang manatili pa doon ng

  • Paghihiganti Pagkahiwalay   Kabanata 8

    OLIVIANaging impyerno ang kulungan para sa akin matapos ko manganak. Ang pulis na tumulong sa akin, ay lumipat makalipas ang dalawang araw. Sa tingin ko natrauma siya sa nakita niya at hindi na gusto na maging malapit sa akin pagkatapos ng mga pangyayari. Nagkaroon ako ng impeksyon matapos manganak, pero hindi ko alam na impeksyon ito. Ang akala ko lamang ay side effect ito matapos manganak.Walang nagsabi sa akin kung ano ang normal sa hindi sa ganoong sitwasyon. Ang huling nagawang mabuti ng pulis ay sabihin sa doktor ng hilingin ko ito sa kanya. Tinignan ito ng doktor at sinabi na ang tawag dito ay PDI(Pelvic Inflammatory Disease) sinabi niya na naimpeksyon ng bacteria ang uterus ko at mga bahagi pa sa paligid pagkatapos manganak.Binigyan niya ako ng pills; sinabi niya na magiging okay ako matapos uminom at isang araw ko lang itong nainom hanggang sa mapagdesisyon ng mga animal na iyon na dapat akong gulpihin dahil inutos ni Nick.Ginulpi nila ako ng husto at itinapon sa inido

  • Paghihiganti Pagkahiwalay   Kabanata 9

    OLIVIANamanhid ako habang nakaupo sa sasakyan, “Dalhin ninyo ako sa libingan niya, gusto ko itong makita.” Gusto ko humingi ng tawad sa kanya dahil wala ako doon, dahil hindi ko siya naalagaan tulad ng pag-aalaga niya sa akin ng mamatay ang mga magulang ko. Gusto ko humingi ng tawad dahil naging dahilan ako para mamatay siya. “Hindi namin alam kung nasaan, pero hahanapin namin at ipapaalam sa iyo.”Tumango ako, gusto ko itanong kung saan nila ako dadalhin dahil ang tahanan ko kasama si Nick ay hindi ko na tahanan. Tumigil na ito sa pagiging tahanan ko sa araw na ipakulong niya ako. Wala na akong pakielam kung saan nila ako dadalhin, hindi na mahalaga iyon sa akin. Patay na ang lola ko, at anak ko na lang ang mayroon ako.Tumingin ako sa labas ng bintana habang nagmamaneho kami, mukhang pamilyar ang lugar, at kasabay nito mukha din itong hindi pamilyar. May mga gusali na hindi ko alam, baka itinayo sila habang nakakulong ako. “May gusto ka bang kainin, Olivia?”Nagtanong ang biyena

  • Paghihiganti Pagkahiwalay   Kabanata 10

    OLIVIASana ginawa nga niya. Hindi ko man lang alam kung bakit hindi siya pumunta sa kulungan para ibigay sa akin ang divorce papers. Hinintay ko siyang dumating; handa na ako. Bakit hindi niya iyon ginawa? “Hindi, pero gusto ko na siyang hiwalayan, sabihin ninyo sa kanya na dalhin niya ang mga papeles at pipirma ako.”Wala na akong gustong koneksyon sa lalaking iyon, kahit na kailan pa. Ang gusto ko lang ay pakawalan na niya ako at palayain. Magiging malaya na ako dahil sa divorce papers. Hindi na nagtanong ang biyenan kong babae pagkatapos nito.Nagmaneho kami papunta sa bahay nila; ganoon pa din ang itsura nito tulad ng naaalala ko. “Ayaw mo pa din ba kumain?” Umiling-iling ako. “Hindi ako nagugutom, pero gusto ko magpahinga.” Tumango siya. Tahimik lang ang biyenan kong lalaki buong oras. “Alam mo kung nasaan ang kuwarto mo. Magpahinga ka na.”Hindi ko gusto matulog sa parehong kuwarto kung saan kami natutulog ni Nick kapag bumibisita kami. “Puwede ba gumamit ako ng ibang kuwart

  • Paghihiganti Pagkahiwalay   Kabanata 11

    NICKHindi ako umuwi pagkatapos ko siyang makita, dumiretso ako sa bar at nagsimulang uminom. Hindi ko maalis ang imahe niya sa isip ko. Mukhang sumobra ang… ang hina niya. Bakit ganoon ang itsura niya, ganoon ba kasama ang kulungan sa kanya? “Bigyan mo pa ako ng isa.” Inutos ko sa babaeng nagsisilbi sa akin.Lumayo siya pero kaysa bumalik dala ang inorder ko, bumalik siya kasama ang bartender. “Mr. Jones, sa tingin ko po sapat na ang nainom mo. Gusto mo po ba itawag kita ng taxi?” sa tingin niya siguro bata ako at hindi kayang mag-isip para sa sarili.Hindi na ako bata, puwede ako uminom hanggang sa gusto ko. “James, ibigay mo sa akin ang inumin ko.” Sambit ko habang naninindak ang boses ko pero hindi ko alam kung gaano ako nakakasindak sa kasalukuyan kong lagay. “Mr. Jones, tatlong oras ka na pong umiinom dito, simula po ng dumating ka. Sa tingin ko po hindi mo na kaya.”Tinitigan ko siya ng masama, ako pa din ang tagapagmana ng pamilya Jones, sino ba siya para utusan ako? “James

Bab terbaru

  • Paghihiganti Pagkahiwalay   Kabanata 50

    OLIVIANaupo ako sa couch na malapit sa bintana habang pinapanood si Samuel makipaglaro ng bola kay Lupita. Dalawang araw na ng takutin ako ni Nick at hindi ko maalis ang mga mata ko mula sa anak ko. Hindi kahit sandali lang. Siya lang ang bagay na puwede kunin ni Nick mula sa akin durugin ako.Sobrang paranoid ko at nagugulat ako sa lahat ng mga bagay at lagi akong tumitingin sa paligid. Sa bahay na ako nagtatrabaho sa takot na kapag umalis ako, baka iyon na ang huling beses na makita ko siya at hindi na ulit. Si Marcus ang abala sa business sa nakalipas na dalawang araw.Ang pag-aayos sa paglulunsad at pag-aasikaso sa construction at pagtatayo sa warehouse. Factory workers lang at mga papeles ang inaasikaso ko. Inilagay ko ang laptop sa coffee table at humarap sa bintana ng buo para panoorin ang anak ko maglaro.Tumatawa siya at hinahabol ang bola. Susubukan niyang sipain ang bola tapos siya ang matutumba. Gusto ko kung paano siyang bumabangon ulit para muling subukan. Habang nak

  • Paghihiganti Pagkahiwalay   Kabanata 49

    NICK“Ama, ano…” umiling-iling siya habang disappointed ang itsura. “Kinuha mo ang batang iyon mula sa nanay niya, tama ba?” Hindi ako nagsalita. “Tang ina naman Nick, hindi ka ba natuto mula sa nangyari sa pagitan namin ng kapatid mo? Bakit mo iyon ginawa?”“Dahil hindi magandang modelo si Olivia para sa anak ko.” Suminghal ang ama ko. “Ikaw ang magandang tularan niya?” Nantili akong tahimik, at least mas mabuti ako kay Olivia. “Nick, lalong sasama ang namamagitan sa inyo ng nanay ng anak mo. Iyon ba ang gusto mo? Para sa anak mo na mahirapan sa inyo ng nanay niya, anong sa tingin mo ang sasabihin niya balang araw kapag sinabi ng nanay niya sa kanya na ipinakidnap mo siya dahil lang sa kaya mo?”Hindi pa din ako nagsalita, pero may isa akong alam na bagay. Si Olivia ang may kasalanan. “Sa tingin mo ba ayaw namin magkaroon ng relasyon sa apo namin? Gusto namin pero binibigyan namin ng oras si Olivia. Mali ang ginawa namin sa kanya para sa iyo, at gusto namin na siya ang lumapit at p

  • Paghihiganti Pagkahiwalay   Kabanata 48

    NICKNabigla ako, hinding-hindi gagawa ng ganito ang nanay ko. “Anong tinutukoy mo?” hindi niya ako binigyan ng pansin at kinuha ang bag niya bago pumunta sa pinto habang nakasunod ako. “Sa likod ka pumarada, tama?” tumango ako at naglakad na siya.Hindi ko maalis sa isip ko ang sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin na pinalayas ng nanay ko ang nanay niya? Mukhang hindi naman siya galit na natagpuan siya ni ama, mas galit siya dahil hindi sinabi sa kanya na nagawa na niyang hanapin ang anak niya. Gagawin ba ito ng taong nagpalayas sa kanya? Sa tingin ko hindi.“Huwag mo itong isipin masyado bunso kong kapatid, naiintindihan ko naman ang nanay mo. Base sa sinabi sa akin, kakasimula pa lang ng relasyon nila ng ama mo ng pumunta ang nanay ko kasama ako. Siguro naramdaman niyang nanganganib ang relasyon nila ng magpakita kami.” Hindi ako nagsalita. Naupo siya sa tabi ko sa sasakyan at nagmaneho na si Given pauwi.Maaari kayang nanay ko ang nagbigay babala sa nanay niyang huwag bumalik

  • Paghihiganti Pagkahiwalay   Kabanata 47

    NICKDalawang araw na ang lumipas at hindi pa din nawawala ang balita tungkol sa ama ko at kapatid. Sawang-sawa na ako at gusto ko na itong matapos. Pero mukhang hindi titigil ang mga reporters hanggang sa hindi nila nakukuha ang buong kuwento. Ayaw ng mga magulang ko na paunlakan sila, ayaw nila na magbigay ng statement at ibigay ang buong kuwento.Work from home na ako dahil napalilibutan ng mga buwitreng iyon ang aking opisina. Hindi nakatulong na gusto ng abogado ko na hayaan ang anak ko na manatili kasama si Olivia. Sinabi niya na mabuti para sa mga bata na lumaki kasama ang nanay nila, pero ang inaalala ko ay kung magiging anong klaseng role model si Olivia sa anak ko. Ang babaeng ito ay hindi klase ng tao na inaakala ko.Pinuntirya niya ang pamilya ko, maaaring kinamumuhian niya ako, pero pinuntirya niya ang pamilya ng anak niya. Ano iyon? Hindi pa kami nakikilala ng anak namin; anong sa tingin niya ang iniisip niya ng gawin ang ganitong bagay para makita ng mundo. Gusto ba n

  • Paghihiganti Pagkahiwalay   Kabanata 46

    OLIVIANanginig ang mga kamay ko ng magtype ako ng sagot. “Nick, hindi ako ang may gawa nito, maniwala ka sa akin.” Nakatitig ako sa screen habang hinihintay ang sagot niya. Hindi ko gusto maging kaaway si Nick. Gusto ko maghiganti oo pero sa business. Hindi ko pupuntiryahin ang pamilya niya sa ganitong paraan. Hindi ako ganitong klase ng tao.Bukod pa doon, bakit niya inisip na ako, anong ebidensiya ang mayroon siya para isipin na gagawin ko ang ganitong bagay? Tumayo ako at nagsimulang maglakad ng pabalik-balik. Maaaring mainitin ang ulo ni Nick at hindi ko alam kung paano siyang gaganti. Ipinakulong na niya ako ng minsan para sa isang bagay na hindi ko ginawa, anong malay ko sa kung anong gagawin niya ngayon.Nahihilo na ako habang tinitignan ang phone ko na parang magpapakita bigla sa mahiwagang paraan ang mga message niya. Na naiintindihan niya ang sinasabi ko o maling text ang ipinadala niya at hindi para sa akin. Pero wala.“Olivia, anong problema.” Tanong ni Marcus ng pumas

  • Paghihiganti Pagkahiwalay   Kabanata 45

    OLIVIANaupo ako doon habang nanonood ng balita at napanganga na lang ako. Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko sa balita at nakapag-aalala ang katahimikan ng pamilya Jones. Alam siguro nila na hindi lang basta-basta mawawala ang sitwasyon ng hindi sila nagsasalita.Tanghaling tapat na at kumalat ang balitang ito ng hatinggabi, at nagkataon na wala pa din statement na binibigay ang kumpanya o pamilya nila. Patuloy ang pagbagsak ng stocks nila, at hindi na ito maganda. Ang bawat balita ay pare-pareho ang istorya na ang video ni ama na pumasok siya sa club at lumabas din siya makalipas ang isang oras.Maliban sa balita na napapaisip kung sino ang may gawa nito, malinaw na sadya ito at kinukuwestiyon ko kung sino ang salarin. Sinong malakas ang loob na atakihin ng direkta ang pamilya Jones ng ganito, natatakot ako para sa taong iyon sa oras na malaman nila kung sino siya. Ang taong iyon ay magsisisi na kinalaban niya ang pamilya Jones.“Sana naisip ko na ito noon pa, pero hanga ako

  • Paghihiganti Pagkahiwalay   Kabanata 44

    NICKItinapon ko ang phone ko sa pader, nagkapirapiraso ito. Tinignan ako ng ama ko habang nakataas ang kilay niya, hindi man lang siya nagulat sa pagwawala ko. Noong akala ko mali ako tungkol sa asawa ko, may ginawa naman siyang ganito. Kung gusto niya makasama si Walker, bakit hindi na lang siya sumama sa kanya ng hindi gumagawa ng ganitong mga bagay.Ngayon hindi ako nagsisisi na ipinakulong ko siya, malinaw na nararapat lang ito, sayang lang at nadamay pa ang anak ko sa mga plano ng nanay niya kung saan naging dahilan pa para isilang siya sa kulungan. Gusto ko bumawi sa pagpapakulong ko sa kanya. Maibalik siya sa bahay pero mukhang niloloko ko lang ang sarili ko.Mas malala pa si Olivia kaysa sa inaasahan ko, malinaw na hindi ko talaga kilala ang babaeng pinakasalan ko. “Tumigil ka na kakapabalik-balik at makakahukay ka na dito sa study, hindi ko iyon gusto.” Naiinis na din ako sa kanya. Paano niya nagagawa maging kalmado habang gumuguho na ang mundo namin.“Hinihintay ka ng mg

  • Paghihiganti Pagkahiwalay   Kabanata 43

    NICKNagising ako sa walang tigil na pag ring ng phone ko. Sinubukan ko itong hindi bigyan ng pansin, pero matiyaga ng tumatawag. Tatawag siya at ibababa ng paulit-ulit. Habang hindi iminumulat ang mga mata ko, sinagot ko ang tawag. “Ano!” Sobrang naiinis ako; hindi ba nila nakikita kung anong oras pa lang? Well, hindi ko rin naman alam kung anong oras na, pero hindi pa ito oras para tumawag sa mga tao.“Sir, pasensiya na po at nagising kita, pero kailangan mo po makita ang balita, at masama po ito, talagang napakasama.” Nagising ako agad. Bumangon ako mula sa kama habang shorts lang ang suot at binuksan ang tv. “Hindi po namin alam kung sino po ang nag-leak nito, pero mabilis po ang pagbagsak ng stocks ng Jones enterprise sa balita.” Nakita ko ang sinasabi niya.Hindi ko alam kung tungkol ito saan at kung anong tungkol sa pagbagsak ng stocks namin. Ano ba ang nangyayari? Binaba ko ang tawag at tinignan ang phone ko. Nakasulat ng malalaking letra sa artikulo. “Stocks ng Jones enterp

  • Paghihiganti Pagkahiwalay   Kabanata 42

    UNKNOWN POVSa isang lugar sa downtown ng New Village City, sa pinakakahinahinalang lugar sa lungsod, may dalawang tao ang nagkita. Ang isa ay young master ng isa sa mga prestihiyosong pamilya ng New Village. Ang sasakyan ng young master ay kapansin-pansin. Batid ng kahit sinong hindi ito nababagay sa lugar.Pero para sa kanya, ang sasakyan ay hindi markado at misteryoso, hindi tulad ng ibang mga sasakyan niya na markado at madaling makilala. Ang isa pang tao ay nakabalatkayo, walang makapagsasabi kung sino ang taong ito. O kung anong kasarian niya.Ang boses ay binago at may mask ang buong mukha. Kahit ang young master ay hindi kilala ang taong ito, pero masaya siya sa impormasyong ibinibigay ng estranghero sa kanya. “Handa ka na ba sa susunod na estado ng plano? Nakita mo ana ang Walker na iyon ay hindi masyadong nabagabag sa ginawa natin ngayon. Gusto ko na may gawin pa tayong higit pa.”Sambit ng young master, naisip niya na ang pagsunog sa warehouse ay pipigil kay Olivia at Ma

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status