OLIVIANamanhid ako habang nakaupo sa sasakyan, “Dalhin ninyo ako sa libingan niya, gusto ko itong makita.” Gusto ko humingi ng tawad sa kanya dahil wala ako doon, dahil hindi ko siya naalagaan tulad ng pag-aalaga niya sa akin ng mamatay ang mga magulang ko. Gusto ko humingi ng tawad dahil naging dahilan ako para mamatay siya. “Hindi namin alam kung nasaan, pero hahanapin namin at ipapaalam sa iyo.”Tumango ako, gusto ko itanong kung saan nila ako dadalhin dahil ang tahanan ko kasama si Nick ay hindi ko na tahanan. Tumigil na ito sa pagiging tahanan ko sa araw na ipakulong niya ako. Wala na akong pakielam kung saan nila ako dadalhin, hindi na mahalaga iyon sa akin. Patay na ang lola ko, at anak ko na lang ang mayroon ako.Tumingin ako sa labas ng bintana habang nagmamaneho kami, mukhang pamilyar ang lugar, at kasabay nito mukha din itong hindi pamilyar. May mga gusali na hindi ko alam, baka itinayo sila habang nakakulong ako. “May gusto ka bang kainin, Olivia?”Nagtanong ang biyena
OLIVIASana ginawa nga niya. Hindi ko man lang alam kung bakit hindi siya pumunta sa kulungan para ibigay sa akin ang divorce papers. Hinintay ko siyang dumating; handa na ako. Bakit hindi niya iyon ginawa? “Hindi, pero gusto ko na siyang hiwalayan, sabihin ninyo sa kanya na dalhin niya ang mga papeles at pipirma ako.”Wala na akong gustong koneksyon sa lalaking iyon, kahit na kailan pa. Ang gusto ko lang ay pakawalan na niya ako at palayain. Magiging malaya na ako dahil sa divorce papers. Hindi na nagtanong ang biyenan kong babae pagkatapos nito.Nagmaneho kami papunta sa bahay nila; ganoon pa din ang itsura nito tulad ng naaalala ko. “Ayaw mo pa din ba kumain?” Umiling-iling ako. “Hindi ako nagugutom, pero gusto ko magpahinga.” Tumango siya. Tahimik lang ang biyenan kong lalaki buong oras. “Alam mo kung nasaan ang kuwarto mo. Magpahinga ka na.”Hindi ko gusto matulog sa parehong kuwarto kung saan kami natutulog ni Nick kapag bumibisita kami. “Puwede ba gumamit ako ng ibang kuwart
NICKHindi ako umuwi pagkatapos ko siyang makita, dumiretso ako sa bar at nagsimulang uminom. Hindi ko maalis ang imahe niya sa isip ko. Mukhang sumobra ang… ang hina niya. Bakit ganoon ang itsura niya, ganoon ba kasama ang kulungan sa kanya? “Bigyan mo pa ako ng isa.” Inutos ko sa babaeng nagsisilbi sa akin.Lumayo siya pero kaysa bumalik dala ang inorder ko, bumalik siya kasama ang bartender. “Mr. Jones, sa tingin ko po sapat na ang nainom mo. Gusto mo po ba itawag kita ng taxi?” sa tingin niya siguro bata ako at hindi kayang mag-isip para sa sarili.Hindi na ako bata, puwede ako uminom hanggang sa gusto ko. “James, ibigay mo sa akin ang inumin ko.” Sambit ko habang naninindak ang boses ko pero hindi ko alam kung gaano ako nakakasindak sa kasalukuyan kong lagay. “Mr. Jones, tatlong oras ka na pong umiinom dito, simula po ng dumating ka. Sa tingin ko po hindi mo na kaya.”Tinitigan ko siya ng masama, ako pa din ang tagapagmana ng pamilya Jones, sino ba siya para utusan ako? “James
ETHANNagkatinginan kami ni Oliver ng mawalan ng malay si Nick. Pareho naming alam kung anong tinutukoy niya, alam namin kung sino ang tinatawag niyang puso niya. Pero bakit siya maaapektuhan ng ganito? Okay naman siya noong nakakulong si Olivia sa nakalipas na dalawang taon. Wala siyang pakielam kung mabubuhay siya o mamamatay. Abala siyang ipinaparada ang ibang babae.Ngayon at nakalaya na siya, may problema siya. Hindi! Dapat bigyan ni Nick ng pagkakataon ang iba. “Tulungan mo ako buhatin siya at huwag mo na siyang hahayaan uminom ulit ng ganito. Tawagan mo ako agad ng maaga kapag may ginagawa na naman siyang ganito.”“Opo, Mr. Lewis.” Inilagay namin siya sa backseat ng sasakyan at nanatili si Oliver sa tabi niya. Tumunog ang phone ko noong sisindihan ko na ang makina ng sasakyan. Inilabas ko ang phone mula sa bulsa at isang hindi kilalang numero ang makikita sa screen. Napasimangot ako ng sagutin ito. “Ethan Lewis.”“Hi, ako ito.” Bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ang bos
NICKMarahil nag-aalala ng husto si Sandra dahil hindi ako umuwi kahapon. Umalis na ako matapos pirmahan ang release documents sa estasyon ng pulis dahil napilitan akong bawiin ang kaso dahil sa mga magulang ko. Iniisip niya siguro na nakita ko si Olivia at naisip na gusto ko siyang mabawi. Bagay na gusto ko, pero hindi ako mapakali sa itsura niya.Hindi na siya ang Olivia na kilala ko, at gusto kong malaman kung anong nangyari sa kanya. Ang akala ko ang pag-alis ko para magpakalasing ay makakatulong para makalimutan ko siya, pero pinalala lang nito ang lahat. Sa unang araw nagpakalasing ako at natulog sa sasakyan ko, pagkatapos uminom ako ulit hanggang sa sinundo na ako ni Ethan.Galit din ako sa kanya, best friend ko siya, at lumaki kami ng magkasama. Paanong hindi niya alam na nalasing siya at nabuntis si Sandra? Ngayon at wala na ang baby dahil sa asawa ko, hindi gusto ni Sandra na malaman ni Ethan ang tungkol sa gabing iyon.Dapat nandoon si Olivia para sa kanya, para suportah
NICKNagising ako habang pakiramdam ko nabangga ako ng truck. Nakahiga ako ng nakapikit ang mga mata habang nararamdaman ang sakit ng katawan ko at nagsisisi sa dami ng nainom ko. Pero may kumilos bigla sa tabi ko, iminulat ko ang aking mga mata at umikot. Nakita ko si Sandra sa tabi ko.Nakalimutan ko na masakit ang katawan ko ng magulat ako at mapabangon ako bigla. “Pambihira naman Sandra!” nagulat siya at napaupo sa kama habang wala sa sarili at tumitingin sa paligid. “Ano, anong problema?” pambihira naman! “Anong ibig mo sabihin? Nasa kama kita!” kinusot niya ang kanyang mga mata habang bumabangon mula sa kama na parang wala siyang nagawang mali.“Oh, iyon. Pasensiya na, binangungot ako at hindi ako makatulog. Kaya, pumunta ako dito, at tinanong kita kung puwede ako matulog sa tabi mo, umoo ka naman.” Ano! Gaano ba ako kalasing kagabi? Dahil wala akong maalala sa sinabi niya. “Sandra, lasing ako kagabi, hindi mo dapat ako seryosohin at bukod pa doon. Kasal na akong tao, at kama
ETHANMagmamaneho na dapat ako paalis para sunduin si Olivia, para maisama ko siya sa libingan ng kanyang nanay. Naupo lang ako doon sa sasakyan ng si James, ang driver ko at bodyguard, ay nagsalita. “Sir, nakatanggap po ako ng alert, may sumubok po tignan ang prison record ni Mrs. Jones.” Nick! Ano ba ang hinahanap mo?“Alam natin na mangyayari ito balang araw James, kaya nag-ingat tayo ng husto. Inaassume ko na wala silang nalaman, tama ba?” Tumango siya. Hindi ko puwede ipaalam kay Nick ang tungkol kay Samuel. Wala siyang karapatan malaman ang kahit na ano tungkol sa batang iyon.“Panatilihin natin na ganito. At James, kung malalaman ni Nick ang tungkol kay Samuel at lahat ng nangyari kay Olivia doon sa loob. Kakalimutan ko ang lahat ng pinagdaanan natin sa nakalipas na mga taon na nagtatrabaho ka para sa akin. Ibig sabihin, papatayin kita kung kinakailangan.”Napalunok siya ng malalim at sinindihan ang makina ng sasakyan. Sa tingin ni Nick siya lang ang maraming koneksyon para
OLIVIAHindi maipaliwanag ang galit na naramdaman ko ng makita ko ang libingan ng lola ko. Pero ang sakit ay higit pa sa galit na nararamdaman ko. Ginawa ng babaeng ito ang lahat para sa akin at siniguro na makapag-aral ako at maging kung sino ako ngayon. Pero, wala ako noong pinakakailangan niya ako, wala ako doon para bigyan siya ng maayos na libing.Inilibing siya na parang aso, walang lapida o litrato. Nasaktan ako ng husto dahil lumala ng husto ang lahat at nadamay siya. Pero aayusin ko ang lahat, ang mga nagpahirap sa akin, ang mga naging dahilan ng sakit na ito, mararamdaman din nila itong lahat ng sampung ulit.“Ihatid mo na ako pabalik Ethan, sasabihin ko sa mga magulang ni Nick na uuwi na ako.” Tumango siya at nilisan namin ang sementeryo. Nag-iwan ako ng pangako sa lola ko na gagawin ko ang tama. Tahimik ang aming biyahe pabalik, kung saan umiisip ako ng paraan para kumita ng pera. Wala akong trabaho, at walang kukuha sa akin dahil sa criminal record ko.Iyon ang ginusto
OLIVIANaupo ako sa couch na malapit sa bintana habang pinapanood si Samuel makipaglaro ng bola kay Lupita. Dalawang araw na ng takutin ako ni Nick at hindi ko maalis ang mga mata ko mula sa anak ko. Hindi kahit sandali lang. Siya lang ang bagay na puwede kunin ni Nick mula sa akin durugin ako.Sobrang paranoid ko at nagugulat ako sa lahat ng mga bagay at lagi akong tumitingin sa paligid. Sa bahay na ako nagtatrabaho sa takot na kapag umalis ako, baka iyon na ang huling beses na makita ko siya at hindi na ulit. Si Marcus ang abala sa business sa nakalipas na dalawang araw.Ang pag-aayos sa paglulunsad at pag-aasikaso sa construction at pagtatayo sa warehouse. Factory workers lang at mga papeles ang inaasikaso ko. Inilagay ko ang laptop sa coffee table at humarap sa bintana ng buo para panoorin ang anak ko maglaro.Tumatawa siya at hinahabol ang bola. Susubukan niyang sipain ang bola tapos siya ang matutumba. Gusto ko kung paano siyang bumabangon ulit para muling subukan. Habang nak
NICK“Ama, ano…” umiling-iling siya habang disappointed ang itsura. “Kinuha mo ang batang iyon mula sa nanay niya, tama ba?” Hindi ako nagsalita. “Tang ina naman Nick, hindi ka ba natuto mula sa nangyari sa pagitan namin ng kapatid mo? Bakit mo iyon ginawa?”“Dahil hindi magandang modelo si Olivia para sa anak ko.” Suminghal ang ama ko. “Ikaw ang magandang tularan niya?” Nantili akong tahimik, at least mas mabuti ako kay Olivia. “Nick, lalong sasama ang namamagitan sa inyo ng nanay ng anak mo. Iyon ba ang gusto mo? Para sa anak mo na mahirapan sa inyo ng nanay niya, anong sa tingin mo ang sasabihin niya balang araw kapag sinabi ng nanay niya sa kanya na ipinakidnap mo siya dahil lang sa kaya mo?”Hindi pa din ako nagsalita, pero may isa akong alam na bagay. Si Olivia ang may kasalanan. “Sa tingin mo ba ayaw namin magkaroon ng relasyon sa apo namin? Gusto namin pero binibigyan namin ng oras si Olivia. Mali ang ginawa namin sa kanya para sa iyo, at gusto namin na siya ang lumapit at p
NICKNabigla ako, hinding-hindi gagawa ng ganito ang nanay ko. “Anong tinutukoy mo?” hindi niya ako binigyan ng pansin at kinuha ang bag niya bago pumunta sa pinto habang nakasunod ako. “Sa likod ka pumarada, tama?” tumango ako at naglakad na siya.Hindi ko maalis sa isip ko ang sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin na pinalayas ng nanay ko ang nanay niya? Mukhang hindi naman siya galit na natagpuan siya ni ama, mas galit siya dahil hindi sinabi sa kanya na nagawa na niyang hanapin ang anak niya. Gagawin ba ito ng taong nagpalayas sa kanya? Sa tingin ko hindi.“Huwag mo itong isipin masyado bunso kong kapatid, naiintindihan ko naman ang nanay mo. Base sa sinabi sa akin, kakasimula pa lang ng relasyon nila ng ama mo ng pumunta ang nanay ko kasama ako. Siguro naramdaman niyang nanganganib ang relasyon nila ng magpakita kami.” Hindi ako nagsalita. Naupo siya sa tabi ko sa sasakyan at nagmaneho na si Given pauwi.Maaari kayang nanay ko ang nagbigay babala sa nanay niyang huwag bumalik
NICKDalawang araw na ang lumipas at hindi pa din nawawala ang balita tungkol sa ama ko at kapatid. Sawang-sawa na ako at gusto ko na itong matapos. Pero mukhang hindi titigil ang mga reporters hanggang sa hindi nila nakukuha ang buong kuwento. Ayaw ng mga magulang ko na paunlakan sila, ayaw nila na magbigay ng statement at ibigay ang buong kuwento.Work from home na ako dahil napalilibutan ng mga buwitreng iyon ang aking opisina. Hindi nakatulong na gusto ng abogado ko na hayaan ang anak ko na manatili kasama si Olivia. Sinabi niya na mabuti para sa mga bata na lumaki kasama ang nanay nila, pero ang inaalala ko ay kung magiging anong klaseng role model si Olivia sa anak ko. Ang babaeng ito ay hindi klase ng tao na inaakala ko.Pinuntirya niya ang pamilya ko, maaaring kinamumuhian niya ako, pero pinuntirya niya ang pamilya ng anak niya. Ano iyon? Hindi pa kami nakikilala ng anak namin; anong sa tingin niya ang iniisip niya ng gawin ang ganitong bagay para makita ng mundo. Gusto ba n
OLIVIANanginig ang mga kamay ko ng magtype ako ng sagot. “Nick, hindi ako ang may gawa nito, maniwala ka sa akin.” Nakatitig ako sa screen habang hinihintay ang sagot niya. Hindi ko gusto maging kaaway si Nick. Gusto ko maghiganti oo pero sa business. Hindi ko pupuntiryahin ang pamilya niya sa ganitong paraan. Hindi ako ganitong klase ng tao.Bukod pa doon, bakit niya inisip na ako, anong ebidensiya ang mayroon siya para isipin na gagawin ko ang ganitong bagay? Tumayo ako at nagsimulang maglakad ng pabalik-balik. Maaaring mainitin ang ulo ni Nick at hindi ko alam kung paano siyang gaganti. Ipinakulong na niya ako ng minsan para sa isang bagay na hindi ko ginawa, anong malay ko sa kung anong gagawin niya ngayon.Nahihilo na ako habang tinitignan ang phone ko na parang magpapakita bigla sa mahiwagang paraan ang mga message niya. Na naiintindihan niya ang sinasabi ko o maling text ang ipinadala niya at hindi para sa akin. Pero wala.“Olivia, anong problema.” Tanong ni Marcus ng pumas
OLIVIANaupo ako doon habang nanonood ng balita at napanganga na lang ako. Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko sa balita at nakapag-aalala ang katahimikan ng pamilya Jones. Alam siguro nila na hindi lang basta-basta mawawala ang sitwasyon ng hindi sila nagsasalita.Tanghaling tapat na at kumalat ang balitang ito ng hatinggabi, at nagkataon na wala pa din statement na binibigay ang kumpanya o pamilya nila. Patuloy ang pagbagsak ng stocks nila, at hindi na ito maganda. Ang bawat balita ay pare-pareho ang istorya na ang video ni ama na pumasok siya sa club at lumabas din siya makalipas ang isang oras.Maliban sa balita na napapaisip kung sino ang may gawa nito, malinaw na sadya ito at kinukuwestiyon ko kung sino ang salarin. Sinong malakas ang loob na atakihin ng direkta ang pamilya Jones ng ganito, natatakot ako para sa taong iyon sa oras na malaman nila kung sino siya. Ang taong iyon ay magsisisi na kinalaban niya ang pamilya Jones.“Sana naisip ko na ito noon pa, pero hanga ako
NICKItinapon ko ang phone ko sa pader, nagkapirapiraso ito. Tinignan ako ng ama ko habang nakataas ang kilay niya, hindi man lang siya nagulat sa pagwawala ko. Noong akala ko mali ako tungkol sa asawa ko, may ginawa naman siyang ganito. Kung gusto niya makasama si Walker, bakit hindi na lang siya sumama sa kanya ng hindi gumagawa ng ganitong mga bagay.Ngayon hindi ako nagsisisi na ipinakulong ko siya, malinaw na nararapat lang ito, sayang lang at nadamay pa ang anak ko sa mga plano ng nanay niya kung saan naging dahilan pa para isilang siya sa kulungan. Gusto ko bumawi sa pagpapakulong ko sa kanya. Maibalik siya sa bahay pero mukhang niloloko ko lang ang sarili ko.Mas malala pa si Olivia kaysa sa inaasahan ko, malinaw na hindi ko talaga kilala ang babaeng pinakasalan ko. “Tumigil ka na kakapabalik-balik at makakahukay ka na dito sa study, hindi ko iyon gusto.” Naiinis na din ako sa kanya. Paano niya nagagawa maging kalmado habang gumuguho na ang mundo namin.“Hinihintay ka ng mg
NICKNagising ako sa walang tigil na pag ring ng phone ko. Sinubukan ko itong hindi bigyan ng pansin, pero matiyaga ng tumatawag. Tatawag siya at ibababa ng paulit-ulit. Habang hindi iminumulat ang mga mata ko, sinagot ko ang tawag. “Ano!” Sobrang naiinis ako; hindi ba nila nakikita kung anong oras pa lang? Well, hindi ko rin naman alam kung anong oras na, pero hindi pa ito oras para tumawag sa mga tao.“Sir, pasensiya na po at nagising kita, pero kailangan mo po makita ang balita, at masama po ito, talagang napakasama.” Nagising ako agad. Bumangon ako mula sa kama habang shorts lang ang suot at binuksan ang tv. “Hindi po namin alam kung sino po ang nag-leak nito, pero mabilis po ang pagbagsak ng stocks ng Jones enterprise sa balita.” Nakita ko ang sinasabi niya.Hindi ko alam kung tungkol ito saan at kung anong tungkol sa pagbagsak ng stocks namin. Ano ba ang nangyayari? Binaba ko ang tawag at tinignan ang phone ko. Nakasulat ng malalaking letra sa artikulo. “Stocks ng Jones enterp
UNKNOWN POVSa isang lugar sa downtown ng New Village City, sa pinakakahinahinalang lugar sa lungsod, may dalawang tao ang nagkita. Ang isa ay young master ng isa sa mga prestihiyosong pamilya ng New Village. Ang sasakyan ng young master ay kapansin-pansin. Batid ng kahit sinong hindi ito nababagay sa lugar.Pero para sa kanya, ang sasakyan ay hindi markado at misteryoso, hindi tulad ng ibang mga sasakyan niya na markado at madaling makilala. Ang isa pang tao ay nakabalatkayo, walang makapagsasabi kung sino ang taong ito. O kung anong kasarian niya.Ang boses ay binago at may mask ang buong mukha. Kahit ang young master ay hindi kilala ang taong ito, pero masaya siya sa impormasyong ibinibigay ng estranghero sa kanya. “Handa ka na ba sa susunod na estado ng plano? Nakita mo ana ang Walker na iyon ay hindi masyadong nabagabag sa ginawa natin ngayon. Gusto ko na may gawin pa tayong higit pa.”Sambit ng young master, naisip niya na ang pagsunog sa warehouse ay pipigil kay Olivia at Ma