/ Romance / Paghihiganti Pagkahiwalay / 챕터 41 - 챕터 50

Paghihiganti Pagkahiwalay의 모든 챕터: 챕터 41 - 챕터 50

50 챕터

Kabanata 41

OLIVIA“Magandang mga bulaklak, kanino sila galing?” tanong ni Marcus habang papasok at tumayo siya sa tabi ko. “Sa tingin ko galing sila kay Nick.” Hindi na siya nagsalita at lumayo na lang sa akin. “Wala itong halaga, ang mga bulaklak ay hindi mabubura ang mga ginawa sa akin ni Nick, at hindi nila mababago ang mga plano natin. Pagbabayaran pa din ni Nick Jones ang ginawa niya sa akin, at sisiguruhin ko iyon.”Hindi ko alam kung sino ang sinusubukan ko kumbinsihin sa pagsabi nito, ang totoo ay naapektuhan ako ng mga bulaklak at naiwanan ng maraming mga tanong. Tulad ng ano ang naging dahilan kung bakit niya ako pinadalahan ng mga bulaklak bigla, anong tumatakbo sa isip niya, at sa tingin ba niya may maaayos ito?“Nagsimula na ang phase two. Anumang araw ngayon na ito mangyayari; kailangan na lang natin maghintay.” Malinaw na indikasyong ayaw niyang pag-usapan namin si Nick dahil iniba niya ang aming pinag-uusapan. “Walang mababago ang mga bulaklak Marcus, totoo.” Hindi ko alam kung
더 보기

Kabanata 42

UNKNOWN POVSa isang lugar sa downtown ng New Village City, sa pinakakahinahinalang lugar sa lungsod, may dalawang tao ang nagkita. Ang isa ay young master ng isa sa mga prestihiyosong pamilya ng New Village. Ang sasakyan ng young master ay kapansin-pansin. Batid ng kahit sinong hindi ito nababagay sa lugar.Pero para sa kanya, ang sasakyan ay hindi markado at misteryoso, hindi tulad ng ibang mga sasakyan niya na markado at madaling makilala. Ang isa pang tao ay nakabalatkayo, walang makapagsasabi kung sino ang taong ito. O kung anong kasarian niya.Ang boses ay binago at may mask ang buong mukha. Kahit ang young master ay hindi kilala ang taong ito, pero masaya siya sa impormasyong ibinibigay ng estranghero sa kanya. “Handa ka na ba sa susunod na estado ng plano? Nakita mo ana ang Walker na iyon ay hindi masyadong nabagabag sa ginawa natin ngayon. Gusto ko na may gawin pa tayong higit pa.”Sambit ng young master, naisip niya na ang pagsunog sa warehouse ay pipigil kay Olivia at Ma
더 보기

Kabanata 43

NICKNagising ako sa walang tigil na pag ring ng phone ko. Sinubukan ko itong hindi bigyan ng pansin, pero matiyaga ng tumatawag. Tatawag siya at ibababa ng paulit-ulit. Habang hindi iminumulat ang mga mata ko, sinagot ko ang tawag. “Ano!” Sobrang naiinis ako; hindi ba nila nakikita kung anong oras pa lang? Well, hindi ko rin naman alam kung anong oras na, pero hindi pa ito oras para tumawag sa mga tao.“Sir, pasensiya na po at nagising kita, pero kailangan mo po makita ang balita, at masama po ito, talagang napakasama.” Nagising ako agad. Bumangon ako mula sa kama habang shorts lang ang suot at binuksan ang tv. “Hindi po namin alam kung sino po ang nag-leak nito, pero mabilis po ang pagbagsak ng stocks ng Jones enterprise sa balita.” Nakita ko ang sinasabi niya.Hindi ko alam kung tungkol ito saan at kung anong tungkol sa pagbagsak ng stocks namin. Ano ba ang nangyayari? Binaba ko ang tawag at tinignan ang phone ko. Nakasulat ng malalaking letra sa artikulo. “Stocks ng Jones enterp
더 보기

Kabanata 44

NICKItinapon ko ang phone ko sa pader, nagkapirapiraso ito. Tinignan ako ng ama ko habang nakataas ang kilay niya, hindi man lang siya nagulat sa pagwawala ko. Noong akala ko mali ako tungkol sa asawa ko, may ginawa naman siyang ganito. Kung gusto niya makasama si Walker, bakit hindi na lang siya sumama sa kanya ng hindi gumagawa ng ganitong mga bagay.Ngayon hindi ako nagsisisi na ipinakulong ko siya, malinaw na nararapat lang ito, sayang lang at nadamay pa ang anak ko sa mga plano ng nanay niya kung saan naging dahilan pa para isilang siya sa kulungan. Gusto ko bumawi sa pagpapakulong ko sa kanya. Maibalik siya sa bahay pero mukhang niloloko ko lang ang sarili ko.Mas malala pa si Olivia kaysa sa inaasahan ko, malinaw na hindi ko talaga kilala ang babaeng pinakasalan ko. “Tumigil ka na kakapabalik-balik at makakahukay ka na dito sa study, hindi ko iyon gusto.” Naiinis na din ako sa kanya. Paano niya nagagawa maging kalmado habang gumuguho na ang mundo namin.“Hinihintay ka ng mg
더 보기

Kabanata 45

OLIVIANaupo ako doon habang nanonood ng balita at napanganga na lang ako. Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko sa balita at nakapag-aalala ang katahimikan ng pamilya Jones. Alam siguro nila na hindi lang basta-basta mawawala ang sitwasyon ng hindi sila nagsasalita.Tanghaling tapat na at kumalat ang balitang ito ng hatinggabi, at nagkataon na wala pa din statement na binibigay ang kumpanya o pamilya nila. Patuloy ang pagbagsak ng stocks nila, at hindi na ito maganda. Ang bawat balita ay pare-pareho ang istorya na ang video ni ama na pumasok siya sa club at lumabas din siya makalipas ang isang oras.Maliban sa balita na napapaisip kung sino ang may gawa nito, malinaw na sadya ito at kinukuwestiyon ko kung sino ang salarin. Sinong malakas ang loob na atakihin ng direkta ang pamilya Jones ng ganito, natatakot ako para sa taong iyon sa oras na malaman nila kung sino siya. Ang taong iyon ay magsisisi na kinalaban niya ang pamilya Jones.“Sana naisip ko na ito noon pa, pero hanga ako
더 보기

Kabanata 46

OLIVIANanginig ang mga kamay ko ng magtype ako ng sagot. “Nick, hindi ako ang may gawa nito, maniwala ka sa akin.” Nakatitig ako sa screen habang hinihintay ang sagot niya. Hindi ko gusto maging kaaway si Nick. Gusto ko maghiganti oo pero sa business. Hindi ko pupuntiryahin ang pamilya niya sa ganitong paraan. Hindi ako ganitong klase ng tao.Bukod pa doon, bakit niya inisip na ako, anong ebidensiya ang mayroon siya para isipin na gagawin ko ang ganitong bagay? Tumayo ako at nagsimulang maglakad ng pabalik-balik. Maaaring mainitin ang ulo ni Nick at hindi ko alam kung paano siyang gaganti. Ipinakulong na niya ako ng minsan para sa isang bagay na hindi ko ginawa, anong malay ko sa kung anong gagawin niya ngayon.Nahihilo na ako habang tinitignan ang phone ko na parang magpapakita bigla sa mahiwagang paraan ang mga message niya. Na naiintindihan niya ang sinasabi ko o maling text ang ipinadala niya at hindi para sa akin. Pero wala.“Olivia, anong problema.” Tanong ni Marcus ng pumas
더 보기

Kabanata 47

NICKDalawang araw na ang lumipas at hindi pa din nawawala ang balita tungkol sa ama ko at kapatid. Sawang-sawa na ako at gusto ko na itong matapos. Pero mukhang hindi titigil ang mga reporters hanggang sa hindi nila nakukuha ang buong kuwento. Ayaw ng mga magulang ko na paunlakan sila, ayaw nila na magbigay ng statement at ibigay ang buong kuwento.Work from home na ako dahil napalilibutan ng mga buwitreng iyon ang aking opisina. Hindi nakatulong na gusto ng abogado ko na hayaan ang anak ko na manatili kasama si Olivia. Sinabi niya na mabuti para sa mga bata na lumaki kasama ang nanay nila, pero ang inaalala ko ay kung magiging anong klaseng role model si Olivia sa anak ko. Ang babaeng ito ay hindi klase ng tao na inaakala ko.Pinuntirya niya ang pamilya ko, maaaring kinamumuhian niya ako, pero pinuntirya niya ang pamilya ng anak niya. Ano iyon? Hindi pa kami nakikilala ng anak namin; anong sa tingin niya ang iniisip niya ng gawin ang ganitong bagay para makita ng mundo. Gusto ba n
더 보기

Kabanata 48

NICKNabigla ako, hinding-hindi gagawa ng ganito ang nanay ko. “Anong tinutukoy mo?” hindi niya ako binigyan ng pansin at kinuha ang bag niya bago pumunta sa pinto habang nakasunod ako. “Sa likod ka pumarada, tama?” tumango ako at naglakad na siya.Hindi ko maalis sa isip ko ang sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin na pinalayas ng nanay ko ang nanay niya? Mukhang hindi naman siya galit na natagpuan siya ni ama, mas galit siya dahil hindi sinabi sa kanya na nagawa na niyang hanapin ang anak niya. Gagawin ba ito ng taong nagpalayas sa kanya? Sa tingin ko hindi.“Huwag mo itong isipin masyado bunso kong kapatid, naiintindihan ko naman ang nanay mo. Base sa sinabi sa akin, kakasimula pa lang ng relasyon nila ng ama mo ng pumunta ang nanay ko kasama ako. Siguro naramdaman niyang nanganganib ang relasyon nila ng magpakita kami.” Hindi ako nagsalita. Naupo siya sa tabi ko sa sasakyan at nagmaneho na si Given pauwi.Maaari kayang nanay ko ang nagbigay babala sa nanay niyang huwag bumalik
더 보기

Kabanata 49

NICK“Ama, ano…” umiling-iling siya habang disappointed ang itsura. “Kinuha mo ang batang iyon mula sa nanay niya, tama ba?” Hindi ako nagsalita. “Tang ina naman Nick, hindi ka ba natuto mula sa nangyari sa pagitan namin ng kapatid mo? Bakit mo iyon ginawa?”“Dahil hindi magandang modelo si Olivia para sa anak ko.” Suminghal ang ama ko. “Ikaw ang magandang tularan niya?” Nantili akong tahimik, at least mas mabuti ako kay Olivia. “Nick, lalong sasama ang namamagitan sa inyo ng nanay ng anak mo. Iyon ba ang gusto mo? Para sa anak mo na mahirapan sa inyo ng nanay niya, anong sa tingin mo ang sasabihin niya balang araw kapag sinabi ng nanay niya sa kanya na ipinakidnap mo siya dahil lang sa kaya mo?”Hindi pa din ako nagsalita, pero may isa akong alam na bagay. Si Olivia ang may kasalanan. “Sa tingin mo ba ayaw namin magkaroon ng relasyon sa apo namin? Gusto namin pero binibigyan namin ng oras si Olivia. Mali ang ginawa namin sa kanya para sa iyo, at gusto namin na siya ang lumapit at p
더 보기

Kabanata 50

OLIVIANaupo ako sa couch na malapit sa bintana habang pinapanood si Samuel makipaglaro ng bola kay Lupita. Dalawang araw na ng takutin ako ni Nick at hindi ko maalis ang mga mata ko mula sa anak ko. Hindi kahit sandali lang. Siya lang ang bagay na puwede kunin ni Nick mula sa akin durugin ako.Sobrang paranoid ko at nagugulat ako sa lahat ng mga bagay at lagi akong tumitingin sa paligid. Sa bahay na ako nagtatrabaho sa takot na kapag umalis ako, baka iyon na ang huling beses na makita ko siya at hindi na ulit. Si Marcus ang abala sa business sa nakalipas na dalawang araw.Ang pag-aayos sa paglulunsad at pag-aasikaso sa construction at pagtatayo sa warehouse. Factory workers lang at mga papeles ang inaasikaso ko. Inilagay ko ang laptop sa coffee table at humarap sa bintana ng buo para panoorin ang anak ko maglaro.Tumatawa siya at hinahabol ang bola. Susubukan niyang sipain ang bola tapos siya ang matutumba. Gusto ko kung paano siyang bumabangon ulit para muling subukan. Habang nak
더 보기
이전
12345
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status