/ Romance / Paghihiganti Pagkahiwalay / 챕터 11 - 챕터 20

Paghihiganti Pagkahiwalay의 모든 챕터: 챕터 11 - 챕터 20

50 챕터

Kabanata 11

NICKHindi ako umuwi pagkatapos ko siyang makita, dumiretso ako sa bar at nagsimulang uminom. Hindi ko maalis ang imahe niya sa isip ko. Mukhang sumobra ang… ang hina niya. Bakit ganoon ang itsura niya, ganoon ba kasama ang kulungan sa kanya? “Bigyan mo pa ako ng isa.” Inutos ko sa babaeng nagsisilbi sa akin.Lumayo siya pero kaysa bumalik dala ang inorder ko, bumalik siya kasama ang bartender. “Mr. Jones, sa tingin ko po sapat na ang nainom mo. Gusto mo po ba itawag kita ng taxi?” sa tingin niya siguro bata ako at hindi kayang mag-isip para sa sarili.Hindi na ako bata, puwede ako uminom hanggang sa gusto ko. “James, ibigay mo sa akin ang inumin ko.” Sambit ko habang naninindak ang boses ko pero hindi ko alam kung gaano ako nakakasindak sa kasalukuyan kong lagay. “Mr. Jones, tatlong oras ka na pong umiinom dito, simula po ng dumating ka. Sa tingin ko po hindi mo na kaya.”Tinitigan ko siya ng masama, ako pa din ang tagapagmana ng pamilya Jones, sino ba siya para utusan ako? “James
더 보기

Kabanata 12

ETHANNagkatinginan kami ni Oliver ng mawalan ng malay si Nick. Pareho naming alam kung anong tinutukoy niya, alam namin kung sino ang tinatawag niyang puso niya. Pero bakit siya maaapektuhan ng ganito? Okay naman siya noong nakakulong si Olivia sa nakalipas na dalawang taon. Wala siyang pakielam kung mabubuhay siya o mamamatay. Abala siyang ipinaparada ang ibang babae.Ngayon at nakalaya na siya, may problema siya. Hindi! Dapat bigyan ni Nick ng pagkakataon ang iba. “Tulungan mo ako buhatin siya at huwag mo na siyang hahayaan uminom ulit ng ganito. Tawagan mo ako agad ng maaga kapag may ginagawa na naman siyang ganito.”“Opo, Mr. Lewis.” Inilagay namin siya sa backseat ng sasakyan at nanatili si Oliver sa tabi niya. Tumunog ang phone ko noong sisindihan ko na ang makina ng sasakyan. Inilabas ko ang phone mula sa bulsa at isang hindi kilalang numero ang makikita sa screen. Napasimangot ako ng sagutin ito. “Ethan Lewis.”“Hi, ako ito.” Bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ang bos
더 보기

Kabanata 13

NICKMarahil nag-aalala ng husto si Sandra dahil hindi ako umuwi kahapon. Umalis na ako matapos pirmahan ang release documents sa estasyon ng pulis dahil napilitan akong bawiin ang kaso dahil sa mga magulang ko. Iniisip niya siguro na nakita ko si Olivia at naisip na gusto ko siyang mabawi. Bagay na gusto ko, pero hindi ako mapakali sa itsura niya.Hindi na siya ang Olivia na kilala ko, at gusto kong malaman kung anong nangyari sa kanya. Ang akala ko ang pag-alis ko para magpakalasing ay makakatulong para makalimutan ko siya, pero pinalala lang nito ang lahat. Sa unang araw nagpakalasing ako at natulog sa sasakyan ko, pagkatapos uminom ako ulit hanggang sa sinundo na ako ni Ethan.Galit din ako sa kanya, best friend ko siya, at lumaki kami ng magkasama. Paanong hindi niya alam na nalasing siya at nabuntis si Sandra? Ngayon at wala na ang baby dahil sa asawa ko, hindi gusto ni Sandra na malaman ni Ethan ang tungkol sa gabing iyon.Dapat nandoon si Olivia para sa kanya, para suportah
더 보기

Kabanata 14

NICKNagising ako habang pakiramdam ko nabangga ako ng truck. Nakahiga ako ng nakapikit ang mga mata habang nararamdaman ang sakit ng katawan ko at nagsisisi sa dami ng nainom ko. Pero may kumilos bigla sa tabi ko, iminulat ko ang aking mga mata at umikot. Nakita ko si Sandra sa tabi ko.Nakalimutan ko na masakit ang katawan ko ng magulat ako at mapabangon ako bigla. “Pambihira naman Sandra!” nagulat siya at napaupo sa kama habang wala sa sarili at tumitingin sa paligid. “Ano, anong problema?” pambihira naman! “Anong ibig mo sabihin? Nasa kama kita!” kinusot niya ang kanyang mga mata habang bumabangon mula sa kama na parang wala siyang nagawang mali.“Oh, iyon. Pasensiya na, binangungot ako at hindi ako makatulog. Kaya, pumunta ako dito, at tinanong kita kung puwede ako matulog sa tabi mo, umoo ka naman.” Ano! Gaano ba ako kalasing kagabi? Dahil wala akong maalala sa sinabi niya. “Sandra, lasing ako kagabi, hindi mo dapat ako seryosohin at bukod pa doon. Kasal na akong tao, at kama
더 보기

Kabanata 15

ETHANMagmamaneho na dapat ako paalis para sunduin si Olivia, para maisama ko siya sa libingan ng kanyang nanay. Naupo lang ako doon sa sasakyan ng si James, ang driver ko at bodyguard, ay nagsalita. “Sir, nakatanggap po ako ng alert, may sumubok po tignan ang prison record ni Mrs. Jones.” Nick! Ano ba ang hinahanap mo?“Alam natin na mangyayari ito balang araw James, kaya nag-ingat tayo ng husto. Inaassume ko na wala silang nalaman, tama ba?” Tumango siya. Hindi ko puwede ipaalam kay Nick ang tungkol kay Samuel. Wala siyang karapatan malaman ang kahit na ano tungkol sa batang iyon.“Panatilihin natin na ganito. At James, kung malalaman ni Nick ang tungkol kay Samuel at lahat ng nangyari kay Olivia doon sa loob. Kakalimutan ko ang lahat ng pinagdaanan natin sa nakalipas na mga taon na nagtatrabaho ka para sa akin. Ibig sabihin, papatayin kita kung kinakailangan.”Napalunok siya ng malalim at sinindihan ang makina ng sasakyan. Sa tingin ni Nick siya lang ang maraming koneksyon para
더 보기

Kabanata 16

OLIVIAHindi maipaliwanag ang galit na naramdaman ko ng makita ko ang libingan ng lola ko. Pero ang sakit ay higit pa sa galit na nararamdaman ko. Ginawa ng babaeng ito ang lahat para sa akin at siniguro na makapag-aral ako at maging kung sino ako ngayon. Pero, wala ako noong pinakakailangan niya ako, wala ako doon para bigyan siya ng maayos na libing.Inilibing siya na parang aso, walang lapida o litrato. Nasaktan ako ng husto dahil lumala ng husto ang lahat at nadamay siya. Pero aayusin ko ang lahat, ang mga nagpahirap sa akin, ang mga naging dahilan ng sakit na ito, mararamdaman din nila itong lahat ng sampung ulit.“Ihatid mo na ako pabalik Ethan, sasabihin ko sa mga magulang ni Nick na uuwi na ako.” Tumango siya at nilisan namin ang sementeryo. Nag-iwan ako ng pangako sa lola ko na gagawin ko ang tama. Tahimik ang aming biyahe pabalik, kung saan umiisip ako ng paraan para kumita ng pera. Wala akong trabaho, at walang kukuha sa akin dahil sa criminal record ko.Iyon ang ginusto
더 보기

Kabanata 17

OLIVIAKakaiba ang pakiramdam at pamilyar din ng makabalik ako ulit sa bahay. Nakakaramdam ako ng nostalgia at mga alaala kasama ang lola ko sa bawat kuwartong pinapasok ko. Madumi ang bahay at puro alikabok. Ang mga pader ay kailangan pinturahan at ang sahig naman kailangan kuskusin.Pinunasan ko ang mga luha ko habang naglilinis. Sapat na ang iniyak ko sa sementeryo; oras na para kumilos ako ngayon at hindi umiyak. May katok akong narinig sa pinto, at binuksan ko ito. Si May ay nakatayo sa kabilang bahagi ng pinto habang mayabang na nakangiti.Iniisip siguro ng babaeng ito na ako pa din ang walang muwang na si Olivia noon. “Yes?” sambit ko habang nakataas ang kilay. “Olivia, ako ito, si May.” Sa tingin ba talaga niya hindi ko siya nakikilala? Pero nakisakay ako. “Oh, hindi kita nakilala, ang tagal na kasi.” Itinulak niya ako sa isang tabi at pumasok siya.Nainis ako pero nanatili akong tahimik. “Pambihira! Kailangan malinis ng bahay na ito! Narinig ko ang tungkol sa pagkakaaresto
더 보기

Kabanata 18

NICK“Anong tinatayo-tayo mo dyan? Bawiin mo ang manugang ko, sabihin mo na humihingi ka ng tawad at aayusin mo na ang sarili mo. Umalis ka na Nick, ngayon na.” Sambit ng nanay ko habang paulit-ulit akong pinapalo habang umiiyak. Mahal niya si Olivia at hindi ko gustong nakikita na ganito siya. Pero ano pa ba ang magagawa ko kung ayaw na niya sa akin? Hindi ko siya pipilitin na gustohin ako.Hinawakan ko ang mga kamay niya para pigilan siya sa pananakit sa akin, “Ma, ayaw niya na habulin ko pa siya. Narinig mo ang sinabi niya. Gusto na niyang makipaghiwalay at wala ng makakapagbago sa isip niya. Patawad.” Lalo siyang umiyak ng mas malakas at kumawala sa pagkakahawak ko sa kanya. Nasaktan ako, ang pagtitig niya sa akin ay parang titig niya sa taong kinamumuhian niya.“Lumayas ka, lumayas ka sa pamamahay ko Nick!” sigaw niya sa akin, tumingin ako sa ama ko, pero naupo lang siya doon na parang walang nangyayari. Doon ko nalaman na higit pa sa pagkadisappoint ang nagawa ko sa mga magula
더 보기

Kabanata 19

NICKMay sinabi si Ethan na naging dahilan para mag-isip ako. May sense ang lahat ng sinabi niya at nagsisisi ako. Pero hindi ko maintindihan ang sinabi niya na hindi ko inalagaan ang lola ng asawa ko. Maaaring tumanggi ako na makipagkita sa kanya dahil sa hiya na nararamdaman ko matapos ipakulong si Olivia. Pero nagpadala ako ng pera sa card niya kada buwan.Dapat naalagaan siya kahit na nasa kulungan si Olivia, hindi ko naman ipinakulong si Olivia para parusahan ang lola niya. “Ethan, kilala mo ako, sa tingin mo ba hindi ko inalagaan ang lola niya? Nagpapadala ako ng pera sa kanya kada buwan sa nakalipas na dalawang taon. Maaaring hindi ko siya pinupuntahan, pero siniguro ko na may sapat siyang pera para maging kumportable ang buhay niya.”“Nagpadala ka ng pera sa kanya, pero bakit siya nakalibing ng walang lapida?”“Hindi ko alam Ethan, maaaring hindi alam ng taong naglibing sa kanya na may pera siya sa bangko.” Kung iisipin, baka kahit siya hindi niya alam na may ganoon kalaki
더 보기

Kabanata 20

OLIVIAHindi ko inaasahan na makikita ko ulit si Nick matapos ko hilingin na makipaghiwalay sa kanya. Ang akala ko dinala na niya agad ang mga papeles ng makita ko siyang nakaparada malapit sa bahay ko. Nalaman ko lang na nagmamasid siya sa akin. Ang akala niya ako pa din si Olivia na walang muwang at ipinakulong niya, na maniniwala sa kasinungalingan niyang napadaan lang siya.Aaminin ko, bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko siya at nangyari iyon dahil sa unang rason, natakot ako na baka dala na niya ang divorce papers. Hindi ko alam kung bakit ako ang nagsalita na gusto kong makipaghiwalay sa kanya. Ang masasabi ko lang ay hindi madali na bumitaw sa taong minsan kang may nararamdaman. Ikalawa, dahil natatakot ako sa magiging epekto ng paghihiwalay namin.Hindi lang ako ang maapektuhan ng aming paghihiwalay pero pati ang anak namin. Lalaki si Samuel, at balang araw gugustuhin niyang malaman kung sino ang ama niya. Kailangan ko masiguro na alam ko ang sasabihin ko sa kanya kapa
더 보기
이전
12345
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status