Home / Romance / Paghihiganti Pagkahiwalay / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of Paghihiganti Pagkahiwalay: Chapter 21 - Chapter 30

50 Chapters

Kabanata 21

NICK“Gentlemen, kung ito lang ang inilipad ko mula pa New Village, hindi ako hanga. Mayroon tayong reputasyon na dapat protektahan, at bibigyan ninyo ako ng ganitong mga ideya? Galingan niyo pa!” Tumayo ako at inayos ang suit jacket ko. Naglakad ako papunta sa pinto pero humarap ako sa grupo. “Gusto ko makarinig ng mas maganda pa bukas at hindi nito dapat aksayahin ang oras ko.”Pagkatapos, lumabas ako ng boardroom, dalawang araw na akong galing doon, at hindi pa din nila ako nabibigyan ng bagay na puwede ko magamit. Dahil lang sa malaking kumpanya ang Jones enterprise ay hindi na ibig sabihin dapat kami magrelax, marami kaming kalaban. “Sir, inorder ko na po ang tanghalian mo, nasa kuwarto na po.”Pumunta ako sa elevator pero tumalikod ako. “Gusto ko kumain sa labas ngayon, kailangan ko ng sariwang hangin, kailangan ko linawin ang isip ko at makapagisip. Dalhin mo ako sa mga beach front restaurants.” Gusto ni Olivia ang mga beach front restaurants. Gusto niya ang hangin na nagmumu
Read more

Kabanata 22

OLIVIAAbala ko sa pagpapakita sa mga lalaki kung saan isasabit ang painting sa reception area ng dumating si Nick na parang handa siyang pumatay ng tao. “Lahat kayo alis na muna, ngayon na!” Nag-alisan ang mga lalaki at naiwan ako ng mag-isang nakatayo sa reception desk iniisip ko kung napano ang lalaking ito para umasta ng ganito.Mabagal siyang lumapit sa akin habang nakatitig na parang kakainin ako. Naalala ko ang kulungan base sa titig niya sa akin, kung paano ako tignan ng mga animal doon kapag gugulpihin nila ako.Nanginig ako. Isang dipa ang layo niya sa akin habang wala pa din siyang sinasabi at nakatitig sa akin. Hindi rin ako nagpatalo, tinuruan ako ng kulungan na harapin ang mga nang-aapi sa akin kahit na alam ko na wala akong laban at mas marami sila sa akin. “May anak ba tayong dalawa?” Naging malamig ang puso ko, at naramdaman ko na nanginig ang kamay ko ng kaunti.Pero hindi ako umiwas ng tingin mula sa kanya, alam ko na may natuklasan siya, pero hindi ko alam kung
Read more

Kabanata 23

OLIVIAPinigilan ko ang sarili ko bago pa ako madulas na nawala ang matres ko habang nakakulong at wala ako ng isang taon at apat na buwan sa buhay ng anak ko. “Sige, Olivia. Sabihin mo kung anong nawala sa iyo; gusto ko malaman.” Tumalikod ako. “Nawalan ka na ng karapatan na kuwestiyunin ako sa araw na tinawagan mo ang mga pulis at ipinakulong ako ng dalawang taon. Oh, sandali. Mas matagal pa siguro kung hindi dumating ang mga magulang mo, hindi ka na siguro nag-abala pa.”Bumuntong hininga ako habang nakatalikod sa kanya. “Umalis ka na Nick at huwag na huwag ka ng babalik dito. Kapag handa na ang divorce papers. Ipadala mo ang mga abogado mo at pipirmahan ko, hindi na natin kailangan na magkita pa ulit.” Heto na naman kami, may bakas ng nasaktan siya sa kanyang mga mata at naglaho na ito bago pa ako makapagreact, dahilan para isipin kong namamalikmata ako.Tinignan niya ako sandali bago siya tumalikod at lumabas ng pinto. Nagmadaling pumasok ang mga lalki at pinalibutan ako. “Ma’a
Read more

Kabanata 24

NICKIsang buwan ang lumipas habang naghahanap ang mga tao ko sa Summer Strand para sa batang iyon, pero hindi nila ito makita. Maaaring inilipat siya ni Ethan sa ibang lugar, pero hindi ako makahanap ng record ng kahit anong lugar na maaari niyang pinuntahan ng lisanin niya ang Summer Strand. Ipinapakita ng records na bumalik siya sa New Village matapos lisanin ang Summer Strand.Ikinunsidera ko ang posibilidad na baka hinayaan niya ang kung sino man ang nag-aalaga sa bata na pumunta sa ibang lugar. Pero tinignan ko ang impormasyon ng lahat ng umaalis kasama ang bata na nangangalang Samuel na mula sa Summer Stand sa linggong iyon ngunit wala akong napala.Hindi ako makakain, hindi rin ako makatulog, ang ginawa ko lang ay magtrabaho at hanapin ang batang iyon. Sinubukan ko puntahan si Ethan at tanungin siya tungkol sa bata, pero ayaw niya akong kausapin. Mukhang kinamumuhian niya ako, at hindi ko alam kung bakit. Nag-aalala ang taong iyon na makilala ko nag anak niya, pero hindi niy
Read more

Kabanata 25

NICKKatahimikan ang sumunod pagkatapos mabasag ang baso. Nagmamadaling pumasok ang katulong at nilinis ang kalat. Kahit na wala na siya, hindi pa din nagsalita ang mga magulang ko. Marahil nagulat sila ng husto sa balita. “Nick, anong sinasabi mo, bakit mo naisip na nanganak si Olivia sa kulungan?”Bumuntong hininga ako at ikinuwento sa kanila ang istorya. Kung paano ko nakita si Ethan at ang bata. Kung paanong kamukha niya ako at pati balat ko mayroon siya. Lahat lahat, at sa oras na natapos ako, lumuluha ang nanay ko. Hindi ko gusto na masaktan siya ulit.“Sinasabi mo sa akin na baka mga lolo’t lola na kami at hindi namin ito alam?” tumango ako at lalong naiyak ang nanay ko. “Oh, Nick. Nakikita mo na ngayon kung bakit mali na ipinakulong mo siya? Dapat pinapalaki na ninyo ng magkasama ang bata kaysa hinahanap siya ngayon.” Nanlumo ako.Kung akin ang batang iyon, ibig buntis siya ng ipakulong ko siya. Ibig sabihin nanganak siya doon. Oh, Diyos ko, anong ginawa ko? Napayuko ako, a
Read more

Kabanata 26

OLIVIABumaba ako mula sa taxi sa harap ng bahay ni Nick. Tinawagan ako ng nanay niya para makipagkita sa kanila. Sinabi nila na kailangan nila ako makausap agad tungkol sa isang mahalagang bagay. Napaisip ako kung anong dahilan, pero wala akong ibang dahilan na maisip maliban sa sinabi ni Nick sa kanila ang tungkol kay Samuel at gusto nilang malaman kung siya ba ay apo nila o hindi.Hindi ko ito sasabihin sa kanila, hindi ko gusto pag-usapan ang tungkol sa anak ko matapos ang ginawa ng anak nila sa akin, ng hindi siya kinamumuhian at lahat ng ginawa niya. Umaasa ako para sa kapakanan nila na hindi sila magtanong tungkol sa anak ko.Naglakad ako papunta sa pinto sa harap ng bahay at si Lupita, na katulong nila, ay binuksan ang pinto bago pa ako makakatok. “Misis, ang ganda mo po at masaya po akong makita ka.” Ngumiti ako sa kanya. Mabait siyang matanda. “Masaya din akong makita ka, Lupita.”Isinama niya ako sa kung saan nakaupo ang pamilya Jones, at tense ang pakiramdam sa paligid,
Read more

Kabanata 27

OLIVIANapakaganda ng dress na ipinadala ni Ethan sa akin. Isa itong mahaba na royal blue dress na may hiwa na abot hanggang hita ko. Sapat ang ipinapakitang balat ng off shoulder para mang akit pero sapat din para magmukha itong classic. Ang mga babae na naglagay ng makeup sa akin ay pinagmukha itong natural at nilagyan ako ng nude lipstick.Noong natapos sila, isinuot ko ang sapatos ko bago tignan ang sarili sa salamin. Hindi ko makilala ang magandang babae na nakatingin sa akin. Hindi ko maalala ang huling pagkakataon na nakita ko din siya. Hindi, naalala ko. Kasal siya noonl at napagdesisyunan na iwan ang corporate world para magsimula ng pamilya kasama ang kanyang asawa.Mukhang nakaraang buhay na niya ito base sa tagal kung kailan ito nangyari. Bumuntong hininga ako. Ito ang una kong pagkakataon na nasa lipunan at makikisalamuha simula ng insidenteng iyon. Natakot ako ng husto sa kung paano akong tignan ng mga tao. Kung saan itinuturo nila ako, nagbubulungan sila tungkol sa ak
Read more

Kabanata 28

NICK“Welcome sa corporate business annual gala, ang pangalan ko ay Tom, at ako ang magiging host ninyo sa gabing ito. Hindi ko na aaksayahin ang oras ninyo. Gusto ko ipatawag sa entablado. Ang paboritong bilyunaryo ng New Village. Hindi na niya kailangan magpakilala dahil kilala na ninyo siya, ang ilan sa inyo ay masuwerte na katrabaho siya at kilala naman siya ng iba dahil sa mabubuti niyang mga nagawa sa paligid ng lungsod. Ladies and gentlemen. Magpalakpakan tayo at i-welcome sa stage si Nick Jones ng Jones Enterprises.”Masigabong palakpakana ang maririnig; at nainis ako agad. Hindi ko kinailangan na dumalo dito, pero hindi ako nakadalo sa nakalipas na dalawang taon at ipinilit ni Sandra na dumalo kami ngayon. Dapat nasa opisina lang ako at inaayos ang paghahanap sa anak ko.Habang nakaupo ako doon at pinapanood ang mga taong dumadating sa gala, ang isip ko ay nandoon sa mga magulang ko, iniisip kung anong nangyari sa pag-uusap nila ng mga magulang ko. Bukod pa doon, gusto ko m
Read more

Kabanata 29

OLIVIA“Mukha ka ng reyna Mrs. Jones, at ganoon din pati ang kilos mo.” Puri ni Brandon; hindi ko siya kilala talaga. Marahil nakita niya ang gulat ko dahil nagsalita siya. “Oh, huwag ka magulat, alam ng lahat kung sino ka at nappaaisip sila kung bakit kayong dalawa ng asawa mo ay pumunta dito ng magkaiba ang kasamang date.”Ito ang ikinakatakot ko, pero hindi na kami makakapagpakita ng magkasama ni Nick sa mga circle na iyon tulad ng dati. “Isa ka ba sa mga napapaisip kung sino ako, Mr. Ryan?” natawa siya habang iniikot ako. “Hindi, alam ko na kung anong nangyari. Hindi kilala ng husto ng tangang ito ang asawa niya para pagkatiwalaan siya. Ipinakulong siya at ngayon nagseselos siya na na ako ang kasayaw mo kaysa siya.”Natawa ako; dapat alam ko ng may makapangyarihang tao na susubukan galitin si Nick ng hindi natatakot sa kung anong maaaring mangyari. “Paano mo nalaman na hindi ko ginawa ang sinasabi nilang ginawa ko?” Ngumiti siya; maganda siyang lalaki, hindi guwapo pero maganda.
Read more

Kabanata 30

OLIVIATumayo ako sa harap ng mataas na gusali ng Ryan Properties habang pinagpapawisan ang mga kamay ko at hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko. Dapat pumasok na ako sa loob sampung minuto na ang nakalilipas pero masyadong mabigat ang mga paa ko na parang simento. Sa isip ko, paulit-ulit kong iniisip ang sinabi ni Brandon sa text at kung anong ibig sabihin nito.Anong inaprubahan ng kanyang ama? Business deal ba ito na pinag-usapan namin o ibang bagay? Naging mapaghinalang tao ako dahil sa pagkakakulong sa akin, at hindi na ako naniniwala ng ganoon na lang. Ipinakita ko kay Ethan ang text para marinig ang pananaw niya at ang nakuha ko lang sa kanya ay ito.“Ingat ka, Olivia. Business rival ni Brandon si Nick. Maaaring hindi pare-pareho sila ng mga circle nila sa business pero rivals pa din sila, hindi ko maipaliwanag pero mag-ingat ka.” Mukhang galit siya ng sabihin ito sa akin at napaisip ako kung rival din ba niya si Brandon.Pero hindi ko siya tinanong. Heto ako nakatayo dito
Read more
PREV
12345
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status