āļŦāđ‰āļ­āļ‡āļŠāļĄāļļāļ”
āļ„āđ‰āļ™āļŦāļē

āđāļŠāļĢāđŒ

Kabanata 27

āļœāļđāđ‰āđ€āļ‚āļĩāļĒāļ™: Black Rose
OLIVIA

Napakaganda ng dress na ipinadala ni Ethan sa akin. Isa itong mahaba na royal blue dress na may hiwa na abot hanggang hita ko. Sapat ang ipinapakitang balat ng off shoulder para mang akit pero sapat din para magmukha itong classic. Ang mga babae na naglagay ng makeup sa akin ay pinagmukha itong natural at nilagyan ako ng nude lipstick.

Noong natapos sila, isinuot ko ang sapatos ko bago tignan ang sarili sa salamin. Hindi ko makilala ang magandang babae na nakatingin sa akin. Hindi ko maalala ang huling pagkakataon na nakita ko din siya. Hindi, naalala ko. Kasal siya noonl at napagdesisyunan na iwan ang corporate world para magsimula ng pamilya kasama ang kanyang asawa.

Mukhang nakaraang buhay na niya ito base sa tagal kung kailan ito nangyari. Bumuntong hininga ako. Ito ang una kong pagkakataon na nasa lipunan at makikisalamuha simula ng insidenteng iyon. Natakot ako ng husto sa kung paano akong tignan ng mga tao. Kung saan itinuturo nila ako, nagbubulungan sila tungkol sa ak
āļ­āđˆāļēāļ™āļŦāļ™āļąāļ‡āļŠāļ·āļ­āđ€āļĨāđˆāļĄāļ™āļĩāđ‰āļ•āđˆāļ­āđ„āļ”āđ‰āļŸāļĢāļĩ
āļŠāđāļāļ™āļĢāļŦāļąāļŠāđ€āļžāļ·āđˆāļ­āļ”āļēāļ§āļ™āđŒāđ‚āļŦāļĨāļ”āđāļ­āļ›
āļšāļ—āļ—āļĩāđˆāļ–āļđāļāļĨāđ‡āļ­āļ

āļšāļ—āļ—āļĩāđˆāđ€āļāļĩāđˆāļĒāļ§āļ‚āđ‰āļ­āļ‡

  • Paghihiganti Pagkahiwalay   Kabanata 28

    NICK“Welcome sa corporate business annual gala, ang pangalan ko ay Tom, at ako ang magiging host ninyo sa gabing ito. Hindi ko na aaksayahin ang oras ninyo. Gusto ko ipatawag sa entablado. Ang paboritong bilyunaryo ng New Village. Hindi na niya kailangan magpakilala dahil kilala na ninyo siya, ang ilan sa inyo ay masuwerte na katrabaho siya at kilala naman siya ng iba dahil sa mabubuti niyang mga nagawa sa paligid ng lungsod. Ladies and gentlemen. Magpalakpakan tayo at i-welcome sa stage si Nick Jones ng Jones Enterprises.”Masigabong palakpakana ang maririnig; at nainis ako agad. Hindi ko kinailangan na dumalo dito, pero hindi ako nakadalo sa nakalipas na dalawang taon at ipinilit ni Sandra na dumalo kami ngayon. Dapat nasa opisina lang ako at inaayos ang paghahanap sa anak ko.Habang nakaupo ako doon at pinapanood ang mga taong dumadating sa gala, ang isip ko ay nandoon sa mga magulang ko, iniisip kung anong nangyari sa pag-uusap nila ng mga magulang ko. Bukod pa doon, gusto ko m

  • Paghihiganti Pagkahiwalay   Kabanata 29

    OLIVIA“Mukha ka ng reyna Mrs. Jones, at ganoon din pati ang kilos mo.” Puri ni Brandon; hindi ko siya kilala talaga. Marahil nakita niya ang gulat ko dahil nagsalita siya. “Oh, huwag ka magulat, alam ng lahat kung sino ka at nappaaisip sila kung bakit kayong dalawa ng asawa mo ay pumunta dito ng magkaiba ang kasamang date.”Ito ang ikinakatakot ko, pero hindi na kami makakapagpakita ng magkasama ni Nick sa mga circle na iyon tulad ng dati. “Isa ka ba sa mga napapaisip kung sino ako, Mr. Ryan?” natawa siya habang iniikot ako. “Hindi, alam ko na kung anong nangyari. Hindi kilala ng husto ng tangang ito ang asawa niya para pagkatiwalaan siya. Ipinakulong siya at ngayon nagseselos siya na na ako ang kasayaw mo kaysa siya.”Natawa ako; dapat alam ko ng may makapangyarihang tao na susubukan galitin si Nick ng hindi natatakot sa kung anong maaaring mangyari. “Paano mo nalaman na hindi ko ginawa ang sinasabi nilang ginawa ko?” Ngumiti siya; maganda siyang lalaki, hindi guwapo pero maganda.

  • Paghihiganti Pagkahiwalay   Kabanata 30

    OLIVIATumayo ako sa harap ng mataas na gusali ng Ryan Properties habang pinagpapawisan ang mga kamay ko at hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko. Dapat pumasok na ako sa loob sampung minuto na ang nakalilipas pero masyadong mabigat ang mga paa ko na parang simento. Sa isip ko, paulit-ulit kong iniisip ang sinabi ni Brandon sa text at kung anong ibig sabihin nito.Anong inaprubahan ng kanyang ama? Business deal ba ito na pinag-usapan namin o ibang bagay? Naging mapaghinalang tao ako dahil sa pagkakakulong sa akin, at hindi na ako naniniwala ng ganoon na lang. Ipinakita ko kay Ethan ang text para marinig ang pananaw niya at ang nakuha ko lang sa kanya ay ito.“Ingat ka, Olivia. Business rival ni Brandon si Nick. Maaaring hindi pare-pareho sila ng mga circle nila sa business pero rivals pa din sila, hindi ko maipaliwanag pero mag-ingat ka.” Mukhang galit siya ng sabihin ito sa akin at napaisip ako kung rival din ba niya si Brandon.Pero hindi ko siya tinanong. Heto ako nakatayo dito

  • Paghihiganti Pagkahiwalay   Kabanata 31

    NICKDumiretso ako sa bahay ng mga magulang ko pagkatapos ng gala. Nainis ako sa ginawa ni Olivia doon, naging dahilan para makasayaw at makapaglandian sila ni Brandon. Nakangiti siya at tumatawa habang sumasayaw sila na parang matandang magkasintahan. Lalayo si Brandon mula sa asawa ko kung alam niya kung anong makabubuti para sa kanya.Ang papunta ko sa bahay ng mga magulang ko ang logical na dapat gawin sa ganitong sitwasyon. Masyado akong galit para umuwi, una, hindiko gusto umuwi at harapin si Sandra. Galit ako sa ginawa niya sa gala at natatakot ako na umuwi. Baka may masabi akong bagay na pagsisihan ko. Ikalawa, aalamin ko kung anong nalaman nila tungkol kay Olivia pagkatapos siyang makausap.Pero base sa lagay ng sitwasyon at kung anong ugali ang ipinapakita niya. Pakiramdam ko hindi ito magiging maganda. Pumarada si Given sa harap ng bahay. “Matutulog ako dito, hindi na ninyo ako kailangan hintayin. Puwede ka umalis kung gusto mo.” Sinabi ko sa kanya at pumasok na ako sa ba

  • Paghihiganti Pagkahiwalay   Kabanata 32

    NICKHindi ako makapaniwala na pinapayahuan ako ng ama ko na pakawalan ko na ang asawa ko, siya ang laging nagtuturo sa akin na hindi dapat ako sumusuko sa pamilya, na ipaglalaban mo ang pamilya mo at aayusin lagi ang problema ninyo ng mga taong mahal mo. Pero ngayon, ang parehong tao na ito ay sinasabi sa akin na sukuan ko na ang asawa ko. Ang nanay ng anak ko at pakawalan na lang siya.Napakahipokrito niya. Sigurado ako na may mga problema din sila ng nanay ko. Sumuko ba siya? Hindi. Magkasama pa din silang dalawa, pinalaki nila ako bilang pamilya, bakit niya hinihiling sa akin na sukuan ko ang pamilya ko? Alam ko na mali ang ginawa ko sa asawa ko pero ano ang gagawin ko kung siya ang itinuturo ng lahat ng mga ebidensiya?Gusto ko lang na tanggapin niya ang ginawa niyang mali at matuto siya mula dito. Kaibigan niya si Sandra, at kailangan niyang gawin ang tama. Matatagalan siya na maka moveon mula sa ginawa niya, pero mapapatawad din naman siya nito sa kinalaunan. Wala akong pakie

  • Paghihiganti Pagkahiwalay   Kabanata 33

    OLIVIADahil sa business na nakuha ko kay Ethan bukod pa sa mga paparating, na hindi ko alam kung saan sila nanggaling o kung paano nila kaming nakilala. Kinailangan ko kumuha pa ng mga tao para tumulong. Kumuha ako ng pito pang mga driver, isa pang administrator at fleet coordinator.Nagiging mahirap na para sa akin na gawin ang lahat ng mag-isa sa logistics side ng business at pati sa consulting side. Nagtatrabaho ako kahit gabi para lang masiguro na magagawa namin ang trabahong ibinigay ng kliyente. Mabilis ang paglago ng business ko at hindi ko alam kung paano itong nangyayari.Malinaw na hindi lang si Ethan ang tumutulong sa akin, na mayroon pang isa. Naisip ko si Nick pero isinawalangbahala ko ang ideyang ito, hinding-hindi ako tutulungan ni Nick. Kinamumuhian niya ako. “Jane, pakiusap pumunta ka sa opisina ko mamaya.” Tinawagan ko siya. Si Jane ay tumutulong sa akin sa consulting side ng business ko, pero hindi siya nag-eeffort masyado at namimiss ang mga deadlines.Makalipa

  • Paghihiganti Pagkahiwalay   Kabanata 34

    OLIVIAAbala ako sa opisina ko dahil trabaho na pang dalawang tao ang ginagawa ko simula ng sisantihin ko si Jane. Sinabihan ko na si Lauren na i-advertise ang posisyon para sa sa akin, pero aabutin ng halos isang buwan ang proseso bago ako makakuha ng taong papalit sa posisyon. Samantala, kailangan ko tiisin ang trabaho at gawin ito. Business ko nga naman ito, at mabilis itong umunlad.Mayroon akong dalawang malaking kliyente at mahigit sa labinglimang maliliit. Pagkatapos ang magkakahiwalay pa na mga tax at finance consulting para sa mga small business people sa lungsod. Mukhang kakailanganin ko kumuha ng bagong tao para tulungan ako sa trabaho ko kung magpapatuloy na ganito.Bumukas at sumarado ang pinto ko. “Lauren, mabuti at dumating ka. Gusto ko magtanong tungkol sa truck company kung binalikan ka na ba nila tungkol sa dalawang truck na gusto natin bilhin at pakitanong sa HR kung kumusta na sila sa pagkuha ng dalawang driver na magmamaneho ng mga truck. Kailangan natin itong i

  • Paghihiganti Pagkahiwalay   Kabanata 35

    Makalipas ang 18 buwanNICK“Limang kontrata ang nawala sa atin sa loob ng anim na buwan, lima! Mayroon ba sa inyo na gustong sabihin sa akin kung bakit tayo naging talunan ngayon?” Galit na galit ako, isang taon lang ang nakararaan ng may isang kumpanya na nagpakita mula sa kawalan at ipinakita nila kung gaano sila kagaling. Hindi ko sila napansin hanggang sa nasa pareho na kaming kuwarto at nagbibid para sa parehong kontrata.Hindi ko alam kung saan sila galing o kung sino ang nagmamayari sa kanila, pero tinatapatan nila kami. Nanalo sila sa kontratang iyon at nananalo na sila simula noon. Anim na buwan na at limang kontrata na ang natalo namin sa kanila, at gusto ko malaman kung bakit. Kailangan ko din itong malaman.Aaminin ko na magaling sila, pero wala silang background o reputasyon. Hindi ko maintindihan kung paano nagtitiwala ang investors at iba pa sa kanila. Dahil doonm, natatalo kami, at nananalo sila. Nagpatawag ako ng deep briefing para alamin kung anong nangyayari sa

āļšāļ—āļĨāđˆāļēāļŠāļļāļ”

  • Paghihiganti Pagkahiwalay   Kabanata 50

    OLIVIANaupo ako sa couch na malapit sa bintana habang pinapanood si Samuel makipaglaro ng bola kay Lupita. Dalawang araw na ng takutin ako ni Nick at hindi ko maalis ang mga mata ko mula sa anak ko. Hindi kahit sandali lang. Siya lang ang bagay na puwede kunin ni Nick mula sa akin durugin ako.Sobrang paranoid ko at nagugulat ako sa lahat ng mga bagay at lagi akong tumitingin sa paligid. Sa bahay na ako nagtatrabaho sa takot na kapag umalis ako, baka iyon na ang huling beses na makita ko siya at hindi na ulit. Si Marcus ang abala sa business sa nakalipas na dalawang araw.Ang pag-aayos sa paglulunsad at pag-aasikaso sa construction at pagtatayo sa warehouse. Factory workers lang at mga papeles ang inaasikaso ko. Inilagay ko ang laptop sa coffee table at humarap sa bintana ng buo para panoorin ang anak ko maglaro.Tumatawa siya at hinahabol ang bola. Susubukan niyang sipain ang bola tapos siya ang matutumba. Gusto ko kung paano siyang bumabangon ulit para muling subukan. Habang nak

  • Paghihiganti Pagkahiwalay   Kabanata 49

    NICK“Ama, anoâ€Ķ” umiling-iling siya habang disappointed ang itsura. “Kinuha mo ang batang iyon mula sa nanay niya, tama ba?” Hindi ako nagsalita. “Tang ina naman Nick, hindi ka ba natuto mula sa nangyari sa pagitan namin ng kapatid mo? Bakit mo iyon ginawa?”“Dahil hindi magandang modelo si Olivia para sa anak ko.” Suminghal ang ama ko. “Ikaw ang magandang tularan niya?” Nantili akong tahimik, at least mas mabuti ako kay Olivia. “Nick, lalong sasama ang namamagitan sa inyo ng nanay ng anak mo. Iyon ba ang gusto mo? Para sa anak mo na mahirapan sa inyo ng nanay niya, anong sa tingin mo ang sasabihin niya balang araw kapag sinabi ng nanay niya sa kanya na ipinakidnap mo siya dahil lang sa kaya mo?”Hindi pa din ako nagsalita, pero may isa akong alam na bagay. Si Olivia ang may kasalanan. “Sa tingin mo ba ayaw namin magkaroon ng relasyon sa apo namin? Gusto namin pero binibigyan namin ng oras si Olivia. Mali ang ginawa namin sa kanya para sa iyo, at gusto namin na siya ang lumapit at p

  • Paghihiganti Pagkahiwalay   Kabanata 48

    NICKNabigla ako, hinding-hindi gagawa ng ganito ang nanay ko. “Anong tinutukoy mo?” hindi niya ako binigyan ng pansin at kinuha ang bag niya bago pumunta sa pinto habang nakasunod ako. “Sa likod ka pumarada, tama?” tumango ako at naglakad na siya.Hindi ko maalis sa isip ko ang sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin na pinalayas ng nanay ko ang nanay niya? Mukhang hindi naman siya galit na natagpuan siya ni ama, mas galit siya dahil hindi sinabi sa kanya na nagawa na niyang hanapin ang anak niya. Gagawin ba ito ng taong nagpalayas sa kanya? Sa tingin ko hindi.“Huwag mo itong isipin masyado bunso kong kapatid, naiintindihan ko naman ang nanay mo. Base sa sinabi sa akin, kakasimula pa lang ng relasyon nila ng ama mo ng pumunta ang nanay ko kasama ako. Siguro naramdaman niyang nanganganib ang relasyon nila ng magpakita kami.” Hindi ako nagsalita. Naupo siya sa tabi ko sa sasakyan at nagmaneho na si Given pauwi.Maaari kayang nanay ko ang nagbigay babala sa nanay niyang huwag bumalik

  • Paghihiganti Pagkahiwalay   Kabanata 47

    NICKDalawang araw na ang lumipas at hindi pa din nawawala ang balita tungkol sa ama ko at kapatid. Sawang-sawa na ako at gusto ko na itong matapos. Pero mukhang hindi titigil ang mga reporters hanggang sa hindi nila nakukuha ang buong kuwento. Ayaw ng mga magulang ko na paunlakan sila, ayaw nila na magbigay ng statement at ibigay ang buong kuwento.Work from home na ako dahil napalilibutan ng mga buwitreng iyon ang aking opisina. Hindi nakatulong na gusto ng abogado ko na hayaan ang anak ko na manatili kasama si Olivia. Sinabi niya na mabuti para sa mga bata na lumaki kasama ang nanay nila, pero ang inaalala ko ay kung magiging anong klaseng role model si Olivia sa anak ko. Ang babaeng ito ay hindi klase ng tao na inaakala ko.Pinuntirya niya ang pamilya ko, maaaring kinamumuhian niya ako, pero pinuntirya niya ang pamilya ng anak niya. Ano iyon? Hindi pa kami nakikilala ng anak namin; anong sa tingin niya ang iniisip niya ng gawin ang ganitong bagay para makita ng mundo. Gusto ba n

  • Paghihiganti Pagkahiwalay   Kabanata 46

    OLIVIANanginig ang mga kamay ko ng magtype ako ng sagot. “Nick, hindi ako ang may gawa nito, maniwala ka sa akin.” Nakatitig ako sa screen habang hinihintay ang sagot niya. Hindi ko gusto maging kaaway si Nick. Gusto ko maghiganti oo pero sa business. Hindi ko pupuntiryahin ang pamilya niya sa ganitong paraan. Hindi ako ganitong klase ng tao.Bukod pa doon, bakit niya inisip na ako, anong ebidensiya ang mayroon siya para isipin na gagawin ko ang ganitong bagay? Tumayo ako at nagsimulang maglakad ng pabalik-balik. Maaaring mainitin ang ulo ni Nick at hindi ko alam kung paano siyang gaganti. Ipinakulong na niya ako ng minsan para sa isang bagay na hindi ko ginawa, anong malay ko sa kung anong gagawin niya ngayon.Nahihilo na ako habang tinitignan ang phone ko na parang magpapakita bigla sa mahiwagang paraan ang mga message niya. Na naiintindihan niya ang sinasabi ko o maling text ang ipinadala niya at hindi para sa akin. Pero wala.“Olivia, anong problema.” Tanong ni Marcus ng pumas

  • Paghihiganti Pagkahiwalay   Kabanata 45

    OLIVIANaupo ako doon habang nanonood ng balita at napanganga na lang ako. Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko sa balita at nakapag-aalala ang katahimikan ng pamilya Jones. Alam siguro nila na hindi lang basta-basta mawawala ang sitwasyon ng hindi sila nagsasalita.Tanghaling tapat na at kumalat ang balitang ito ng hatinggabi, at nagkataon na wala pa din statement na binibigay ang kumpanya o pamilya nila. Patuloy ang pagbagsak ng stocks nila, at hindi na ito maganda. Ang bawat balita ay pare-pareho ang istorya na ang video ni ama na pumasok siya sa club at lumabas din siya makalipas ang isang oras.Maliban sa balita na napapaisip kung sino ang may gawa nito, malinaw na sadya ito at kinukuwestiyon ko kung sino ang salarin. Sinong malakas ang loob na atakihin ng direkta ang pamilya Jones ng ganito, natatakot ako para sa taong iyon sa oras na malaman nila kung sino siya. Ang taong iyon ay magsisisi na kinalaban niya ang pamilya Jones.“Sana naisip ko na ito noon pa, pero hanga ako

  • Paghihiganti Pagkahiwalay   Kabanata 44

    NICKItinapon ko ang phone ko sa pader, nagkapirapiraso ito. Tinignan ako ng ama ko habang nakataas ang kilay niya, hindi man lang siya nagulat sa pagwawala ko. Noong akala ko mali ako tungkol sa asawa ko, may ginawa naman siyang ganito. Kung gusto niya makasama si Walker, bakit hindi na lang siya sumama sa kanya ng hindi gumagawa ng ganitong mga bagay.Ngayon hindi ako nagsisisi na ipinakulong ko siya, malinaw na nararapat lang ito, sayang lang at nadamay pa ang anak ko sa mga plano ng nanay niya kung saan naging dahilan pa para isilang siya sa kulungan. Gusto ko bumawi sa pagpapakulong ko sa kanya. Maibalik siya sa bahay pero mukhang niloloko ko lang ang sarili ko.Mas malala pa si Olivia kaysa sa inaasahan ko, malinaw na hindi ko talaga kilala ang babaeng pinakasalan ko. “Tumigil ka na kakapabalik-balik at makakahukay ka na dito sa study, hindi ko iyon gusto.” Naiinis na din ako sa kanya. Paano niya nagagawa maging kalmado habang gumuguho na ang mundo namin.“Hinihintay ka ng mg

  • Paghihiganti Pagkahiwalay   Kabanata 43

    NICKNagising ako sa walang tigil na pag ring ng phone ko. Sinubukan ko itong hindi bigyan ng pansin, pero matiyaga ng tumatawag. Tatawag siya at ibababa ng paulit-ulit. Habang hindi iminumulat ang mga mata ko, sinagot ko ang tawag. “Ano!” Sobrang naiinis ako; hindi ba nila nakikita kung anong oras pa lang? Well, hindi ko rin naman alam kung anong oras na, pero hindi pa ito oras para tumawag sa mga tao.“Sir, pasensiya na po at nagising kita, pero kailangan mo po makita ang balita, at masama po ito, talagang napakasama.” Nagising ako agad. Bumangon ako mula sa kama habang shorts lang ang suot at binuksan ang tv. “Hindi po namin alam kung sino po ang nag-leak nito, pero mabilis po ang pagbagsak ng stocks ng Jones enterprise sa balita.” Nakita ko ang sinasabi niya.Hindi ko alam kung tungkol ito saan at kung anong tungkol sa pagbagsak ng stocks namin. Ano ba ang nangyayari? Binaba ko ang tawag at tinignan ang phone ko. Nakasulat ng malalaking letra sa artikulo. “Stocks ng Jones enterp

  • Paghihiganti Pagkahiwalay   Kabanata 42

    UNKNOWN POVSa isang lugar sa downtown ng New Village City, sa pinakakahinahinalang lugar sa lungsod, may dalawang tao ang nagkita. Ang isa ay young master ng isa sa mga prestihiyosong pamilya ng New Village. Ang sasakyan ng young master ay kapansin-pansin. Batid ng kahit sinong hindi ito nababagay sa lugar.Pero para sa kanya, ang sasakyan ay hindi markado at misteryoso, hindi tulad ng ibang mga sasakyan niya na markado at madaling makilala. Ang isa pang tao ay nakabalatkayo, walang makapagsasabi kung sino ang taong ito. O kung anong kasarian niya.Ang boses ay binago at may mask ang buong mukha. Kahit ang young master ay hindi kilala ang taong ito, pero masaya siya sa impormasyong ibinibigay ng estranghero sa kanya. “Handa ka na ba sa susunod na estado ng plano? Nakita mo ana ang Walker na iyon ay hindi masyadong nabagabag sa ginawa natin ngayon. Gusto ko na may gawin pa tayong higit pa.”Sambit ng young master, naisip niya na ang pagsunog sa warehouse ay pipigil kay Olivia at Ma

āļŠāļģāļĢāļ§āļˆāđāļĨāļ°āļ­āđˆāļēāļ™āļ™āļ§āļ™āļīāļĒāļēāļĒāļ”āļĩāđ† āđ„āļ”āđ‰āļŸāļĢāļĩ
āđ€āļ‚āđ‰āļēāļ–āļķāļ‡āļ™āļ§āļ™āļīāļĒāļēāļĒāļ”āļĩāđ† āļˆāļģāļ™āļ§āļ™āļĄāļēāļāđ„āļ”āđ‰āļŸāļĢāļĩāļšāļ™āđāļ­āļ› GoodNovel āļ”āļēāļ§āļ™āđŒāđ‚āļŦāļĨāļ”āļŦāļ™āļąāļ‡āļŠāļ·āļ­āļ—āļĩāđˆāļ„āļļāļ“āļŠāļ­āļšāđāļĨāļ°āļ­āđˆāļēāļ™āđ„āļ”āđ‰āļ—āļļāļāļ—āļĩāđˆāļ—āļļāļāđ€āļ§āļĨāļē
āļ­āđˆāļēāļ™āļŦāļ™āļąāļ‡āļŠāļ·āļ­āļŸāļĢāļĩāļšāļ™āđāļ­āļ›
āļŠāđāļāļ™āļĢāļŦāļąāļŠāđ€āļžāļ·āđˆāļ­āļ­āđˆāļēāļ™āļšāļ™āđāļ­āļ›
DMCA.com Protection Status