"Reynan...” hinablot ko ang aking kamay, sabay tingin sa paligid. “Ano bang ginagawa mo?”“Ito naman, galit agad. Haplos ng alaga lang ‘yon, walang malisya!” Inilabas at kinagat niya ang dulo ng kanyang dila at ngumiti. Tinaasan ko naman siya ng kilay. “Reynan naman, umayos ka nga. Hindi ka ba nahihiya? Pinagtitinginan tayo,” pabulong kong sabi. Nahihiya ako sa ginawa niya, pero siya nagkibit-balikat lang. “‘Wag mo nga silang pansinin, inggit lang ang mga ‘yan, kasi walang gustong mag-alaga sa kanila.” Seryoso na naman niya ako tinitigan na ikinaasiwa ko na. “Anong akala mo sa akin, inutil na hindi kayang alagaan ang sarili?”“Bakit? Inutil lang ba ang inaalagaan? Kahit sino pwedeng alagaan, lalo na kung mahalaga ‘yong tao… mahalaga sa akin.”Pahapyaw akong tumawa. Paano niya ba basta nasasabi na mahalaga ako? ‘Yong tao nga’ng akala ko makakasama ko buong buhay ay basura ang tingin sa akin, siya pa kaya na ilang araw ko pa lang nakakasama.“Kaya ko ang aking sarili, hindi ko kaila
Last Updated : 2025-03-15 Read more