"Reynan...” hinablot ko ang aking kamay, sabay tingin sa paligid. “Ano bang ginagawa mo?”
“Ito naman, galit agad. Haplos ng alaga lang ‘yon, walang malisya!” Inilabas at kinagat niya ang dulo ng kanyang dila at ngumiti.
Tinaasan ko naman siya ng kilay. “Reynan naman, umayos ka nga. Hindi ka ba nahihiya? Pinagtitinginan tayo,” pabulong kong sabi.
Nahihiya ako sa ginawa niya, pero siya nagkibit-balikat lang. “‘Wag mo nga silang pansinin, inggit lang ang mga ‘yan, kasi walang gustong mag-alaga sa kanila.” Seryoso na naman niya ako tinitigan na ikinaasiwa ko na.
“Anong akala mo sa akin, inutil na hindi kayang alagaan ang sarili?”
“Bakit? Inutil lang ba ang inaalagaan? Kahit sino pwedeng alagaan, lalo na kung mahalaga ‘yong tao… mahalaga sa akin.”
Pahapyaw akong tumawa. Paano niya ba basta nasasabi na mahalaga ako?
‘Yong tao nga’ng akala ko makakasama ko buong buhay ay basura ang tingin sa akin, siya pa kaya na ilang araw ko pa lang nakakasama.
“Kaya ko ang aking sarili, hindi ko kailangan ang pag-aalaga mo.”
“Oh...talaga ba? Kung kaya mo naman palang alagaan ang ‘yong sarili, bakit ka pumapayag na paulit-ulit na masaktan? Ibig sabihin lang no’n, wala kang kakayahan.”
“Tumahimik ka na, Reynan. Hindi madali ‘yong nangyari sa akin kanina…masakit, pero paulit-ulit mong pinapaalala.”
“Dok, hindi ‘yon ang intensyon ko. Gusto ko lang na mag-isip ka. Matuto kang lumaban. Matutong humindi kung talagang ayaw mo na.”
Nakagat ko na lang ang ibaba kong labi. Nag-iwas din ako ng tingin at paspasang pinahid ang luhang hindi ko na naman napigil.
“Doktora…kailangan mo ng taong magtatangol sa’yo laban sa ex mo. Ako…willing akong gawin ‘yon.”
Hindi ako sumagot. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko, at pinipigil ang mapa-hikbi.
“Paano kung hindi ako bumalik kanina? Sasama ka na naman sa ex mo at araw-araw na magtitiis sa kahayupan niya.” Pabagsak siyang sumadal at dismayang tumitig sa akin. “Matalino ka namang tao, dok. Doktor ka nga ‘di ba? At saka may sarili ka ring pera, pero nagpakabobo ka sa lalaking walang kwenta.”
“Tama na, Reynan! Wala kang alam. Hindi mo alam kung bakit ako naging isang doktor. Hindi mo alam kung bakit ako ganito—kung bakit ako kumakapit sa taong hindi na ako mahal.”
Pahapyaw siyang tumawa. “Tama ka, wala nga akong alam, dok. Pero matanong nga kita, mahal mo ba talaga ang tarantadong ‘yon? Sigurado ka bang hindi dahil sa utang na loob na gusto mong mabayaran kaya ka nagpapakatanga?”
Napatitig ako sa kanya, pero hindi ko na magawang magsalita. Bumalik kasi sa alaala ko ang dahilan kung bakit kami nagkakilala ni George. Bakit mayro’n ako ng lahat ng mayro’n ako ngayon.
Labing anim na taong gulang ako no’n. Namatay ang Nanay, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam kung paano siya ipalilibing. Wala kaming pera. Ni pambili ng kabaong, wala. Binalot ko lang siya ng kumot, habang hinihintay ang kabaong na galing sa barangay. Feeling ko no’ng panahong ‘yon wala akong kwentang anak.
Dumating ang mga magulang ni George. Nagpakilala na mga kaibigan daw sila ni Nanay. Sila ang nag-ayos ng lahat. Mula sa burol hanggang sa libing. Taos-puso akong nagpapasalamat sa kanila no’ng panahong ‘yon.
Akala ko, hanggang doon lang ang tulong na gagawin nila, pero hindi, kinupkop nila ako. Pinag-aral, kapalit ang paninilbihan ko sa kanila.
Mabait ang mga magulang ni George sa akin. Hindi nila ako tinuring na iba. Samantalang si George ay hindi ako pinapansin. Araw-araw kaming nagkikita sa paaralan at bahay, pero ayaw niya na lumapit ako sa kanya. Pinandidirihan niya ako. Naiintindihan ko naman, nakakahawa nga ang sakit ni Nanay, tuberculosis. Akala niya siguro, ako rin may sakit.
Graduating kami sa college nang magbago ang pakikitungo niya. Bigla siyang naging mabait. Pinagtatanggol na rin niya ako sa mga kaklase naming binubully ako.
Lumalim pa ang relasyon namin sa puntong nanligaw siya. Hindi ‘yon sikreto sa mga magulang niya. Hindi sila tutol, kaya lang pina-aalahanan naman ako na ‘wag munang pumasok sa isang relasyon hangga’t hindi pa tapos ang residency ko. Hindi na kasi nag-residency si George dahil siya na ang namamahala sa kumpanya nila—ang Franca Distributor Inc. na isa sa top medical supplies distributors sa bansa.
Mayaman sila at ako mahirap lang, pero matyaga niya akong hinintay at niligawan hanggang sa matapos ang tatlong taong residency ko.
Ang pamilya nila ang dahilan kung bakit ako nandito sa estado ko ngayon, kung bakit ako naging doktor. Ang laki ng utang na loob ko sa kanila. At ngayon, dahil sa tanong ni Reynan, napapaisip ako. Mahal ko pa nga ba si George kaya nagtitiis ako, o dahil na lang sa utang na loob kaya ako nananatili?
“Ano na dok? Natumbok ko ba? Natahimik ka ‘e…”
Hindi pa rin ako makasagot, pero mga mata ko hindi naman maalis sa kanya.
“Dok, nag-decide ka na layuan siya, kaya ituloy mo na. Gumawa ka ng paraan para hindi ka na niya masaktan; hindi ka na niya mapapahiya.”
“Wala na naman akong balak na bumalik sa kanya, Reynan, pero hindi ko ipagkakaila na nasasaktan pa rin ako. Hindi madaling kalimutan ang limang taon na magkasama kami.”
“Mabuti kung gano’n, kaya lang, dok, siya kasi ay walang balak tumigil na pahirapan ka.”
Kumunot ang noo ko. Umawang pa ang labi ko. Hindi ko masyadong nakuha ang sinabi niya. “Anong sabi mo?” Napatitig na naman ako sa kanya. “Pahihirapan ako?"
Tumango-tango siya. “Narinig ko, sabi niya sa kasama niyang babae, hindi raw siya naniniwala na kaya mo siyang iwan. O kung desido ka na raw, hindi siya papayag na makawala ka.”
Naitakip ko ang mga palad ko sa mukha. Kaya niya ba ako kinaladkad kanina? Intensyon niya talaga na pahirapan ako ng paulit-ulit? Hindi ko na ma-explain ang nararamdaman ko. Bakit ba ganito na lang ang galit niya sa akin?
“Ngayong alam mo na ang intention niya, buo pa rin ba ang loob mo na sabihing hindi mo kailangan ng mag-aalaga at magtatanggol sa’yo?” Seryoso niya akong tinitigan.
“Hindi ko alam, Reynan. Hindi ko na alam!” sagot ko na sumabay sa pagtunog ng cellphone ko na agad kong sinagot na hindi man lang tinitingnan kung sino ang tumawag.
“Pumunta ka sa lumang bahay bukas ng umaga.” Nailayo ko saglit ang cell phone sa tainga ko, at napatingin sa screen. “Kaarawan ni Mommy, gusto ka nilang makasama.” Hindi na nakalapat ang cellphone sa tainga ko, pero rinig ko pa rin ang pasinghal na pagsasalita ni George.
Kaagad din niyang pinutol ang tawag, hindi man lang ako binigyan ng pagkakataon na tumanggi.
Napabuntong-hininga ako. Pinisil ko ang aking noo at nanlalambot na sumandal. Kumabog kasi ng malakas ang dibdib ko. Sa sinabi ni Reynan kanina, natatakot na akong pumunta sa lumang bahay. Natatakot akong makipagkita sa kanya. Natatakot ako sa maaring niyang gawin.
Nakikita ko kasi ang pagbabago niya. Noon, in-ignore niya lang ako. Sinasaktan emotionally, pero simula no’ng pinagbuhatan niya ako ng kamay, parang mas naging agrisibo siya at parang nasanay na siya na manakit ng basta na lang.
“Sino ‘yon? Ang ex mo ba?”
Tumango-tango ako, at bumuga ng hangin. “Kaarawan ng Mommy niya, gusto raw akong makita.”
“Pupunta ka?”
“Hindi ko alam. Natatakot ako kay George, Reynan. Kaya lang kung hindi ako pumunta, baka magtampo ang dalawang matanda.”
“Takot ka, pero gusto mo pa rin pumunta…” Humalukipkip siya, at tinitigan ako ng matiim. Pero maya maya ay ngumiti naman. Itinukod ang mga siko sa lamesa at bahagyang inilapit ang mukha sa akin. “May solusyon ako,” sabi niya, umangat-angat pa ang mga kilay.
“Kung kalokohan na naman ‘yang sinasabi mong sulosyon, ‘wag mo nang sabihin. Dagdag lang ‘yan sa problema ko.”
“Kalokohan ba ang samahan ka sa bahay ng demonyo mong ex-boyfriend?”
Dismaya akong tumawa. “Talagang malaking kalokohan! Ano ba sa tingin mo ang maramdaman nila kapag nagdala ako ng ibang lalaki sa kanilang bahay?”
“Hindi naman nararamdaman nila ang mahalaga sa akin, nararamdaman mo at kaligtasan mo, dok.”
Hindi na naman ako nakapagsalita. Nagugulo nitong si Reynan ang utak ‘e.
“Reynan, salamat…pero ayaw kong madamay ka sa problema ko. Ayaw kong pati ikaw pag-initan ni George. Tiyak na manggagalaiti ‘yon kapag nakita ka.”
" ‘Di mabuti. Manggalaiti siya hanggang sa magkulay ube at matigok!”
“Reynan, hindi laro-laro ‘tong problema ko. Maimpluwensyang tao si George.”
Nagkibit-balikat na naman siya, at pahapyaw pang tumawa. “Hindi ako takot sa impluwensya niya. Kaya kong labanan siya.”
“Tama na nga ang usapang ‘to. Hindi kita isasama!" Madiin kong sabi at tatayo na sana, pero hinawakan niya ang kamay ko at hinila pabalik sa pag-upo.
“Sa maniwala ka o hindi, dok. Ako lang ang makatutulong sa sitwasyon mo ngayon.”
Binawi ko ang kamay ko. "Ayaw nga kitang madamay—”
"Sshh!” Nilapat niya ang hintuturo sa labi ko na agad ko namang tinampal. "Buo na ang desisyon ko, pumayag ka man o hindi, sasama ako bukas!"
REYNAN “Tara na nga, hinihintay na tayo ng may-ari ng bahay.” Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon na tumanggi. Itinayo ko siya at giniya palabas ng coffee shop. At gaya no’ng una naming pagkikita, nagpaubaya pa rin siya. “Susi mo…” sabi ko nang marating namin ang kotse. Sandali siyang tumitig sa kamay kong nakalahad, at walang salitang binigay sa akin ang susi. Dala ko rin ang kotse ko, pero mas gusto ko nga siyang ipag-drive. Pinagbuksan ko siya ng pinto, at tutulungan sana na ikabit ang seatbelt niya, pero mabilis na niya itong ikinabit. Nagkibit-balikat na lang ako, at agad na pumunta sa driver’s seat. Medyo mabilis ang pagpapatakbo ko. Alas dyes nga kasi ang usapan namin ng may-ari ng bahay, kaya lang dahil sa gulong nangyari, na-antala kami. “Teka, Reynan…” Palingon-lingon siya. “Daan ‘to papunta sa bahay mo.” Sinamaan niya ako ng tingin, pero nginitian ko lang siya. “Kalma… ‘di naman kita dadalhin sa bahay. ‘Wag kang assuming…” Hindi na siya nagsalita, pero an
“Hindi tama ‘to ‘e!” madiin at pabulong na sabi ni doktora, nakapamaywang habang nakatingin sa malaking bahay ng mga Franca. Binangga ko siya ng bahagya sa balikat. “Ano ang hindi tama, dok? Ang pumunta sa bahay ng ex-boyfriend mo o magdala ng ibang lalaki sa bahay nila?”“Sagutin mo kaya ang tanong mo?” Pinanliitan niya ako ng mga mata.“Base sa pag-analize ko, parehong mali. So, uwi na lang tayo?” Dismaya niya akong tinapunan ng tingin at matamlay na binawi sa kamay ko ang regalo pero binawi ko rin agad. Baka kasi pauwiin ako. “Nandito na tayo…” sagot niya, bumuga ng hangin pero matiim akong tinitigan. “But please, Reynan, umayos ka kapag kaharap na natin sila, ‘wag kang gumawa ng eksena, at ‘wag ka basta-basta magsasalita.”“ ‘Wag kang mag-alala, dok, hindi ako mahilig umiksena, pero magaling umarangkada—aw!” Daing ko. Kinurot na naman kasi ang tagiliran ko na kinurot niya kahapon nang niyakap ko siya. “Kasasabi ko lang…’wag ka basta-basta magsalita ng kalokohan! Hindi mo sila k
“George! Ano ba?!” singhal ni doktora. “Bitiwan mo nga siya!” Kaagad siyang tumayo, at buong lakas na kinakalas ang mga kamay ni George na mahigpit na humahawak sa kwelyo ko.“Umalis ka!” sabi niya, at itinulak si doktora na ikinatumba nito. “George!” sabay na bulalas ng daawang matanda. “Nahihibang ka na ba?” Tinulungan ni Izabel.Si Thomas naman ay hinarap ang anak niyang demonyo. “Bastos ka! Hindi mo na kami iginalang!” Hinablot niya ang kamay nito, at itinulak ng malakas na muntik rin nitong ikatumba. Inunat ko ang aking kwelyo nang mabitiwan niya ako, at ni minsan ay hindi ko siya tinantanan ng tingin. Sinabayan ko pa ng nakakaasar na ngiti na lalong ikinapula ng mukha niya sa galit. Pinakita ko sa kanya na hindi ako natatakot kahit nasa pamamahay pa nila kami. Kung hindi nga lang umawat si Thomas, sinapak ko na siya. Kuyom na ang kamao ko ‘e. Napatingin naman ako kay doktora, kaya lang nadismaya ako sa klase ng titig niya—titig na nagmamakaawa na ‘wag kong patulan ang dati n
CHERRY "Salamat, Reynan," sabi ko paghinto ng kotse, at agad na akong bumaba. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin, pero hindi ko na siya pinansin. Gusto ko munang mapag-isa ngayon. Gusto ko munang kulmalma. Gusto ko munang mawala sa isip ko ang eksenang nangyari kanina. Ang pagiging epokrito ni George. "Hayop ka, George! Minahal kita ng buong puso," gigil kong sabi. Nanginginig ang mga kamay ko, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa galit. Hindi ko maintindihan kung bakit ko deserve na pahirapan niya. Binuhos ko sa kanya lahat. Minahal ko siya ng buong puso, at walang tinira para sa sarili ko, ito lang pala ang mapapala ko. Nanghihina akong humiga sa kama. Isinubsob ang aking mukha sa unan. Hindi ako nagpigil, iniyak ko ng buong lakas ang sama ng loob at galit ko hanggang sa kusang tumigil ang hikbi ko, pero patuloy paring pumapatak ang luha ko. Wala kasi si Anna, mamayang gabi pa ang uwi niya, kaya malaya akong ilabas ang mga naipong hinanakit dito sa loob ko na hindi nah
“Sigurado ka?” Umawang ang labi niya. Malinaw sa ekspresyon niya na hindi siya naniniwala. “Ayaw mo yata e’!” “Hindi sa ayaw, Dok. Kaya lang, lasing ka. Paano kung bukas magbago ang isip mo? Paano kung makalimutan mo na pumayag ka na sa kasal. Ayoko lang umasa. Masakit kaya ‘yon.” “ ‘Di ka nga masasaktan…sigurado nga ako.” Tumayo ako, tinaas ang kanang kamay, pero hinila naman niya ako pabalik sa pag-upo. “Buo na ang desisyon ko. Ma lasing man o hindi. Pakakal ako kasi mabait ka.” “Teka, hindi ko masyadong naintindihan. Ulitin mo nga, ‘yong malinaw.” “Payag na nga ako.” Itinaas ko na naman ang kanang kamay ko. "I, Cherry Villafuerte, agree to marry you, Reynan Cuevas." Dahil gusto nga niya ng malinaw, sinadya kong bagalan ang pagsasalita ko at diniin ko pa para klarong-klaro kahit lasing ako. “No turning back, no regrets?” Inilapit na naman niya ang mukha sa akin. Tumango ako, ngumiti pa. “Oo na nga…” “Sinabi mo ‘yan, ha? Kapag binawi mo, tutubuan ka ng dalawang pigsa sa puw
REYNAN Kung anong inis ko nang makita si Cherry na lasing ay gano’n din ang saya ko nang sabihin niyang pumapayag na siya sa kasal. Heto na nga, hawak ko na ang draft ng agreement na kailangan pa ng approval ni Cherry. Nilapag ko ang agreement, at dinampot ang maliit na pulang box sa coffee table at binuksan iyon. “Maganda ba?” tanong ko sa assistant ko. Na tumango-tango naman at ngumiti. “Reynan…” Kaya lang sabay napalis ang aming ngiti nang marinig ang boses ni Cherry at makita ang kanyang ekspresyon. “Doktora Cherry,” tumayo ako, at lumapit sa kanya. Hahawakan ko sana ang kamay niya pero inilayo niya. “Nagbago ba ang isip mo?” “Hindi ba dapat?” Tumingin siya sa likuran ko, kaya napalingon din ako. “Ayaw kong manira ng relasyon, Reynan. Kahit sabihin pang contract marriage lang ang papasukin natin, hindi pa rin tama…ayokong manakit ng kapwa babae.” “Ano bang inagsasabi mo?” Napasulyap ako sa likuran ko, doon kasi siya nakatingin. “Teka nga…nagseselos ka ba?” ngiti ko
“Congrats, Mr. and Mrs. Cuevas,” sabi ni Paul, boyfriend ni Mama. Kasama din nito ang kanyang anak na si Rachael. Sila ang tumayong witness sa aming kasal ni Cherry.Kaya ako nagpa-book ng flight papunta rito dahil bukod sa gusto ko rito magpakasal, gusto ko rin na ma-witness ni Mama ang mahalagang araw na ‘to. Ayaw ko nang maulit ang noon, nagpakasal ako nang hindi niya alam. Walang blessing galing sa kanya, kaya nauwi sa hiwalay.“Thank you, Paul,” sabay naming sagot ni Cherry, at sabay din na tumingin sa marriage certificate na hawak niya.“Cherry, welcome to the family,” sabi ni Mama. Ang tamis ng ngiti niya, pero seryoso naman kung titigan si Cherry. “Pareho kayong galing sa toxic relationship—”“ ‘Ma…” “Tumahimik ka, Reynan!” Pinandilatan niya ako. Kaya tumahimik na lang ako. “Wala akong masamang ibig sabihin. Ang akin lang ay gusto ko kayong paalalahanan. ‘Yong hindi magandang karanasan ninyo, gamitin n’yong gabay sa inyong pagsasama bilang mag-asawa. ‘Wag n’yo hayaang maulit
“Gusto mo ako?” Nauutal niyang tanong, pero halata namang curious sa isasagot ko. Hindi na kasi ako tinantanan ng tingin.Nginitian ko siya. “Syempre…gusto kita bilang mabuting tao. Bilang doktor na maalaga, bilang magandang babae, at bilang tanga…”“Okay na sana ‘e. Touch na ako. Damang-dama ko na, sinama mo pa ang tanga!” Sinamaan niya ako ng tingin na ikinangiti ko naman. “ ‘Wag mong small-in ang pagiging tanga mo. Dahil d’yan sa katangahan mo, nakapag-asawa ka ng caregiver na may assistant!” “Loko mo…” Inismiran niya ako, pero napapangiti naman.“Ako ba, dok, gusto mo?” tanong ko. Taas ang kumpyansa na pareho din ang sagot niya sa akin.Kaya lang, bumagsak ang kumpyansa ko. Napasulyap din ako sa kanya. Hindi kasi sumagot. Humalukipkip siya at seryoso akong tinitigan. Nakamot ko tuloy ang batok ko. Nag-init ‘e. Pahiya ako. Tinawa ko na lang ang hiya ko. “Ang linaw ng sagot mo…”“Reynan…”“ ‘Wag na, dok. Saka ka na lang sumagot kapag gusto mo na ako.”“Gusto naman talaga kita…”“An
Saktong natapos ang meeting ko with investor ay lumapit naman sa akin si Anna. “Sir, nasangkot si Doktora Cherry sa gulo sa mall.” Pinakita nito sa akin ang video online.Umalsa ang dugo ko. Hindi ko na tinapos ang video, agad akong lumabas sa function room at mabilis naglakad. Tinawagan ko rin ang aking mga koneksyon, inutusan silang linisin ang kumakalat na video, at kunin ang footage sa mall.Ako na rin mismo ang nagmamaneho, at si Anna naman ay hinihintay ang resulta ng pinapagawa ko. “Sir, natanggap ko na ang footage sa mall,” sabi ni Anna.Saglit ko lang siyang nilingon. Ngayon ay papunta na kami sa presento. Unang kita ko pa lang sa video, alam kong hindi si Cherry ang nagsimula ng kaya ang unang pumasok sa aking utak ay ang pumunta sa presento at i-report ang totoong nangyari. Agad kong inilahad ang ebidensya sa mga pulis at nagsampa na rin ng kaso laban kay Marriane.Ngayon ay papunta na kami sa hospital. Kung walang pulis na sumusunod sa amin, malamang ay mas mabilis pa an
Ang bilis ng pangyayari. Umalingawngaw sa loob ng mall ang singhap ng mga taong naroon. At ako, dahil sa pagkabigla, tanging sigaw lang din ang aking nagawa habang nakatingin kay Jerome na ngayon ay nakasandal sa railings at kapa ang labing may dugo. “Walang hiya ka! Ang lakas ng loob mong saktan ang babae ko!” Nanggagalaiti si George. Tumayo naman ng maayos ni Jerome at walang takot na hinarap si George na umiigting ang pangang dinuduro siya. “At siya may karapatang saktan ang kaibigan ko?” sagot ni Jerome. Tinapatan ang matalim na tingin ni George na kumuyom ang kamao, at agad namang nagpalipad ng isang suntok. Agad umiwas si Jerome at gumanti ng suntok na diretsong tumama sa panga ni George. “Jerome, tama na!” patili kong awat. Hinawakan siya sa barso, pero hinablot niya at muling sinugod si George. Sunod-sunod na suntok ang pinalipad niya, na kina-counter naman ni George. Tuluyan nang lumaki ang gulo. Sigawan na ang naririnig ko. “Awatin n’yo na, please!” Desperdo kon
CHERRYNaiilang akong muling umupo sa harap ni Jerome dahil panay pa rin ang lingon ni Reynan sa amin hanggang sa makapasok sila sa function room. Si Jerome ay gano’n din, at ngayon ay tumingin naman sa akin. “Sino ‘yon? Boyfriend mo?” tanong niya. Hindi ako direct na sumagot, pero ngumiti naman ako na ikinatango niya na para bang naiintindihan agad ang ibig sabihin ng aking ngiti.“Akalain mo nga naman…” Tipid siyang ngumiti. “Akala ko si George na ang forever mo, hindi pala—”“Ah…Jerome…” Tumayo ako na nagpahinto sa pagsasalita niya. “Salamat sa lunch, hah. Masaya ako na nagkita uli tayo…” Tumayo rin siya. Nag-iba ang ekspresyon. Parang nahihiya. “Cherry, sorry…hindi ko na dapat binanggit—”“Hindi…hindi naman ‘yon ang dahilan, at saka, wala ka dapat ihingi ng sorry,” sagot ko na parang wala lang sa akin ang sinabi niya. Pero ang totoo, mas lumala ang pagkailang ko sa pagbanggit niya kay George. Hindi siya sumagot, tumitig lang sa akin. Nagkunwari na lang akong tumingin sa aking
Tumawag si Anna para i-inform ako na gustong makipag-collab sa amin ang Tech Pharma. Natuwa talaga ako, at hindi ko napigil ang mapangiti. Bilang isang international company na nagsisimula pa lamang palawakin ang presensya sa bansa, napakalaking bagay ang makipag-collaborate sa mga kilala at matatag na kumpanya sa lokal na industriya. Hindi lang ito makatutulong sa pagpapalawak ng aming koneksyon, magsisilbi rin itong tulay upang mas makilala ang aming brand at mga produkto sa mas malawak na merkado. Sa tulong ng established na reputasyon ng kumpanyang ito, mas magiging madali ang pagbuo ng tiwala ng mga potensyal na kliyente at partner. At higit sa lahat, malaking tulong din ito sa aspeto ng marketing—dahil sa lawak ng naabot ng mga kumpanyang ito, mas mabilis na maipapakilala sa publiko ang mga produkto at serbisyo na aming inaalok."Hintayin mo ako sa study. Bababa na ako…" sabi ko kay Anna, sabay lingon sa banyo na kasasara lang.Saglit akong napatitig sa pinto. Hindi ko kasi n
Binabasa ko lang ang minsahe ni George, pero parang naririnig ko mismo mula sa kanyang bibig. Parang naririnig ko kung paano kadiin at katigas ng bawat bigkas niya sa mga salita. ‘Yong na nararamdaman ko kaninang kaba, mas lumala pa. "Ano? Pupunta ka? Susundin mo na naman ang utos ng hayop na ‘yon?" Napalingon ako kay Reynan. Nakakunot ang kanyang noo habang hawak ang aking cell phone na inagaw niya kanina. Tahimik akong napatitig sa kanya. Nalito ako kung ano ang aking isasagot. Sa loob-loob ko, gusto kong makita si Tita Izabelle, kaya lang, pay parte rin sa akin na nagdadalawang-isip. "Kung pupunta ka, sasama ako,” diretsong sabi ni Reynan. Napakagat ako sa labi. Agad-agad na buo sa isip ko ang magulong eksena kung sakaling magkita na naman si Reynan at George. "Ayaw kong magpunta ka mag-isa, Cherry," dagdag pa niya, seryoso at ma-awtoridad ang kanyang boses, hindi sa paraang humihiling na isama ko siya. “Ikaw ang sinisisi niya sa nangyayari sa kumpanya nila ngayon, kaya sigu
CHERRY“Tumigil ka na nga…” Tinulak ko ang kanyang mukha. Namimihasa na ngang halikan ako, namimihasa pang magpa-cute at magpa-sweet sa akin ng ganito. Nakakatakot kapag hinahayaan ko na ganito kami palagi. Baka masanay ako, at hahanap-hanapin ko na ang paglalambing niya.“Ayoko ngang tumigil, hindi kita titigilan…” Kagat sa ibabang labi ang tumapos sa salita niya.“Alam mo, gutom lang ‘yan.” Tumayo ako, at iniwan siya. “Tama ka nga! Gutom na ako…sa’yo…” Sinundan niya ako, at agad namang hinapit ang aking baywang, at ginagat ang aking tainga. “Reynan…” Napahawak na lang ako sa aking tainga at napapailing. Habang siyang, pangiti-ngiti pa rin. “Umupo ka na nga at ihahanda ko na ang pagkain.” Sumunod naman siya, at inilabas ang kanyang cell phone. Ako naman ang napatitig sa kanya. Parang nag-iibang tao na naman kasi siya habang nagtitipa ng mensahe. ‘Yong seryoso at mature na awra na naman niya ang aking nakikita.“Mamaya na ‘yang cell phone. Kumain ka muna,” sabi ko sabay upo na sa
Napasinghap si Cherry nang hinila ko siya sa aking kandungan, at mahigpit na inilingkis ang aking mga kamay sa kanyang baywang habang ang aking labi ay mapusok na naglandas pababa sa kanyang leeg."Reynan..." mahina at halos paungol niyang sabi. Ang kanyang mga kamay ay bahagya akong itinutulak pero, hindi naman tumitigil sa pagtugon sa aking mga halik.Ewan ko ba kung bakit ako ganito, hindi ko maawat ang aking sarili, sa tuwing malapit kami sa isa’t-isa parang may kung anong pwersa na humihigop sa akin na angkinin siya. Hinawakan ko ang batok niya, hinila palapit pa sa akin at mas naging mabilis at mariin pa ang aking halik. Walang tigil, walang preno. Narinig ko pa ang mahina niyang impit, at kung kanina ay bahagya niya akong tinutulak, ngayon ay hawak na niya ang aking batok at mahinang sinasabunutan ang aking buhok.“God! Sir Reynan—sorry!” Parang lumayas ang kaluluwa ko sa aking katawan. Agad ding tumayo si Cherry nang marinig namin ang boses na ‘yon—si Anna na ngayon ay nanl
REYNANTahimik akong nakatingin sa mga balitang sunod-sunod na sumabog online — headline after headline, exposing George for what he really was.Manloloko.Sinungaling.Duwag.Isang lalaking nagawang yurakan ang isang babae na buong pusong nagmahal sa kanya.Nandito ako ngayon sa hotel ng kaibigan kong si Danreve. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nakaupo rito sa sulok, hawak ang telepono, habang isa-isang lumilitaw sa mga feed ko ang mga litrato, video, at mga ebidensyang siya mismo ang gumawa. Siya mismo ang may sala.Gaya ng aking plano, naisiwalat na sa buong mundo ang tunay niyang mukha."Reynan, ayos na ba? Nangyari na ang gusto mo," putol ni Danreve sa tahimik kong pagmumuni-muni.Mapait lang akong ngumiti. “Salamat sa tulong mo,” sagot ko. Si Danreve ang hiningian ko ng tulong sa pagpapalabas ng balita tungkol kay George. Ma-impluwensya siya, kaya kapag kampo niya ang naglabas ng balita, walang sinumang makakalinis ng mga kalat. “Walang anuman, pamilya tayo,” sabi ni
“Walang sayang, Cherry… masaya akong kasama ka. Masaya akong gawin ’to para sa’yo. Kaya, please. ’Wag mo na ulit sabihin ang salitang sayang, okay?”“Reynan, talaga naman kasing sayang—”Naputol ang pagsasalita ko nang bigla niyang hinapit ang aking batok at siniil ako ng halik—mapusok at mapagparusang halik na hindi ko magawang tugunin.“Sabihin mo ulit ang salitang sayang, puputukan kita sa loob nang wala talagang masayang…”“Sira-ulo ka!” Tinulak ko siya na ikinahagikhik niya lang.“Sige na magpahinga ka na, kausapin ko lang si Anna,” sabi niya na sumabay sa paglalakad niya palabas ng pinto.Napahawak naman ako sa aking labi, at saka napabuntong-hininga. Naguguluhan kasi ako. Contract marriage lang ang namamagitan sa amin, pero kung tratuhin niya ako, para namang hindi ako contract wife.Pabagsak akong humiga. Totoong pagod ako. Medyo nahihilo rin, pero ayaw naman akong dalawin ng antok.Bumangon ako, at lumapit sa bintana. Kita ko mula rito si Reynan at Anna. May mga dokumento sil