“Reynan…” Tinulak niya ako. Halatang hindi niya nagustuhan ang aking sinabi. Akmang lalayo din siya, pero hindi ko siya hinayaan. “Let’s go home!” ma-awtoridad kong sabi at hinila siya, pero bago pa man kami makalabas ng emergency room ay natanaw pa namin si George na mainit ang mga matang nakatingin sa amin. Umangat naman ang sulok ng aking labing tinugon ang mas mainit na tingin sabay ang paghapit sa baywang ni Cherry na nagpatiim sa bagang ni George.Mayabang ko siyang nginitian at nagpatuloy sa paglalakad habang hapit-hapit pa rin ang baywang ni Cherry.“Reynan, bitiwan mo na ako!” sabi niya. Sinusubukan niyang kalasin ang aking kamay, pero matalim na tingin lang ang sagot ko sa kanya at pinagbuksan siya ng pinto. “Dala ko ang aking kotse—”“Si Anna na ang bahala sa kotse mo,” putol ko sa kanyang pagsasalita at sapilitan siyang pinapasok sa kotse. Pabagsak ko ring isinira ang pinto na alam kong ikinagulat niya dahil sa iritang tingin na binabato niya sa akin nang makapasok ako.
Naikuyom ko ang aking mga kamay. Paulit-ulit ring nag-play sa aking isip ang salitang may malubhang sakit. “Ilang ulit ko bang sasabihin sa’yo, wala akong anak!”“Reynan…”“Umalis ka na Grace, bago ko makalimutan na anak ng taong nirerespeto ko.” Agad ko na siyang iniwan matapos magsalita, at hindi na muling lumingon kahit ilang ulit niya akong tinawag. Inaamin kong nakaramdam ako ng awa sa bata. Apat na taon, sinubaybayan ko ang kanyang paglaki. Naging mabuting ama ako sa kanya, kaya lang, ayaw ko nang makialam sa kanila ng nanay niya. Kung totoong may sakit siya, kasama naman niya ang tunay niyang mga magulang. May mag-aalaga sa kanya. Sila ang may obligasyon sa kanya. Paulit-ulit kong nahagod ang aking buhok. Hindi rin ako mapirme. Kanina pa ako nagpalakad-lakad sa living area. Nalilito kasi ako. Nagtataka kung bakit si Grace ang nagdala sa balitang ‘yon sa akin? Inutusan ba siya ng kanyang kaibigan o ginagamit niya ang sitwasyon ni Liza para makalapit sa akin.Hindi pwedeng ga
“Cherry, ayos ka lang?” Tinapik ni Reynan ang aking likod. Parang bumara kasi ang itlog sa aking lalamunan dahil sa sinabi niya. “Heto, inum ka…” sabi niya at tinulungan akong uminum. “Kumusta ang pakiramdaman mo? Nakakahinga ka na ba? Need mo ba ng CPR?”Tinulak ko siya. Akmang ihihiga niya kasi ako. “Puro ka pa rin kalokohan, Reynan. Gusto mo ba akong mamatay?”“Tutulungan ka ngang makahinga ng maayos ‘e!”Dinuro ko siya. Naalibadbaran ako sa pagmumukha niya na parang bata na laging nagpapa-cute, pero kapag nagalit para namang demonyo na handang pumatay.“‘Yong sinabi mo? Ano ‘yon? Ginu-good time mo ba ako?”Umiling-iling siya. Humaba-haba pa ang nguso.“Reynan, ‘wag mong gamitin ang sitwasyon ko para paglaruan ako. Alam mo kung ano ang pinagdaanan ko. Alam mo kung gaano kahirap ang sitwasyon na magmahal ng taong hindi ka mahal. Kaya please. Tigilan mo na ‘to.”“Hindi kita pinaglalaruan, Cherry. Totoong mahal kita. Tamaan man ako ng kidlat ngayon! Nagsasabi ako ng totoo, at handa
“Reynan, kumalma ka muna…” Binawi ko ang cell phone niya. Nilapat ko ang mga palad ko sa kanyang pisngi at pilit na iniharap sa akin.“Cherry…nagpa-test na kami noon. Napatunayan sa korte na hindi ko siya anak…Ano ‘to? Bakit may ganito?”“Kaya nga kumalma ka muna. Kausapin mo ang ina ng bata. Linawin mo sa kanya ang tungkol sa DNA.”“Akala ko makakawala na ako sa kanila. Akala ko mabubura na ang bakas nila sa buhay ko, hindi pa pala!” Nahagod niya ang kanyang buhok, akmang kukunin ang kanyang cell phone, pero inilayo ko. “Reynan, alas-dose na. Bukas mo na lang na sila kausapin. Matulog na muna tayo, para bukas makapag-isip ka ng maayos kung ano ang gagawin.”“Paano pa ako makakatulog nito, Cherry? Paano kung mali ang naunang DNA? Tatlong taon kong pinabayaan ang aking anak—may sakit pa siya.Inayos ko ang kanyang unan, at sapilitan siyang inihiga. “Makakatulog ka. Katabi mo ako, ‘di ba?” Napatingin siya sa akin. Lumabi at niyakap ako ng mahigpit. “Cherry, sakaling anak ko nga si Liz
CHERRY “Pumunta ka rito ngayon din,” sabi ng lalaking tumawag sa akin—si George, my boyfriend, my live-in partner for five years. “George, pagod ako. Kararating ko lang mula sa medical mission.” “Wala akong pakialam, pumunta ka rito. I’ll send you the address!" giit niya, at agad nang pinutol ang tawag. Napatingin ako sa cell phone ko nang mag-vibrate ito. Sinend na niya ang location niya na mapait kong ikinangiti, pero walang pag-aatubili na nagmaneho papunta roon. Wala naman kasi akong choice, magagalit siya kapag hindi ako sumunod. Lalaki ang away at pagbabantaan na naman niya akong hihiwalayan. Tatlong taon na mula no’ng magbago ang lahat sa amin. At heto nga kumakapit pa rin ako sa pangako namin sa isa’t-isa na habang-buhay kaming magsasama. Umaasa ako na balang araw ay huhupa din ang pag-e-explore niya, manumbalik ang pagmamahal niya, at maging masaya kaming muli. Napabuntong-hininga ako nang marating ko na ang lugar na sinabi ng boyfriend ko, isang hotel sa
Isang linggo na ang lumipas mula noong eksena sa hotel. At heto, pinili ko pa rin na patawarin siya at manatili sa tabi niya. Napangiti ako nang mailapag ang cake sa lamesa. Maya’t maya rin ang sulyap ko sa orasan, hinihintay ang pagdating ni George. Ikalimang anibersaryo namin ngayon, kaya naghanda ako ng surpresa para sa kanya. Napangiti ako nang makarinig ng busina ng kotse at pagbukas ng gate. Kaagad akong tumayo at nagtago ako sa likod ng pinto. Matiyaga akong naghihintay sa pagpasok niya habang hawak ang party popper. “Surprise!" bulalas ko, na ikinagulat niya. Nasurpresa siya, kaya lang, hindi saya ang nakikita kong ekspresyon, kundi galit. “Anong ginagawa mo rito?" tanong niya na sumabay sa paglipad ng mga confetti. "Hindi natuloy ang medical mission, kaya umuwi ako…” sagot ko, pero nawala na ang ngiti sa aking labi. Ako kasi ang mas nasurpresa dahil may iba siyang kasama. “Bakit mo siya dinala rito?" "Wala kang pakialam!” sagot niya. Winaksi niya ako, at gin
Kahit kinakabahan, agad akong bumaba ng kotse at pumunta sa harap ng kotse. “Sorry…” nauutal kong sabi sa lalaking nagsisimula nang tumayo. Kaagad naman akong yumukod at inalalayan siya. Pinagpagpag ko ang damit nito, at muling nag-sorry. “May masakit ba sa’yo?” tanong ko pa habang sinusuri kong nasugatan ba siya o may pasa o gasgas. Pero pahapyaw na tawa ang sagot nito na ikinaangat ng tingin ko. “Nabangga ka na nga, nakuha mo pang tumawa.” “Ayos lang po ako,” inuunat-unat ang braso na sagot niya. “Halika, dadalhin kita sa hospital.” Hinawakan ko siya. Nakatitigan kami. Bumakas ang gulat sa mukha niya. “Doktora Cherry.” Nakangiting sabi ng lalaki. Kinunutan ko naman siya ng noo. “Kilala mo ako?” tanong ko. Kahit kasi anong titig ko sa kanya ay hindi ko siya maalala, pero parang pamilyar ang mukha niya. “Ang bilis mo naman makalimot,” nakangisi pa rin nitong sagot na lalo lang ikinakunot ng noo ko. “Reynan Cueves…brother-in-law ni Atty. Onse Lazaro na friend mo.” Pa
REYNANTatlong taon na mula no’ng bumalik ako sa Canada, para ayusin ang gusot sa pagitan namin ng aking asawa. Pinagtaksilan niya ako. Pina-ako sa akin ang anak nila ng kabit niya. Magulo at mahabang serye ng court hearing ang inatupag ko sa pagbabalik.Hanggang sa nakamit ko ang kalayaan ko. Na-grant ang aming divorce, at ni isang kusing ay wala siyang nakuha. Masaya ako nang sa wakas ay natapos ang kalbaryo ko, pero may halong lungkot dahil napamahal na sa akin ang bata na hindi ko naman pala kadugo. Pero kalaunan ay natuto rin akong tanggapin ang lahat.At ngayon masasabi kong maayos na ang buhay, at ito na ang best version ko. Masayang Reynan, walang sabit, at walang pasan na mabigat sa buhay ko.Ngayon ay nandito na ako sa Pilipinas, isang linggo na ako rito at puro meeting lang ang aking inaatupag. Nahinto ang pagbabalik tanaw ko nang tumunog ang cell phone ko. Napangiti ako nang makita ang pangalan sa screen. “Kuya, nasaan ka na?” bungad ng kapatid ko pagsagot ko sa tawag
“Reynan, kumalma ka muna…” Binawi ko ang cell phone niya. Nilapat ko ang mga palad ko sa kanyang pisngi at pilit na iniharap sa akin.“Cherry…nagpa-test na kami noon. Napatunayan sa korte na hindi ko siya anak…Ano ‘to? Bakit may ganito?”“Kaya nga kumalma ka muna. Kausapin mo ang ina ng bata. Linawin mo sa kanya ang tungkol sa DNA.”“Akala ko makakawala na ako sa kanila. Akala ko mabubura na ang bakas nila sa buhay ko, hindi pa pala!” Nahagod niya ang kanyang buhok, akmang kukunin ang kanyang cell phone, pero inilayo ko. “Reynan, alas-dose na. Bukas mo na lang na sila kausapin. Matulog na muna tayo, para bukas makapag-isip ka ng maayos kung ano ang gagawin.”“Paano pa ako makakatulog nito, Cherry? Paano kung mali ang naunang DNA? Tatlong taon kong pinabayaan ang aking anak—may sakit pa siya.Inayos ko ang kanyang unan, at sapilitan siyang inihiga. “Makakatulog ka. Katabi mo ako, ‘di ba?” Napatingin siya sa akin. Lumabi at niyakap ako ng mahigpit. “Cherry, sakaling anak ko nga si Liz
“Cherry, ayos ka lang?” Tinapik ni Reynan ang aking likod. Parang bumara kasi ang itlog sa aking lalamunan dahil sa sinabi niya. “Heto, inum ka…” sabi niya at tinulungan akong uminum. “Kumusta ang pakiramdaman mo? Nakakahinga ka na ba? Need mo ba ng CPR?”Tinulak ko siya. Akmang ihihiga niya kasi ako. “Puro ka pa rin kalokohan, Reynan. Gusto mo ba akong mamatay?”“Tutulungan ka ngang makahinga ng maayos ‘e!”Dinuro ko siya. Naalibadbaran ako sa pagmumukha niya na parang bata na laging nagpapa-cute, pero kapag nagalit para namang demonyo na handang pumatay.“‘Yong sinabi mo? Ano ‘yon? Ginu-good time mo ba ako?”Umiling-iling siya. Humaba-haba pa ang nguso.“Reynan, ‘wag mong gamitin ang sitwasyon ko para paglaruan ako. Alam mo kung ano ang pinagdaanan ko. Alam mo kung gaano kahirap ang sitwasyon na magmahal ng taong hindi ka mahal. Kaya please. Tigilan mo na ‘to.”“Hindi kita pinaglalaruan, Cherry. Totoong mahal kita. Tamaan man ako ng kidlat ngayon! Nagsasabi ako ng totoo, at handa
Naikuyom ko ang aking mga kamay. Paulit-ulit ring nag-play sa aking isip ang salitang may malubhang sakit. “Ilang ulit ko bang sasabihin sa’yo, wala akong anak!”“Reynan…”“Umalis ka na Grace, bago ko makalimutan na anak ng taong nirerespeto ko.” Agad ko na siyang iniwan matapos magsalita, at hindi na muling lumingon kahit ilang ulit niya akong tinawag. Inaamin kong nakaramdam ako ng awa sa bata. Apat na taon, sinubaybayan ko ang kanyang paglaki. Naging mabuting ama ako sa kanya, kaya lang, ayaw ko nang makialam sa kanila ng nanay niya. Kung totoong may sakit siya, kasama naman niya ang tunay niyang mga magulang. May mag-aalaga sa kanya. Sila ang may obligasyon sa kanya. Paulit-ulit kong nahagod ang aking buhok. Hindi rin ako mapirme. Kanina pa ako nagpalakad-lakad sa living area. Nalilito kasi ako. Nagtataka kung bakit si Grace ang nagdala sa balitang ‘yon sa akin? Inutusan ba siya ng kanyang kaibigan o ginagamit niya ang sitwasyon ni Liza para makalapit sa akin.Hindi pwedeng ga
“Reynan…” Tinulak niya ako. Halatang hindi niya nagustuhan ang aking sinabi. Akmang lalayo din siya, pero hindi ko siya hinayaan. “Let’s go home!” ma-awtoridad kong sabi at hinila siya, pero bago pa man kami makalabas ng emergency room ay natanaw pa namin si George na mainit ang mga matang nakatingin sa amin. Umangat naman ang sulok ng aking labing tinugon ang mas mainit na tingin sabay ang paghapit sa baywang ni Cherry na nagpatiim sa bagang ni George.Mayabang ko siyang nginitian at nagpatuloy sa paglalakad habang hapit-hapit pa rin ang baywang ni Cherry.“Reynan, bitiwan mo na ako!” sabi niya. Sinusubukan niyang kalasin ang aking kamay, pero matalim na tingin lang ang sagot ko sa kanya at pinagbuksan siya ng pinto. “Dala ko ang aking kotse—”“Si Anna na ang bahala sa kotse mo,” putol ko sa kanyang pagsasalita at sapilitan siyang pinapasok sa kotse. Pabagsak ko ring isinira ang pinto na alam kong ikinagulat niya dahil sa iritang tingin na binabato niya sa akin nang makapasok ako.
Saktong natapos ang meeting ko with investor ay lumapit naman sa akin si Anna. “Sir, nasangkot si Doktora Cherry sa gulo sa mall.” Pinakita nito sa akin ang video online.Umalsa ang dugo ko. Hindi ko na tinapos ang video, agad akong lumabas sa function room at mabilis naglakad. Tinawagan ko rin ang aking mga koneksyon, inutusan silang linisin ang kumakalat na video, at kunin ang footage sa mall.Ako na rin mismo ang nagmamaneho, at si Anna naman ay hinihintay ang resulta ng pinapagawa ko. “Sir, natanggap ko na ang footage sa mall,” sabi ni Anna.Saglit ko lang siyang nilingon. Ngayon ay papunta na kami sa presento. Unang kita ko pa lang sa video, alam kong hindi si Cherry ang nagsimula ng kaya ang unang pumasok sa aking utak ay ang pumunta sa presento at i-report ang totoong nangyari. Agad kong inilahad ang ebidensya sa mga pulis at nagsampa na rin ng kaso laban kay Marriane.Ngayon ay papunta na kami sa hospital. Kung walang pulis na sumusunod sa amin, malamang ay mas mabilis pa an
Ang bilis ng pangyayari. Umalingawngaw sa loob ng mall ang singhap ng mga taong naroon. At ako, dahil sa pagkabigla, tanging sigaw lang din ang aking nagawa habang nakatingin kay Jerome na ngayon ay nakasandal sa railings at kapa ang labing may dugo. “Walang hiya ka! Ang lakas ng loob mong saktan ang babae ko!” Nanggagalaiti si George. Tumayo naman ng maayos ni Jerome at walang takot na hinarap si George na umiigting ang pangang dinuduro siya. “At siya may karapatang saktan ang kaibigan ko?” sagot ni Jerome. Tinapatan ang matalim na tingin ni George na kumuyom ang kamao, at agad namang nagpalipad ng isang suntok. Agad umiwas si Jerome at gumanti ng suntok na diretsong tumama sa panga ni George. “Jerome, tama na!” patili kong awat. Hinawakan siya sa barso, pero hinablot niya at muling sinugod si George. Sunod-sunod na suntok ang pinalipad niya, na kina-counter naman ni George. Tuluyan nang lumaki ang gulo. Sigawan na ang naririnig ko. “Awatin n’yo na, please!” Desperdo kon
CHERRYNaiilang akong muling umupo sa harap ni Jerome dahil panay pa rin ang lingon ni Reynan sa amin hanggang sa makapasok sila sa function room. Si Jerome ay gano’n din, at ngayon ay tumingin naman sa akin. “Sino ‘yon? Boyfriend mo?” tanong niya. Hindi ako direct na sumagot, pero ngumiti naman ako na ikinatango niya na para bang naiintindihan agad ang ibig sabihin ng aking ngiti.“Akalain mo nga naman…” Tipid siyang ngumiti. “Akala ko si George na ang forever mo, hindi pala—”“Ah…Jerome…” Tumayo ako na nagpahinto sa pagsasalita niya. “Salamat sa lunch, hah. Masaya ako na nagkita uli tayo…” Tumayo rin siya. Nag-iba ang ekspresyon. Parang nahihiya. “Cherry, sorry…hindi ko na dapat binanggit—”“Hindi…hindi naman ‘yon ang dahilan, at saka, wala ka dapat ihingi ng sorry,” sagot ko na parang wala lang sa akin ang sinabi niya. Pero ang totoo, mas lumala ang pagkailang ko sa pagbanggit niya kay George. Hindi siya sumagot, tumitig lang sa akin. Nagkunwari na lang akong tumingin sa aking
Tumawag si Anna para i-inform ako na gustong makipag-collab sa amin ang Tech Pharma. Natuwa talaga ako, at hindi ko napigil ang mapangiti. Bilang isang international company na nagsisimula pa lamang palawakin ang presensya sa bansa, napakalaking bagay ang makipag-collaborate sa mga kilala at matatag na kumpanya sa lokal na industriya. Hindi lang ito makatutulong sa pagpapalawak ng aming koneksyon, magsisilbi rin itong tulay upang mas makilala ang aming brand at mga produkto sa mas malawak na merkado. Sa tulong ng established na reputasyon ng kumpanyang ito, mas magiging madali ang pagbuo ng tiwala ng mga potensyal na kliyente at partner. At higit sa lahat, malaking tulong din ito sa aspeto ng marketing—dahil sa lawak ng naabot ng mga kumpanyang ito, mas mabilis na maipapakilala sa publiko ang mga produkto at serbisyo na aming inaalok."Hintayin mo ako sa study. Bababa na ako…" sabi ko kay Anna, sabay lingon sa banyo na kasasara lang.Saglit akong napatitig sa pinto. Hindi ko kasi n
Binabasa ko lang ang minsahe ni George, pero parang naririnig ko mismo mula sa kanyang bibig. Parang naririnig ko kung paano kadiin at katigas ng bawat bigkas niya sa mga salita. ‘Yong na nararamdaman ko kaninang kaba, mas lumala pa. "Ano? Pupunta ka? Susundin mo na naman ang utos ng hayop na ‘yon?" Napalingon ako kay Reynan. Nakakunot ang kanyang noo habang hawak ang aking cell phone na inagaw niya kanina. Tahimik akong napatitig sa kanya. Nalito ako kung ano ang aking isasagot. Sa loob-loob ko, gusto kong makita si Tita Izabelle, kaya lang, pay parte rin sa akin na nagdadalawang-isip. "Kung pupunta ka, sasama ako,” diretsong sabi ni Reynan. Napakagat ako sa labi. Agad-agad na buo sa isip ko ang magulong eksena kung sakaling magkita na naman si Reynan at George. "Ayaw kong magpunta ka mag-isa, Cherry," dagdag pa niya, seryoso at ma-awtoridad ang kanyang boses, hindi sa paraang humihiling na isama ko siya. “Ikaw ang sinisisi niya sa nangyayari sa kumpanya nila ngayon, kaya sigu