Isang linggo na ang lumipas mula noong eksena sa hotel. At heto, pinili ko pa rin na patawarin siya at manatili sa tabi niya.
Napangiti ako nang mailapag ang cake sa lamesa. Maya’t maya rin ang sulyap ko sa orasan, hinihintay ang pagdating ni George. Ikalimang anibersaryo namin ngayon, kaya naghanda ako ng surpresa para sa kanya. Napangiti ako nang makarinig ng busina ng kotse at pagbukas ng gate. Kaagad akong tumayo at nagtago ako sa likod ng pinto. Matiyaga akong naghihintay sa pagpasok niya habang hawak ang party popper. “Surprise!" bulalas ko, na ikinagulat niya. Nasurpresa siya, kaya lang, hindi saya ang nakikita kong ekspresyon, kundi galit. “Anong ginagawa mo rito?" tanong niya na sumabay sa paglipad ng mga confetti. "Hindi natuloy ang medical mission, kaya umuwi ako…” sagot ko, pero nawala na ang ngiti sa aking labi. Ako kasi ang mas nasurpresa dahil may iba siyang kasama. “Bakit mo siya dinala rito?" "Wala kang pakialam!” sagot niya. Winaksi niya ako, at giniya ang babae papasok ng bahay. Ang babaing buntis na kasama niya sa hotel. Nakagat ko ang labi ko, pinipigil na pumatak ang luha. Dumeritso sila sa dining area, at pinaghila niya ng upuan ang babae. “Ano pa ang tinatayo-tayo mo riyan?" singhal niya sa akin. Napaigtad ako, at agad na lumapit sa table. “Sinabi ko bang umupo ka?" Napalunok ako, napabitiw sa upuan na hihilahin ko na sana, at napatitig sa kanya. “Ilabas mo ang pinakamahal na wine sa collection ko," utos niya habang pinaghihiwa ng steak ang babae. Hindi ako gumalaw. Napatitig ako sa babae na in-enjoy na ang steak na luto ko, habang nakapako ang nang-iinis na tingin sa akin. “Bingi ka ba? Kilos na!" singhal ni George na parang utusan niya ako. Alanganin akong kumilos. Ang bigat ng mga paa ko na pumunta sa wine rack niya. Mahal na mahal niya ang mga collection niya, pero handa siyang ilabas ang pinakamahal para sa babaing kasama niya. Kinuha ko ang red wine na nagkakahalaga ng animnapu’t limang libo. “Heto na ang wine," pabulong kong sabi. Nilagay ko iyon malapit kay George. Kinuha naman niya agad, binuksan, at sinalinan ang dalawang wine glass. “Try this," sabi niya. Ang lambing niya sa babae, pero ang lupit niya sa akin. "Thank you, George.” Pinatining ang boses ng babae. Nag-cheers sila habang walang kurap na nakatitig sa isa’t-isa. Mapait akong ngumiti at tumalikod. Hindi ko na matiis ang eksenang nasasaksihan ko. Ang sakit na. “Saan ka pupunta?" Nilingon ko siya. “Aalis…giving you some privacy." “Umupo ka. Don’t ruin the mood, Cherry!” singhal niya. Dinuro niya ako sa hawak na steak knife. Mapakla akong tumawa. “The moment you entered the house with that woman, sira na ang mood, George!” “Tumahimik ka! ‘Wag kang gumawa ng eksena.” “Ako ba ang gumagawa ng eksena?” Natutup ko ang aking bibig, bumagsak ang balikat, at hindi siya nilubayan ng tingin. “Nagdala ka ng ibang babae sa bahay natin, George. What do you expect, tatahimik lang ako? Matutuwa ako?” “Pamamahay ko ‘to, pwede kong dalhin ang kahit sinong gusto ko!” Tumango ako. “Oo nga naman, pamamahay mo nga pala ‘to.” Pinahid ko ang luha na hindi ko na napigil. “Pakasaya kayo!” Pagkasabi ko no’n ay agad na akong umalis sa harap nila, umakyat ako sa ikalawang palapag, at pumunta sa aming silid. Sinimulan kong i-impaki ang mga gamit ko, pero nagulantang ako sa kalampag ng pinto. Pumasok si George, nanlilisik ang mga mata na hinawakan ng mahigpit ang braso ko. “Anong drama ‘to?” “Drama? Tingin mo, nagda-drama lang ako?” “Pinahiya mo ako sa bisita!” “Ayaw mong mapahiya, but ako pwede mong ipahiya ng paulit-ulit?” Hinablot ko ang braso ko, tinulak siya. “Alam mo ba kung anong araw ngayon, George? Naalala mo ba kung gaano kahalaga sa atin ang araw na ‘to?” Tumitig siya sa akin. Halatang nag-iisip. Sandili ring kumalma ang ekspresyon niya, pero agad napalitan ng pag-ingting ng panga. Mapakla na lamang akong tumawa. “Pati pala ang pinakamahalagang araw natin ay nakalimutan mo na,” nanlulumo kong sabi. “Stop this act, Cherry. Bumaba ka at mag-sorry kay Marriane!” “Bakit ako mag-so-sorry? Hindi ako ang makapal ang mukha na kumabit sa lalaking taken na—” Malakas na sampal na naman ang dumapo sa pisngi ko. Napatingin naman siya sa kamay niya at nakuyom iyon. Sunod-sunod na pumatak ang luha ko. Nakapa ko rin ang pisngi ko. “Lahat ng pang-iinsulto at harap-harapang pagtataksil mo sa akin, tinitiis ko, George. Nagbulag-bulagan at nagbingi-bingihan ako, kasi mahal kita. Gusto mo bang pati katawan ko mamanhid na sa pananakit mo?” umiling-iling ako. “You ask for it!” “Sinong babae ba ang gustong masaktan, George? Durog na durog na ang puso ko, pati ba naman katawan ko dudurugin mo rin? Nakakapagod na…” Napasabunot ako sa sariling buhok at napahagulgol. “Pagod ka na? Makikipaghiwalay ka? Kaya mo?” mayabang niyang tanong. Mapait akong ngumiti, pero yumugyog naman ang balikat ko. Hindi ko rin masagot ang tanong niya. Pabagsak akong napaupo sa kama. Itinakip ang mga palad sa mukha. “I knew it, you can’t leave without me!” Tiningala ko siya. Tumitig sa mga mata niya. “Kaya mo ba ako ginaganito, kasi alam mong hindi ko kayang wala ka?” “Ano sa tingin mo?” Pinisil niya ang pisngi ko at inilapit ang mukha sa akin. “Walang-wala ka no’ng magkilala tayo, Cherry. Lahat ng mayro’n ka ngayon ay galing sa akin, galing sa pamilya ko.” Winaksi ko ang kamay niya at iniwas ang mukha ko. Nginisihan niya ako ng kakaiba. “Fix yourself. Bumaba ka at sundin mo ang utos ko.” Pabagsak niyang sinara ang pinto. Napasalampak ako sa sahig paglabas niya. Iniyak ko lahat ng sama ng loob ko. “Bakit ba tayo umabot sa ganito, George?” Hindi ko maintindihan kung bakit biglang nanlamig siya, laging galit, at madalas may kasamang iba. Hindi ko alam kung ano ang nagawa kong mali. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng kanyang pagbabago, ang alam ko lang, hindi na niya ako mahal, pero ako umaasa pa rin na magiging maayos ang lahat sa amin, kaya nanatili ako hanggang sa araw na ‘to. Napatingin ako sa luggage ko, gumapang ako papunta roon, nanghihinang dinampot ang mga damit at nilagay iyon lahat sa luggage. Kinuha ko pa ang mga sariling gamit na nabili ko at iniwan ang mga bigay ni George. Pababa na ako ng hagdan bitbit ang luggage ko na katulad ng mga paa ko sa bigat. Naabotan ko si George at ang babae na naglalampungan sa sala. Agad silang umayos sa pag-upo nang makita ako. Sabay nilang inunat ang mga damit nilang nagusot. Pero hindi ko na sila pinansin, nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa pinto na ikinatayo ni George. Lalapitan sana ako, pero pinigil siya ng babae. “Oras na lalabas ka ng pinto, hindi ka na pwedeng bumalik!” singhal niya. Saglit ko silang tinapunan ng tingin, pero hindi na ako sumagot, nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa pinto. Pinihit ang door handle at tuluyang lumabas ng bahay. Kaagad kong inilagay sa trank ang luggage ko, sumenyas sa guard na buksan ang gate, at nang magbukas ay agad kong pinahaharot ang kotse. Ang bilis ng pagpapatakbo ko, makalayo lang agad sa bahay at sa buhay ni George. Nang makalayo na ako sa village ay unti-unti nang bumabagal ang pagpapatakbo ko, pero hagulgol ko naman ay lalong lumakas, nanlalabo na rin ang paningin ko. Then, tuluyang nahinto ang pagmamaneho ko, at ngayon ay tulalang napatitig sa windshield—may nabangga ako.Kahit kinakabahan, agad akong bumaba ng kotse at pumunta sa harap ng kotse. “Sorry…” nauutal kong sabi sa lalaking nagsisimula nang tumayo. Kaagad naman akong yumukod at inalalayan siya. Pinagpagpag ko ang damit nito, at muling nag-sorry. “May masakit ba sa’yo?” tanong ko pa habang sinusuri kong nasugatan ba siya o may pasa o gasgas. Pero pahapyaw na tawa ang sagot nito na ikinaangat ng tingin ko. “Nabangga ka na nga, nakuha mo pang tumawa.” “Ayos lang po ako,” inuunat-unat ang braso na sagot niya. “Halika, dadalhin kita sa hospital.” Hinawakan ko siya. Nakatitigan kami. Bumakas ang gulat sa mukha niya. “Doktora Cherry.” Nakangiting sabi ng lalaki. Kinunutan ko naman siya ng noo. “Kilala mo ako?” tanong ko. Kahit kasi anong titig ko sa kanya ay hindi ko siya maalala, pero parang pamilyar ang mukha niya. “Ang bilis mo naman makalimot,” nakangisi pa rin nitong sagot na lalo lang ikinakunot ng noo ko. “Reynan Cueves…brother-in-law ni Atty. Onse Lazaro na friend mo.” Pa
REYNANTatlong taon na mula no’ng bumalik ako sa Canada, para ayusin ang gusot sa pagitan namin ng aking asawa. Pinagtaksilan niya ako. Pina-ako sa akin ang anak nila ng kabit niya. Magulo at mahabang serye ng court hearing ang inatupag ko sa pagbabalik.Hanggang sa nakamit ko ang kalayaan ko. Na-grant ang aming divorce, at ni isang kusing ay wala siyang nakuha. Masaya ako nang sa wakas ay natapos ang kalbaryo ko, pero may halong lungkot dahil napamahal na sa akin ang bata na hindi ko naman pala kadugo. Pero kalaunan ay natuto rin akong tanggapin ang lahat.At ngayon masasabi kong maayos na ang buhay, at ito na ang best version ko. Masayang Reynan, walang sabit, at walang pasan na mabigat sa buhay ko.Ngayon ay nandito na ako sa Pilipinas, isang linggo na ako rito at puro meeting lang ang aking inaatupag. Nahinto ang pagbabalik tanaw ko nang tumunog ang cell phone ko. Napangiti ako nang makita ang pangalan sa screen. “Kuya, nasaan ka na?” bungad ng kapatid ko pagsagot ko sa tawag
“Sh*t!" bulalas ko nang mabangga ako ng kotse. Pakiramdam ko saglit na lumayas ang kaluluwa ko sa aking katawan. Mabuti na lang at mabagal ang pagpapatakbo ng driver, parang pahinto na kaya hindi ako napuruhan. “Sorry…” Kinakabahang sabi ng babae, at inalalayan akong tumayo. Muli pa siyang nag-sorry, nagtanong kung okay ba ako, at may sugat ba habang sinusuri ako. Alalang-alala siya, pero ako napapangiti. Paanong hindi ako ngingiti? Siya ang pamilyar na nakita ko sa hotel noong isang linggo. Siya ‘yong hinabol ko, pero hindi ko naabutan.Sinong mag-aakala na sa ganitong paraan kami muling magkikita. Ang nakakalungkot lang ay nasa parehong estado pa rin siya, malungkot at mugto ang mga mata. Kaya walang patumpik-tumpik kong hinawakan ang kamay niya, dinala siya sa kanyang kotse, at inuwi ko sa bahay nang maalala niya ako at mapasaya siya kahit paano. Kaya lang habang nag-uusap kami at pinapagaan ko ang loob niya, may nabuo sa isip ko na maaring maging sulosyon sa problema niya.“Ma
CHERRYMaaga akong nag-checkout sa hotel kung saan ako nag-stay kagabi, at pumunta sa hospital, hindi para pumasok, kundi para mag-request ng leave. Sa estado ko kasi ngayon, parang hindi ko pa kayang mag-handle ng pasyente. Natatakot akong magkamali. Mabuti na lang at pumayag naman ang director. Ngayon ay nandito na ako sa restaurant na malapit sa hospital, para mag-breakfast. Nag-browse rin ako ng mga apartment na pasok sa budget ko habang kumakain. “Good morning, dok…” Bigla akong napalingon nang may nagsalita sa likuran ko. “Anong ginagawa mo rito?” tanong ko sa nakangising si Reynan na umupo na sa harap ko.“Nakita kita, mag-isa, at parang gusto nang pumasok sa phone mo, kaya pumasok ako para pigilan ka.”Tumitig ako sa kanya. Binabasa kung totoo nga ba ang sinasabi niya, pero nginitian lang niya ako. Tumawag rin siya ng waiter at um-order ng hot choco. “Nakahanap ka na ba ng matutuluyan?” tanong niya matapos mag-order.Umiling-iling ako. “Wala ‘e. May mga nakita ako na kaya
CHERRY “Pumunta ka rito ngayon din,” sabi ng lalaking tumawag sa akin—si George, my boyfriend, my live-in partner for five years. “George, pagod ako. Kararating ko lang mula sa medical mission.” “Wala akong pakialam, pumunta ka rito. I’ll send you the address!" giit niya, at agad nang pinutol ang tawag. Napatingin ako sa cell phone ko nang mag-vibrate ito. Sinend na niya ang location niya na mapait kong ikinangiti, pero walang pag-aatubili na nagmaneho papunta roon. Wala naman kasi akong choice, magagalit siya kapag hindi ako sumunod. Lalaki ang away at pagbabantaan na naman niya akong hihiwalayan. Tatlong taon na mula no’ng magbago ang lahat sa amin. At heto nga kumakapit pa rin ako sa pangako namin sa isa’t-isa na habang-buhay kaming magsasama. Umaasa ako na balang araw ay huhupa din ang pag-e-explore niya, manumbalik ang pagmamahal niya, at maging masaya kaming muli. Napabuntong-hininga ako nang marating ko na ang lugar na sinabi ng boyfriend ko, isang hotel sa

Kahit kinakabahan, agad akong bumaba ng kotse at pumunta sa harap ng kotse. “Sorry…” nauutal kong sabi sa lalaking nagsisimula nang tumayo. Kaagad naman akong yumukod at inalalayan siya. Pinagpagpag ko ang damit nito, at muling nag-sorry. “May masakit ba sa’yo?” tanong ko pa habang sinusuri kong nasugatan ba siya o may pasa o gasgas. Pero pahapyaw na tawa ang sagot nito na ikinaangat ng tingin ko. “Nabangga ka na nga, nakuha mo pang tumawa.” “Ayos lang po ako,” inuunat-unat ang braso na sagot niya. “Halika, dadalhin kita sa hospital.” Hinawakan ko siya. Nakatitigan kami. Bumakas ang gulat sa mukha niya. “Doktora Cherry.” Nakangiting sabi ng lalaki. Kinunutan ko naman siya ng noo. “Kilala mo ako?” tanong ko. Kahit kasi anong titig ko sa kanya ay hindi ko siya maalala, pero parang pamilyar ang mukha niya. “Ang bilis mo naman makalimot,” nakangisi pa rin nitong sagot na lalo lang ikinakunot ng noo ko. “Reynan Cueves…brother-in-law ni Atty. Onse Lazaro na friend mo.” Pa
Isang linggo na ang lumipas mula noong eksena sa hotel. At heto, pinili ko pa rin na patawarin siya at manatili sa tabi niya. Napangiti ako nang mailapag ang cake sa lamesa. Maya’t maya rin ang sulyap ko sa orasan, hinihintay ang pagdating ni George. Ikalimang anibersaryo namin ngayon, kaya naghanda ako ng surpresa para sa kanya. Napangiti ako nang makarinig ng busina ng kotse at pagbukas ng gate. Kaagad akong tumayo at nagtago ako sa likod ng pinto. Matiyaga akong naghihintay sa pagpasok niya habang hawak ang party popper. “Surprise!" bulalas ko, na ikinagulat niya. Nasurpresa siya, kaya lang, hindi saya ang nakikita kong ekspresyon, kundi galit. “Anong ginagawa mo rito?" tanong niya na sumabay sa paglipad ng mga confetti. "Hindi natuloy ang medical mission, kaya umuwi ako…” sagot ko, pero nawala na ang ngiti sa aking labi. Ako kasi ang mas nasurpresa dahil may iba siyang kasama. “Bakit mo siya dinala rito?" "Wala kang pakialam!” sagot niya. Winaksi niya ako, at gin