Kahit kinakabahan, agad akong bumaba ng kotse at pumunta sa harap ng kotse.
“Sorry…” nauutal kong sabi sa lalaking nagsisimula nang tumayo. Kaagad naman akong yumukod at inalalayan siya. Pinagpagpag ko ang damit nito, at muling nag-sorry. “May masakit ba sa’yo?” tanong ko pa habang sinusuri kong nasugatan ba siya o may pasa o gasgas. Pero pahapyaw na tawa ang sagot nito na ikinaangat ng tingin ko. “Nabangga ka na nga, nakuha mo pang tumawa.” “Ayos lang po ako,” inuunat-unat ang braso na sagot niya. “Halika, dadalhin kita sa hospital.” Hinawakan ko siya. Nakatitigan kami. Bumakas ang gulat sa mukha niya. “Doktora Cherry.” Nakangiting sabi ng lalaki. Kinunutan ko naman siya ng noo. “Kilala mo ako?” tanong ko. Kahit kasi anong titig ko sa kanya ay hindi ko siya maalala, pero parang pamilyar ang mukha niya. “Ang bilis mo naman makalimot,” nakangisi pa rin nitong sagot na lalo lang ikinakunot ng noo ko. “Reynan Cueves…brother-in-law ni Atty. Onse Lazaro na friend mo.” Pagpapakilala niya na ikinaawang lang ng labi ko. Umiling-iling naman siya, hinawakan ang kamay ko at giniya ako papunta sa kotse, pinagbuksan ng pinto, at tinulungan pa akong ikabit ang seatbelt ko. “Teka, kotse ko ‘to!” Para namang nahimasmasan kong sabi nang magsimula siyang magmaneho. “Saan mo ba ako dadalhin?” Nilingon niya ako, at nginitian ng matamis. “Doon sa lugar na makapagpapaalala sa’yo ng nakaraan natin,” pilyong sabi nito at kinindatan pa ako. Ewan ko naman sa sarili ko, at hindi na ako nagreklamo na isama niya. Siguro dahil sa ganap ng buhay ko kaya ako nagkaganito. Nawala ang kakayahan kong tumanggi, at protektahan ang sarili ko. Habang sakay ng kotse, wala sa isip naman akong napatitig sa kanya. Bukod sa guwapo ito, mukha ring mabait at desente. Hindi siguro ito masamang tao. At saka kilala nga niya ako, malamang hindi niya ako gagawan ng masama. “Dok, alam kong guwapo ako, but please, tama na ang titig, na-di-distruct po ako ‘e.” Napaismid ako. “Mukhang desente nga, mahangin naman,” pabulong kong sabi sabay ang pag-iwas ng tingin, at ipinikit na lang ang mga mata. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang pagtigil ng kotse. Agad din akong dumilat, at iginala ang paningin sa paligid. “Naalala mo na?” tanong niya nang makababa kami ng kotse, at ngayon ay nakatayo na sa harap ng isang bahay na alam ko nga kung kanino. Tipid akong ngumiti at tumango. “Reynan Cuevas…Ikaw ‘yong masungit at supladong kapatid ni Daisy…” sabi ko na ikinakamot nito sa ulo. Nahiya pa ‘e. Pero kanina kung hawakan ang kamay ko at hilahin ako, parang ang close namin. Dalawang beses lang naman kaming nagkita, kaya nga hindi ko na siya matandaan. “May pinagdadaanan lang noon, kaya masungit at suplado. Pero ngayon, hindi na. Nagbago na kaya ako. ‘Di mo ba pansin, ang bait ko na kaya, lalo na sa gaya mong maganda na mabait pa.” Natawa ako, sadya nga lang. Loko-loko kasi itong si Reynan ‘e. Pero in-fairness hah, ang lungkot-lungkot ko kanina, nanghihina, at parang nawawalan ng pag-asa, pero napapatawa niya ako. “Nagbago ka na nga, dati masungit at suplado ka, ngayon ay mahangin at bolero na!” “Oy! ‘Di ‘yon bola ‘no. Totoong maganda ka.” Matiim na titig ang tumapos sa salita niya at saka tipid na ngumiti. “Lalo na kung ‘di mugto ang iyong mga mata, at hindi pilit ang iyong ngiti.” Napayuko ako. Nahiya kasi ako. Nagkunwari akong walang pinagdadaanan. Nagkunwaring hindi malungkot. Pangiti-ngiti pa nga ako, pero hindi pala maipagkakaila sa hitsura ko na may mabigat na dinadala. Kaya siguro nag-effort siya na patawanin at pasayahin ako, kasi alam niya na iyon ang kailangan ko. “Halika na nga nang lalo mo pa akong maalala kapag nasa loob na tayo.” Hinawakan na naman niya ang kamay ko, at giniya papasok ng bahay nila. “Bakit walang tao?” tanong ko. Nagulat ako. Akala ko maraming tao kaya niya ako dinala rito. Nag-aalangan tuloy akong tumuloy. Hindi rin ako umalis sa bungad ng pinto. “Tingin mo sa akin, unggoy?” ngisi niyang sagot. Inismiran ko siya. Puro kalokohin ‘e. “Pasok na, mabait akong unggoy. Hindi ako nangangagat, nanghahalik lang!” “Mas nakakatakot pala kung gano’n!” “Umupo ka na nga. Noon nga na masungit at suplado pa ako, hindi ka natatakot na pumunta rito at alagaan ako. Ngayong mabait na ako, matatakot ka?” Iniwan niya ako matapos sabihin ‘yon, kaya tumuloy na lang ako at umupo. Naalala ko, tinawagan nga ako ni Onse noon, nag-request na puntahan ko raw ang brother-in-law niya dahil may sakit at ayaw magpa-checkup. Matigas nga raw ang ulo. Nagpunta ako na walang abiso, at si Reynan lang din mag-isa no’ng araw na ‘yon. At tama siya, hindi nga ako nakaramdam ng takot noon kahit ang sungit niya, ayaw pahawak, at pabalang pa kung sumagot. “Naalala mo na kung paano mo ako alagaan noon?” Tanong niya, sabay lapag sa bote ng red wine at dalawang wine glass sa mesa. “Oo, naalala ko na…kung gaano katigas ang ulo mo noon.” “Puro ka naman noon ‘e! Oh, uminom ka na nga lang nang mailabas mo ang problema mo.” Mapait na naman ang napangiti. “Reynan, hindi naman tayo close, at ngayon lang ulit tayo nagkita, pero bakit mo ‘to ginagawa? Bakit ang bait mo sa akin?” “Ginagawa ko ‘to kasi mabait ka rin sa akin noon, sa amin ni Daisy. Tinulungan mo ako, inalagaan, ginamot na walang hinihinging kapalit. Hindi mo rin ako kilala noon, pero nag-effort ka na alagaan ako. So, binabalik ko lang ang kabaitan mo.” “Ah, dahil lang pala sa utang na loob kaya ka mabait.” “Hindi ah, talagang mabait ako. Hindi lang halata.” Ngumiti na naman siya ng matamis, at inangat ang hawak na wine glass. Kinuha ko na rin ang isang wine glass, sabay sabi, “cheers para sa ating mga mababait.” “Cheers para sa mga babae na katulad mong nasasaktan na nga, kumakapit pa rin.” “Bakit ba ang dami mong alam?” Inisahang lagok ko ang wine. Uminit kasi ang tainga ko sa sinabi niya. Hindi ako galit, pero nasapol niya ako. Diretsong tumama sa puso ko ang sinabi niya. “Marami akong alam, kasi napagdaan ko na rin ‘yan.” Inisahang lagok niya rin ang wine niya at mapait na ngumiti. Na-curious naman ako sa sinabi niya. Kaya ba siya masungit noon kasi bigo rin siya sa pag-ibig? “Sure kaba na pareho tayo ng pinagdadaanan?” “Hindi ako sure kung pareho, pero ang sigurado ako, nasasaktan ka gaya ko noon.” Nag-iwas ako ng tingin. Bwesit kasi ‘tong luha ko. Kahit anong pigil ko, kumakawala pa rin. Itong si Reynan kasi, alam na alam niya kung paano ako patatawanin, alam niya rin kung paano ako paiiyakin. Pinahid ko ang luha ko, at mapaklang tumawa. “Ikaw ang may kasalanan nito ‘e! Pinaiyak mo ako.” “Pinaiyak nga kita, para gumaan ang pakiramdam mo at makapag-isip ng tama.” “Nag-iisip naman ako. Alam ko rin kung ano ang tama! Nakikita ko ang mga kahayopan niya, ang mga mali niya. Kaya lang, mahal ko ‘yong gago na ‘yon, Reynan.” “Mahal mo? Siya ba, mahal ka?” Naitakip ko ang mga palad ko sa mukha, at hindi na sumagot. Malinaw naman kasi ang sagot, hindi na niya ako mahal, matagal na. “ ‘Yang pinagdadaanan mo ngayon, choice mo ‘yan, Dok. Pwede kang kumawala, pwede mong tapusin ang paghihirap mo, pero pinili mong magdusa at masaktan ng paulit-ulit.” “Ang galing mong magsalita ah. Ikaw ba bumitiw na?" "Hindi lang bitiw ang ginawa ko. Talagang tinapos ko ang kalbaryong pinagdaanan ko.” Mapait akong ngumiti. Nagtagay ng wine at inisahang lagok pa rin. “Paano mo tinapos?" “Simple lang, pinili kong maging masaya at ni-let go ang mga taong nagdulot sa akin ng pighati. Kaya heto, masaya na ako. Hindi na masungit at suplado kasi pinalaya ko ang sarili ko." "Gusto ko rin namang lumaya. Kaya umalis na ako. Iniwan ko na siya, pero hindi ko alam kung kailan ko kakayanin na hindi siya kasama.” "Kakayanin mo, tutulungan kita—tutulungan kitang kalimutan siya.” "Paano, Reynan? Anong tulong ang gagawin mo sa babaeng tanga na gaya ko na isang lalaki lang ang mahal?” “Bago ko sasagutin ang tanong mo, tanong ko muna ang sagutin mo. Willing ka na bang mag-let go? Handa mo bang gawin lahat, makawala lang sa anino ng boyfriend mo?” "Pagod na ako, Reynan. Ubos na ubos na ako, kaya oo…handa na akong e-let go siya.” "Ayos!” masigla niyang sabi, kinuha ang cellphone at mabilis na nagtipa ng mensahe. Nagtataka naman akong napatitig sa kanya, pero nanatili na lang akong tahimik. “Maya maya ay nandito na ‘yong uutusan kong mag-draft ng ating kontrata." "Kontrata?” Tumango siya, ngumiti at nagtagay ng wine. “Kontrata para sa ating kasal.”REYNANTatlong taon na mula no’ng bumalik ako sa Canada, para ayusin ang gusot sa pagitan namin ng aking asawa. Pinagtaksilan niya ako. Pina-ako sa akin ang anak nila ng kabit niya. Magulo at mahabang serye ng court hearing ang inatupag ko sa pagbabalik.Hanggang sa nakamit ko ang kalayaan ko. Na-grant ang aming divorce, at ni isang kusing ay wala siyang nakuha. Masaya ako nang sa wakas ay natapos ang kalbaryo ko, pero may halong lungkot dahil napamahal na sa akin ang bata na hindi ko naman pala kadugo. Pero kalaunan ay natuto rin akong tanggapin ang lahat.At ngayon masasabi kong maayos na ang buhay, at ito na ang best version ko. Masayang Reynan, walang sabit, at walang pasan na mabigat sa buhay ko.Ngayon ay nandito na ako sa Pilipinas, isang linggo na ako rito at puro meeting lang ang aking inaatupag. Nahinto ang pagbabalik tanaw ko nang tumunog ang cell phone ko. Napangiti ako nang makita ang pangalan sa screen. “Kuya, nasaan ka na?” bungad ng kapatid ko pagsagot ko sa tawag
“Sh*t!" bulalas ko nang mabangga ako ng kotse. Pakiramdam ko saglit na lumayas ang kaluluwa ko sa aking katawan. Mabuti na lang at mabagal ang pagpapatakbo ng driver, parang pahinto na kaya hindi ako napuruhan. “Sorry…” Kinakabahang sabi ng babae, at inalalayan akong tumayo. Muli pa siyang nag-sorry, nagtanong kung okay ba ako, at may sugat ba habang sinusuri ako. Alalang-alala siya, pero ako napapangiti. Paanong hindi ako ngingiti? Siya ang pamilyar na nakita ko sa hotel noong isang linggo. Siya ‘yong hinabol ko, pero hindi ko naabutan.Sinong mag-aakala na sa ganitong paraan kami muling magkikita. Ang nakakalungkot lang ay nasa parehong estado pa rin siya, malungkot at mugto ang mga mata. Kaya walang patumpik-tumpik kong hinawakan ang kamay niya, dinala siya sa kanyang kotse, at inuwi ko sa bahay nang maalala niya ako at mapasaya siya kahit paano. Kaya lang habang nag-uusap kami at pinapagaan ko ang loob niya, may nabuo sa isip ko na maaring maging sulosyon sa problema niya.“Ma
CHERRYMaaga akong nag-checkout sa hotel kung saan ako nag-stay kagabi, at pumunta sa hospital, hindi para pumasok, kundi para mag-request ng leave. Sa estado ko kasi ngayon, parang hindi ko pa kayang mag-handle ng pasyente. Natatakot akong magkamali. Mabuti na lang at pumayag naman ang director. Ngayon ay nandito na ako sa restaurant na malapit sa hospital, para mag-breakfast. Nag-browse rin ako ng mga apartment na pasok sa budget ko habang kumakain. “Good morning, dok…” Bigla akong napalingon nang may nagsalita sa likuran ko. “Anong ginagawa mo rito?” tanong ko sa nakangising si Reynan na umupo na sa harap ko.“Nakita kita, mag-isa, at parang gusto nang pumasok sa phone mo, kaya pumasok ako para pigilan ka.”Tumitig ako sa kanya. Binabasa kung totoo nga ba ang sinasabi niya, pero nginitian lang niya ako. Tumawag rin siya ng waiter at um-order ng hot choco. “Nakahanap ka na ba ng matutuluyan?” tanong niya matapos mag-order.Umiling-iling ako. “Wala ‘e. May mga nakita ako na kaya
CHERRY “Pumunta ka rito ngayon din,” sabi ng lalaking tumawag sa akin—si George, my boyfriend, my live-in partner for five years. “George, pagod ako. Kararating ko lang mula sa medical mission.” “Wala akong pakialam, pumunta ka rito. I’ll send you the address!" giit niya, at agad nang pinutol ang tawag. Napatingin ako sa cell phone ko nang mag-vibrate ito. Sinend na niya ang location niya na mapait kong ikinangiti, pero walang pag-aatubili na nagmaneho papunta roon. Wala naman kasi akong choice, magagalit siya kapag hindi ako sumunod. Lalaki ang away at pagbabantaan na naman niya akong hihiwalayan. Tatlong taon na mula no’ng magbago ang lahat sa amin. At heto nga kumakapit pa rin ako sa pangako namin sa isa’t-isa na habang-buhay kaming magsasama. Umaasa ako na balang araw ay huhupa din ang pag-e-explore niya, manumbalik ang pagmamahal niya, at maging masaya kaming muli. Napabuntong-hininga ako nang marating ko na ang lugar na sinabi ng boyfriend ko, isang hotel sa
Isang linggo na ang lumipas mula noong eksena sa hotel. At heto, pinili ko pa rin na patawarin siya at manatili sa tabi niya. Napangiti ako nang mailapag ang cake sa lamesa. Maya’t maya rin ang sulyap ko sa orasan, hinihintay ang pagdating ni George. Ikalimang anibersaryo namin ngayon, kaya naghanda ako ng surpresa para sa kanya. Napangiti ako nang makarinig ng busina ng kotse at pagbukas ng gate. Kaagad akong tumayo at nagtago ako sa likod ng pinto. Matiyaga akong naghihintay sa pagpasok niya habang hawak ang party popper. “Surprise!" bulalas ko, na ikinagulat niya. Nasurpresa siya, kaya lang, hindi saya ang nakikita kong ekspresyon, kundi galit. “Anong ginagawa mo rito?" tanong niya na sumabay sa paglipad ng mga confetti. "Hindi natuloy ang medical mission, kaya umuwi ako…” sagot ko, pero nawala na ang ngiti sa aking labi. Ako kasi ang mas nasurpresa dahil may iba siyang kasama. “Bakit mo siya dinala rito?" "Wala kang pakialam!” sagot niya. Winaksi niya ako, at gin

REYNANTatlong taon na mula no’ng bumalik ako sa Canada, para ayusin ang gusot sa pagitan namin ng aking asawa. Pinagtaksilan niya ako. Pina-ako sa akin ang anak nila ng kabit niya. Magulo at mahabang serye ng court hearing ang inatupag ko sa pagbabalik.Hanggang sa nakamit ko ang kalayaan ko. Na-grant ang aming divorce, at ni isang kusing ay wala siyang nakuha. Masaya ako nang sa wakas ay natapos ang kalbaryo ko, pero may halong lungkot dahil napamahal na sa akin ang bata na hindi ko naman pala kadugo. Pero kalaunan ay natuto rin akong tanggapin ang lahat.At ngayon masasabi kong maayos na ang buhay, at ito na ang best version ko. Masayang Reynan, walang sabit, at walang pasan na mabigat sa buhay ko.Ngayon ay nandito na ako sa Pilipinas, isang linggo na ako rito at puro meeting lang ang aking inaatupag. Nahinto ang pagbabalik tanaw ko nang tumunog ang cell phone ko. Napangiti ako nang makita ang pangalan sa screen. “Kuya, nasaan ka na?” bungad ng kapatid ko pagsagot ko sa tawag
Kahit kinakabahan, agad akong bumaba ng kotse at pumunta sa harap ng kotse. “Sorry…” nauutal kong sabi sa lalaking nagsisimula nang tumayo. Kaagad naman akong yumukod at inalalayan siya. Pinagpagpag ko ang damit nito, at muling nag-sorry. “May masakit ba sa’yo?” tanong ko pa habang sinusuri kong nasugatan ba siya o may pasa o gasgas. Pero pahapyaw na tawa ang sagot nito na ikinaangat ng tingin ko. “Nabangga ka na nga, nakuha mo pang tumawa.” “Ayos lang po ako,” inuunat-unat ang braso na sagot niya. “Halika, dadalhin kita sa hospital.” Hinawakan ko siya. Nakatitigan kami. Bumakas ang gulat sa mukha niya. “Doktora Cherry.” Nakangiting sabi ng lalaki. Kinunutan ko naman siya ng noo. “Kilala mo ako?” tanong ko. Kahit kasi anong titig ko sa kanya ay hindi ko siya maalala, pero parang pamilyar ang mukha niya. “Ang bilis mo naman makalimot,” nakangisi pa rin nitong sagot na lalo lang ikinakunot ng noo ko. “Reynan Cueves…brother-in-law ni Atty. Onse Lazaro na friend mo.” Pa