Share

Kabanata 4

Penulis: sweetjelly
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-11 22:08:21

REYNAN

Tatlong taon na mula no’ng bumalik ako sa Canada, para ayusin ang gusot sa pagitan namin ng aking asawa. 

Pinagtaksilan niya ako. Pina-ako sa akin ang anak nila ng kabit niya. Magulo at mahabang serye ng court hearing ang inatupag ko sa pagbabalik.

Hanggang sa nakamit ko ang kalayaan ko. Na-grant ang aming divorce, at ni isang kusing ay wala siyang nakuha. 

Masaya ako nang  sa wakas ay natapos ang kalbaryo ko, pero may halong lungkot dahil napamahal na sa akin ang bata na hindi ko naman pala kadugo. Pero kalaunan ay natuto rin akong tanggapin ang lahat.

At ngayon masasabi kong maayos na ang buhay, at ito na ang best version ko. Masayang Reynan, walang sabit, at walang pasan na mabigat sa buhay ko.

Ngayon ay nandito na ako sa Pilipinas, isang linggo na ako rito at puro meeting lang ang aking inaatupag. 

Nahinto ang pagbabalik tanaw ko nang tumunog ang cell phone ko. Napangiti ako nang makita ang pangalan sa screen. 

“Kuya, nasaan ka na?” bungad ng kapatid ko pagsagot ko sa tawag. 

“Atat ka naman masyado. Malapit na ako,” sagot ko.

“Kasi naman, nababagot na ang pamangkin mo. Gusto ka na raw niya makita.”

Napangiti naman ako. “Heto na, mag-pa-park na ako,” sabi ko, kasabay ang pagtigil ng kotse. 

Agad akong lumabas, mabilis ang mga hakbang ko papasok ng hotel. Bitbit ko ang regalo para sa pamangkin ko. 

Dumeritso ako sa restaurant kung saan kami magkikita. “Tito Rey…” masiglang sigaw ni Rose, pamangkin ko. 

Binigay ko sa kanya ang dala kong regalo at kinarga siya. Yakap at halik naman ang ganti nito.

“Mabuti naman at, nagkaroon ka rin ng oras na makipagkita,” tampong sabi ni Daisy. 

Tinapik ko naman ang balikat ni Onse na. Binawi nito si Rose at kinandong niya. 

“ ‘Wag ka nang magtampo, puno talaga schedule ko, the whole week. Ngayon lang ako bakante,” lambing kong sabi sa kapatid kong sinimangutan ako. 

Pinisil ko ang magkabilang pisngi niya na ikinangiwi niya.

“Kuya naman, eh!” Tinampal niya ang kamay ko na ikinahakighik ko naman. “Hindi na ako bata, para ganyanin mo,” reklamo niya. 

“Hindi na bata, pero ang hilig mong magpa-baby sa akin,” singit naman ni Onse na ikinatawa naming lahat. 

“Bayaw kumusta naman ang puso natin ngayon?” tanong ni Onse na nahampas naman ni Daisy. Pinandilatan niya rin ito na ikinatawa ko lang.

“Bakit, bayaw? May iririto ka?” pabiro ko namang tanong. 

“Kuya Reynan…sinakyan mo pa ang kalokohan ng isang ‘yan,” naiiling na sabi ni Daisy. 

“Kalokohan ba ‘yon? Akala ko totoo…matagal-tagal na rin kasi na…”

“Kuya!” Ako naman ang nahampas na sabay na naman naming ikinatawa. 

“Kuya, si Mama, kumusta naman?” 

“Ayon, nagka-love life na,” natatawa kong sagot. 

“Pumayag ka?”

“Daisy, matanda na si Mama, bigay na natin ang magpapasaya sa kanya.”

“Natatakot lang naman ako, baka kasi…”

“Daisy, ‘wag kang mag-alala. Hindi gano’n ka-naive si Mama. Alam niya ang limitation niya, at magaling siyang bumasa ng tao. Siya nga ang nakapansin sa…”

Hindi ko na tinapos ang pagsasalita ko. Naintindihan naman nila ang gusto kong sabihin. Kung hindi dahil kay Mama, hanggang ngayon, wala pa rin akong ideya na naiputan na pala ako sa ulo. 

“Sige na, kumain na tayo,” sabi ko, at nagsimula na nga kaming kumain. 

Tawanan at masayang kwentuhan ang kasabay ng aming dinner. Dumagdag din sa saya ang kabibohan ng pamangkin ko. 

“Mauna na kami, kuya…” sabi ni Daisy. Tumayo na sila. Kinarga na rin ni Onse ang pamangkin ko na inaantok na. 

Halik sa pisngi ni Daisy ang sagot ko. Tinapik ko rin ang balikat ni Onse, at hinaplos ang ulo ni Rose. Hinatid ko pa sila sa labas, at bumalik din kaagad dahil may kikitain pa ako. 

Pero napahinto nang may nakita akong pamilyar na mukha. Naibulsa ko ang isa kong kamay at napangiti. Lalapitan ko sana siya, pero napaigtad naman ako nang may tumapik sa balikat ko. 

“Mr. Calderon,” sabi ko, at nakipagkamay sa kanya, pero ang tingin ay nasa babaing kasama niya. 

Napangiti naman siya. “Bunso kong anak, si Grace,” pakilala niya rito. 

Nauna itong naglahad ng kamay at ngiting-ngiti pa. Marahan ko namang hinawakan ang kamay niya at nginitian rin ito ng matamis. 

“Umupo na tayo,” sabi ko. Pinaghila ko ng upuan si Grace na ikinapula naman ng pisngi nito. 

Akala ko, simpleng pagkikita lang ‘to namin ng dati kong amo. Iririto yata sa akin ang anak niya.

Naging caregiver ako ni Mr. Calderon sa Canada noon. Nabalitaan niya na bumalik na ako na kaya nakipagkita. Hindi ko naman siya matanggihan.

Pinag-order ko sila ng pagkain, at ako nagkape na lang. 

“Balak mo bang mag-tagal rito?” tanong ni Mr. Calderon. 

“Opo,” tipid ko namang sagot. Napasulyap kasi ako kay Grace, at huling-huli ko itong nakatingin sa akin. 

Tinitigan ko rin siya. Maganda siya, maliit ang mukha, matangos ang ilong, at manipis ang labi. Pero tingin ko sa kanya masyadong bata.

“Reynan, sorry pala sa nangyari sa inyo ng…” 

Napahawak ako sa kwelyo ko. Napatikhim na ikinatigil ng pagsasalita niya. 

Humigop ako ng kape, at hindi na muling nagsalita. Pinaramdam ko sa kanya na hindi ako komportable na pag-usapan ang bagay na ‘yon.

“Pasensya na…” Huling-huli ko ang kakaibang tinginan nilang mag-ama. At hindi maganda ang pakiramdam ko.

“Mr. Calderon, tapatin n’yo nga po ako. Ano ba ang dahilan at nakipagkita kayo?" 

Nabitiwan niya ang hawak na tinidor. Hindi na rin mapakali si Grace.

“Wala…talagang wala. Gusto lang kitang kumustahin…”

"Gustong kumustahin o inutusan kayo ni Helen na lapitan ako?” 

Si Helen ay ang ex-wife ko. 

Nawala sa isip ko na magkakilala rin sila. Pareho kaming caregiver ni Helen noon,at sa pagkakatanda ko, siya ang caregiver ng kanyang asawa.

“Reynan, hindi…” napatingin siya sa kanyang anak. 

Tumayo ako, niluwagan ang necktie ko. “Alam mo po, ginagalang kita bilang amo ko noon, bilang nakakatanda. Please, ‘wag po kayong sumawsaw sa issue namin ni Helen, kung ayaw n’yo na mawalan ako ng respeto sa’yo.”   

“Reynan…” Tumayo si Grace, lumapit sa akin at gustong hawakan ang braso ko, pero umatras ako. "Hindi nangingialam si Dad sa issue n’yo ni Ate Helen. Ang totoo, ako ang pumilit sa kanya na makipagkita sa’yo…gusto kitang makita sa personal at makilala…” 

Pahapyaw akong tumawa, ibinulsa ko rin ang isa kong kamay. Dismaya naman akong napatingin kay Mr. Calderon. “Maganda ka, Grace, but please, matuto kang maghintay na ang lalaki ang pumansin at lumapit sa’yo, hindi ‘yong ikaw ang unang lumalapit.” 

Iniwan ko sila matapos sabihin ‘yon. Pero narinig ko pa ang sinabi ni Mr. Calderon. Nahihiya raw siya. “Nag-sorry naman si Grace sa kanyang ama.

Palabas na sana ako nang mamataan ko na naman ang pamilyar na mukha na nakita ko kanina. Yuko ang ulo nito at ang bilis ng mga hakbang palabas ng hotel. Parang may problema. Hinabol ko siya, tahimik na sinundan hanggang sa makarating ito sa kotse niya.   

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terkait

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 5

    “Sh*t!" bulalas ko nang mabangga ako ng kotse. Pakiramdam ko saglit na lumayas ang kaluluwa ko sa aking katawan. Mabuti na lang at mabagal ang pagpapatakbo ng driver, parang pahinto na kaya hindi ako napuruhan. “Sorry…” Kinakabahang sabi ng babae, at inalalayan akong tumayo. Muli pa siyang nag-sorry, nagtanong kung okay ba ako, at may sugat ba habang sinusuri ako. Alalang-alala siya, pero ako napapangiti. Paanong hindi ako ngingiti? Siya ang pamilyar na nakita ko sa hotel noong isang linggo. Siya ‘yong hinabol ko, pero hindi ko naabutan.Sinong mag-aakala na sa ganitong paraan kami muling magkikita. Ang nakakalungkot lang ay nasa parehong estado pa rin siya, malungkot at mugto ang mga mata. Kaya walang patumpik-tumpik kong hinawakan ang kamay niya, dinala siya sa kanyang kotse, at inuwi ko sa bahay nang maalala niya ako at mapasaya siya kahit paano. Kaya lang habang nag-uusap kami at pinapagaan ko ang loob niya, may nabuo sa isip ko na maaring maging sulosyon sa problema niya.“Ma

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-11
  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 6

    CHERRYMaaga akong nag-checkout sa hotel kung saan ako nag-stay kagabi, at pumunta sa hospital, hindi para pumasok, kundi para mag-request ng leave. Sa estado ko kasi ngayon, parang hindi ko pa kayang mag-handle ng pasyente. Natatakot akong magkamali. Mabuti na lang at pumayag naman ang director. Ngayon ay nandito na ako sa restaurant na malapit sa hospital, para mag-breakfast. Nag-browse rin ako ng mga apartment na pasok sa budget ko habang kumakain. “Good morning, dok…” Bigla akong napalingon nang may nagsalita sa likuran ko. “Anong ginagawa mo rito?” tanong ko sa nakangising si Reynan na umupo na sa harap ko.“Nakita kita, mag-isa, at parang gusto nang pumasok sa phone mo, kaya pumasok ako para pigilan ka.”Tumitig ako sa kanya. Binabasa kung totoo nga ba ang sinasabi niya, pero nginitian lang niya ako. Tumawag rin siya ng waiter at um-order ng hot choco. “Nakahanap ka na ba ng matutuluyan?” tanong niya matapos mag-order.Umiling-iling ako. “Wala ‘e. May mga nakita ako na kaya

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-14
  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 7

    "Reynan...” hinablot ko ang aking kamay, sabay tingin sa paligid. “Ano bang ginagawa mo?”“Ito naman, galit agad. Haplos ng alaga lang ‘yon, walang malisya!” Inilabas at kinagat niya ang dulo ng kanyang dila at ngumiti. Tinaasan ko naman siya ng kilay. “Reynan naman, umayos ka nga. Hindi ka ba nahihiya? Pinagtitinginan tayo,” pabulong kong sabi. Nahihiya ako sa ginawa niya, pero siya nagkibit-balikat lang. “‘Wag mo nga silang pansinin, inggit lang ang mga ‘yan, kasi walang gustong mag-alaga sa kanila.” Seryoso na naman niya ako tinitigan na ikinaasiwa ko na. “Anong akala mo sa akin, inutil na hindi kayang alagaan ang sarili?”“Bakit? Inutil lang ba ang inaalagaan? Kahit sino pwedeng alagaan, lalo na kung mahalaga ‘yong tao… mahalaga sa akin.”Pahapyaw akong tumawa. Paano niya ba basta nasasabi na mahalaga ako? ‘Yong tao nga’ng akala ko makakasama ko buong buhay ay basura ang tingin sa akin, siya pa kaya na ilang araw ko pa lang nakakasama.“Kaya ko ang aking sarili, hindi ko kaila

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-15
  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 8

    REYNAN “Tara na nga, hinihintay na tayo ng may-ari ng bahay.” Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon na tumanggi. Itinayo ko siya at giniya palabas ng coffee shop. At gaya no’ng una naming pagkikita, nagpaubaya pa rin siya. “Susi mo…” sabi ko nang marating namin ang kotse. Sandali siyang tumitig sa kamay kong nakalahad, at walang salitang binigay sa akin ang susi. Dala ko rin ang kotse ko, pero mas gusto ko nga siyang ipag-drive. Pinagbuksan ko siya ng pinto, at tutulungan sana na ikabit ang seatbelt niya, pero mabilis na niya itong ikinabit. Nagkibit-balikat na lang ako, at agad na pumunta sa driver’s seat. Medyo mabilis ang pagpapatakbo ko. Alas dyes nga kasi ang usapan namin ng may-ari ng bahay, kaya lang dahil sa gulong nangyari, na-antala kami. “Teka, Reynan…” Palingon-lingon siya. “Daan ‘to papunta sa bahay mo.” Sinamaan niya ako ng tingin, pero nginitian ko lang siya. “Kalma… ‘di naman kita dadalhin sa bahay. ‘Wag kang assuming…” Hindi na siya nagsalita, pero an

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-17
  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 9

    “Hindi tama ‘to ‘e!” madiin at pabulong na sabi ni doktora, nakapamaywang habang nakatingin sa malaking bahay ng mga Franca. Binangga ko siya ng bahagya sa balikat. “Ano ang hindi tama, dok? Ang pumunta sa bahay ng ex-boyfriend mo o magdala ng ibang lalaki sa bahay nila?”“Sagutin mo kaya ang tanong mo?” Pinanliitan niya ako ng mga mata.“Base sa pag-analize ko, parehong mali. So, uwi na lang tayo?” Dismaya niya akong tinapunan ng tingin at matamlay na binawi sa kamay ko ang regalo pero binawi ko rin agad. Baka kasi pauwiin ako. “Nandito na tayo…” sagot niya, bumuga ng hangin pero matiim akong tinitigan. “But please, Reynan, umayos ka kapag kaharap na natin sila, ‘wag kang gumawa ng eksena, at ‘wag ka basta-basta magsasalita.”“ ‘Wag kang mag-alala, dok, hindi ako mahilig umiksena, pero magaling umarangkada—aw!” Daing ko. Kinurot na naman kasi ang tagiliran ko na kinurot niya kahapon nang niyakap ko siya. “Kasasabi ko lang…’wag ka basta-basta magsalita ng kalokohan! Hindi mo sila k

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-19
  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Chapter 10

    “George! Ano ba?!” singhal ni doktora. “Bitiwan mo nga siya!” Kaagad siyang tumayo, at buong lakas na kinakalas ang mga kamay ni George na mahigpit na humahawak sa kwelyo ko.“Umalis ka!” sabi niya, at itinulak si doktora na ikinatumba nito. “George!” sabay na bulalas ng daawang matanda. “Nahihibang ka na ba?” Tinulungan ni Izabel.Si Thomas naman ay hinarap ang anak niyang demonyo. “Bastos ka! Hindi mo na kami iginalang!” Hinablot niya ang kamay nito, at itinulak ng malakas na muntik rin nitong ikatumba. Inunat ko ang aking kwelyo nang mabitiwan niya ako, at ni minsan ay hindi ko siya tinantanan ng tingin. Sinabayan ko pa ng nakakaasar na ngiti na lalong ikinapula ng mukha niya sa galit. Pinakita ko sa kanya na hindi ako natatakot kahit nasa pamamahay pa nila kami. Kung hindi nga lang umawat si Thomas, sinapak ko na siya. Kuyom na ang kamao ko ‘e. Napatingin naman ako kay doktora, kaya lang nadismaya ako sa klase ng titig niya—titig na nagmamakaawa na ‘wag kong patulan ang dati n

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-21
  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 11

    CHERRY "Salamat, Reynan," sabi ko paghinto ng kotse, at agad na akong bumaba. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin, pero hindi ko na siya pinansin. Gusto ko munang mapag-isa ngayon. Gusto ko munang kulmalma. Gusto ko munang mawala sa isip ko ang eksenang nangyari kanina. Ang pagiging epokrito ni George. "Hayop ka, George! Minahal kita ng buong puso," gigil kong sabi. Nanginginig ang mga kamay ko, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa galit. Hindi ko maintindihan kung bakit ko deserve na pahirapan niya. Binuhos ko sa kanya lahat. Minahal ko siya ng buong puso, at walang tinira para sa sarili ko, ito lang pala ang mapapala ko. Nanghihina akong humiga sa kama. Isinubsob ang aking mukha sa unan. Hindi ako nagpigil, iniyak ko ng buong lakas ang sama ng loob at galit ko hanggang sa kusang tumigil ang hikbi ko, pero patuloy paring pumapatak ang luha ko. Wala kasi si Anna, mamayang gabi pa ang uwi niya, kaya malaya akong ilabas ang mga naipong hinanakit dito sa loob ko na hindi nah

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-22
  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 12

    “Sigurado ka?” Umawang ang labi niya. Malinaw sa ekspresyon niya na hindi siya naniniwala. “Ayaw mo yata e’!” “Hindi sa ayaw, Dok. Kaya lang, lasing ka. Paano kung bukas magbago ang isip mo? Paano kung makalimutan mo na pumayag ka na sa kasal. Ayoko lang umasa. Masakit kaya ‘yon.” “ ‘Di ka nga masasaktan…sigurado nga ako.” Tumayo ako, tinaas ang kanang kamay, pero hinila naman niya ako pabalik sa pag-upo. “Buo na ang desisyon ko. Ma lasing man o hindi. Pakakal ako kasi mabait ka.” “Teka, hindi ko masyadong naintindihan. Ulitin mo nga, ‘yong malinaw.” “Payag na nga ako.” Itinaas ko na naman ang kanang kamay ko. "I, Cherry Villafuerte, agree to marry you, Reynan Cuevas." Dahil gusto nga niya ng malinaw, sinadya kong bagalan ang pagsasalita ko at diniin ko pa para klarong-klaro kahit lasing ako. “No turning back, no regrets?” Inilapit na naman niya ang mukha sa akin. Tumango ako, ngumiti pa. “Oo na nga…” “Sinabi mo ‘yan, ha? Kapag binawi mo, tutubuan ka ng dalawang pigsa sa puw

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-24

Bab terbaru

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 26

    CHERRYNaiilang akong muling umupo sa harap ni Jerome dahil panay pa rin ang lingon ni Reynan sa amin hanggang sa makapasok sila sa function room. Si Jerome ay gano’n din, at ngayon ay tumingin naman sa akin. “Sino ‘yon? Boyfriend mo?” tanong niya. Hindi ako direct na sumagot, pero ngumiti naman ako na ikinatango niya na para bang naiintindihan agad ang ibig sabihin ng aking ngiti.“Akalain mo nga naman…” Tipid siyang ngumiti. “Akala ko si George na ang forever mo, hindi pala—”“Ah…Jerome…” Tumayo ako na nagpahinto sa pagsasalita niya. “Salamat sa lunch, hah. Masaya ako na nagkita uli tayo…” Tumayo rin siya. Nag-iba ang ekspresyon. Parang nahihiya. “Cherry, sorry…hindi ko na dapat binanggit—”“Hindi…hindi naman ‘yon ang dahilan, at saka, wala ka dapat ihingi ng sorry,” sagot ko na parang wala lang sa akin ang sinabi niya. Pero ang totoo, mas lumala ang pagkailang ko sa pagbanggit niya kay George. Hindi siya sumagot, tumitig lang sa akin. Nagkunwari na lang akong tumingin sa aking

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 25

    Tumawag si Anna para i-inform ako na gustong makipag-collab sa amin ang Tech Pharma. Natuwa talaga ako, at hindi ko napigil ang mapangiti. Bilang isang international company na nagsisimula pa lamang palawakin ang presensya sa bansa, napakalaking bagay ang makipag-collaborate sa mga kilala at matatag na kumpanya sa lokal na industriya. Hindi lang ito makatutulong sa pagpapalawak ng aming koneksyon, magsisilbi rin itong tulay upang mas makilala ang aming brand at mga produkto sa mas malawak na merkado. Sa tulong ng established na reputasyon ng kumpanyang ito, mas magiging madali ang pagbuo ng tiwala ng mga potensyal na kliyente at partner. At higit sa lahat, malaking tulong din ito sa aspeto ng marketing—dahil sa lawak ng naabot ng mga kumpanyang ito, mas mabilis na maipapakilala sa publiko ang mga produkto at serbisyo na aming inaalok."Hintayin mo ako sa study. Bababa na ako…" sabi ko kay Anna, sabay lingon sa banyo na kasasara lang.Saglit akong napatitig sa pinto. Hindi ko kasi n

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 24

    Binabasa ko lang ang minsahe ni George, pero parang naririnig ko mismo mula sa kanyang bibig. Parang naririnig ko kung paano kadiin at katigas ng bawat bigkas niya sa mga salita. ‘Yong na nararamdaman ko kaninang kaba, mas lumala pa. "Ano? Pupunta ka? Susundin mo na naman ang utos ng hayop na ‘yon?" Napalingon ako kay Reynan. Nakakunot ang kanyang noo habang hawak ang aking cell phone na inagaw niya kanina. Tahimik akong napatitig sa kanya. Nalito ako kung ano ang aking isasagot. Sa loob-loob ko, gusto kong makita si Tita Izabelle, kaya lang, pay parte rin sa akin na nagdadalawang-isip. "Kung pupunta ka, sasama ako,” diretsong sabi ni Reynan. Napakagat ako sa labi. Agad-agad na buo sa isip ko ang magulong eksena kung sakaling magkita na naman si Reynan at George. "Ayaw kong magpunta ka mag-isa, Cherry," dagdag pa niya, seryoso at ma-awtoridad ang kanyang boses, hindi sa paraang humihiling na isama ko siya. “Ikaw ang sinisisi niya sa nangyayari sa kumpanya nila ngayon, kaya sigu

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 23

    CHERRY“Tumigil ka na nga…” Tinulak ko ang kanyang mukha. Namimihasa na ngang halikan ako, namimihasa pang magpa-cute at magpa-sweet sa akin ng ganito. Nakakatakot kapag hinahayaan ko na ganito kami palagi. Baka masanay ako, at hahanap-hanapin ko na ang paglalambing niya.“Ayoko ngang tumigil, hindi kita titigilan…” Kagat sa ibabang labi ang tumapos sa salita niya.“Alam mo, gutom lang ‘yan.” Tumayo ako, at iniwan siya. “Tama ka nga! Gutom na ako…sa’yo…” Sinundan niya ako, at agad namang hinapit ang aking baywang, at ginagat ang aking tainga. “Reynan…” Napahawak na lang ako sa aking tainga at napapailing. Habang siyang, pangiti-ngiti pa rin. “Umupo ka na nga at ihahanda ko na ang pagkain.” Sumunod naman siya, at inilabas ang kanyang cell phone. Ako naman ang napatitig sa kanya. Parang nag-iibang tao na naman kasi siya habang nagtitipa ng mensahe. ‘Yong seryoso at mature na awra na naman niya ang aking nakikita.“Mamaya na ‘yang cell phone. Kumain ka muna,” sabi ko sabay upo na sa

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 22

    Napasinghap si Cherry nang hinila ko siya sa aking kandungan, at mahigpit na inilingkis ang aking mga kamay sa kanyang baywang habang ang aking labi ay mapusok na naglandas pababa sa kanyang leeg."Reynan..." mahina at halos paungol niyang sabi. Ang kanyang mga kamay ay bahagya akong itinutulak pero, hindi naman tumitigil sa pagtugon sa aking mga halik.Ewan ko ba kung bakit ako ganito, hindi ko maawat ang aking sarili, sa tuwing malapit kami sa isa’t-isa parang may kung anong pwersa na humihigop sa akin na angkinin siya. Hinawakan ko ang batok niya, hinila palapit pa sa akin at mas naging mabilis at mariin pa ang aking halik. Walang tigil, walang preno. Narinig ko pa ang mahina niyang impit, at kung kanina ay bahagya niya akong tinutulak, ngayon ay hawak na niya ang aking batok at mahinang sinasabunutan ang aking buhok.“God! Sir Reynan—sorry!” Parang lumayas ang kaluluwa ko sa aking katawan. Agad ding tumayo si Cherry nang marinig namin ang boses na ‘yon—si Anna na ngayon ay nanl

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 21

    REYNANTahimik akong nakatingin sa mga balitang sunod-sunod na sumabog online — headline after headline, exposing George for what he really was.Manloloko.Sinungaling.Duwag.Isang lalaking nagawang yurakan ang isang babae na buong pusong nagmahal sa kanya.Nandito ako ngayon sa hotel ng kaibigan kong si Danreve. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nakaupo rito sa sulok, hawak ang telepono, habang isa-isang lumilitaw sa mga feed ko ang mga litrato, video, at mga ebidensyang siya mismo ang gumawa. Siya mismo ang may sala.Gaya ng aking plano, naisiwalat na sa buong mundo ang tunay niyang mukha."Reynan, ayos na ba? Nangyari na ang gusto mo," putol ni Danreve sa tahimik kong pagmumuni-muni.Mapait lang akong ngumiti. “Salamat sa tulong mo,” sagot ko. Si Danreve ang hiningian ko ng tulong sa pagpapalabas ng balita tungkol kay George. Ma-impluwensya siya, kaya kapag kampo niya ang naglabas ng balita, walang sinumang makakalinis ng mga kalat. “Walang anuman, pamilya tayo,” sabi ni

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 20

    “Walang sayang, Cherry… masaya akong kasama ka. Masaya akong gawin ’to para sa’yo. Kaya, please. ’Wag mo na ulit sabihin ang salitang sayang, okay?”“Reynan, talaga naman kasing sayang—”Naputol ang pagsasalita ko nang bigla niyang hinapit ang aking batok at siniil ako ng halik—mapusok at mapagparusang halik na hindi ko magawang tugunin.“Sabihin mo ulit ang salitang sayang, puputukan kita sa loob nang wala talagang masayang…”“Sira-ulo ka!” Tinulak ko siya na ikinahagikhik niya lang.“Sige na magpahinga ka na, kausapin ko lang si Anna,” sabi niya na sumabay sa paglalakad niya palabas ng pinto.Napahawak naman ako sa aking labi, at saka napabuntong-hininga. Naguguluhan kasi ako. Contract marriage lang ang namamagitan sa amin, pero kung tratuhin niya ako, para namang hindi ako contract wife.Pabagsak akong humiga. Totoong pagod ako. Medyo nahihilo rin, pero ayaw naman akong dalawin ng antok.Bumangon ako, at lumapit sa bintana. Kita ko mula rito si Reynan at Anna. May mga dokumento sil

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 19

    Nang bumukas ang elevator, agad niya akong hinila palabas, at hindi na sinagot ang aking tanong. Ang higpit rin ng hawak niya sa aking kamay at panay ang lingon na parang takot na mahabol na naman kami ni George. “Reynan…” Binawi ko ang aking kamay. Napalingon naman siya at nahinto sa paglalakad. “Cherry, sa bahay na lang tayo mag-usap, pwede ba?”Umiling-iling ako. “Hindi ako uuwi kasama mo. Hindi ako tiitira sa bahay ng lalaking may tinatago sa akin.”Bumagsak ang balikat niya. Nahagod niya rin ang kanyang buhok, pero lumapit naman sa akin. “Cherry…”Mahina ko siyang itinulak. “Ano ba talaga ang motibo mo sa paglapit sa akin, Reynan? Bakit mo alam ang nangyari sa hotel?“Cherry, wala akong motibo…maniwala ka naman, oh.”Napatitig ako sa kanya. Hindi ko na rin halos mapigil ang mga luha ko. Nadidismaya ako. Nagsisimula na akong magtiwala sa kanya, tapos malalaman kong alam pala niya ang isa sa mga nakakahiyang pangyayari ng aking buhay. “Kung totoong wala kang motibo, magpaliwanag

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 18

    CHERRYIlang beses na akong bumuga ng hangin. Ilang ulit ko na ring inangat ang aking kamay para buksan sana ang pinto kung saan kami nakatayo ni Reynan ngayon, kaya lang, hindi ko magawa. Hindi ko kayang makita na may isa na namang tao na malapit sa akin na nag-aagaw buhay. Noong natanggap ko ang tawag mula kay George na na-aksidente ang kanyang magulang at nag-agaw buhay si Tita Izabelle, hindi ko napigil ang aking emosyon. Nadudurog ang puso ko para sa kanya. Tinuring ko silang mga magulang, kahit pa hindi maganda ang naging kahihinatnan ng relasyon namin ni George. Hindi ko pwedeng ipagkibit-balikat lang ang nangyari sa kanila. Kaya kahit ayaw ko sanang makita si George, sinabi kong pupunta ako.Kinapalan ko ang aking mukha, hiniling ko kay Reynan na bumalik kami sa Pilipinas. Mabuti na lang at naunawaan niya ako. Agad siyang nag-book ng flight pabalik dito.Kararating lang namin. Mula airport ay dumiritso kami rito sa hospital. Kaya lang, para naman akong nawalan ng lakas na mak

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status