CHERRY
“Pumunta ka rito ngayon din,” sabi ng lalaking tumawag sa akin—si George, my boyfriend, my live-in partner for five years. “George, pagod ako. Kararating ko lang mula sa medical mission.” “Wala akong pakialam, pumunta ka rito. I’ll send you the address!" giit niya, at agad nang pinutol ang tawag. Napatingin ako sa cell phone ko nang mag-vibrate ito. Sinend na niya ang location niya na mapait kong ikinangiti, pero walang pag-aatubili na nagmaneho papunta roon. Wala naman kasi akong choice, magagalit siya kapag hindi ako sumunod. Lalaki ang away at pagbabantaan na naman niya akong hihiwalayan. Tatlong taon na mula no’ng magbago ang lahat sa amin. At heto nga kumakapit pa rin ako sa pangako namin sa isa’t-isa na habang-buhay kaming magsasama. Umaasa ako na balang araw ay huhupa din ang pag-e-explore niya, manumbalik ang pagmamahal niya, at maging masaya kaming muli. Napabuntong-hininga ako nang marating ko na ang lugar na sinabi ng boyfriend ko, isang hotel sa Makati. Hindi pa man ako nakapasok sa gusali, naninikip na ang dibdib ko, kumikirot na. Mabagal ang aking mga hakbang, halos hindi ko rin ma-angat ang ulo ko habang papunta sa hotel room kung saan naroon si George. At heto na nga, nandito na ako sa tapat ng pinto. Pikit-mata akong kumatok at agad naman iyong nagbukas. “What took you so long?!" singhal kasabay ang biglang paghila sa akin papasok ng kwarto. Pakaladkad niya rin akong dinala sa kama. Saglit akong natulala. Napatitig sa babae na kalat ang kolorete sa mukha at dumadaing sa sakit habang hawak ang puson nito. Alam ko na ganito ang dadatnan ko, pero ang sakit pa rin na makita ng sariling mga mata ko. Para akong nagugutay sa sobrang sakit habang iniisip ang kabastusang pinaggagawa nila. “Check on her!" utos niya sabay ang pagtulak sa akin sa tabi ng babae. Namudmod ako, pero hindi ko magawang magreklamo, hindi ko magawang magalit. Nanghihina akong umupo. Napatingala ako kay George. Hindi naman sadyang mapahikbi ako habang nakatingin sa umigting panga at nanlilisik na mga mata niya. ‘Yong tingin niya, parang ako na naman ang sinisisi, parang ako na naman ang may kasalanan. "George…" “Don’t look at me like that!" Dinuro niya ako. Tumilamsik ang laway sa kada singhal niya. Nakita ko ang saglit na pagbabago ng ekspresyon niya, parang lumabot, pero agad ding nawala. Napayuko na lamang ako, at mabilis na pinahid ang luha. “Ah, George, ang sakit!" Umiiyak na daing ng babae. Hawak pa rin nito ang puson niya. Buong sistema ko tumututol na tulungan siya, pero doctor ako, tungkulin kong gamutin at tulungan ang may mga karamdaman kahit sila pa ‘yong mga taong pinakamumuhian ko. Pinahid ko ang luha ko, kinalma ang sarili at inalis ang comforter na nakatabing sa katawan ng babae. Napalingon ulit ako kay George. Walang saplot ang babae, at parang wala lang sa kanya. Hindi man lang siya na hiya na pagmasdan ang hubad na katawan nito. Kinapa ko ang puson ng babae, at ni minsan, hindi ko siya nilubayan ng tingin. Hindi naman ito nagpatalo, kahit namimilipit sa sakit, nakipagtagisan pa rin ng tingin sa akin, pero nagpapaawa naman kay George. Nang wala akong makapa o mapansin na problema sa tiyan nito, ang pulso naman ang sinuri ko. Muntik ko na namang hindi maawat ang mga luha ko. Buntis ang babae. “Kumusta ang baby ko?" Nanlaki ang mga mata kong napatitig sa kanya. Magsasalita na sana kasi ako, pero naunahan niya. Tingin niya sa akin nagyayabang, parang proud na proud pa sa pagbubuntis niya. Hindi ako makasagot. Napalingon lang ako kay George na puno ng pag-aalala sa babae. Panay ang hagod nito sa buhok niya. Tense na tense. “Tinatanong ka! Sagutin mo!" singhal ni George. “Alam mong buntis siya pero ginalaw mo—” Malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko. Tumabingi ang mukha ko, ramdam ko rin ang pagkapunit ng labi ko at ngayon nga ay nalasahan ko na ang sariwang dugo. Ang sakit ng ginawa niya, pero wala akong magawa kung hindi ang tumahimik at umiyak. “Hindi kita pinapunta rito para sermonan kami! Do your job, hindi ‘yong kung ano-ano pa ang sinasabi mo!" Tumango-tango ako, pinahid ang mga luhang hindi ko na naman napigil na pumatak. “Maselan ang pagbubuntis sa unang tatlong buwan, kaya dapat iwasan ang sobrang nakakapagod na aktibidad. Para masigurong ligtas ang bata dalhin mo siya sa obstetrician," halos pabulong kong sabi at hindi na muling tinapunan ng tingin si George. “Ano ang gagawin para mawala ang sakit sa puson niya?” “Warm compress," walang gana kung sagot. "Sa susunod, mas maging maingat kayo, para maiwasan ang ganitong pangyayari," sabi ko at tumayo na. Hindi ko na matagalan ang klase ng tingin ng babae. Tingin na nangngungutya, tingin na feeling entitled, tingin na parang siya ang girlfriend at ako ang third party. Sa bagay ako naman ‘yong hindi minamahal, kaya ako ang lumabas na third party. Tinungo ko ang pinto at lalabas na sana nang walang paalam, pero mahigpit na hawak sa braso ko ang pumigil sa akin. Napalingon ako. Animo'y kinalampag ang puso ko sa lakas ng tibok. Nakakatakot makita ang nanggagalaiting tingin ni George, iniwas ko ang mukha ko sa takot na masampal ulit. Medyo lumuwag naman ang paghawak niya sa braso ko, ngunit muli na namang humigpit at parang kakaladkarin ako. "Sinabi ko bang pwede ka nang umalis?” "George, nasasaktan ako!” Pinilit kong alisin ang mga daliri niyang halos bumaon na sa braso ko, pero lalo lang humigpit ang paghawak niya. “Nagawa ko na ang gusto mo, at nasabi ko na ang kailangan ninyong gawin, so please, hayaan mo na akong umalis…” “Gusto mong umalis? Umalis ka na rin sa buhay ko!” Umiling-iling ako. Sunod-sunod na pumatak ang mga luha. Binitiwan niya ang braso ko, ngunit pisngi ko naman ang kinulong niya sa mga palad niya at unti-unting inilapit ang mukha niya sa akin. “George…” Malandi at sinasadyang malambing na boses ang agad nagpalingon kay George. Binitiwan niya rin ang pisngi ko, at lumapit sa babae na ngayon ay nakaupo na sa gilid ng kama. At ako, natuod na lang sa kinatatayuan ko. Paulit-ulit na nag-play sa utak ko ang salitang sinabi niya. Pinapa-alis na naman niya ako sa buhay niya. Ang dali-dali lang para sa kanya na itaboy ako. “Kumusta na ang pakiramdam mo, masakit pa ba?" malambing nitong tanong sa babae, lumuhod pa siya sa harap nito at hinaplos ang puson. Nag-iwas ako ng tingin. Daig ko pa ang tinu-torture ngayon. Ang sakit makita na ang lalaking minahal ko sa mahabang panahon ay mas pinahahalagahan at inaalagaan ang ibang babae. Tumalikod ako, at buong lakas na kinagat ang pang-ibabang labi, mapigil ko lang ang mapahikbi. Kahit walang pahintulot ni George, lumabas ako ng kwarto. Wala na akong pakialam kung magalit man siya. Hindi ko na kayang makita sila. Kaya lang, para naman akong nawalan ng lakas paglabas ko. Hindi ko maihakbang ang mga paa ko, hindi ko magawang bumitaw sa door handle. Ni ang tuluyang isara ang pinto ay hindi ko pa magawa. “George, sundan mo na ang girlfriend mo," narinig kong sabi ng babae sa loob ng kwarto. "Bakit ko naman ‘yon susundan? Nag-iinarte lang ‘yon. Mamaya pag-uwi ko, siguradong hihingi ‘yon ng tawad. Ang tanga-tanga kaya no’n, uto-uto pa…” Humigpit ang paghawak ko sa door handle. Totoo nga naman ang sinasabi niya. Ang tanga at uto-uto ko nga naman talaga. Paulit-ulit na niya akong pinagtaksilan ng harap-harapan, ilang beses ko na siyang nahuling may kasamang ibang babae, at ako na walang kasalanan ang hihingi ng tawad, magmamakaawa na ‘wag niyang iwan. “Mahal na mahal ako ng babaeng ‘yon. Hindi ‘yon mabubuhay nang wala ako." Mapait akong ngumiti. Nagawa ko na ring bitiwan ang door handle at dibdib ko namang naninikip ang tinapik ko. Alam niya na mahal na mahal ko siya, at hindi ko kayang mabuhay nang wala siya. Kaya paulit-ulit niya akong sinasaktan, paulit-ulit siyang nambababae kasi alam niyang mananatili pa rin ako kahit anong mangyari. Pinahid ko ang mga luha at kahit nanghihina, pinilit kong humakbang—hakbang na hindi ko na alam kung saan patungo, uuwi pa ba ako sa tahanan na puro lungkot at sakit lang ang aking naranasan, o hakbang palayo sa taong mahal ko, ngunit patuloy akong sinasaktan.Isang linggo na ang lumipas mula noong eksena sa hotel. At heto, pinili ko pa rin na patawarin siya at manatili sa tabi niya. Napangiti ako nang mailapag ang cake sa lamesa. Maya’t maya rin ang sulyap ko sa orasan, hinihintay ang pagdating ni George. Ikalimang anibersaryo namin ngayon, kaya naghanda ako ng surpresa para sa kanya. Napangiti ako nang makarinig ng busina ng kotse at pagbukas ng gate. Kaagad akong tumayo at nagtago ako sa likod ng pinto. Matiyaga akong naghihintay sa pagpasok niya habang hawak ang party popper. “Surprise!" bulalas ko, na ikinagulat niya. Nasurpresa siya, kaya lang, hindi saya ang nakikita kong ekspresyon, kundi galit. “Anong ginagawa mo rito?" tanong niya na sumabay sa paglipad ng mga confetti. "Hindi natuloy ang medical mission, kaya umuwi ako…” sagot ko, pero nawala na ang ngiti sa aking labi. Ako kasi ang mas nasurpresa dahil may iba siyang kasama. “Bakit mo siya dinala rito?" "Wala kang pakialam!” sagot niya. Winaksi niya ako, at gin
Kahit kinakabahan, agad akong bumaba ng kotse at pumunta sa harap ng kotse. “Sorry…” nauutal kong sabi sa lalaking nagsisimula nang tumayo. Kaagad naman akong yumukod at inalalayan siya. Pinagpagpag ko ang damit nito, at muling nag-sorry. “May masakit ba sa’yo?” tanong ko pa habang sinusuri kong nasugatan ba siya o may pasa o gasgas. Pero pahapyaw na tawa ang sagot nito na ikinaangat ng tingin ko. “Nabangga ka na nga, nakuha mo pang tumawa.” “Ayos lang po ako,” inuunat-unat ang braso na sagot niya. “Halika, dadalhin kita sa hospital.” Hinawakan ko siya. Nakatitigan kami. Bumakas ang gulat sa mukha niya. “Doktora Cherry.” Nakangiting sabi ng lalaki. Kinunutan ko naman siya ng noo. “Kilala mo ako?” tanong ko. Kahit kasi anong titig ko sa kanya ay hindi ko siya maalala, pero parang pamilyar ang mukha niya. “Ang bilis mo naman makalimot,” nakangisi pa rin nitong sagot na lalo lang ikinakunot ng noo ko. “Reynan Cueves…brother-in-law ni Atty. Onse Lazaro na friend mo.” Pa
REYNANTatlong taon na mula no’ng bumalik ako sa Canada, para ayusin ang gusot sa pagitan namin ng aking asawa. Pinagtaksilan niya ako. Pina-ako sa akin ang anak nila ng kabit niya. Magulo at mahabang serye ng court hearing ang inatupag ko sa pagbabalik.Hanggang sa nakamit ko ang kalayaan ko. Na-grant ang aming divorce, at ni isang kusing ay wala siyang nakuha. Masaya ako nang sa wakas ay natapos ang kalbaryo ko, pero may halong lungkot dahil napamahal na sa akin ang bata na hindi ko naman pala kadugo. Pero kalaunan ay natuto rin akong tanggapin ang lahat.At ngayon masasabi kong maayos na ang buhay, at ito na ang best version ko. Masayang Reynan, walang sabit, at walang pasan na mabigat sa buhay ko.Ngayon ay nandito na ako sa Pilipinas, isang linggo na ako rito at puro meeting lang ang aking inaatupag. Nahinto ang pagbabalik tanaw ko nang tumunog ang cell phone ko. Napangiti ako nang makita ang pangalan sa screen. “Kuya, nasaan ka na?” bungad ng kapatid ko pagsagot ko sa tawag
“Sh*t!" bulalas ko nang mabangga ako ng kotse. Pakiramdam ko saglit na lumayas ang kaluluwa ko sa aking katawan. Mabuti na lang at mabagal ang pagpapatakbo ng driver, parang pahinto na kaya hindi ako napuruhan. “Sorry…” Kinakabahang sabi ng babae, at inalalayan akong tumayo. Muli pa siyang nag-sorry, nagtanong kung okay ba ako, at may sugat ba habang sinusuri ako. Alalang-alala siya, pero ako napapangiti. Paanong hindi ako ngingiti? Siya ang pamilyar na nakita ko sa hotel noong isang linggo. Siya ‘yong hinabol ko, pero hindi ko naabutan.Sinong mag-aakala na sa ganitong paraan kami muling magkikita. Ang nakakalungkot lang ay nasa parehong estado pa rin siya, malungkot at mugto ang mga mata. Kaya walang patumpik-tumpik kong hinawakan ang kamay niya, dinala siya sa kanyang kotse, at inuwi ko sa bahay nang maalala niya ako at mapasaya siya kahit paano. Kaya lang habang nag-uusap kami at pinapagaan ko ang loob niya, may nabuo sa isip ko na maaring maging sulosyon sa problema niya.“Ma
CHERRYMaaga akong nag-checkout sa hotel kung saan ako nag-stay kagabi, at pumunta sa hospital, hindi para pumasok, kundi para mag-request ng leave. Sa estado ko kasi ngayon, parang hindi ko pa kayang mag-handle ng pasyente. Natatakot akong magkamali. Mabuti na lang at pumayag naman ang director. Ngayon ay nandito na ako sa restaurant na malapit sa hospital, para mag-breakfast. Nag-browse rin ako ng mga apartment na pasok sa budget ko habang kumakain. “Good morning, dok…” Bigla akong napalingon nang may nagsalita sa likuran ko. “Anong ginagawa mo rito?” tanong ko sa nakangising si Reynan na umupo na sa harap ko.“Nakita kita, mag-isa, at parang gusto nang pumasok sa phone mo, kaya pumasok ako para pigilan ka.”Tumitig ako sa kanya. Binabasa kung totoo nga ba ang sinasabi niya, pero nginitian lang niya ako. Tumawag rin siya ng waiter at um-order ng hot choco. “Nakahanap ka na ba ng matutuluyan?” tanong niya matapos mag-order.Umiling-iling ako. “Wala ‘e. May mga nakita ako na kaya
"Reynan...” hinablot ko ang aking kamay, sabay tingin sa paligid. “Ano bang ginagawa mo?”“Ito naman, galit agad. Haplos ng alaga lang ‘yon, walang malisya!” Inilabas at kinagat niya ang dulo ng kanyang dila at ngumiti. Tinaasan ko naman siya ng kilay. “Reynan naman, umayos ka nga. Hindi ka ba nahihiya? Pinagtitinginan tayo,” pabulong kong sabi. Nahihiya ako sa ginawa niya, pero siya nagkibit-balikat lang. “‘Wag mo nga silang pansinin, inggit lang ang mga ‘yan, kasi walang gustong mag-alaga sa kanila.” Seryoso na naman niya ako tinitigan na ikinaasiwa ko na. “Anong akala mo sa akin, inutil na hindi kayang alagaan ang sarili?”“Bakit? Inutil lang ba ang inaalagaan? Kahit sino pwedeng alagaan, lalo na kung mahalaga ‘yong tao… mahalaga sa akin.”Pahapyaw akong tumawa. Paano niya ba basta nasasabi na mahalaga ako? ‘Yong tao nga’ng akala ko makakasama ko buong buhay ay basura ang tingin sa akin, siya pa kaya na ilang araw ko pa lang nakakasama.“Kaya ko ang aking sarili, hindi ko kaila
REYNAN “Tara na nga, hinihintay na tayo ng may-ari ng bahay.” Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon na tumanggi. Itinayo ko siya at giniya palabas ng coffee shop. At gaya no’ng una naming pagkikita, nagpaubaya pa rin siya. “Susi mo…” sabi ko nang marating namin ang kotse. Sandali siyang tumitig sa kamay kong nakalahad, at walang salitang binigay sa akin ang susi. Dala ko rin ang kotse ko, pero mas gusto ko nga siyang ipag-drive. Pinagbuksan ko siya ng pinto, at tutulungan sana na ikabit ang seatbelt niya, pero mabilis na niya itong ikinabit. Nagkibit-balikat na lang ako, at agad na pumunta sa driver’s seat. Medyo mabilis ang pagpapatakbo ko. Alas dyes nga kasi ang usapan namin ng may-ari ng bahay, kaya lang dahil sa gulong nangyari, na-antala kami. “Teka, Reynan…” Palingon-lingon siya. “Daan ‘to papunta sa bahay mo.” Sinamaan niya ako ng tingin, pero nginitian ko lang siya. “Kalma… ‘di naman kita dadalhin sa bahay. ‘Wag kang assuming…” Hindi na siya nagsalita, pero an
“Hindi tama ‘to ‘e!” madiin at pabulong na sabi ni doktora, nakapamaywang habang nakatingin sa malaking bahay ng mga Franca. Binangga ko siya ng bahagya sa balikat. “Ano ang hindi tama, dok? Ang pumunta sa bahay ng ex-boyfriend mo o magdala ng ibang lalaki sa bahay nila?”“Sagutin mo kaya ang tanong mo?” Pinanliitan niya ako ng mga mata.“Base sa pag-analize ko, parehong mali. So, uwi na lang tayo?” Dismaya niya akong tinapunan ng tingin at matamlay na binawi sa kamay ko ang regalo pero binawi ko rin agad. Baka kasi pauwiin ako. “Nandito na tayo…” sagot niya, bumuga ng hangin pero matiim akong tinitigan. “But please, Reynan, umayos ka kapag kaharap na natin sila, ‘wag kang gumawa ng eksena, at ‘wag ka basta-basta magsasalita.”“ ‘Wag kang mag-alala, dok, hindi ako mahilig umiksena, pero magaling umarangkada—aw!” Daing ko. Kinurot na naman kasi ang tagiliran ko na kinurot niya kahapon nang niyakap ko siya. “Kasasabi ko lang…’wag ka basta-basta magsalita ng kalokohan! Hindi mo sila k
CHERRYNaiilang akong muling umupo sa harap ni Jerome dahil panay pa rin ang lingon ni Reynan sa amin hanggang sa makapasok sila sa function room. Si Jerome ay gano’n din, at ngayon ay tumingin naman sa akin. “Sino ‘yon? Boyfriend mo?” tanong niya. Hindi ako direct na sumagot, pero ngumiti naman ako na ikinatango niya na para bang naiintindihan agad ang ibig sabihin ng aking ngiti.“Akalain mo nga naman…” Tipid siyang ngumiti. “Akala ko si George na ang forever mo, hindi pala—”“Ah…Jerome…” Tumayo ako na nagpahinto sa pagsasalita niya. “Salamat sa lunch, hah. Masaya ako na nagkita uli tayo…” Tumayo rin siya. Nag-iba ang ekspresyon. Parang nahihiya. “Cherry, sorry…hindi ko na dapat binanggit—”“Hindi…hindi naman ‘yon ang dahilan, at saka, wala ka dapat ihingi ng sorry,” sagot ko na parang wala lang sa akin ang sinabi niya. Pero ang totoo, mas lumala ang pagkailang ko sa pagbanggit niya kay George. Hindi siya sumagot, tumitig lang sa akin. Nagkunwari na lang akong tumingin sa aking
Tumawag si Anna para i-inform ako na gustong makipag-collab sa amin ang Tech Pharma. Natuwa talaga ako, at hindi ko napigil ang mapangiti. Bilang isang international company na nagsisimula pa lamang palawakin ang presensya sa bansa, napakalaking bagay ang makipag-collaborate sa mga kilala at matatag na kumpanya sa lokal na industriya. Hindi lang ito makatutulong sa pagpapalawak ng aming koneksyon, magsisilbi rin itong tulay upang mas makilala ang aming brand at mga produkto sa mas malawak na merkado. Sa tulong ng established na reputasyon ng kumpanyang ito, mas magiging madali ang pagbuo ng tiwala ng mga potensyal na kliyente at partner. At higit sa lahat, malaking tulong din ito sa aspeto ng marketing—dahil sa lawak ng naabot ng mga kumpanyang ito, mas mabilis na maipapakilala sa publiko ang mga produkto at serbisyo na aming inaalok."Hintayin mo ako sa study. Bababa na ako…" sabi ko kay Anna, sabay lingon sa banyo na kasasara lang.Saglit akong napatitig sa pinto. Hindi ko kasi n
Binabasa ko lang ang minsahe ni George, pero parang naririnig ko mismo mula sa kanyang bibig. Parang naririnig ko kung paano kadiin at katigas ng bawat bigkas niya sa mga salita. ‘Yong na nararamdaman ko kaninang kaba, mas lumala pa. "Ano? Pupunta ka? Susundin mo na naman ang utos ng hayop na ‘yon?" Napalingon ako kay Reynan. Nakakunot ang kanyang noo habang hawak ang aking cell phone na inagaw niya kanina. Tahimik akong napatitig sa kanya. Nalito ako kung ano ang aking isasagot. Sa loob-loob ko, gusto kong makita si Tita Izabelle, kaya lang, pay parte rin sa akin na nagdadalawang-isip. "Kung pupunta ka, sasama ako,” diretsong sabi ni Reynan. Napakagat ako sa labi. Agad-agad na buo sa isip ko ang magulong eksena kung sakaling magkita na naman si Reynan at George. "Ayaw kong magpunta ka mag-isa, Cherry," dagdag pa niya, seryoso at ma-awtoridad ang kanyang boses, hindi sa paraang humihiling na isama ko siya. “Ikaw ang sinisisi niya sa nangyayari sa kumpanya nila ngayon, kaya sigu
CHERRY“Tumigil ka na nga…” Tinulak ko ang kanyang mukha. Namimihasa na ngang halikan ako, namimihasa pang magpa-cute at magpa-sweet sa akin ng ganito. Nakakatakot kapag hinahayaan ko na ganito kami palagi. Baka masanay ako, at hahanap-hanapin ko na ang paglalambing niya.“Ayoko ngang tumigil, hindi kita titigilan…” Kagat sa ibabang labi ang tumapos sa salita niya.“Alam mo, gutom lang ‘yan.” Tumayo ako, at iniwan siya. “Tama ka nga! Gutom na ako…sa’yo…” Sinundan niya ako, at agad namang hinapit ang aking baywang, at ginagat ang aking tainga. “Reynan…” Napahawak na lang ako sa aking tainga at napapailing. Habang siyang, pangiti-ngiti pa rin. “Umupo ka na nga at ihahanda ko na ang pagkain.” Sumunod naman siya, at inilabas ang kanyang cell phone. Ako naman ang napatitig sa kanya. Parang nag-iibang tao na naman kasi siya habang nagtitipa ng mensahe. ‘Yong seryoso at mature na awra na naman niya ang aking nakikita.“Mamaya na ‘yang cell phone. Kumain ka muna,” sabi ko sabay upo na sa
Napasinghap si Cherry nang hinila ko siya sa aking kandungan, at mahigpit na inilingkis ang aking mga kamay sa kanyang baywang habang ang aking labi ay mapusok na naglandas pababa sa kanyang leeg."Reynan..." mahina at halos paungol niyang sabi. Ang kanyang mga kamay ay bahagya akong itinutulak pero, hindi naman tumitigil sa pagtugon sa aking mga halik.Ewan ko ba kung bakit ako ganito, hindi ko maawat ang aking sarili, sa tuwing malapit kami sa isa’t-isa parang may kung anong pwersa na humihigop sa akin na angkinin siya. Hinawakan ko ang batok niya, hinila palapit pa sa akin at mas naging mabilis at mariin pa ang aking halik. Walang tigil, walang preno. Narinig ko pa ang mahina niyang impit, at kung kanina ay bahagya niya akong tinutulak, ngayon ay hawak na niya ang aking batok at mahinang sinasabunutan ang aking buhok.“God! Sir Reynan—sorry!” Parang lumayas ang kaluluwa ko sa aking katawan. Agad ding tumayo si Cherry nang marinig namin ang boses na ‘yon—si Anna na ngayon ay nanl
REYNANTahimik akong nakatingin sa mga balitang sunod-sunod na sumabog online — headline after headline, exposing George for what he really was.Manloloko.Sinungaling.Duwag.Isang lalaking nagawang yurakan ang isang babae na buong pusong nagmahal sa kanya.Nandito ako ngayon sa hotel ng kaibigan kong si Danreve. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nakaupo rito sa sulok, hawak ang telepono, habang isa-isang lumilitaw sa mga feed ko ang mga litrato, video, at mga ebidensyang siya mismo ang gumawa. Siya mismo ang may sala.Gaya ng aking plano, naisiwalat na sa buong mundo ang tunay niyang mukha."Reynan, ayos na ba? Nangyari na ang gusto mo," putol ni Danreve sa tahimik kong pagmumuni-muni.Mapait lang akong ngumiti. “Salamat sa tulong mo,” sagot ko. Si Danreve ang hiningian ko ng tulong sa pagpapalabas ng balita tungkol kay George. Ma-impluwensya siya, kaya kapag kampo niya ang naglabas ng balita, walang sinumang makakalinis ng mga kalat. “Walang anuman, pamilya tayo,” sabi ni
“Walang sayang, Cherry… masaya akong kasama ka. Masaya akong gawin ’to para sa’yo. Kaya, please. ’Wag mo na ulit sabihin ang salitang sayang, okay?”“Reynan, talaga naman kasing sayang—”Naputol ang pagsasalita ko nang bigla niyang hinapit ang aking batok at siniil ako ng halik—mapusok at mapagparusang halik na hindi ko magawang tugunin.“Sabihin mo ulit ang salitang sayang, puputukan kita sa loob nang wala talagang masayang…”“Sira-ulo ka!” Tinulak ko siya na ikinahagikhik niya lang.“Sige na magpahinga ka na, kausapin ko lang si Anna,” sabi niya na sumabay sa paglalakad niya palabas ng pinto.Napahawak naman ako sa aking labi, at saka napabuntong-hininga. Naguguluhan kasi ako. Contract marriage lang ang namamagitan sa amin, pero kung tratuhin niya ako, para namang hindi ako contract wife.Pabagsak akong humiga. Totoong pagod ako. Medyo nahihilo rin, pero ayaw naman akong dalawin ng antok.Bumangon ako, at lumapit sa bintana. Kita ko mula rito si Reynan at Anna. May mga dokumento sil
Nang bumukas ang elevator, agad niya akong hinila palabas, at hindi na sinagot ang aking tanong. Ang higpit rin ng hawak niya sa aking kamay at panay ang lingon na parang takot na mahabol na naman kami ni George. “Reynan…” Binawi ko ang aking kamay. Napalingon naman siya at nahinto sa paglalakad. “Cherry, sa bahay na lang tayo mag-usap, pwede ba?”Umiling-iling ako. “Hindi ako uuwi kasama mo. Hindi ako tiitira sa bahay ng lalaking may tinatago sa akin.”Bumagsak ang balikat niya. Nahagod niya rin ang kanyang buhok, pero lumapit naman sa akin. “Cherry…”Mahina ko siyang itinulak. “Ano ba talaga ang motibo mo sa paglapit sa akin, Reynan? Bakit mo alam ang nangyari sa hotel?“Cherry, wala akong motibo…maniwala ka naman, oh.”Napatitig ako sa kanya. Hindi ko na rin halos mapigil ang mga luha ko. Nadidismaya ako. Nagsisimula na akong magtiwala sa kanya, tapos malalaman kong alam pala niya ang isa sa mga nakakahiyang pangyayari ng aking buhay. “Kung totoong wala kang motibo, magpaliwanag
CHERRYIlang beses na akong bumuga ng hangin. Ilang ulit ko na ring inangat ang aking kamay para buksan sana ang pinto kung saan kami nakatayo ni Reynan ngayon, kaya lang, hindi ko magawa. Hindi ko kayang makita na may isa na namang tao na malapit sa akin na nag-aagaw buhay. Noong natanggap ko ang tawag mula kay George na na-aksidente ang kanyang magulang at nag-agaw buhay si Tita Izabelle, hindi ko napigil ang aking emosyon. Nadudurog ang puso ko para sa kanya. Tinuring ko silang mga magulang, kahit pa hindi maganda ang naging kahihinatnan ng relasyon namin ni George. Hindi ko pwedeng ipagkibit-balikat lang ang nangyari sa kanila. Kaya kahit ayaw ko sanang makita si George, sinabi kong pupunta ako.Kinapalan ko ang aking mukha, hiniling ko kay Reynan na bumalik kami sa Pilipinas. Mabuti na lang at naunawaan niya ako. Agad siyang nag-book ng flight pabalik dito.Kararating lang namin. Mula airport ay dumiritso kami rito sa hospital. Kaya lang, para naman akong nawalan ng lakas na mak