All Chapters of One Fateful Night With My Ninong: Chapter 41 - Chapter 50

146 Chapters

Chapter 41

Celeste's POV Tahimik ang loob ng courtroom maliban sa mahinang bulungan ng mga taong naroon. Alam kong marami ang nag-aabang sa magiging resulta ng kasong ito—hindi lang ang pamilya ng biktima kundi pati na rin ang buong medical community. Nasa prosecution table ako, tahimik na nag-aayos ng mga dokumentong nasa harapan ko. Katabi ko si Attorney Cruz, habang si Ninong Chester naman ay nasa likuran namin, kasama ang pamilya ni Mr. Alonzo. Ramdam ko ang kaba sa bawat segundo na lumilipas. Napatingin ako sa kabilang panig ng courtroom kung saan nakaupo si Dr. Richard Gonzaga kasama ang kanyang mga abogado. Sa kabila ng seryosong ekspresyon ng kanyang mukha, halata ang bahagyang pawis sa kanyang noo. Nag-angat ako ng tingin nang marinig ang boses ng hukom. "Let us proceed." Tumayo ang lead attorney ng depensa at lumapit sa witness stand kung saan nakaupo si Ninong Chester. Siya ang huling testigo namin at ang pinakanapakahalagang piraso ng ebidensya upang madiin si Dr. Gonzaga. "Dr
last updateLast Updated : 2025-03-10
Read more

Chapter 42

Celeste's POV Tahimik kaming magkasama ni Ninong Chester sa loob ng sasakyan habang pauwi. Pagod ako, pero sa halip na makatulog sa biyahe, naglalaro ang isip ko sa lahat ng nangyari sa araw na ito—ang hearing, ang hatol, at… siya. Napatingin ako sa kanya. Nasa driver’s seat siya, seryoso ang mukha habang nakatutok sa daan. Wala akong makitang bahid ng pagod sa kanya, kahit na alam kong hindi lang ito mentally draining para sa amin—emotionally exhausting din. Napabuntong-hininga ako at pumikit saglit, pero hindi ako nakatagal dahil bigla akong nakaramdam ng gutom. Hindi lang basta gutom. Cravings. Nagulat ako nang kusa akong mapahawak sa tiyan ko. Damn it. "Ninong." "Hmm?" Hindi siya tumingin sa akin, pero ramdam kong nakikinig siya. "Gutom ako." "Malapit na tayo," sagot niya agad. Umiling ako. "Hindi lang basta gutom." Napakunot ang noo niya. "Anong ibig mong sabihin?" Huminga ako nang malalim bago nagsalita. "Gusto kong kumain ng adobo." Tumingin siya saglit sa akin ba
last updateLast Updated : 2025-03-10
Read more

Chapter 43

Celeste's POV Tatlong buwan. Tatlong buwan na akong nagdadalang-tao, at habang tumatagal, mas lalong nagiging totoo sa akin ang katotohanang may buhay na lumalago sa loob ng aking sinapupunan. Ngunit sa kabila ng lahat, walang ibang nakakaalam—maliban kay Ninong Chester, sa doktor ko, at sa abogado niyang si Atty. Cruz. Araw-araw ay nag-iingat ako. Kinakailangang walang makahalata sa opisina, lalo na’t alam kong may mga matang nakamasid sa akin, naghihintay ng pagkakataong madiskubre ang isang baho na maaari nilang gamitin laban sa akin. At ngayon, hindi ko maikakaila—nagsisimula nang lumabas ang pagbabago sa katawan ko. Napamulagat ako pagmulat ng mata ko nang maramdaman kong tila may umaalon sa tiyan ko. Hindi ito yung tipong sipa o kilos ng bata—alam kong hindi pa naman ganoon ka-develop ang baby ko para gumalaw nang gano’n. Pero parang may bumibigat sa loob ko, may kakaibang kirot na hindi ko maipaliwanag. "Ugh…" Napakapit ako sa kumot at dahan-dahang umupo sa kama. Napatin
last updateLast Updated : 2025-03-11
Read more

Chapter 44

Celeste's POV Matagal nang hindi nagkakaroon ng malaking selebrasyon sa Alvarez & Associates, ang prestihiyosong law firm kung saan ako nagtatrabaho. Pero ngayong gabi, nagtipon-tipon ang mga abogado at empleyado sa isang marangyang venue upang ipagdiwang ang ika-30 anibersaryo ng kumpanya. Ang buong ballroom ng isang mamahaling hotel sa Makati ay puno ng mga kilalang abogado, kliyente, at iba pang personalidad sa industriya ng batas. May mga chandeliers na nagbibigay ng eleganteng liwanag, isang live band na tumutugtog ng soft jazz, at isang open bar na tila magnet para sa karamihan ng mga kasamahan ko. Sa ganitong klaseng event, mahirap umiwas sa atensyon. Bilang isa sa mga top attorneys ng firm, isa ako sa mga inirampa ng senior partners bilang "rising star" sa larangan ng litigation. At dahil doon, mas dumami ang mga matang nakatutok sa akin—isang bagay na dapat kong pag-ingatan, lalo na’t tatlong buwan na akong buntis. "Celeste, halika na!" tawag ni Atty. Marcus, isa sa mga m
last updateLast Updated : 2025-03-11
Read more

Chapter 45

Celeste's POV Pinunasan ni Ninong Chester ang kanyang labi gamit ang hinlalaki niya, saka dahan-dahang pinaandar ang sasakyan. Ilang minuto ang lumipas nang hindi siya nagsasalita, hanggang sa hindi niya na yata kinaya. "You know," he started, his voice dripping with amusement. "If I didn’t know any better, Celeste… I’d say you were jealous." Mabilis akong napalingon sa kanya. "Sino? Ako? Jealous?!" Napalakas ang boses ko. He chuckled. "Masyado kang defensive." "Nagpapakita lang ako ng respeto sa asawa ko!" sagot ko, halos mag-crack na ang boses ko sa inis. Natawa lang siya. "Celeste." Ikiniling niya ang ulo niya paharap sa akin habang patuloy na nagmamaneho. "Admit it. You were jealous." "Hindi ako nagseselos!" "Talaga lang?" He smirked. "Kasi mukhang gusto mong ihagis si Andrea palabas ng ballroom kanina." Napaikot ang mga mata ko. "Ang kapal kasi ng mukha! Alam niyang kasal ka, tapos ganiyan pa siya makatingin?!" He grinned. "Wait. So, may epekto pala sa'yo kapag may ib
last updateLast Updated : 2025-03-11
Read more

Chapter 46

Celeste's POV 2:34 AM Nagising ako nang may bigla akong naramdaman. Nagugutom ako at hindi lang basta gutom—nag-crave ako. Naisip ko ang isang partikular na pagkain na hindi ko na matanggal sa utak ko. Lanzones. As in, ‘yung tamang-tama lang ang tamis, hindi ‘yung sobrang asim. ‘Yung bagong pitas, hindi ‘yung ilang araw nang nakatambak sa grocery store. Napahawak ako sa tiyan ko.“Baby, bakit ngayon pa?” bulong ko, sabay irap sa sarili ko. "Gusto mo ba talaga akong pahirapan?" Sinubukan kong huwag pansinin, pero habang lumilipas ang minuto, lalong lumakas ang cravings ko. Hindi na ako makatulog. Pinikit ko ang mga mata ko at huminga nang malalim. Naiisp kong utosan na lang si Ninong Chester. Alam kong mahirap gisingin ang lalaking ‘yon. Pero wala akong pake. Dahan-dahan akong bumangon, naglakad palabas ng kwarto, at tinungo ang kabilang silid. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Madilim ang loob, pero maliwanag ang ilaw sa lampshade niya kaya kitang-kita ko siyang nakahiga
last updateLast Updated : 2025-03-11
Read more

Chapter 47

Celeste's POV Pagdating ko sa opisina, ang unang bumungad sa akin ay ang secretary kong si Trina—at sa kamay niya, may hawak siyang isang pirasong tulip. Napakunot ang noo ko. "Good morning, Atty. Celeste!" masiglang bati niya. "May nagpapabigay po nito sa inyo." Napangiwi ako habang nakatitig sa pink na tulip na hawak niya. "At sino namang nagpadala niyan?" Napangiti si Trina, halatang kinikilig. "Si Dr. Miguel Ramirez po." Agad akong napairap. Si Dr. Miguel Ramirez. Ang doktor na nagtatrabaho sa ospital ng asawa kong si Ninong Chester. Ang doktor na—hindi ko type kahit malakas naman ang appeal niya. "Wow," sarkastiko kong sabi, kinuha ang tulip mula sa kanya, at tiningnan ito nang mabuti. "At anong sinabi niya nang ibigay ‘to?" "Ang sabi niya po, ‘Hope you have a great day, Atty. Celeste. Tulips for a strong and beautiful woman like you.’" Napangiwi ako lalo. "Trina, may tanong ako." "Ano po ‘yon, Ma’am?" "Hindi ba dapat bouquet ‘to kung talagang sincere siya?" Napatawa
last updateLast Updated : 2025-03-11
Read more

Chapter 48

Celeste's POV Pagkabalik ko sa law firm, nadatnan kong abala ang mga tao. Maraming naglalakad sa hallway, may mga attorneys na nag-uusap sa isang sulok, at ang sekretarya kong si Trina ay mukhang hindi mapakali habang may kausap sa telepono. Huminga ako nang malalim at nagpatuloy papasok sa opisina ko, pero bigla akong napatigil nang makita kung sino ang naghihintay sa akin sa loob. Nakaupo sa guest chair si Dr. Miguel Ramirez, naka-de-kuwatro at parang wala lang. At sa kabilang gilid, nakatayo si Dr. Chester Villamor. Nakasalubong ko agad ang malamig na tingin ni Ninong Chester, halatang hindi natuwa sa nakita niya. Nakalimutan kong may tawag pala siya kanina! "Wow," sabi ko habang tinatanggal ang coat ko. "Ang aga ng reunion ninyo, ah." "Celeste," seryosong tawag ni Ninong Chester habang nakakunot ang noo. "Ano’ng ginagawa niya rito?" Alam kong si Dr. Miguel ang tinutukoy niya, pero sa halip na sagutin siya agad, dumiretso ako sa desk ko at inayos ang mga papeles. "Relax ka
last updateLast Updated : 2025-03-11
Read more

Chapter 49

Celeste's POV Malamig ang hangin nang magmulat ako ng mata. Banayad na sumasayaw ang puting kurtina sa bintana dahil sa simoy ng hangin, at ang sinag ng araw ay malambing na tumatama sa mukha ko. Saglit akong nag-inat bago bumaling sa kabilang gilid ng kama—at napasinghap. May nakita among isang malaking bouquet ng bulaklak ang nasa tabi ko. Napakurap ako ng ilang beses, tinapik ang sarili sa pisngi para siguraduhin kung gising na ba ako o nananaginip pa. Pero hindi—totoo ito. Nasa tabi ko ang isang malaking bouquet ng white tulips at red roses na may kasamang eleganteng ribbon. Sa tabi ng bouquet ay isang tray na may iba't ibang klase ng prutas—slices ng apple, mango, grapes, at ang pinakapaborito ko sa lahat—strawberries. Napakagat ako sa labi, pilit na pinipigil ang kilig na biglang bumalot sa akin. Sino pa nga ba ang gagawa nito? Sino pa ang makakaisip na bigyan ako ng mga paborito kong prutas sa umaga? Sino pa ang mahilig sa grand gestures kahit na hindi naman siya romant
last updateLast Updated : 2025-03-12
Read more

Chapter 50

Celeste's POV Katatapos ko lang maligo nang maramdaman ko ang matinding kirot sa aking tiyan. Napasapo ako sa aking sinapupunan habang unti-unting bumibigat ang aking paghinga. “Ahh…” Para akong kinukurot mula sa loob. Mabilis akong napahawak sa pader ng banyo upang hindi matumba. Nagpapanic ako. Hindi ko pa kailanman naramdaman ang ganitong klase ng sakit. Kinakabahan, agad akong lumabas ng banyo, basang-basa pa ang buhok at naka-balot lang ng puting robe. Agad kong kinuha ang cellphone ko at hinanap ang contact ni Ninong Chester. Dialing… Rinig ko ang pag-ring sa kabilang linya habang nanginginig ang daliri kong mahigpit na nakahawak sa cellphone. “Sagutin mo… please…” bulong ko, halos pumikit na lang sa sakit. Ngunit ilang ring na ang lumipas, walang sumasagot. Muli akong tumawag. Isa. Dalawa. Tatlong beses. Wala pa rin. Nanlabo ang paningin ko dahil sa kaba. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Pinilit kong huminga nang malalim, pilit na iniinda ang sakit habang nagl
last updateLast Updated : 2025-03-12
Read more
PREV
1
...
34567
...
15
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status