Share

Chapter 44

Author: Deigratiamimi
last update Huling Na-update: 2025-03-11 01:25:00
Celeste's POV

Matagal nang hindi nagkakaroon ng malaking selebrasyon sa Alvarez & Associates, ang prestihiyosong law firm kung saan ako nagtatrabaho. Pero ngayong gabi, nagtipon-tipon ang mga abogado at empleyado sa isang marangyang venue upang ipagdiwang ang ika-30 anibersaryo ng kumpanya.

Ang buong ballroom ng isang mamahaling hotel sa Makati ay puno ng mga kilalang abogado, kliyente, at iba pang personalidad sa industriya ng batas. May mga chandeliers na nagbibigay ng eleganteng liwanag, isang live band na tumutugtog ng soft jazz, at isang open bar na tila magnet para sa karamihan ng mga kasamahan ko.

Sa ganitong klaseng event, mahirap umiwas sa atensyon. Bilang isa sa mga top attorneys ng firm, isa ako sa mga inirampa ng senior partners bilang "rising star" sa larangan ng litigation. At dahil doon, mas dumami ang mga matang nakatutok sa akin—isang bagay na dapat kong pag-ingatan, lalo na’t tatlong buwan na akong buntis.

"Celeste, halika na!" tawag ni Atty. Marcus, isa sa mga m
Deigratiamimi

Until Chapter 50 ang update ko todayyyy kung makakaya lang sa oras. Sana hindi ako dalawin ng antok. Anyway, pa-like, comments bawat chapter po, gem votes kung meron man, at i-rate ang book na ito dahil kasali po ito sa contest. Maraming salamat po sa suporta! 🫶

| 5
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Kaugnay na kabanata

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 45

    Celeste's POV Pinunasan ni Ninong Chester ang kanyang labi gamit ang hinlalaki niya, saka dahan-dahang pinaandar ang sasakyan. Ilang minuto ang lumipas nang hindi siya nagsasalita, hanggang sa hindi niya na yata kinaya. "You know," he started, his voice dripping with amusement. "If I didn’t know any better, Celeste… I’d say you were jealous." Mabilis akong napalingon sa kanya. "Sino? Ako? Jealous?!" Napalakas ang boses ko. He chuckled. "Masyado kang defensive." "Nagpapakita lang ako ng respeto sa asawa ko!" sagot ko, halos mag-crack na ang boses ko sa inis. Natawa lang siya. "Celeste." Ikiniling niya ang ulo niya paharap sa akin habang patuloy na nagmamaneho. "Admit it. You were jealous." "Hindi ako nagseselos!" "Talaga lang?" He smirked. "Kasi mukhang gusto mong ihagis si Andrea palabas ng ballroom kanina." Napaikot ang mga mata ko. "Ang kapal kasi ng mukha! Alam niyang kasal ka, tapos ganiyan pa siya makatingin?!" He grinned. "Wait. So, may epekto pala sa'yo kapag may ib

    Huling Na-update : 2025-03-11
  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 46

    Celeste's POV 2:34 AM Nagising ako nang may bigla akong naramdaman. Nagugutom ako at hindi lang basta gutom—nag-crave ako. Naisip ko ang isang partikular na pagkain na hindi ko na matanggal sa utak ko. Lanzones. As in, ‘yung tamang-tama lang ang tamis, hindi ‘yung sobrang asim. ‘Yung bagong pitas, hindi ‘yung ilang araw nang nakatambak sa grocery store. Napahawak ako sa tiyan ko.“Baby, bakit ngayon pa?” bulong ko, sabay irap sa sarili ko. "Gusto mo ba talaga akong pahirapan?" Sinubukan kong huwag pansinin, pero habang lumilipas ang minuto, lalong lumakas ang cravings ko. Hindi na ako makatulog. Pinikit ko ang mga mata ko at huminga nang malalim. Naiisp kong utosan na lang si Ninong Chester. Alam kong mahirap gisingin ang lalaking ‘yon. Pero wala akong pake. Dahan-dahan akong bumangon, naglakad palabas ng kwarto, at tinungo ang kabilang silid. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Madilim ang loob, pero maliwanag ang ilaw sa lampshade niya kaya kitang-kita ko siyang nakahiga

    Huling Na-update : 2025-03-11
  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 47

    Celeste's POV Pagdating ko sa opisina, ang unang bumungad sa akin ay ang secretary kong si Trina—at sa kamay niya, may hawak siyang isang pirasong tulip. Napakunot ang noo ko. "Good morning, Atty. Celeste!" masiglang bati niya. "May nagpapabigay po nito sa inyo." Napangiwi ako habang nakatitig sa pink na tulip na hawak niya. "At sino namang nagpadala niyan?" Napangiti si Trina, halatang kinikilig. "Si Dr. Miguel Ramirez po." Agad akong napairap. Si Dr. Miguel Ramirez. Ang doktor na nagtatrabaho sa ospital ng asawa kong si Ninong Chester. Ang doktor na—hindi ko type kahit malakas naman ang appeal niya. "Wow," sarkastiko kong sabi, kinuha ang tulip mula sa kanya, at tiningnan ito nang mabuti. "At anong sinabi niya nang ibigay ‘to?" "Ang sabi niya po, ‘Hope you have a great day, Atty. Celeste. Tulips for a strong and beautiful woman like you.’" Napangiwi ako lalo. "Trina, may tanong ako." "Ano po ‘yon, Ma’am?" "Hindi ba dapat bouquet ‘to kung talagang sincere siya?" Napatawa

    Huling Na-update : 2025-03-11
  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 48

    Celeste's POV Pagkabalik ko sa law firm, nadatnan kong abala ang mga tao. Maraming naglalakad sa hallway, may mga attorneys na nag-uusap sa isang sulok, at ang sekretarya kong si Trina ay mukhang hindi mapakali habang may kausap sa telepono. Huminga ako nang malalim at nagpatuloy papasok sa opisina ko, pero bigla akong napatigil nang makita kung sino ang naghihintay sa akin sa loob. Nakaupo sa guest chair si Dr. Miguel Ramirez, naka-de-kuwatro at parang wala lang. At sa kabilang gilid, nakatayo si Dr. Chester Villamor. Nakasalubong ko agad ang malamig na tingin ni Ninong Chester, halatang hindi natuwa sa nakita niya. Nakalimutan kong may tawag pala siya kanina! "Wow," sabi ko habang tinatanggal ang coat ko. "Ang aga ng reunion ninyo, ah." "Celeste," seryosong tawag ni Ninong Chester habang nakakunot ang noo. "Ano’ng ginagawa niya rito?" Alam kong si Dr. Miguel ang tinutukoy niya, pero sa halip na sagutin siya agad, dumiretso ako sa desk ko at inayos ang mga papeles. "Relax ka

    Huling Na-update : 2025-03-11
  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 49

    Celeste's POV Malamig ang hangin nang magmulat ako ng mata. Banayad na sumasayaw ang puting kurtina sa bintana dahil sa simoy ng hangin, at ang sinag ng araw ay malambing na tumatama sa mukha ko. Saglit akong nag-inat bago bumaling sa kabilang gilid ng kama—at napasinghap. May nakita among isang malaking bouquet ng bulaklak ang nasa tabi ko. Napakurap ako ng ilang beses, tinapik ang sarili sa pisngi para siguraduhin kung gising na ba ako o nananaginip pa. Pero hindi—totoo ito. Nasa tabi ko ang isang malaking bouquet ng white tulips at red roses na may kasamang eleganteng ribbon. Sa tabi ng bouquet ay isang tray na may iba't ibang klase ng prutas—slices ng apple, mango, grapes, at ang pinakapaborito ko sa lahat—strawberries. Napakagat ako sa labi, pilit na pinipigil ang kilig na biglang bumalot sa akin. Sino pa nga ba ang gagawa nito? Sino pa ang makakaisip na bigyan ako ng mga paborito kong prutas sa umaga? Sino pa ang mahilig sa grand gestures kahit na hindi naman siya romant

    Huling Na-update : 2025-03-12
  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 50

    Celeste's POV Katatapos ko lang maligo nang maramdaman ko ang matinding kirot sa aking tiyan. Napasapo ako sa aking sinapupunan habang unti-unting bumibigat ang aking paghinga. “Ahh…” Para akong kinukurot mula sa loob. Mabilis akong napahawak sa pader ng banyo upang hindi matumba. Nagpapanic ako. Hindi ko pa kailanman naramdaman ang ganitong klase ng sakit. Kinakabahan, agad akong lumabas ng banyo, basang-basa pa ang buhok at naka-balot lang ng puting robe. Agad kong kinuha ang cellphone ko at hinanap ang contact ni Ninong Chester. Dialing… Rinig ko ang pag-ring sa kabilang linya habang nanginginig ang daliri kong mahigpit na nakahawak sa cellphone. “Sagutin mo… please…” bulong ko, halos pumikit na lang sa sakit. Ngunit ilang ring na ang lumipas, walang sumasagot. Muli akong tumawag. Isa. Dalawa. Tatlong beses. Wala pa rin. Nanlabo ang paningin ko dahil sa kaba. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Pinilit kong huminga nang malalim, pilit na iniinda ang sakit habang nagl

    Huling Na-update : 2025-03-12
  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 51

    Celeste's POV "Sigurado ka bang ayos ka na?" Mula sa kinahihigaan ko sa kama, nakita kong nakatayo si Chester sa tabi, nakakunot ang noo at halatang hindi pa rin kampante sa kalagayan ko. Kanina pa siya pabalik-balik sa kwarto, hindi mapakali. Kahit sinabi na ng doktor na wala namang seryosong nangyari sa baby namin at kailangan ko lang magpahinga, hindi pa rin siya makampante. Napabuntong-hininga ako at napailing. Masyado siyang overprotective. Nakangiti akong tumingin sa kanya. "Ninong, ilang beses ko nang sinabing ayos lang ako. Hindi mo na kailangang mag-alala nang ganyan." Pero hindi siya nakinig. Lumapit siya at inayos ang kumot ko, kahit maayos naman ito. "Dapat kang magpahinga. Ayaw kong maulit ang nangyari kanina." Ibinaba niya ang tingin niya sa tiyan ko, saka marahang hinaplos ito sa labas ng kumot. Ramdam ko ang init ng palad niya. Para akong na-freeze sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagod o sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. "Ang baby natin

    Huling Na-update : 2025-03-12
  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 52

    Celeste's POV Muntik nang mahulog ang baso sa kamay ko nang marinig ko ang sunod-sunod na pagkatok sa pinto. Wala naman akong inaasahang bisita ngayon. Si Ninong Chester naman ay lumabas sandali para asikasuhin ang ilang bagay sa ospital. Dahan-dahan akong lumapit sa pinto, dama ang kaba sa dibdib. Pagbukas ko, halos manlaki ang mga mata ko sa sobrang gulat. “Mama? Papa?” Nakatayo sa harapan ko ang mga magulang ko—si Mama Calista at Papa Carlos. Parehong nakataas ang kilay at may halong pagtataka ang mga tingin sa akin. “Anak, anong ginagawa mo rito?” tanong agad ni Mama. “At bakit ang lalaki ng damit mo?” Pakiramdam ko ay natuyuan ako ng dugo sa katawan. Hindi ko inaasahang darating sila. At higit sa lahat, hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kung bakit ako narito! Mabilis akong nag-isip ng palusot. “Ah… e, kasi—uhm—nagpunta ako rito para makiusap kay Ninong Chester tungkol sa—sa kaso ko!” Napatingin si Papa sa loob ng penthouse ni Ninong Chester. “Bakit hindi mo kami

    Huling Na-update : 2025-03-13

Pinakabagong kabanata

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 171

    Celeste's POVNamumula ang mga mata ni Chester nang muli ko siyang tingnan—mga matang punong-puno ng lungkot, pangungulila, at isang napakatinding pagsusumamo. Para siyang batang naiwan sa ulan, basang-basa ng pait at pag-asa, nakatingin sa akin na parang ako na lang ang natitirang dahilan ng mundo niya para magpatuloy. At sa bawat pilit niyang pagngiti sa kabila ng nangingilid na luha, ramdam ko ang bigat ng pinipigil niyang damdamin—ang matagal nang pangungulila, at ang sakit ng pagbitaw.Hindi ko na kayang tiisin pa ang tingin niyang iyon.Pagod na ako—pagod nang lumayo, magkunwaring buo ako, magkunwaring wala na akong nararamdaman. Ilang gabi na akong umiiyak habang yakap si Caleigh, iniisip kung tama ba ang ginawa kong pagputol sa amin, kung makakaya ko bang mabuhay sa mundong alam kong wala siya. At ngayong narito siya, kaharap ko, sugatan pero humihiling pa rin ng ikalawang pagkakataon, bakit pa ako magpapanggap?Kung dati ay binigyan niya ako ng pag-asa, binigyan niya ako ng p

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 170

    Celeste’s POVTahimik ang buong paligid habang hinahayaan kong lamunin ng katahimikan ang kuwarto. Sa labas ay ang patak ng ulan, tila nakikiayon sa bigat ng damdaming pilit kong kinukubli. Sa loob ng banyo, maririnig ang pagbuhos ng tubig sa shower—si Chester. Naliligo siya matapos ang mahabang araw. At heto ako ngayon, nakatayo sa gitna ng kuwartong minsan naming pinagsaluhan ng mahihiwagang gabi’t masalimuot na umaga.Habang nagpapahid ng luha, pinilit kong ibaling ang atensyon ko sa isang praktikal na bagay—ang hanapan siya ng maisusuot ngayong gabi. Hindi ko siya kayang paalisin sa ganitong oras. At saka, bahay niya rin ito, kahit pa ako ang naiwan dito. Siya ang nagpatayo ng bahay na ito, siya ang nagdisenyo ng bawat dingding, bawat sulok. Lahat ay may bakas niya.Binuksan ko ang closet at halos mapangiti nang makitang nandoon pa rin ang ilan niyang lumang damit. Maayos pa rin ang pagkaka-fold, parang hinihintay siyang muling bumalik. Kinuha ko ang isang puting cotton shirt at g

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 169

    Celeste's POV Napakabigat. Para akong binuhusan ng isang drum ng malamig na tubig habang binubuhat ng libo-libong batong nakapatong sa dibdib ko. Hindi ko alam kung paano ako humahakbang palabas ng ospital, hindi ko rin alam kung paano ako humihinga habang patuloy lang ang pagbagsak ng luha ko—tila walang katapusan, parang ilog na hindi maampat ang agos.Kasabay ng bawat patak ng luha ko ay ang paulit-ulit na tanong sa isip ko—bakit? Bakit kailangang itago sa akin ang katotohanan? Bakit kailangang malaman ko ito sa ganitong marahas at masakit na paraan? Hindi ba ako karapat-dapat malaman kung sino talaga ako?Pagkalabas namin ni Chester sa ospital, bigla akong napahinto sa tabi ng pader. Doon ko na hindi na napigilan ang sarili ko. Napaupo ako sa malamig na semento, nakayuko, habang walang tigil ang pag-iyak ko. Nanginginig ang buong katawan ko, hindi dahil sa lamig, kundi dahil sa sobrang sakit at pagkabigo. I felt like a stranger in my own skin. Hindi ko na kilala ang sarili ko. Pa

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 168

    Celeste’s POVIsang linggo na ang lumipas, ngunit para pa rin akong binabagabag ng bawat alaalang parang sariwa pa ring humihiwa sa puso ko. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang nangyari—ang pagsubok ni Isabelle na patayin si Reginald, ang duguang katawan niya sa sahig ng Villamor Mansion, at ang mukha ni Chester, puno ng takot, galit, at pagkawasak.Pero higit sa lahat, ang pinakamahirap tanggapin ay ang katotohanan—na si Chester ay hindi isang tunay na Villamor, at ako... ako pala ang anak ng hayop na si Reginald Villamor. Isang bunga ng kasalanan. Isang patunay ng isang gabi ng karahasan at panggagahasa.Walang araw na lumilipas na hindi ko tanungin ang sarili ko kung paano ko kakayaning tanggapin ang katotohanang iyon. Hindi ko nga alam kung paanong hindi ko nasuka ang sarili ko sa tuwing naiisip ko kung sino talaga ang gumawa sa akin. Sa tuwing sinisilip ko ang silid ni Reginald, para akong sinasakal ng galit at pandidiri.Naputol lang ang pag-iisip ko nang biglang tumabi si C

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 167

    Chester’s POVHalos hindi ko na maramdaman ang tibok ng puso ko sa sobrang takot at galit. Nanginginig ang buo kong katawan, parang sasabog ang ulo ko sa dami ng emosyon na nagsisiksikan sa dibdib ko. Para akong nakalutang sa gitna ng masamang panaginip na hindi ko matakasan, habang pinagmamasdan si Isabelle—nakahandusay sa malamig na sahig ng mansion, duguan ang kamay, hawak pa rin ang kutsilyo na muntik nang pumatay sa akin.She was trembling, but her eyes still burned with obsession. Para siyang isang nilikhang nilamon ng sarili niyang delusyon. Hindi ko na siya makilala.“Diyos ko…” bulong ko, halos hindi lumalabas ang boses ko habang hinahabol ko ang hininga. Hindi ko alam kung dahil ba sa takot, sa pagod, o sa takot na mawalan ako ng isa pang mahal sa buhay ngayong gabi.Nanginginig ang mga daliri ko habang pinulot ko ang cellphone na tumilapon sa tiles nang mangyari ang kaguluhan. Nanlalamig ang pawis ko, bumabalot ang kaba sa buong katawan ko habang tinitingnan ko si Dad—nakah

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 166

    Chester’s POVMadaling araw na nang magising ako. Tahimik ang buong ospital, tanging mahinang humuhuning aircon at ang marahang paghinga ni Caleigh ang nagsisilbing musika sa paligid. Nakaupo ako sa maliit na couch sa sulok ng silid, pilit na pinipikit ang mga mata ngunit nananatiling gising ang diwa ko. Ang dami pa ring gumugulo sa isip ko—ang kalagayan ni Caleigh, si Celeste, ang kinabukasan naming tatlo, at ang katotohanan na pilit kong hinuhukay mula sa nakaraan.Bigla kong naramdaman ang pag-vibrate ng cellphone ko sa bulsa. Mabilis akong napabangon, at nang makita ang pangalan sa screen, agad akong kinabahan.Si Daddy.Sinagot ko ang tawag at agad na sumalubong sa tenga ko ang nanginginig na tinig ng lalaking halos kalahati ng pagkatao ko."C-Chester, anak… tulongan mo ako…"Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Umangat ang balahibo ko sa braso. Hindi ko pa naririnig ang boses niya sa ganitong anyo—basag, paos, at puno ng takot."Dad? Nasaan ka? Anong nangyayari?" nangingini

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 165

    Celeste’s POVNakahiga ako sa couch ng private room ni Caleigh habang binabasa ang bagong medical report na galing sa pedia. Kahit papaano, mas gumaan na ang pakiramdam ko. Bumabalik na ang sigla ng anak namin, at malapit na siyang i-discharge kung patuloy ang paggaling niya. Pero habang abala ako sa pagbabasa, bigla kong narinig ang mahinang tunog ng doorknob ng banyo. Napalingon ako, at sa isang iglap, para akong na-paralyze.Bumukas ang pintuan ng banyo, at tumambad sa akin si Chester—topless, basa pa ang buhok, at tanging puting tuwalya lamang ang nakapulupot sa baywang niya.Hindi ako agad nakagalaw.Tumulo ang tubig mula sa kanyang buhok, dumaan sa matigas niyang panga, sa leeg, at dumausdos pa hanggang sa matipuno niyang dibdib. Hindi ko mapigilan ang sarili kong titigan siya. Parang slow motion ang bawat hakbang niya palapit sa akin. Bawat patak ng tubig ay parang musika na nanunukso sa pandinig ko.Mabilis kong iniwas ang tingin nang magtama ang mga mata namin. Hindi ko maint

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 164

    Celeste’s POVTahimik ang kwarto. Tanging mahina at regular na paghinga ni Caleigh ang bumabasag sa katahimikan. Nakaupo ako sa isang sulok habang pinagmamasdan ang mag-ama—si Chester, at ang anak naming si Caleigh—na tila ba walang anuman ang bigat ng mga tanong na bumabalot sa pagitan naming dalawa.Dahan-dahan niyang hinihili ang buhok ni Caleigh, marahang inaayos ang nakalugay nitong bangs habang nakapikit ang bata. Napakaingat ng bawat galaw niya, tila ba isa siyang alagad ng sining at ang hawak niya ay ang pinakamahalagang obra.There was something undeniably heartbreaking about watching them like this. Something tender. Something so painful it almost made me want to look away. Pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang hindi pagmasdan ang lalaking minsan kong kinamuhian, minahal, tinanggihan, at ngayon, hindi ko na alam kung anong posisyon niya sa puso ko.“Celeste,” mahina pero buo niyang tawag, hindi inaalis ang tingin sa anak namin. “Let’s take the test.”Agad akong natahimik. Para

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 163

    Celeste's POV Nang tuluyang makaalis si Isabelle, agad akong kumawala mula sa pagkakayakap ni Chester. Para akong nakalunok ng apoy—umiinit ang dibdib ko sa galit, sa inis, at sa sobrang pagkalito. Hinawi ko ang kaniyang mga bisig na tila ba umaangkin pa rin sa katawan ko kahit pa malinaw na malinaw sa amin pareho kung gaano kasalimuot ang sitwasyon namin.Mabilis akong bumaba ng kotse at inayos ang gusot ng blouse ko habang nanginginig ang mga kamay ko—hindi sa lamig kundi sa emosyon na pilit kong pinipigil mula kanina. Pakiramdam ko ay nilapastangan ko ang sarili ko sa pagtugon sa halik na ‘yon. At kahit anong pilit kong iwasan ang katotohanan, ramdam ko pa rin ang apoy na iniwan ng mga labi niya sa balat ko.“Celeste, wait!” sigaw ni Chester mula sa loob ng sasakyan.Hindi ko siya nilingon. Humakbang ako papunta sa kotse ko, pero bago ko pa man mabuksan ang pinto, inabot niya ang braso ko mula sa likuran. Hinila niya ako paharap at doon ko siya hinarap—kasabay ng isang malutong na

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status