Good morning. Update ako ng maaga kadi may review ako from 5pm to 9:30pm 😩
Celeste's POV Matagal nang hindi nagkakaroon ng malaking selebrasyon sa Alvarez & Associates, ang prestihiyosong law firm kung saan ako nagtatrabaho. Pero ngayong gabi, nagtipon-tipon ang mga abogado at empleyado sa isang marangyang venue upang ipagdiwang ang ika-30 anibersaryo ng kumpanya. Ang buong ballroom ng isang mamahaling hotel sa Makati ay puno ng mga kilalang abogado, kliyente, at iba pang personalidad sa industriya ng batas. May mga chandeliers na nagbibigay ng eleganteng liwanag, isang live band na tumutugtog ng soft jazz, at isang open bar na tila magnet para sa karamihan ng mga kasamahan ko. Sa ganitong klaseng event, mahirap umiwas sa atensyon. Bilang isa sa mga top attorneys ng firm, isa ako sa mga inirampa ng senior partners bilang "rising star" sa larangan ng litigation. At dahil doon, mas dumami ang mga matang nakatutok sa akin—isang bagay na dapat kong pag-ingatan, lalo na’t tatlong buwan na akong buntis. "Celeste, halika na!" tawag ni Atty. Marcus, isa sa mga m
Celeste's POV Pinunasan ni Ninong Chester ang kanyang labi gamit ang hinlalaki niya, saka dahan-dahang pinaandar ang sasakyan. Ilang minuto ang lumipas nang hindi siya nagsasalita, hanggang sa hindi niya na yata kinaya. "You know," he started, his voice dripping with amusement. "If I didn’t know any better, Celeste… I’d say you were jealous." Mabilis akong napalingon sa kanya. "Sino? Ako? Jealous?!" Napalakas ang boses ko. He chuckled. "Masyado kang defensive." "Nagpapakita lang ako ng respeto sa asawa ko!" sagot ko, halos mag-crack na ang boses ko sa inis. Natawa lang siya. "Celeste." Ikiniling niya ang ulo niya paharap sa akin habang patuloy na nagmamaneho. "Admit it. You were jealous." "Hindi ako nagseselos!" "Talaga lang?" He smirked. "Kasi mukhang gusto mong ihagis si Andrea palabas ng ballroom kanina." Napaikot ang mga mata ko. "Ang kapal kasi ng mukha! Alam niyang kasal ka, tapos ganiyan pa siya makatingin?!" He grinned. "Wait. So, may epekto pala sa'yo kapag may ib
Celeste's POV 2:34 AM Nagising ako nang may bigla akong naramdaman. Nagugutom ako at hindi lang basta gutom—nag-crave ako. Naisip ko ang isang partikular na pagkain na hindi ko na matanggal sa utak ko. Lanzones. As in, ‘yung tamang-tama lang ang tamis, hindi ‘yung sobrang asim. ‘Yung bagong pitas, hindi ‘yung ilang araw nang nakatambak sa grocery store. Napahawak ako sa tiyan ko.“Baby, bakit ngayon pa?” bulong ko, sabay irap sa sarili ko. "Gusto mo ba talaga akong pahirapan?" Sinubukan kong huwag pansinin, pero habang lumilipas ang minuto, lalong lumakas ang cravings ko. Hindi na ako makatulog. Pinikit ko ang mga mata ko at huminga nang malalim. Naiisp kong utosan na lang si Ninong Chester. Alam kong mahirap gisingin ang lalaking ‘yon. Pero wala akong pake. Dahan-dahan akong bumangon, naglakad palabas ng kwarto, at tinungo ang kabilang silid. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Madilim ang loob, pero maliwanag ang ilaw sa lampshade niya kaya kitang-kita ko siyang nakahiga
Celeste's POV Pagdating ko sa opisina, ang unang bumungad sa akin ay ang secretary kong si Trina—at sa kamay niya, may hawak siyang isang pirasong tulip. Napakunot ang noo ko. "Good morning, Atty. Celeste!" masiglang bati niya. "May nagpapabigay po nito sa inyo." Napangiwi ako habang nakatitig sa pink na tulip na hawak niya. "At sino namang nagpadala niyan?" Napangiti si Trina, halatang kinikilig. "Si Dr. Miguel Ramirez po." Agad akong napairap. Si Dr. Miguel Ramirez. Ang doktor na nagtatrabaho sa ospital ng asawa kong si Ninong Chester. Ang doktor na—hindi ko type kahit malakas naman ang appeal niya. "Wow," sarkastiko kong sabi, kinuha ang tulip mula sa kanya, at tiningnan ito nang mabuti. "At anong sinabi niya nang ibigay ‘to?" "Ang sabi niya po, ‘Hope you have a great day, Atty. Celeste. Tulips for a strong and beautiful woman like you.’" Napangiwi ako lalo. "Trina, may tanong ako." "Ano po ‘yon, Ma’am?" "Hindi ba dapat bouquet ‘to kung talagang sincere siya?" Napatawa
Celeste's POV Pagkabalik ko sa law firm, nadatnan kong abala ang mga tao. Maraming naglalakad sa hallway, may mga attorneys na nag-uusap sa isang sulok, at ang sekretarya kong si Trina ay mukhang hindi mapakali habang may kausap sa telepono. Huminga ako nang malalim at nagpatuloy papasok sa opisina ko, pero bigla akong napatigil nang makita kung sino ang naghihintay sa akin sa loob. Nakaupo sa guest chair si Dr. Miguel Ramirez, naka-de-kuwatro at parang wala lang. At sa kabilang gilid, nakatayo si Dr. Chester Villamor. Nakasalubong ko agad ang malamig na tingin ni Ninong Chester, halatang hindi natuwa sa nakita niya. Nakalimutan kong may tawag pala siya kanina! "Wow," sabi ko habang tinatanggal ang coat ko. "Ang aga ng reunion ninyo, ah." "Celeste," seryosong tawag ni Ninong Chester habang nakakunot ang noo. "Ano’ng ginagawa niya rito?" Alam kong si Dr. Miguel ang tinutukoy niya, pero sa halip na sagutin siya agad, dumiretso ako sa desk ko at inayos ang mga papeles. "Relax ka
Celeste's POV Malamig ang hangin nang magmulat ako ng mata. Banayad na sumasayaw ang puting kurtina sa bintana dahil sa simoy ng hangin, at ang sinag ng araw ay malambing na tumatama sa mukha ko. Saglit akong nag-inat bago bumaling sa kabilang gilid ng kama—at napasinghap. May nakita among isang malaking bouquet ng bulaklak ang nasa tabi ko. Napakurap ako ng ilang beses, tinapik ang sarili sa pisngi para siguraduhin kung gising na ba ako o nananaginip pa. Pero hindi—totoo ito. Nasa tabi ko ang isang malaking bouquet ng white tulips at red roses na may kasamang eleganteng ribbon. Sa tabi ng bouquet ay isang tray na may iba't ibang klase ng prutas—slices ng apple, mango, grapes, at ang pinakapaborito ko sa lahat—strawberries. Napakagat ako sa labi, pilit na pinipigil ang kilig na biglang bumalot sa akin. Sino pa nga ba ang gagawa nito? Sino pa ang makakaisip na bigyan ako ng mga paborito kong prutas sa umaga? Sino pa ang mahilig sa grand gestures kahit na hindi naman siya romant
Celeste's POV Katatapos ko lang maligo nang maramdaman ko ang matinding kirot sa aking tiyan. Napasapo ako sa aking sinapupunan habang unti-unting bumibigat ang aking paghinga. “Ahh…” Para akong kinukurot mula sa loob. Mabilis akong napahawak sa pader ng banyo upang hindi matumba. Nagpapanic ako. Hindi ko pa kailanman naramdaman ang ganitong klase ng sakit. Kinakabahan, agad akong lumabas ng banyo, basang-basa pa ang buhok at naka-balot lang ng puting robe. Agad kong kinuha ang cellphone ko at hinanap ang contact ni Ninong Chester. Dialing… Rinig ko ang pag-ring sa kabilang linya habang nanginginig ang daliri kong mahigpit na nakahawak sa cellphone. “Sagutin mo… please…” bulong ko, halos pumikit na lang sa sakit. Ngunit ilang ring na ang lumipas, walang sumasagot. Muli akong tumawag. Isa. Dalawa. Tatlong beses. Wala pa rin. Nanlabo ang paningin ko dahil sa kaba. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Pinilit kong huminga nang malalim, pilit na iniinda ang sakit habang nagl
Celeste's POV "Sigurado ka bang ayos ka na?" Mula sa kinahihigaan ko sa kama, nakita kong nakatayo si Chester sa tabi, nakakunot ang noo at halatang hindi pa rin kampante sa kalagayan ko. Kanina pa siya pabalik-balik sa kwarto, hindi mapakali. Kahit sinabi na ng doktor na wala namang seryosong nangyari sa baby namin at kailangan ko lang magpahinga, hindi pa rin siya makampante. Napabuntong-hininga ako at napailing. Masyado siyang overprotective. Nakangiti akong tumingin sa kanya. "Ninong, ilang beses ko nang sinabing ayos lang ako. Hindi mo na kailangang mag-alala nang ganyan." Pero hindi siya nakinig. Lumapit siya at inayos ang kumot ko, kahit maayos naman ito. "Dapat kang magpahinga. Ayaw kong maulit ang nangyari kanina." Ibinaba niya ang tingin niya sa tiyan ko, saka marahang hinaplos ito sa labas ng kumot. Ramdam ko ang init ng palad niya. Para akong na-freeze sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagod o sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. "Ang baby natin
Celeste's POV"C-Chester?" usal ko nang mapansin ang pamilyar na pigura ng lalaki hindi kalayuan sa amin.Parang may mali sa aking paningin. Ang puso ko ay parang kumakabog nang mabilis, at ang mga paa ko ay para bang hindi makagalaw. Iba't ibang emosyon ang dumaan sa akin nang makita ko si Chester sa mismong araw ng birthday at binyag ni Caleigh. Alam kong nandito siya, ngunit hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng presensya niyang iyon. Ang lalaki na iniwasan ko, ang lalaki na hindi ko alam kung anong nangyari sa aming relasyon, ay nariyan—nagpakita sa okasyong hindi ko inasahan."Excuse me," mahinang sinabi ko kay Joaquin, na kasalukuyang katabi ko. "May pupuntahan lang akong bisita."Ngunit ang totoo, gusto ko lang siguraduhin na hindi ako nagkakamali. Baka naman nananabik lang ako. Gusto kong mapatunayan sa aking sarili na hindi lang ako namamalikmata. Hindi ko kayang makita si Chester na nawawala sa aming buhay. Gusto ko lang malaman kung siya nga iyon. Ilang segundo lang, na
Chester's POVHindi ko pa rin matanggap ang lahat ng nangyari. Bawat araw na lumilipas mula noong iniwan ko si Celeste, parang may matigas na piraso ng bato na nakabara sa dibdib ko—ang bigat ng desisyon ko na walang kaligayahan, at ang patuloy na paggugol ng oras ko sa isang hindi natutunang aral. Ang penthouse ko, na dati ay puno ng tawanan at pagmamahalan, ngayon ay tila isang malamlam na kuweba ng mga alaalang masakit. Hindi ko alam kung anong klaseng tao na ako. Minsan naiisip ko na mas mabuti nang lumayo—kung aalis ako, hindi ko kailangang patuloy na makita ang mukha ng babaeng minahal ko nang sobra, pero ngayon ay alam kong imposible.Ilang araw nang naglalaro sa isip ko ang desisyon ko. Gusto ko siyang balikan, ang pagmamahal namin, ang lahat ng naiwan na masaya, pero ni hindi ko kayang magsinungaling. Kung muling magbabalik siya sa buhay ko, magiging masakit lang ang lahat. Hindi ko kayang baguhin ang mga itinakdang batas ng buhay, at hindi ko kayang labanan ang tadhana. Magk
Chester's POVTahimik ang buong bahay. Tanging ang mahihinang hikbi ni Celeste ang naririnig ko habang nakaupo siya sa sahig, hawak pa rin ang annulment papers na ako mismo ang nag-abot sa kaniya. God, what have I done?Bahagya akong lumingon. Palihim ko siyang sinulyapan—ang babaeng minahal ko ng buong puso. Nakalugmok siya, tila gumuho ang buong mundo niya. At ako, ako ang dahilan ng lahat ng sakit na 'yon.Humigpit ang pagkakakuyom ko sa doorknob ng kwarto namin, pinilit kong hindi lumapit. Dahil alam kong kapag niyakap ko siya, kapag hinayaan kong marinig niya ang tibok ng puso kong ito na para pa rin sa kaniya—mababasag ang desisyon kong buuin ang distansya sa pagitan naming dalawa.Mahal ko si Celeste. That’s the irony of it all. Mahal na mahal ko siya kaya ko siya kailangang iwan.Pumasok ako sa silid namin at agad kong dinampot ang maleta sa ilalim ng kama. Isa-isa kong inilagay ang ilang mga damit, mga gamit ko sa ospital, ilang personal na gamit. Pilit kong pinanatag ang sa
Celeste's POVPitong araw na ako naghihintay ng kahit katiting na lambing mula kay Chester, ngunit wala—hindi man lang ako matitigan sa mata, ni hindi ako mahalikan sa labi gaya ng dati. Ang dating mainit na yakap tuwing gabi, napalitan ng katahimikan at espasyong parang bangin sa pagitan naming dalawa. At kahit ilang beses ko na siyang sinubukang lapitan, lambingin, o kausapin nang maayos, hindi ko siya maramdaman. Para bang may pader na hindi ko matawid.Simula nang makita niya kaming magkasabay ni Joaquin sa labas ng bahay, bigla siyang nagbago. Wala naman akong ginawang masama. Hinatid lang naman ako ng kaibigan ko matapos ang isang mahabang araw sa korte, pero ang naging reaksyon ni Chester ay parang nahuli niya akong may kasalanan. Hindi siya nagsalita, pero mas mabigat pa sa sigawan ang katahimikan niya.Minsan, alas-dose na ako natutulog, umaasa na maririnig ko ang tunog ng pinto, ang yabag ng sapatos niya sa hallway, o kahit ang mahina niyang bulong ng “I’m home,” pero walang
Celeste's POVLumalim ang hinga ko habang tinititigan ko si Atty. Lourdes Sanchez na kasalukuyang nakatayo sa tapat ng coffee station sa labas ng courtroom. Dala niya ang kaniyang signature Louis Vuitton tote. She always dressed like she was attending a fashion week, not a legal battle. Ngunit higit pa sa panlabas na anyo ang tunay na dahilan kung bakit hindi ko siya kailanman kinampihan—she was ruthless, manipulative, and dangerously charming.Ako ang nauna sa korte ngayon. Dumiretso ako sa preparation room bitbit ang mga dokumento ng kaso, pero makalipas ang ilang minuto, nariyan na agad si Lourdes. At gaya ng dati, hindi siya papayag na hindi ako asarin.“Ang aga mo ngayon, Celeste,” simula niya, habang pa-casual na nagsasalin ng kape. “Baka sakaling mauna ka ring matalo?”Ngumiti ako ng matamis, pero may bahid ng asido. “Mas gusto ko kasing nauuna sa lahat. Unlike others na laging second choice.”Bigla siyang napahinto. Tumitig siya sa akin habang dahan-dahang nilapag ang tasa sa
Celeste’s POVAlas dos na ng madaling araw nang marating ko ang bahay. Pagkababa ko ng kotse, tahimik ang paligid at malamig ang simoy ng hangin—parang sumasalamin sa bigat ng nararamdaman ko. Inaantok at pagod na pagod ako, pero higit pa roon, mas nangingibabaw ang lungkot at pag-aalala.Pinagbuksan ako ni Ate Sofia ng pinto. Nakangiti siya sa akin, bitbit ang tasa ng mainit na gatas.“Uy, akala ko dito ka na sa office matutulog. Mabuti’t nakauwi ka rin,” sabi niya habang inaabot sa akin ang tasa.Napangiti ako nang bahagya. “Thanks, Ate.” Umupo ako sa couch habang siya naman ay tumabi sa akin."Nakauwi na ba si Chester?" tanong ko, inaasahang maririnig ko ang boses niya sa itaas o makita siyang bumababa ng hagdan.Umiling si Ate Sofia. "Hindi pa. Akala ko nga ay sabay kayong uuwi mag-asawa."Nawala ang ngiti sa labi ko at napatingin ako sa pinto, na parang umaasang bumukas iyon at bigla siyang lilitaw. Pero wala.Muli kong naalala ang nakita ko kahapon—si Chester at si Lourdes, magk
Celeste’s POVBuong maghapon akong parang wala sa sarili. Sa bawat segundo, paulit-ulit lang ang tanong sa utak ko: Bakit hindi siya nagparamdam? Hindi ba niya ako naiisip man lang? Ilang beses kong tiningnan ang cellphone ko, umaasang may mensahe o kahit isang tawag galing kay Chester—pero wala. Ni isang notification mula sa kaniya ay hindi ko natanggap.Sinasabi ko sa sarili ko na baka busy lang siya. Na baka may inasikaso lang talaga siyang importante. Pero hanggang kailan ko ipagtatanggol ang asawa ko sa sarili kong isipan? Kung talagang importante ako sa kanya, hindi niya ako hahayaang maghintay ng wala.Hindi ko alam kung dahil lang ba sa selos o sa pangamba, pero hindi ko maiwasang isipin si Lourdes. Nakita ko kanina kung paano siya inasikaso ni Chester. Kung paano siya inalalayan. Ganoon din ba ang ginagawa niya kapag ako ang nasasaktan? O si Lourdes na ba ang mas iniingatan niya ngayon?"Hey, may problema ba? Mukhang malalim ang iniisip mo," saad ni Joaquin, pilit inaagaw ang
Celeste’s POVMaaga akong dumating sa law firm ngayon. Gusto kong maagang matapos ang mga nakatambak na kaso para makauwi rin agad. Ayoko nang palampasin pa ang pagkakataong ayusin namin ni Chester ang pagitan namin. Hindi ko pa rin malimutan ang nangyari kagabi—ang bigla niyang pagseselos, ang selos na nauwi sa isang marahas na suntok, at pagkatapos ay ang gabing nauwi sa isang mainit na pagtatalik.Gulong-gulo pa rin ang isip ko.Papasok na sana ako sa loob ng building nang biglang bumungad si Atty. Dina Cayapan—isa sa mga una kong na-close na case lawyer dito sa firm. Maingay, palakaibigan, pero may pagka-tsismosa rin."Atty. Celeste!" tawag niya habang nagmamadaling lumapit. "May chika ako, grabe!"Napakunot ang noo ko. Ano na naman ‘to? Ngunit kinuha ko rin ang cellphone na iniabot niya sa akin, dala na rin ng kuryosidad."Ano 'yon?" tanong ko, at nang ibaling ko ang paningin ko sa screen ng phone niya, agad akong natigilan.Larawan iyon ni Chester kasama si Isabelle sa loob ng i
Celeste’s POVHindi ako makapaniwala sa inasal ni Chester.Nanatili akong nakatayo sa labas, nakatulala habang pinanonood siyang naglalakad papasok ng bahay, galit na galit, tila isang bombang sasabog anumang sandali. Mabilis ang tibok ng puso ko. Ramdam ko ang panginginig ng mga daliri ko sa kaba at pagkabigla.Hindi ko alam kung mas nasaktan ako sa biglaan niyang pagsugod sa kasama ko… o sa malamig at selosong tingin na ibinigay niya sa akin pagkatapos.Bakit parang hindi niya ako pinagkakatiwalaan?Mabilis akong nagpaalam sa kasama ko, humingi ng paumanhin, at dali-daling sumunod kay Chester sa loob. Ramdam ko pa rin ang bigat ng tingin ng mga kasambahay sa akin habang pinapanood nila akong pumasok.Pagkapasok ko sa bahay, nakita ko siyang nakaupo sa sofa, nakasubsob ang ulo sa pagitan ng kanyang mga kamay, parang nilalamon ng sarili niyang emosyon.Tahimik ang buong paligid. Tanging ang mabigat niyang paghinga at ang tunog ng orasan sa dingding ang maririnig.Dahan-dahan akong lum