Chester's POV Ang tunog ng monitor sa operating room ang una kong narinig sa pagpasok ko. Rhythmic beeping, isang paalala na may buhay na nakasalalay sa kamay ko. "Status ng pasiyente?" tanong ko, habang isinusuot ang gloves. "Si Mr. Alvarez, 56 years old, may multiple blockages sa coronary arteries. High risk pero stable ang vitals niya for now," sagot ng assisting surgeon ko, si Dr. Santos. Tumango ako. "Prepped na ba for bypass?" "Yes, doc. Ready na rin ang graft vessel." Huminga ako nang malalim. Alam kong kailangang kong maging kalmado. Ang bawat galaw ng kamay ko ngayon, ang bawat desisyon, pwedeng maging dahilan kung mabubuhay o hindi ang pasyente ko. "Scalpel," utos ko, at inabot ito ng scrub nurse. Isang malalim na hiwa ang ginawa ko sa dibdib ng pasyente. Dahan-dahan at may pag-iingat. Pagkatapos, ginamit ko ang sternotomy saw para hatiin ang kanyang sternum, binuksan ang rib cage para makita ang puso. "Expose the heart properly," utos ko, at mabilis na gumalaw ang
Terakhir Diperbarui : 2025-03-07 Baca selengkapnya